Nag-init ang magkabila kong pisngi sa narinig na sinambit ni Chad. Hindi rin ako makagalaw at parang pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga.
Sunod-sunod akong napalunok ng laway, walang alam na isasagot sa kanya. Seryoso ba siya?
"Come on, tell me if you like me too, Lorryn." Seryosong wika niya.
"C-chad.."
"Yes?" Inilapit niya pang lalo ang mukha niya sa akin. Dahil medyo matangkad siya, sa tapat na ng ilong ko natapat ang labi niya. Napa-awang ang labi ko, muling na-curious kung ano ang pakiramdam ng mahalikan. Ang bango ng hininga niya, parang hininga ng bagong silang na sanggol!
Hindi sinasadyang nabasa ko ang labi ko gamit ang dila, para kasi iyong matutuyuan.
"Tell me, do you feel to kiss my lips too?" May magic ba siya? Bakit parang kaya niyang basahin ang isip ko?
"I would love to seal your lips if you allow me, too." Paos na sambit niya ulit. Ng itaas ko ulit ang mga mata ko ay nagsalubong ang tinginan namin. Nakagat ko ang labi ko.
Shit! Biglang may kung anong kuryente ang gumapang sa buo kong katawan. Kasabay noon ang mga paru-parong tila nagpapaligsahan sa sikmura ko. Bakit ganito? Anong pakiramdam 'to?!
"N-nasa… Nasa public place tayo, Chad." Naisatinig ko na lamang. Bagama't wala namang dumaraan sa kinatatayuan namin kung saan para akong naipit sa pagitan ng pader at malapad na katawan ni Chad, nag-aalala pa rin ako na may makakita sa amin, or worst ay makita kami ni Jerome sa ganitong posisyon.
"You don't know what you're doing to me, Lorryn. And I don't care whether we're in public place or what, ang gusto ko malaman, kung parehas ba tayo ng nararamdaman?"
"P-pero, Chad.. Ilang araw pa lang tayong.. nagkakakilala.."
Mabibigat ang paghinga niya. Ramdam ko yun sa paraan niya ng pagsasalita, para siyang may kinokontrol at nahihirapan siya doon. Kakaiba din ang hatid ng magalaw niyang adams apple sa tuwing lulunok siya, ayoko mang aminin pero gustong-gusto ko iyong pagmasdan.
"I know, and I don't care. I just… I just want you, Lorryn. I want you in my bed!" Pabulong subalit may diin niyang bulong sa tainga ko.
Natigagal ako sa narinig, may init na gumapang sa puson ko papunta sa.. sa pribado at gitnang parte ng katawan ko. Parang may kumikislot doon at nae-excite sa narinig na sinabi ni Chad. What the hell?! Malapit na akong mabaliw sa samu't-saring emosyon at pakiramdam na idinudulot ni Chad sa akin.
Muli akong napalunok. Parang natuyuan ang lalamunan ko. Bigla rin akong nataranta, kung saan nanggagaling ang panginginig ng katawan ko, hindi ko alam. Sana lang ay huwag iyong mapansin ni Chad.
"I know you're holding back too, Lorryn. I can feel your body. Now, go inside and tell your brother you're coming with me." Para iyong utos ng isang hari. Hindi pwedeng suwayin at balewalain.
Kung sabagay, konsensiya ko lang naman ang kumukontra dahil ayokong iwan si Jerome at Mama. Pero buong pagkatao ko ay gusto sumunod sa kanya, para kasi iyong nangangako ng ligayang walang kapantay.
"S-saan naman tayo pupunta? H-hindi ko kayang iwanan si Mama hangga't hindi umu-okey ang-"
Halos manlaki ang mga mata ko ng bigla na lang akong siilin ng halik ni Chad sa labi. Noong una ay magkadikit lamang ang mga iyon, pero ng hindi ako pumalag ay kusang gumalaw ang labi ni Chad, marahan niyang sinisipsip ang labi ko habang nakalapat naman sa itaas ng labi niya ang bibig ko. Para bang inuutusan akong gayahin kung ano ang ginagawa niya. Wala namang lasa, pero bakit parang ang sarap?
Napapikit ako ng marahan, parang sa ilang sandali ay umangat ang mga paa ko mula sa lupa at idinuyan ako sa alapaap. Oh my god! Ganito ba? Ganito ba ang pakiramdam ng hinahalikan?!
Nabitin pa ako ng walang pasabi niyang bitiwan ang labi ko. Hindi naman siya gaanong lumayo pero pakiramdam ko naagawan ako ng paborito kong candy.
"Now, what are you saying again?" Mahinang tanong niya.
"H-hah?" Wala sa sariling tanong ko rin sa kanya.
Ano na nga ba yung sinasabi ko? Medyo nablangko yata ako. Nakita ko pa ang pagngisi niya bago ako iniwan sandali sa kinatatayuan ko. Nakatanghod ko siyang sinundan ng tingin, pumunta siya sa tapat ng kwarto ni Mama at sumilip sa pintuan. Maya-maya pa ay masaya na siyang umalis doon, sumilip din naman si Jerome mula sa loob at pilyong kumaway sa akin na parang nagpapa-alam.
"Ah-" wala sa sariling napakaway na rin ako sa kanya. Para akong nabudol-budol, hindi makapag-isip ng tama at kusang kumikilos ang katawan ko.
Ilang sandali pa ay akay na ako ni Chad palabas sa Hospital. Tinungo namin ang parking lot at pumasok sa dala niyang kotse.
"S-saan mo 'ko dadal'hin, Chad?"
Sa wakas ay nahanap ko rin ang tinig ko. Akala ko ay tuluyan ko ng nalunok ang dila ko.
Gumawi siya sa akin at ikinabit ang seatbelt ko.
"Saan mo ba 'ko gusto makasama?" Tanong niya habang nakatingin sa mga labi ko. Napansin ko nanaman ang paggalaw ng adam's apple niya. Para iyong may kinikiliti sa kaibuturan ko sa tuwing matitingnan ko.
Napakagat ako ulit sa labi ko. Hindi ko iyon sinasadya! Nag-iinit kasi ang pakiramdam ko at iyon lang ang tanging paraan para mapigilan ko ang sarili.
"Stop biting your lips, Lorryn! Baka hindi ako makapagtimpi at hindi na tayo umabot pa sa hotel!"
Maotoridad na utos niya. Tinanggal ko naman pero kusa iyong bumalik ulit. Nate-tense ako, kung hindi ko ngangatngatin ang kuko ko sa kamay, talagang makakagat ko ang labi ko.
"Fu*k! I can't take this any longer." Marahas na usal niya saka ako siniil nanaman ng halik. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa magkabila kong pisngi at sa pagkakataong iyon ay ramdam ko ng malalim at marahas ang paraan niya ng paglalaro sa labi ko.
Napaungol pa ako ng pilit niyang pasukin ang bibig ko gamit lamang ang dila niya, hibang kong naibuka ang labi ko bilang pagsunod sa nais niya at binigyang daan ang kagustuhan niya.
"Uhmmm.."
"Uhmm.."
Panabay na ungol naming dalawa. Halos kapusin ako ng hininga lalo na ng maramdaman ko ang pagsipsip niya sa dila ko. Hindi ko alam kung anong maitatawag sa pakiramdam na ito pero kusang umangat ang katawan ko mula sa pagkakasandal sa upuan ng sasakyan..
It seems like- I want more!
Ng biglang may kumatok sa bintana ng kotseng kinalululanan namin, sunod-sunod iyon at malalakas..