KABANATA 11: HIS POINT OF VIEW

1146 Words
CHAD's POINT OF VIEW It's such a long day, sa wakas ay makakasama ko na ulit si Lola. Ilang taon rin akong nawalay sa kanya at talaga namang miss na miss ko na siya. Medyo nagi-guilty nga ako dahil kung kailan maluwag na akong makapagpabalik-balik sa pilipinas ay doon naman siya nagkasakit. Pero hindi bale, sisiguruhin kong mababawi ko ang nasayang ilang taon na magkalayo kami. Sakay ng taxi ay ipinakita ko sa guard na bantay sa gate ng subdivision ang ID ko. Mabuti na lang at yung matagal ng guard doon ang natiyempuhan ko, kilala niya pa rin ako kahit almost 10 years niya akong hindi nakita. "Sir, Chad? Nako, e ikaw na ba yan? Ang gwapo mo lalo, ah? Mabuti naman at naisipan mong bisitahin ang lola mo, balita ko, e may sakit na nga raw." Masayang bati niya sa akin. "Ako nga ho ito, Manong Tisoy. Kayo rin, parang hindi kayo tumatanda." Ganting papuri ko sa kanya. "Kalabaw lang ang tumatanda," tugon niya saka ibinalik ang id ko. "O siya, dumeretso na kayo at itatawag ko na lang sa malaking bahay ang pagdating mo." Nakangiti niya pang pagtataboy sa amin. "Salamat ho." Paano ko ba makakalimutan ang pangalan niya e makita ko lang ang kabuoan niya, alam ko na agad ang palayaw niya. Kabaligtaran kasi ng tawag sa kanya ang hitsura niya. Ang totoo ay moreno ito at matangkad. As in dark brown ang balat na akala mo ay sa mga aeta. Bumagay naman sa kanya ang kulay niya, ang totoo nga niyan ay maraming nagkakagusto sa kanya noon na mga kababaihan. May ilang beses ko rin kasing nasasaksihan ang pagwawala ng tunay niyang asawa doon mismo sa trabaho nito, madalas kasi akong tambay sa guard house noon. Nailing ako at hindi ko maiwasang mapangiti sa mumunting alaala na gaya nun. Tunay na dito nabuo ang kabataan ko, hindi man puro bata ang kalaro ko, sagana naman ako sa pangaral ng mga may edad at masaya ako doon. Ng sa wakas ay narating ko na ang tapat ng malaking bahay ni Lola. Dali-dali akong bumaba at masayang pinagmasdan ang walang pinagbagong lugar na iyon. "Ah, Manong.. Pakipasok na lang rin ho ang mga bagahe ko sa loob." Kaagad namang tumalima ang driver habang ako ay nauna na sa pagpasok sa loob. Ng makasalubong ko ang katiwala sa bahay ay agad kong hinanap si Lola. "Nasa Garden na iyon ng ganitong oras at pinapainitan ni Lorryn." "I see, salamat po." Nagpaalam ako kaagad at tinungo ang maberdeng garden. Ang sariwa ng hangin doon, kalat din ang mga namumulaklak na halaman sa paligid, siguradong mahusay ang nangangalaga sa kapaligiran namin. Napatango ako, worth it naman pala ang bayad ko sa kanila. Kaagad ko namang nakita si Lola, parang may kumurot sa dibdib ko ng makita siyang nakaupo sa wheelchair at tila malayo ang tanaw. Malayong-malayo sa sigla niya noon. Bigla ang bangon ng matinding pananabik sa puso ko. "Lola!" Malakas na bulalas ko, kasunod noon ay patakbo akong lumapit sa gawi niya pero bigla na lang akong hinarangan ng isang babae. "Hep, teka lang, diyan ka lang." Awtomatiko akong napahinto. Noon ko lang tuluyang napansin ang babae na kasama ni Lola. Nakaturo pa nga ang hintuturo niya sa kinatatayuan ko. Naka-uniporme siyang pang nurse, she must be my Lola's caregiver. "What are you doing?" Takang tanong ko sa kanya. Napansin kong may dinukot siya sa bulsa niya, medyo nabahala ako. Pero nakahinga din nang maluwag ng