"Ahh.." muli akong napayuko saka marahang tumango. Pakiramdam ko bigla akong nawalan ng dignidad sa ginagawa ko. Kasama ba sa pagiging kampante namin sa isa't-isa ang sabihin ko rin ang mga sikreto ko?
"What? Are you serious?"
Bakit ganoon ang reaksiyon niya? Bakit parang galit siya?
"M-may problema ba kung virgin pa 'ko? Hindi na ba ako pwede maging modelo mo kasi kailangan may karanasan?" Hindi ko mapigilang maging emosyonal. Palagi na lang ba makukwestiyon ang pagkatao ko dahil sa bagay na 'to?
Umiling siya nang sunod-sunod at parang biglang nainis. "You know what, you don't deserve this. Sige na, magbihis ka na," aniya saka kinuha ang mga saplot niyang nakapatong sa lababo at lumabas ng CR.
Naiwan akong tulala at parang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Kung kanina lang ay kakaibang kaba ang nararamdaman ko, naging kampante gaya ng nais niya tapos ngayon iniwanan na lang ako bigla dahil lang nalaman niyang virgin pa 'ko?
Nagbaba-taas ang dibdib ko sa inis, hindi ko rin mapigilang maluha. Bakit ganoon? Ang akala ko kapag hindi ka na virgin, mas maaari kang pag-isipan ng hindi maganda. Pero bakit sa kaso ko, para akong walang kwentang babae?
Tumapat ako sa shower at hinayaang sumabay sa agos ng tubig ang mga luha ko. Natural bang ika-depress ko ang pagiging virgin ko? Kung tutuusin naman, pwede ko iyong ipamigay kung kani-kanino lang pero hindi ako ganoon kadesperada.I mean, yes, desperada pala ako pero matino ang isip ko, kailangan ko bang ibaba ang pagkatao ko para patulan ako ng isang lalaki? Paano ko gagawing mang-akit e hindi ko nga alam?
Yung huling nakasama ko nga ay halos isumpa na ako dahil sa nagawa ko. Sino nga bang gaganahan sa'kin? Napapikit ako nang mariin, ano ba namang problema ko ito, virginity lang..
Samantalang yung Mama ko nanganganib ang buhay dahil kailangan na maoperahan. Tapos ako, heto at nginangawaan ang katotohanang inosente ako at walang karanasan. Sa iba, parang ang babaw lang. Pero nasaktan kasi ako sa naging reaksiyon ni Chad.
Napabuntong-hininga ako, inayos ang sarili at tinapos na ang paglilinis ng katawan. Pinuno ko ng hangin ang dibdib at nagbihis na. May mga damit naman ako sa bahay na malapit sa hospital kaya kahit hindi na ako magbitbit pa ng mga gamit.
Sasamahan ko muna sandali si Jerome, kahit may kamag-anak kaming napapakiusapan na humalili sa kanya sa pagbabantay kay mama tuwing may klase siya, alam kong stress pa rin siya lalo na at sa aming dalawa, siya ang pinakamalapit kay Mama.
"Hello, Jenny," panimula ko ng sagutin niya ang tawag.
"Oh, bakit? Gabing-gabi ka naman tumawag, may emergency ba?" Halata sa boses niya ang antok, mukhang nagising ko pa yata siya.
"Sorry sa abala, tatanungin lang sana kita kung available ka bukas. Kailangan ko kasing puntahan si Mama sa Hospital. Kailangan ko rin mag-downpayment para sa operasyon niya, e."
"Ah- ganoon ba. Oo, sige. Punta ako diyan bukas nang maaga. Pahinga ka na," aniya.
Nakahinga ako nang maluwag. Matapos magpasalamat ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Alam kong alas singko ang umagang tinutukoy niya. Kilala ko na si Jenny, dedicated naman ito pagdating sa trabaho at may isang salita. Tamang-tama, dalawang oras kasi ang babaybayin ko papunta sa bayan namin.
Hindi rin ako nakatulog nang maayos, pasagi-sagi sa isip ko ang naging paghaharap namin ni Chad kanina. Tama siya, kahit papa'no ay nakatulong ang ginawa namin para mabawasan ang hiyang nararamdaman ko para sa kanya. Ang kaso, nasobrahan yata ako sa tiwala kaya pati ang pinakatatago kong lihim ay nasabi ko sa kanya.
Ipinilig ko ang ulo at pilit na inalis sa sistema ko ang inis na nararamdaman. Kung sanay nga naman si Chad sa magagaling na babae, bakit siya magtitiyaga sa gaya ko na ultimo ari ng lalaki ay kailangan ko pang pag-aralan sa personal?
