KABANATA 17: PAMILYA

1203 Words
What the.. "Are you serious?!" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Chad. Kailangan niya ba talaga akong gipitin ng ganito? "Don't try me, Lorryn! Come back before the sun sets." Iyon lang at walang paalam niya ng in-end ang tawag. Napabuntong-hininga ako at bahagyang nahampas ang manibela. Lalo pang nadagdagan ang isipin ko. Tuluyan akong nawala sa pokus, parehong mahalaga sa akin ang trabaho at ang mama ko. Pero maaga pa naman, hindi bale ng mapagod ako sa biyahe ng pabalik-balik. Ang importante, maayos ko ito parehas ngayong araw. Gayunpaman ay hindi ko pa rin maiwasang mainis kay Chad. Bakit ba napakadominante niya? May oras na nagsusungit, may oras na mabait. Pebrero kaya ang birth month nun? Sala sa init sala sa lamig. Sa wakas ay narating ko na rin ang Hospital. Hindi ko na nga namalayan ang masikip na daloy ng biyahe dahil sa kaiisip. Kaagad kong idiniposito ang kinakailangang halaga para sa operasyon ni Mama bago nagtungo sa sinasabing kuwarto niya. Inabutan ko doon si Jerome, nagtaka ako, bakit siya naroon samantalang may klase ngayon? "Jerome!" Agad ang pagbiling niya sa gawi ko, pansin ko na humpak ang magkabila niyang pisngi at mukhang antok na antok na rin. "Ate!" Masayang bulalas niya bago tumayo at sumalubong ng yakap sa akin. Mahigpit akong gumanti ng yakap. "Anong ginagawa mo dito? Wala bang pasok sa school?" Malungkot siyang nagyuko ng ulo. "Sorry, Ate. Wala na kasi akong kahalili sa pagbabantay kay Mama. Nagsipag-atrasan na yung mga kapatid niya kasi napapagod na rin daw. Wala akong choice kung hindi huminto sa pag-aaral para masubaybayan si Mama." Parang may kung anong patalim ang sumaksak sa dibdib ko sa pagkabigla. "B-bakit hindi mo sinabi sa akin?" "Ayoko ng dagdagan pa ang iniisip mo, Ate. Alam kong nagtatrabaho ka para masuportahan kami. Yung pang matrikula ko nga pala na ibinigay mo para sa sem na 'to, itinabi ko sa bank account ko, idagdag mo sa pang-hulog sa downpayment." Awang-awa ko siyang tinitigan. Hindi ko mapigilang mapaluha. Muli ko siyang niyakap nang mahigpit. "No, itabi mo lang yan at gamitin sa susunod na semester. Ako ang bahala, gagawan ko ng paraan para may mag-alaga kay Mama, okey? Hindi ka pwedeng mahinto sa pag-aaral. Hindi pwedeng masakripisyo ang future mo." "Pero ate.. saan ka kukuha ng-" "Sshhh. Hindi mo na dapat inaalala yun, ako na ang bahala dun. Teka, nag-almusal ka na ba? Heto, oh. May dala akong arozcaldo. Kain tayo?" Kimi naman siyang tumango at ngumiti saka ako inakay sa munting lamesa doon. Ibinigay ko sa kanya ang pagkain at ipinahanda habang tinungo ko naman si Mama na noon nga ay tulog pa rin. Nangayayat na rin siya. Kung dati ay inaasar ko siyang mag-diet na, ngayon ay parang gusto kong pagsisihan iyon. Ang sakit pagmasdan na nakaratay siya sa higaan at kinakailangang maoperahan. Sa labis na pagtatrabaho niya noon at pag-aasikaso sa amin, hindi niya na nagawang alagaan ang sarili niya. Lumala ang kidney stone niya at heto na ang resulta. Hinaplos ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. "Sorry, Ma kung hindi kita maalagaan at sa ibang tao ko nagagamit ang pagiging nurse ko. Kailangan natin ng pera, e. Pero huwag kang mag-alala. Babawi ako sayo, ha? Promise yan.." "Oo nga pala, Jerome. Kailangan ko rin bumalik sa trabaho ngayong hapon. May kailangan akong ayusin, e. Sorry.." hingi ko ng paumanhin sa kanya habang kumakain kami. "Naiintindihan ko, Ate." "Pero habang nandito ako, umuwi ka muna at magpahinga. Mukhang wala ka ng matinong tulog." "Okey lang ba ate?" "Oo naman. Dito lang ako. Magpahinga ka buong maghapon, dal'hin mo muna yung kotse ko