"Wow!"
"Yummy!"
"Yayy!"
Samu't-saring tilian at sigawan nila habang ako ay nanlalaki ang mga mata sa nasasaksihan. Marahang gumiling ang binata sa harapan ko habang pilit nitong idinidikit ang balat sa akin. Nakaalis ito sa loob ng malaking cake ng hindi ko namamalayan.
Macho at gwapito. Batang-bata pero imbis na paghanga at mag-init ang pakiramdam ko ay naasiwa ako. Pilit kong inilalayo ang katawan ko sa lalaki samantalang sige naman ang tulak sa akin ng mga kasama ko. Si Migz nga ay walang tigil ang hipo sa may kalakihang abs ng lalaki at biceps nito. Kilig na kilig pa ang mga loko..
"E-eto ba yung regalo na sinasabi niyo?" mahinang tanong ko kay Oswald.
"Hindi pa yan," mahinang tugon niya rin sa akin.
"Mayroon pa?"
"Oo!" masayang bulalas ni Oswald. saka siya may ibinulong kay Migz. Nakaramdam ako ng kaba. Kung anu-ano ang naiisipan ng mga kaibigan ko. Parang mas desperado pa sila na magkanobyo ako at magkaroon ng karanasan kaysa sa akin. Naiiling na nag-iwas ako ng tingin sa binatang nasa harapan ko. Para itong bulate na inasinan. Kung sa iba siguro ay nakakaakit ang galaw nito pero hindi sa akin. Naroon pa rin kasi ang duda ko lalo at mukhang kung saang gay bar lang nila kinuha ang binatilyo.
"Hoy, Maria Lorryn, hindi ka man lang ba naaakit sa paunang regalo namin sayo?" Nagtatakang tanong ni Migz sa akin.
Nilinis ko ang lalamunan saka pilit na ngumiti. Kahit papa'no, alam kong pinagplanuhan at naglaan din naman sila ng effort para sa sorpresang yun. Ayokong magmukhang bastos sa regalo nila kahit pa nga 'di naman talaga ako na-impress.
"H-ha? K-kasi ano, ok naman sana kaya lang..."
Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil nanlalaki at namimilog na ang dati naman ng may kalakihang mata ni Migz. Kapag gan'on kasi, alam kong medyo badtrip na siya.
"Kaya lang?" May diin pang ulit niya sa sinabi ko.
"Kaya lang parang minor?" Nakangiwing bulong ko sa kanya.
Umikot ang mata ni Migz saka umiling.
"Baby face lang talaga siya, day!" Tila kinikilig na sambit ni Migz kasabay ang pagtikwas ng mga daliri niya. Ako naman ang napailing at napangiti.
"Ang landi!" May kalakasang sambit ko.
"Atleast may lovelife at di malamig ang mga gabi ko, no." sigaw niya rin. Nagtawanan ang mga kasama namin.
"Malay mo naman bukas ng umaga hindi na birhen si Maria!" Malakas na sigaw din ni Stella, ang gf ni Oswald. Kasunod noon ay ang malakas na pambubuyo nila sa akin.
Natapos ang animo'y production number ng binatilyo. Nag-vow pa ito saka nagtungo sa likod ng stage. Si Migz naman ay nag-flying kiss sa lalaki at saka sumenyas na tatawagan niya ito.
Maya-maya pa ay muling tumugtog ang karaoke, isang magaslaw na tunog naman ang pumuno sa buong kwarto saka mula nanaman sa likuran ng mini stage ay nagsilabasan ang may anim yatang kalalakihan. In-fairness naman, napansin ko agad ang gaganda ng katawan nila. Mga moreno din ang mga ito at 'di hamak na mas may edad na kaysa sa binatilyo kanina. Lalong tumindi ang ingay ng mga kasama ko. Parang pati mga lalaki at tomboy ay nakikitili na rin. Halos kulang na lang ay takbuhin nila ang mga lalaki at pupugin ang mga ito.
Ako ay gaya kanina, nakaupo pa rin naman pero 'di ko maitatanggi na napanganga din talaga ako. Naka-boxer sila habang ang pang-itaas na damit ay pormal. May naka-tuxedo pa nga at lahat sila ay may tie. Nawirduhan ako sa porma nila, ano nanaman kaya ang trip ng mga ito? Huwag nila sabihing pare-parehas nilang nakalimutan magsuot ng slacks?
Dahil magaslaw nga ang tunog, kanya-kanyang sayaw ang mga lalaki. Ang iba ay nagpapa-cute lang at nagpapa-macho. May isa pang agaw atensyon na tinilian nanaman ng mga kasama ko, ang sakit sa tainga! Paano ba naman kasi, nag-twerk ba naman yung lalaki saka binayo ng binayo ang katawan niya na animo'y may imaginary partner sa harapan niya.
Halos himatayin ang mga babaeng kaibigan ko. Ako man ay na-entertain sa ginagawa nito. Bakat na bakat din kasi sa mga suot nilang boxer ang kaselanan nila. At malalaki talaga iyon! 'Di ko maiwasang mapalunok ng laway. Itinakip ko ang ilang daliri sa bibig ko at umaktong kinakagat ko lang ang mga kuko ko.
"Hoy, Maria Lorryn, masakit sa pantog kapag pinipigilan. Ilabas mo na yan!" Malakas pa akong tinapik ni Roan sa balikat.
Naguluhan ako. "Hindi naman ako naiihi." Sigaw ko sa tainga niya. Malakas kasi ang tugtog kaya kailangan ko rin lakasan ang boses ko.
Nakita ko ang pag-ikot ng mata niya kasabay ang pag-iling pero wala na siyang sinabi ulit. Napalabi ako. May mali ba 'kong nasabi? Ipinagkibit-balikat ko na lamang ang ginawi ni Roan. Minsan talaga may hindi ako maunawaan sa mga pasaring nila sa akin.
Ilang sandali pa ay muling lumamyos ang awitin.
Careless whisper!
Isa sa mga paborito kong kanta kaya napangiti ako saka pumikit at dinama ang panimulang tunog na naririnig ko.
Ng muli silang magtilian. Napadilat ako pero hindi na ako naka-imik sa pagkabigla ng masilayan ko ang lalaking nagtu-twerk kanina. Nasa harapan ko na ito at gumigiling. Nasa tapat ng mukha ko ang gitnang parte ng katawan niya, kamuntik pa akong masubsob doon nang bigla akong itulak ng kung sino sa likuran ko.
Dagling namula ang mukha ko sa naramdamang hiya pero itong lalaking nasa harap ko, parang nag-eenjoy pang ilapit sa mukha ko ang p*********i niya!
Lalong lumakas ang buyuhan nila. Maya-maya pa'y hinila ako ng lalaki sa gitna ng stage kasama ang inuupuan ko at doon ako pinaupo. Ayoko man ay wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod. Unang beses sa tanang buhay ko ang mababoy ng ganito dahil sa mga kaibigan ko pero sino ba ang may paki? I'm 32 years old for christ sake!
Pinalibutan ako ng mga lalaki at saka sinayawan. Bawat isa sa kanila ay may talentong ipinapakita, hindi naman nila ako masyadong hinahawakan. At kung gagawin man nila iyon ay talagang aangal ako or worst ay masampal ko pa sila. Pero yung paglapit nila ng mukha at bibig sa batok, pisngi, o tainga ko ay talaga namang nag-iiwan ng kakaibang kiliti sa akin, kiliting tila may binubuhay sa pagkatao ko, sa pinaka-maselang parte ng katawan ko..