Hindi ako mapakali. Parang larawan ang hitsura ng Lorryn na iyon sa isip ko na hindi maalis-alis. Messy hair, sleepy eyes with creased fitted white sleeveless and thin short. Bakat din sa sando niya at short ang kanyang kaselanan at parang hindi aware ang babae doon.
Hindi niya lang alam kung paano niya nagulo ang mga dugo ko sa katawan, I didn't even notice that I turned to her completely naked. Mabuti na lang at sanay akong humarap ng normal kahit pa nga iba na ang nararamdaman ko.
Hindi kasi kita sa suot niyang uniform na sexy pala siya at balingkinitan ang katawan. Flat ang tiyan at may kurba ang balakang, may kahabaan ang legs niya bagama't hindi naman siya katangkaran, she also have this filipina beauty na hindi gaya ng iba na pilit sa pagpapaganda at pagpapaputi. Para akong nahipnotismo sa natural na gandang bigay ng kalikasan, she may not be perfect, but she's pure and natural. Para siyang sinaunang babae na binihisan ng makabagong kasuotan.
Tama! Pwede ko kaya siyang maging model? Filipinang-filipina kasi ang ganda niya at isa iyon sa plano kong gawin habang nandito sa Pilipinas. Ang totoo, sa bagay na iyon ako nahihirapang maghanap ng magiging model dahil hindi naman lingid sa akin na karamihan sa kababaihan ngayon ay inspired na sa mga beauty products.
Mayroon man siguro pero alam kong kailangan ko pa iyong hanapin sa mga probinsiya.
Bukod sa pag-aalaga kay lola, papayag naman kaya siyang sumideline na model tuwing gabi?
Ang mas inaalala ko pa, will she show me her natural art? Walang kasuotan. Kampante naman akong magiging maganda ang kalalabasan nito dahil sanay na akong humarap sa hubad na katawan ng isang tao. For me it's a beautiful art at binibigyang buhay nila ang mga obra ko.
Napabuntong-hininga ako at mariing pumikit, bukas ko na lang iisipin kung paano makukuha ang loob ng dalaga at mapapayag siya sa nais ko. Good for me kasi hindi na ako mahihirapang maghanap, baka nga mapagkamalan pa akong sindikato kapag naghanap ako sa mga probinsiya. On the other side, babayaran ko siya ng mas malaki sa maximum na binabayad ko sa ibang Model.
Bumaba na ako at kumain, pagkatapos ay bumalik na ulit sa kuwarto ko, muli akong nakaidlip. Nagising ako sa tawag ng kalikasan, parang sasabog na ang pantog ko, lagi namang ganito kapag nakalimutan kong magbawas bago matulog. Dali-dali akong nagtungo sa CR pero sa gulat ko ay naka-lock iyon!
Crap! Inis kong sinuntok ang pintuan at sa nagpipigil na lakad ay tinungo ko ang kuwarto ni Lorryn, sunod-sunod akong kumatok doon pero walang sagot mula sa loob. Mas nilakasan ko pa ang pagkatok, sinabayan ko na rin iyon ng pagtawag sa pangalan niya.
"Who is this?" Tanong mula sa loob.
Badtrip! "Just open the goddamn door!" Mahina pero may diing usal ko.
"Chad ikaw ba yan?"
Nauubusan na ko ng pasensiya but I still choose the best way, ang magmakaawang buksan niya na ang pinto.
"Just open the door please."
effective naman dahil narinig ko na ang pag-unlock noon. Marahan pa ang pagbukas niya at maliit lang ang espasyo kung saan siya sumilip.
Sa inis ko ay nilakihan ko iyon at dere-deretso akong pumasok sa loob, mabuti na lang at magaling siya umiwas dahil kung hindi, baka natamaan siya sa mukha ng pintuan.
"Ahhh." Para akong nakahinga nang maluwag ng tuluyang mailabas ang kanina pa tinitimping tubig sa puson ko.
Matapos ay sumilip lang ako sa pintuan ng banyo at inis na tinitigan siya. "Next time, huwag na huwag mong ila-lock mula dito sa banyo ang pintuan papunta sa kwarto ko, do you understand?"
Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya, for sure ay magdedeny siya at sasabihing nakalimutan lang i-unlock. Bumalik na ako sa higaan ulit pero hindi na ako binisita ng antok kaya nagpasya akong puntahan muna si Lola sa kwarto niya.
Maayos at tila nahihimbing siya sa tulog. Kinuha ko ang wheelchair niya sa gilid at doon naupo, pinagmasdan ko siya at hinaplos ang kanyang buhok. My dear lola, talagang hindi na mapipigilan ang pagtanda niya. Kung kaya ko lang, bibigyan ko siya ng ilang taon sa buhay ko maibalik lang ang dating lakas at sigla niya.
Makabawi man lang ako sa lahat ng kabutihan niya sa akin.
Ginagap ko ang palad niya at hinalikan iyon, I cherish her, siya na ang tumayo kong ina kaya hindi ko namalayang wala pala akong mama ng mga panahong iyon. Her love protects me..
Ilang sandali pa ay bumigat na ang mga talukap ng mata ko. Hindi na ako tumayo at yumukyok na lang sa tabi ni Lola habang nakahawak pa rin sa mga kamay niya. I feel more comfortable, kung malapad lang ang higaan ni Lola ay baka tumabi at yumakap pa ako sa kanya like I used to do when I was a kid.
Palalim na ang tulog ko ng may mamalayang naglagay ng blanket sa likuran ko. Base sa aromang nanggaling sa kanya ng tumama ang hangin ng electricfan sa gawi namin ay alam kong si Lorryn iyon. Maging ang natural na amoy niya ay masarap sa pang-amoy. Hindi nakakasawa..
Lihim akong napangiti, kung isang tulad niya nga naman ang mag-aalaga sa kahit sino, siguradong gagaling kaagad. Nawala tuloy bigla ang inis ko sa kanya at payapa ng nakatulog sa gilid ni Lola.
Kinabukasan ay nakisabay na ako sa almusal ni Lola at nagprisintang ako na muna ang magpapa-araw sa kanya dahil pansin kong hindi pa nakakain si Lorryn. Maging ang kape niya ay hindi niya naman nagalaw.
Pambawi ko man lang sa kabutihan niya sa akin kagabi, simple yet heart-warming. Si Lola pa lang rin kasi ang gumawa noon sa akin, pangalawa pa lang si Lorryn..
"Do you like Lorryn, Lola?" Tanong ko sa kaniya habang nakaupo kami sa madalas niyang tambayan dahil doon nakatutok ang pang-umagang sikat ng araw. Kitang-kita ko kung paano umaliwalas ang mukha ni Lola, bahagya pa itong tumango at umungol. Napangiti ako nang matamis.
"You know what, I lik her too. Pwede mo ba akong tulungan na mapalapit sa kanya?"