para 'di ka na mahirapan mag-commute." "Sus, malapit lang naman ang bahay natin dito, Ate. Isang sakay lang ng jeep." "Bahala ka, kung saan ka kumportable." Nakangiting tugon ko. "Sige na nga, dadal'hin ko na yung kotse mo." Napangiti ako. Kahit papa'no ay nakita ko siyang ngumiti. Matapos ang almusal ay umalis na rin si Jerome. Sabi ng doctor ay alas dyes daw isasalang sa operasyon si Mama. Tiningnan ko ang orasan, quarter to ten. Fifteen minutes na lang pala.. Naupo ako sa tabi ni Mama at ginagap ang kamay niya. Napansin kong bahagya siyang nagmulat ng mga mata. "Ma!" Masayang usal ko. Marahan siyang luminga at tumingin sa akin. Namumutla ang buo niyang mukha at nagbabalat din ang labi dahil sa pagkatuyo noon. "L-lorryn, Anak!" Bagama't bakas ang paghihirap sa kanyang mukha, nagawa niya pa rin akong ngitian at gumanti ng pisil sa kamay ko. "Magpalakas ka, kaya mo 'to, 'di ba? Hihintayin kita matapos." "Oo naman, fighter yata ang Mama mo. Parang ikaw.." Nangiti ako at napaluha. Wala akong mahanap na ibang sasabihin kaya niyakap ko na lang siya. "Nasaan nga pala ang kapatid mo?" Aniya habang nililinga ang paligid. "Pinauwi ko po muna para makapagpahinga, mamayang hapon ay babalik din siya dito." "Gano'n ba, nako e mabuti naman. Kawawa ang kapatid mong iyon. Nahihiya ako sa inyo dahil naging pabigat pa ako." Kaagad ko iyong kinontra. "Ma naman! Hindi yun ganoon. Mahal ka namin at kahit kailan, hindi ka naging pabigat. Huwag mong isipin yan. Basta, magpalakas ka. Hindi pa naman huli ang lahat para makabawi ka sa amin, lalo na sa bunso mo." Malungkot siyang ngumiti. "Kailangan mo pang abutan ang magiging apo mo sa tuhod. 'Di ba sabi mo yan noon?" Tumango siya. Alam kong malakas siya, napanghihinaan lang dahil nakikita niyang nahihirapan kami, lalo na si Jerome. "Kayang-kaya namin 'to. Gagawin namin ni Jerome ang lahat bumuti lang ang kalagayan mo." Kasabay noon ay ang pagpasok ng dalawang nurse na lalaki. "Ah, Ma'am. Oras na po para dal'hin namin siya sa Operating Room." Magalang na paalam nila sa akin. Tumango ako. Kusa na rin akong lumayo sa hinihigaan ni Mama at bumitaw na sa kamay niya. Pilit kong hindi inaalis ang mga ngiti sa'king labi habang sumesenyas ng 'laban lang'. Isang oras at kalahati na ang lumipas.. Kahit inaantok ay hindi ko magawang makatulog. Nanatili akong nakaupo sa waiting area sa labas ng operating room. Balisa at nag-aalala. Dasal ko na sana ay maging matagumpay ang operasyon at tanggapin kaagad ng katawan ni Mama ang bagong kidney na ilalagay sa kanya. Bawat minuto ay parang oras na ang tagal lumipas. Hanggang sa ilabas ng muli si Mama sa Operating Room at ilipat na sa recovery section. Kaagad akong sumunod. "Doc, kamusta po ang operasyon?" "Under observation pa rin ang Mama mo. Imo-monitor namin siya para malaman kung tatanggapin ng katawan niya kaagad ang bagong kidney. We need your help, Lorryn. Pray for her fast recovery." Tumango ako. "Makakaasa po kayo, Doc. Salamat." Antok at walang gana kumain, pinili kong manatili sa tabi ni Mama at sa gilid ng kama niya na yumukyok habang nagbabantay sa kanya. Tanghali na kaya iidlip siguro muna ako. Kahit papa'no ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil successful na natapos ang operasyon. Naalimpungatan lang ako dahil sa pakiramdam na parang may nagmamasid sa akin. Marahan kong iminulat ang mga mata at nagtaas ng ulo. "You sleep like a baby.." nakangising usal ni Chad na noo'y nakaupo sa katapat na sofa ng higaan ni Mama. Ipinilig ko ang ulo at pumikit-pikit, sinisiguro na hindi lang ako namamalik-mata. "I'm real, Lorryn. I'm here.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD