"C-chad? Paano mo 'kong.. Nahanap?" Mahilo-hilo pa rin ako sa antok. Ayoko pa sanang magmulat pero kakaiba ang hatid ng presensiya ni Chad. Paano niya nalaman kung nasaan ako? Anong oras na ba?
Sinilip ko ang wristwatch ko at napagtanto kong mag-aalas kwatro na pala.
"Tama ka, mahusay nga si Jenny. Pati pinuntahan mo at pangalan ng Mama mo ay alam niya." Seryosong pahayag ni Chad.
Napatango ako. Oo nga pala, nasabi ko sa kanya ang tungkol doon. Hindi man kami ganoon ka-close, alam naman ni Jenny ang mahahalagang bagay na nilalakad ko tuwing kakailanganin ko siya sa trabaho.
Sinubukan kong iunat ang likod ko mula sa pagkakayukyok sa kama ni Mama ng mapangiwi ako.
"Ah- aray!" Hindi mapigilang daing ko ng makaramdam ng kirot sa batok, likod at leeg ko.
Sa gulat ko ay kaagad na nakalapit si Chad sa aking likuran at marahang hinilot ang magkabilang balikat ko.
"Ayan kasi, bakit ka ba natutulog diyan nang nakayuko? May sofa naman dito."
"Outch.. G-gusto ko dito, e. Bakit ba?" Masungit na usal ko.
"Then, endure the pain!"
"Aray naman!" Angil ko ng maramdamang diniinan niya ang paghawak doon. Ano bang problema niya?
"Hindi ka man lang ba magpapasalamat na binisita kita? In fact, ako dapat ang nagagalit ngayon dahil umalis ka ng hindi nagpapaalam."
Para akong natauhan. Bakit ko nga ba nakalimutan ang tungkol doon?
"Gabi ko na nalamang kailangan operahan ang mama ko, maaga din ako umalis. Tulog ka pa sa parehong oras na yun, alangan namang gisingin pa kita?"
"That's not an acceptable excuse, Lorryn."
"E, ano nga bang ginagawa mo dito? Bakit bumyahe ka pa ng malayo, uuwi naman ako mamaya para magpaliwanag."
"I- I just wanna make sure na uuwi ka nga. Hindi ka man lang nagtext after my call to confirm na babalik ka pa."
"Kailangan pa ba yun? Of course babalik ako. Andun ang mga gamit ko at kailangan ko ng trabaho."
"Then, I'll drive you home."
"Hah?" Umiling ako nang sunod-sunod. "No, I have my own car."
"I said, sasabay ka sa'kin." May diing ulit niya sa sinasabi. Boss na boss ang dating sa akin nun. Parang nais akong patiklupin at tumango na lamang sa utos niya kasi wala rin naman akong magagawa.
Napakunot-noo ako. Hindi pwede! Aba't sino ba siya sa akala niya?
"Chad, hindi mo 'ko pwedeng pangunahan sa-"
Ng biglang bumukas ang pintuan. Sabay pa kaming napalingon ni Chad sa pumasok.
"Ate! Mabuti at gising ka na." Nakangiting bungad ni Jerome sa akin. May hawak siyang kumpol ng bulaklak at isang basket ng prutas.
"Saan galing ang mga 'yan, Jerome?" Tanong ko na ang mga mata ay nakatutok sa bitbit niya.
"Ah, eto? Pinabili ni Kuya Chad," tila balewalang tugon niya bago dere-deretsong nagtungo sa lamesita at inilapag doon ang mga pinamili niya.
"H-hah? Nag.. nagkakilala na kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Paano nalaman ni Chad na si Jerome ang kapatid ko? Stalker ba siya o baka naman pinamamanmanan niya na ako?
"Naglilihim ka na sa akin, Ate ha? Kung sabagay, lovelife mo yan. Nakakasama lang ng loob kasi
hindi mo man lang binanggit na may boyfriend ka na pala."
Ang laki ng pagkakangiti ni Jerome. Fresh na rin siyang tingnan at bagong paligo. Lalo akong kinutuban ng hindi maganda. Buong pagtataka kong tiningnan si Chad pero sabay lang na nagtaas-baba ang dalawang kilay niya na parang nang-iinis. Ngumuso din siya at sumenyas ng kiss sa akin.
May parte ng pagkatao ko ang nais kiligin, pero mas pinangibabaw ko ang inis.
"Teka, Jerome. Mali ang-"
"Ah, Jerome. Hiramin ko lang sandali ang Ate mo, ha? May importante lang kaming pag-uusapan. Ayos lang ba, Bayaw?"
Bayaw?! Napapitlag pa ako ng maramdaman ang palad ni Chad sa kabilang balikat ko. Nakaakbay na pala siya sa akin.
"Nako, Oo naman,Yaw. Sige na, nandito naman na ako." Pagtataboy ni Jerome sa amin.
Kaagad naman akong inakay ni Chad at sapilitang inilabas ng kwarto ni Mama. Tingnan ko man ng makahulugan si Jerome ay parang hindi niya ako iniintindi.
Ng tuluyan kaming makalabas ay marahas akong lumayo kay Chad. Kulang na lang ay ipagpag ko ang braso niyang nakatanday sa balikat ko.
"Ano yun, Chad?!"
Ngunit tila nagtatanong din ang mga mata niya ng humarap sa akin. "What?"
"Hah! Anong palabas yun? Hindi mo yun kailangang gawin!"
"Tapos ano? Maiilang sa akin ang kapatid mo kasi Boss mo 'ko? Think about it. I know he's stress out. Kitang-kita ko yun kanina bago ko pa ipakilala ang sarili ko as your boyfriend. Look at him now, he seems so close to me, hindi ba? Ayaw mo bang maging kumportable ang kapatid mo sa'kin?"
Kumportable nanaman?! Gusto ko na yatang ma-trauma sa salitang yun.
Pinagkrus ko ang mga braso ko at tinitigan siya sa mata. "At bakit gusto mong maging close sa kapatid ko, aber?"
Lumapit din siya sa akin at lumaban ng titigan.
"Because we were like friends. Hindi kami nagkakalayo ng edad."
Napatikhim ako. Parang gusto kong mahiya sa sinabi niya.
"Exactly, hindi nga kayo nalalayo sa edad. Hindi ka ba nahihiya na ang laki ng agwat ng edad natin para sabihin mong boyfriend kita? Ano na lang ang iisipin ng kapatid ko sa'kin at ni Mama?"
"Mahalaga pa ba yun? Mukhang gusto naman ako ng kapatid mo kaya sigurado akong magugustuhan rin ako ni Mama. Saka, bakit ba? hindi ka naman mukhang matanda sa akin. Hindi ka rin naman mukhang matrona kaya anong nakakahiya dun?"
Mariin akong napapikit. Hindi nakaligtas sa akin ang tawag niya sa Mama ko. Ano bang trip ng lalaking 'to, lalo niya lang ginugulo ang sistema ko. Kung sana totoo ang mga sinasabi niya, baka kinilig pa 'ko, e.
"Hey, I mean it, Lorryn. Walang masama sa agwat ng edad ng dalawang tao lalo na kung gusto talaga nila ang isa't-isa." Muling wika niya.
"I know. Pero nagkukunwari ka lang naman, 'di ba?"
Naging malamlam ang mga mata niya at mariin akong tinitigan. Napakaliit na rin ng distansiya sa pagitan ng mukha naming dalawa. Amoy at ramdam ko na ang mabango niyang hininga.
Ang mga titig niya na tila tagos sa kaluluwa ko at nagdudulot ng kakaibang kaba at kilig sa akin.
"Paano kung hindi? Paano kung gusto talaga kitang mas kilalanin pa, Lorryn?"