KABANATA 12: PANININDIGAN

1077 Words
Kung hindi ko pa binigay yung wallet ko, baka hindi pa ako tuluyang nilubayan ng babaeng yun. Maganda sana siya kaso nakakainit ng ulo. Imagine, hindi niya man lang naisip na galing pa ako sa mahabang biyahe. Pinaratangan pa nga akong holdaper? Pero hindi ko hahayaang sirain niya ang araw ko. Kahit wala pa akong masyadong tulog, masaya ako na makasama si Lola. Bahagya kong itinulak ang wheelchair niya at inikot siya sa kabuoan ng Garden. "Lola, pagaling ka ha? Huwag ka mag-alala, hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi ka tuluyang nakaka-recover. Magba-bonding pa tayo gaya ng dati. But this time, ako naman ang magdadala sayo sa magagandang lugar." Naupo at nagpahinga ako sa upuang gawa sa semento, pinagmasdan ko si Lola, ganoon din naman ang ginawa niya. Pansin ko ang pagsilay ng mga ngiti sa labi niya. Ginagap ko ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad ko. "Sorry kung ngayon lang kita nabisita, ha? Tinapos ko muna yung kursong pinakuha ni Dad sa akin at inaral ang mga negosyo para wala na siyang masabi once na piliin kong bumalik dito. Now, I can stay whenever I want. Hindi na kita iiwan ulit, Lola. Promise yan." Ramdam ko ang pagngingilid ng luha sa aking mga mata. Bukod kasi sa pagiging CEO ng sikat na pagawaan ng mga s*x dolls sa america, minaster ko rin ang pagpi-painting na siyang hilig ko. Ayaw akong suportahan ni Dad sa profession na gusto ko kaya patago akong nag-aral noon. Pero dito nga sa pilipinas ay magagawa ko na iyon ng malaya. "Saka nga po pala, La. Nakakapag-paint na ako, nag-aral din ako at nagpakadalubhasa doon kahit walang suporta ni Dad. Sana okey lang sayo paminsan-minsan kung mag-iimbita ako ng mga model ko." Nakita ko na umaliwalas ang mukha niya. Nangiti ako, alam ko namang papayag siya. Niyakap ko siya at nagpasalamat. Ilang sandali pa ay mainit-init na ang sikat ng araw, nagpasya akong ipasok na siya sa bahay. Pero ng nasa terrace na kami ay biglang tumunog ang phone ko. Si Dad! Nangunot ang noo ko, nag-alala ako na baka kung anu-ano nanaman ang sabihin niya, ayokong marinig iyon ni Lola. Tiningnan ko siya, wala namang init sa pinagpwestuhan ko sa kanya kaya nagpasya akong lalayo muna. "La, I'll just take this call at babalikan din kita agad, ha?" Bulong ko sa tainga niya bago nagtungo sa kitchen. "Yes, Dad?" Panimula ko. "Chad, are you in the Philippines already?" "Yes, why?" "I am very disappointed in you. You left your responsibility here just for your grandmother. I thought you get her personal caregiver and nurse?" "She's my responsibility too, Dad. And I never leave my job, I'm still working. I take care of everything so don't worry about it." "Really? How can you manage if you're there, huh?" "I can do virtual meetings. Ako na ang bahala. Hindi makakaapekto ang pag-alis ko sa mga sales and transactions sa mga client. I promise you that." "Make it sure, Chad. You know we're on the middle of peak season. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang bumalik diyan where in fact, you have a better future here." "Mahina na si Lola, Dad. She needs me. Hindi naman siguro masamang alagaan ko siya. Besides, she take good care of me when I was a little boy and you are far away." "Hah! Enough of the drama. I'm giving you 3 months. Come back here after that." "No, Dad. I promise Lola I will stay." "Damn it, Chad. And how about our company?" "I told you, I can handle it." "That's bullshit. I am telling you now, Chad. If you disappoint me, mawawala lahat ng tinatamasa mo ngayon galing sa akin. Put that on your mind!" Bago walang pasabi niyang ibinaba ang tawag. Napabuntong-hininga na lang ako at napahawak sa sintido. Hanggang kailan kaya ako iipitin ni Dad sa ganitong sitwasyon? Hindi ko alam kung ano pa ang kulang. I do everything to make him proud pero parang hindi pa rin sapat sa kanya. But now, I made up mind, hinding-hindi ko iiwan si Lola ano man ang sabihin niyang pananakot. I can live without any support from him or his company. "Si lola nga pala!" Mabilis akong umikot paharap sa pinag-iwanan ko sa kanya pero wala na siya doon. Nag-panic ako. Kaagad ko siyang hinanap. "Lola," malakas na tawag ko sa kanya habang iniikot ang sala, terrace, at kitchen. "Ah, Sir. Inakyat na po siya ni Lorryn," wika ng nakasalubong kong katulong sa hallway paakyat sa hagdan. Medyo nabawasan ang takot ko, pero naroon pa rin ang kaba. "I see. Thank you." Bakit hindi man lang ako sinabihan ng babae na yun na kukuhain niya na si Lola? Nag-alala pa tuloy ako ng husto! Kung hindi ko lang inisip na baka marinig ni Lola kung kukomprontahin ko ang nurse niya ay kanina ko pa iyon pinuntahan. Nagtimpi ako at umakyat na rin sa dati kong kwarto. Magpapahinga muna ako tutal ay kanina pa rin ako inaantok. Nagtanggal muna ako ng damit at pantalon bago nahiga. Wala pa ring pinagkaiba ng kwarto ko, naroon pa rin ang cabinet ko na naglalaman ng mga toy collection, mukhang iningatan at inalagaan. Kimi akong napangiti, talagang ma-value si Lola sa mga gamit. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako ng tumunog muli ang cellphone ko. Sunod-sunod na nagvibrate iyon sa kahoy na lamesita na nagdulot ng ingay. Sa nanliliit na mata ay tiningnan ko ang cellphone, notification iyon mula sa pinost ko. Naghahanap kasi ako ng mga model na babagay sa theme ng sisimulan kong painting. May ilang nagpasa ng mga larawan nila pero may dalawang magkaibigan ang nakaagaw ng atensiyon ko. They perfectly fit to the role! Parang nabuhay ang dugo ko sa nakikitang larawan. Agad akong nagpadala ng email sa kanila, sandali lang at kinumpirma naman nila ang availability sa sinabi kong araw at petsa. I can't wait to see them! Dahil doon kaya masaya akong bumangon, sinilip ko ang oras, alas quarter to nine na pala ng gabi. Ang haba ng itinulog ko, mukhang pati katawan ko ay na-miss ang bahay na ito. Nagpasya akong maligo muna bago bumaba, nagugutom na rin ako. Kinalkal ko ang lagayan ng nga toiletries at binitbit iyon sa CR. Hindi naman ako nagtagal sa shower, habang nagsesepilyo ay naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan, kasunod noon ay may humawi sa shower curtain. May tao sa loob ng CR maliban sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD