KABANATA 15: PRACTICE

1007 Words
"C-chad! Anong ginagawa mo dito?" Gusto kong pagsisihan na nagpadalus-dalos ako ng kilos, ni hindi ko man lang ni-lock ang pintuan sa kwarto ni Chad bago nagburlis sa harap ng salamin. Ngayon nga ay hindi ko alam kung paano puprotektahan ang sarili laban sa mapanuring mga mata ng binata. "Don't worry, I have no malice. I just want to see your perfect body. Umihi kasi ako, hindi ko naman akalain na narito ka rin sa shower." God, walang malisya sa kanya! Pero paano naman ako? At ang boses niya, parang hindi normal, medyo paos yun bagama't malalim pa rin naman. "Ah, h-hindi pa kasi ako sanay na ano.. na may nakakakita sa.. sa kahubaran ko." Pautal-utal na paliwanag ko sa kanya. "Nakapagdesisyon ka na ba tungkol sa alok ko? Tatanggihan mo ba? Gusto ko sanang malaman so I can find someone else." Nakataligilid pa rin ako sa kanya. Eto lang ang paraang alam ko para itago ang katawan ko kahit sa simpleng paraan. Nakatakip ang isang braso ko sa dalawang dibdib habang nakakapit naman ang buo kong palad sa pagitan ng mga hita ko. Hindi ako makatingin sa kanya, sa salamin pa rin nakatuon ang mga mata ko. Talagang nahihiya ako! "Uhm.. ang totoo niyan, t-tinatanggap ko na yung trabaho." "Really? Good!" Masayang bulalas niya. Alanganin din akong napatawa. "Pero p-pwede bang iwan mo muna ako, Chad?" Sinadya kong haluan ng pagmamakaawa ang boses ko. Para kasi akong nakatuntong sa maliit na espasyong ligtas habang puro lava ang paligid ko. Hindi ako makagalaw at nag-iinit na ang buo kong katawan. Kitang-kita ko rin sa salamin ang pamumula ng magkabila kong pisngi. "Face me, Lorryn. Hindi ba at makakatulong sa atin parehas kung ngayon pa lang papraktisin na nating maging kumportable sa isa't-isa?" Anong ibig niyang sabihin? Wala ba talaga siyang balak na iwanan ako? Hindi ko alam ang gagawin. Gayunpaman, aminado akong may punto naman siya. Aligaga ako, natataranta kung paano kikilos nang maayos. Halos mapasigaw din ako ng bigla niya akong hawakan sa dulo ng siko ko. "Chad!" "Look at me." May pagkadominanteng utos niya. Iniikot ko naman ang ulo ko pero naiwan sa dating posisyon ang katawan ko. Itim na itim ang bilog sa mga mata ni Chad, para iyong may ipinahihiwatig. Matiim din ang pagkakatitig niya sa akin. Para akong nahihipnotismo dahil ayaw ng umalis ng mga mata ko sa kanya. "Good, that's right. Now, slowly, turned your body with me." Para iyong mahika na agad akong napasunod. Ramdam ko ang init ng mga palad niya sa magkabila kong balikat. Sunod-sunod akong napalunok ng laway. Ilang sandali pa ay lumayo siya sa akin at sinuri ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Doon ko lang rin napagtanto na gaya ko, wala rin siyang kahit na anong suot sa katawan! Kaagad kong iniwas ang mga mata ko kahit pa nga nakita ko na rin ang katawan niya ng nagdaang gabi. "Hey, just look at me. We're normal, right? This is normal, Lorryn. We may have different types of body but still, this is an art. Every curves, every color and sizes. That's art. And I want you to know na isa ka sa pinakaperpektong art na nakita ko." Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Walang malisya ito, ginagawa lang namin 'to dahil sa trabaho. Hindi ba't nangako ako sa sarili na pagbubutihin ang trabaho para naman maging deserve ako sa ibinayad niya? Sinubukan ko siyang suriin mula ulo pababa sa kanyang perpektong hugis ng mukha, matangos na ilong, may kakapalan subalit heart shape na labi, perfect jaw na binagayan ng mumunting balbas. Ang malapad niyang dibdib at balikat, may mumunting buhok din siya sa ilalim ng kanyang pusod pababa sa… Oh god, normal bang para iyong sandata na nakatutok sa gawi ko? Normal ba na ganoon iyon kataba at kalaki? Hindi ko talaga alam kasi ngayon lang naman ako nakakita ng ganoon sa personal! Hindi rin gaanong mabuhok ang paligid noon o baka tinatanggal niya rin talaga? May kung anong bagay ang bumubulong sa kuryusidad ko na alamin kung gaano iyon katigas. Naalala kong sabi ng mga kaibigan ko na kasing tigas daw iyon ng bakal. Pero paano? Luko-luko na lang siguro ako kung tatanungin ko si Chad at magpapaalam na hawakan ang pagkala**ki niya. Nasa matino pa naman akong pag-iisip. "Baka malusaw naman siya sa paraan mo ng pagkakatitig sa kanya, Lorryn." Wika ni Chad na ang tinutukoy ay ang kanyang pagkala**ki. Muli kong naramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Baka pinag-iisipan niya na ako nang hindi maganda. "Uhm, ano kasi.. may.. ah, wala.. sorry." Wala akong maapuhap na paliwanag. Gusto kong linisin ang inaakala niya pero 'di ko alam kung paano iyon gagawin. "Curious ka ba?" Muling tanong niya. Napapikit ako, tama siya. Pero bakit ako aamin? "Ah, hindi, ano lang. Sinasanay ko lang siguro ang sarili ko kasi 'di ba sabi mo kailangan kampante na tayo sa katawan ng isa't-isa?" "Oo, hindi ka pa ba sanay makakita ng ganito? Para kasing kung hindi ako nagkakamali, parang pinag-aaralan mo siya kanina. Kailangan ba malapit ako sayo para mahawakan mo rin at maramdaman? Don't worry, I can give you permission." Nakangising usal niya. Parang nang-aasar na ewan. Nakaramdam ako ng hiya, nakakatawa ba kung totoong inaaral ko nga iyon at curious ako? Matagal na akong nurse pero ni minsan ay wala pa akong nakitang actual na hitsura ng ari ng lalaki. Puro babae din kasi ang nahahawakan kong pasyente at naaalagaan. Hindi naman sapat na sa internet at libro ko lang nakikita iyon para hindi na ako ma-curious. "Teka, don't tell me na first time mong makakita ng.." "Oo na! Sorry.." pabulyaw na tugon ko hindi pa man siya natatapos magsalita. Nakayuko na rin ako. Ang hiyang nararamdaman ko ngayon ay hindi na dahil sa nakahubad ako at nakaharap sa isang lalaking 2 days ko pa lang nakakasalamuha, kung hindi dahil parang ang laki ng kakulangan sa'kin sapagkat inosente ako sa ganitong bagay. "What? You mean.." Ng magtaas ako ng tingin ay nakita kong nakakunot na ang noo niya. "Are you still virgin?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD