"Can I talk to you?" Halos mapapitlag ako ng marinig ang baritonong boses ni Chad sa likuran ko. Gabi na at nagpapahinga na rin ako, hindi nga lang ako inaantok kaya pinili kong manatili muna sa veranda at mag-tsaa.
Nilinis ko ang lalamunan at kinampante ang sarili. Para nanaman kasing may nag-uunahang kabayo sa dibdib ko sa 'di malamang dahilan.
"Uhm, O-oo naman."
Umikot naman siya at naupo sa katapat na upuan. Napansin ko na luminga pa siya sa paligid, mukhang tensiyonado rin siya. Medyo kinabahan ako, tatanggalin niya na ba 'ko sa trabaho?
"About your work.." panimula niya.
Sinasabi ko na nga ba!
"B-bakit? May problema ba sa akin? M-may nahanap ka na bang papalit sa akin?" Mahinang tanong ko. Literal dahil nanghihina talaga ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng work, may kapatid pa akong nag-aaral sa college, nagme-maintenance din ang mama ko at sa akin lang sila umaasa.
"What? No! I mean, gusto mo ba ng extra income?"
Napanganga ako, gusto ko na lang lumubog sa kinauupuan ko.
"H-hah? Ahh.. anong klaseng trabaho?"
"Open-minded ka ba at mahilig sa art?"
Lalong kumunot ang noo ko. Nahihiwagaan ako sa sinasabi niya.
"Open minded ako pero hindi ako ganoon kahilig sa art."
"I see, but at least you know how to understand my offer."
Nababagalan ako sa usad ng usapan namin. Kaya tuloy ako nao-overthink.
"Prangkahin mo na nga ako, Chad. Ano bang klaseng trabaho yan?"
"Be my model." Deretsong wika niya.
"Model? Ng ano? Photographer ka?"
Napangiti siya, sabay-sabay na lumitaw ang mapuputi niyang ngipin at mababaw na biloy sa magkabila niyang pisngi.
"No, I'm a painter."
Ilang beses akong napapikit ng sunod-sunod. Parang alam ko na ang tinutumbok niya.
"Okey, pwede naman akong mag-pose nang matagal sa harap mo basta walang hawak na kung anu-ano."
Kampante ko na ring inubos ang tsaa sa baso ko, akala ko naman kung ano ang trabahong sinasabi niya. It's my pleasure na maipinta, ibig sabihin kasi nun, kahit papa'no may nakita siyang maganda sa akin. Parang gusto ko kiligin sa isiping iyon.
"I want you n*ked too."
Pakiramdam ko bumara ang tsaa sa lalamunan ko pagkarinig ng sinabi niya. Hindi iyon tumuloy sa sikmura ko at nailabas ng tuluyan.
"N-n*ked?" Pag-uulit ko.
Parang may naglarong mga paruparu sa tiyan ko.
"Yes, can you do that? Don't worry, mahahawakan mo na ang bayad bago pa man ang trabaho. Here," aniya bago iniabot ang sobreng galing yata sa kung saan.
Hindi ko muna iyon inabot, tinitigan ko lang ang sobre habang nagdadalawang isip. Wala pang nakakita sa kahubaran ko, saka hindi ba nakakahiyang ipipinta niya ako ng ganoon ang hitsura?
Kaya nga art, Lorryn!
Bulong ng kabilang parte ng utak ko.
"Ah- pwede ko bang pag-isipan muna 'to o kailangan mo nang sagot ngayon?"
Nagkibit-balikat siya at lumabi.
"Well, I can give you until tomorrow morning. You have all night to think about it. At, baka lang inaalala mo kaya ka nagdadalawang isip, I'm a professional artist. Walang malisya sa akin ang kahubaran ng isang tao, okey?"
Napalunok ako ng laway, ang lumanay ng boses niya at maaliwalas din ang mukha. Sinabayan pa iyon ng kiming ngiti.
"Yung… dalawang babae kanina, model rin ba sila?" Hindi ko mapigilang hindi tanungin. Kanina pa rin kasi iyon gumugulo sa isip ko.
"Yeah, they are great actually."
Napatango ako. "S-sige, pag-iisipan ko muna," saad ko saka muling inurong ang sobre sa tapat niya.
"No, take this. You can use this as your inspiration." Kinindatan niya pa ako bago siya tumayo. "So, talk to you again tomorrow."
Tumango na lang ako.
Ng tuluyan siyang mawala ay saka pa lang ako napabuga ng hangin. Muling natuon ang atensiyon ko sa sobre. Kinuha ko iyon at tiningnan ang laman sa loob, isang pirasong papel. Malamang ay cheque.
50 thousand para lang sa pagiging modelo at ilang gabi ng trabaho?!
Nanlaki talaga ang mga mata ko. Kung sa pagiging private nurse, isang buwan at kalahati ko yung pagpapaguran dito.
Inspirasyon nga, o mas madaling sabihin na pang-akit. Kung tutuusin, pwede ko naman itong tanggihan dahil sapat ang sahod ko para sa amin. Pero gusto ko nga bang palipasin ang pagkakataon na ito?
Umakyat na ako sa kwarto ko, nanakit ang ulo ko sa kaiisip. Nakakainis, malaking parte kasi ng isip ko ang pabor sa alok ni Chad, tanging ang hiya lamang ang kumukontra.
Napabalik lang ako sa reyalidad ng tumunog ang cellphone ko. Number ni Jerome ang nasa screen, ang kapatid ko. Kaagad ko iyong sinagot.
"Hello, Ate!" Bulalas niya.
Kinabahan ako kaya pabalikwas akong bumangon.
"O, bakit?"
"Si mama," ramdam ko kahit sa cellphone lang ang nanginginig na boses ni Jerome.
"Bakit? Anong.. nangyari?"
"Ate, kailangan na raw maoperahan si Mama, hindi na kaya ng dialysis lang. May nahanap na ring kidney na akma sa katawan niya. Downpayment mo na lang at approval ang hinihintay."
"Ah- sige, pakausap ako kay Doc bilis.."
Sandaling nawala sa linya si Jerome, ilang sandali pa ay muli itong tumawag at sa pagkakataong iyon ay doctor na ang kausap ko.
"Doc, proceed na kayo sa operasyon. Ipapadala ko na ang downpayment bukas."
"Okey, ihahanda na namin ang mama mo at bukas ay sisimulan na. Hindi ka ba pupunta dito?"
"Tiningnan ko, Doc. Tatawagan ko lang lang kapalitan ko."
Nanlalambot akong napaupo ulit sa higaan. Parang blessing pa yata ang offer ni Chad sa akin. Timing na timing sa biglaang gastusan ko. Ngayon pati hiyang nararamdaman ko ay nahiya ng magparamdam sa akin. Wala akong karapatang tumanggi sa ganito kalaking offer gayong kailangan ako ng Mama ko.
Mahigpit kong hinawakan ang sobre, akin na 'to. Tatrabahuhin ko nang maayos upang maging deserve ko naman ang ganito kalaking bayad.
Pumasok ako sa CR at naghubad sa harap ng salamin doon. Wala namang makikitang pangit sa balat ko bagama't hindi ako maputi, pantay naman ang kulay ko. Kahit minsan ay hindi ako na-insecure sa mga mapuputi, proud akong kulay Pilipina dahil maganda iyon para sa akin.
"You're perfect,"
Napapitlag ako at hindi alam kung anong klaseng pagtatakip sa katawan ang gagawin ko. Ni hindi ako makaharap sa kanya. Ramdam ko ang mga titig sa likuran ko at kakaibang tensiyon ang dulot noon sa akin..