Ang weird nga, kahit sinong lalaki yata matu-turn off sa akin. Dumapa ako at isinubsob ang mukha sa unan. Maganda naman ako at may maayos na career, wala nga lang lovelife na maipagmamalaki at yuko din ang ulo ko kapag usapang s*x na ang labanan.
"Sana pala nagmadre na lang ako." Bulong ko sa sarili. Sa ganoong posisyon kasi sa buhay, siguradong walang kukwestiyon sa s*xlife ko. Panigurado yun..
Alas tres ng check-in ko si Lola Calixta ay hindi na rin ako natulog, nagbasa na lang ako online at nagbabad sa face book habang nagpapalipas ng oras. Alas kwatro 'y media ng magpasya akong bumaba at magtimpla ng kape.
Alas singko nga ng umaga ay dumating na rin si Jenny. Nakahanda na rin ako noon kaya matapos ang ilang mahahalagang bilin ay nagpaalam na rin ako sa kanya.
Maluwag pa ang kalsada palabas ng Manila, bagama't may iilang sasakyan na ang kasabayan ko, siguradong makakarating naman ako ng Cavite bago mag-alas otso ng umaga. Habang nagmamaneho ay nakaramdam ako ng antok, epekto ng hindi magandang tulog ko sa magdamag. Huminto muna ako sa isang convinient store para mamili ng matapang na kape. Doon nga ay nakasabay ko yung dalawang babaeng bisita ni Chad kahapon. Nasa table silang pandalawahan at tila nag-aalmusal. What a small world.
Hindi naman pala sila masyadong malayo sa village nila Lola Calixta, kaya siguro sila rin ang napili ni Chad na maging modelo nito. Ng palabas na ako ay napansin ko pa silang magkahawak ang kamay. Maya-maya pa ay pa-smack nilang hinalikan ang isa't-isa.
Nagulat ako pero hindi na nagpahalata, dere-deretso na rin akong lumabas at lumayo na sa lugar na iyon. Magjowa ba yun? Hindi naman kasi halata dahil parehas silang babaeng-babae ang hitsura. Napailing na lang ako, anong theme kaya ang ginampanan nila sa painting ni Chad kahapon? Nakaka-curious. Nakahubad din kaya sila?
Bago pa mawala sa konsentrasyon ay binuksan ko na lang cassette ng sasakyan at naghanap ng magandang channel na mapapakinggan. Puro balita naman ang naririnig ko at walang tugtugan kaya pinatay ko na ulit. Sa cellphone ko na lang ako naghanap ng mapapakinggan, nag-headset ako at nilakasan ang volume noon.
Rock ang mga kanta, ang iba ay tagalog rap na uso sa mga kabataan ngayon. Para hindi na rin ako antukin. Epektibo naman dahil nakarating na ako sa bayan namin, medyo masikip nga lang ang daloy ng sasakyan dahil rush hour na at may checkpoint pa.
Habang nakikinig ng kanta ay bigla iyong namatay at pumalit ang ringtone ko. Unknown number ang tumatawag, hindi ko na sana sasagutin pero naisip ko, baka emergency lang. Kung sino man iyon, siguradong may dahilan kung bakit may number ako sa kanya.
" Yes, hello?" Curious na panimula ko.
"Where the hell are you, Lorryn?"
Si Chad?!
"C-chad? Uhm, nagsabi na ko kay Lola at nariyan na rin naman si Jenny para pumalit sa akin pansamantala. Mahusay din yan. May importante lang akong lakad today."
"Don't you know how to say it to your boss properly and in person?" Nasa himig niya ang galit.
"B-boss? Teka, sandali. Hindi ikaw ang amo ko, Chad. Si Lola Calixta at nagpaalam na ako sa kanya nang maayos kaninang madaling araw," pagpipilit ko. Ang aga-aga binubulyawan ako, sino ba siya?
"Hah! You're wrong! Sino sa akala mo ang nagpapasahod sayo, ha Lorryn?"
Naguluhan ako. Pera ni Lola Calixta ang bayad na nakukuha ko sa pag-aalaga sa kanya, iyon ang pagkakaalam ko. Naka-reminder na rin iyon sa banko ni Lola para monthly maihulog sa account ko ang sweldo. Pero alam ko rin na may kakayahan si Chad para tanggalin ako sa trabahong yun dahil nandoon na siya sa bahay. Iyon din naman ang sabi ni Attorney noon sa akin. Dahil siya ang tagapagmana ni Lola Calixta.
"S-si Attorney Villaruel, siya nga rin ang nagpasok sa akin diyan, e," pagpipilit ko.
Bahaw siyang natawa sa kabilang linya. "Where are you? Babalik ka upang magpaalam nang maayos or this is your last day of work?"