mapagtanto kong cellphone lang pala iyon. May dinayal siyang numero, maya-maya pa ay nasa tainga niya na iyon. Noon lang ako nagkaroon ng chance para suriin ang babae. In fairness naman, kahit masungit ay maganda ito. Mukhang hindi naman nalalayo ang edad naming dalawa dahil blooming pa siya at mukhang dalaga. "S-sino ka ha? At paano ka nakapasok dito?" Ramdam ko sa tinig niya ang pag-aalala. Mukhang wala siyang nakausap sa cellphone. Seriously? After 16 hours of flight ay ganito pa ang daratnan ko pag-uwi? Akala ko ba naitawag na ni Manong Tisoy na parating ako. What a welcome party! "What?" Tanong ko ulit sa kaniya. Nagsisimula ng maubos ang pasensiya ko. Gusto ko lang naman mahalikan at mayakap si Lola, e. "Anong what, tinatanong kita pero tanong din ang isasagot mo sa'kin?" Malakas na bulyaw niya kaya hindi na ako nakapagtimpi, sinubukan ko siyang lagpasan at tabigin palayo sa daraanan ko. "Umalis ka nga diyan at lalapitan ko ang lola ko." Pero mas naging matigas siya. Hindi siya nagpatinag at nanatiling nakabakod kay Lola. "No!" Hindi ko alam kung maiiling ako o matatawa, she's very protective and I like that. Pero hindi sa ganitong sitwasyon, if only she knew how much I missed my Lola. Para siyang body guard na anumang oras ay maaari akong upakan once na magkamali ako ng kilos. Muli siyang may dinayal sa cellphone at sa pagkakataong yun ay may nakausap na siya. Napairap ako habang pinapakinggan ang pakikipag-usap niya, nakakaaliw pagmasdan yung mukha niya habang tila manghang-mangha siya sa mga naririnig. "Chad?" Patanong na tawag niya sa pangalan ko kasabay ang nanunuring tingin sa akin. "Yes?" Iritableng tugon ko. She's wasting my time! "So, pwede ko na bang lapitan ang lola ko?" Tanong ko ulit pagkatapos marinig ang hingi niya ng paumanhin sa kausap. Hindi ba kung mayroon man siyang dapat hingian ng pasensiya ay ako yun? Sa wakas au gumilid na siya at binigyan ako ng daan. Lumapit ako kay lola ay kaagad siyang niyakap at hinagkan sa noo. "Lola, I missed you so much." Bulong ko sa tainga niya. Ramdam ko ang kasabikan ni Lola, bahagya siyang umungol bilang tugon sa akin. Ilang sandali pa ay muli kong tinapunan ng tingin ang babae, "So, ikaw ba ang caregiver ng lola ko?" "I'm a private nurse." Napakibit-balikat ako. At pinaganda pa nga ang tawag niya sa sarili niya. "May pinagkaiba ba yun?" Rinig ko ang mga paliwanag niya pero naagaw ang atensiyon ko sa kabuoan ng bahay namin mula sa gawing iyon. Nawala ang minu fountain sa gitna ng entrance, ano kaya ang nangyari? "Can you leave us alone for a moment?" Tanong ko na parang utos na rin. Gusto kong masolo si Lola at mapasabi ang ilang bagay sa kanya. Lumayo naman siya pero kaunting-kaunti lang. "You can leave my grandma to me, you know? Just.. just go further, somewhere you can't hear us." Hindi siya kumibo at hindi rin nagsalita, pero ilang sandali pa ay galit nanaman siyang bumaling sa akin. "No, I can't leave her with you, Mr. She's under my care and it's my obligation to protect her. Isa pa, wala ka namang pruweba na ikaw ang binabanggit dun sa gate. Paano kung nagpapanggap ka lang pala, ha? Tapos dudukutin mo lang si Lola Calixta para pagkaperahan." Tuluyan ng pumutok ang fuse ko. Sinasadya ba ng babaeng 'to na badtrip-in ako? What the hell is wrong with her?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD