CHAPTER 3: ONE-NIGHT STAND

1117 Words
"Cheers!" Malakas na sigaw namin kasabay ang pag-angat ng mga basong may lamang red wine. Medyo nahihilo na rin ako. May tequila din kasi kami at kung anu-ano ang kababuyang pinggagawa ng mga kaibigan ko gamit ang alak na iyon. Body shots daw ang tawag do'n at open-minded lang ang makakagawa ng ganoon. Game na game naman ang ilang kasamahan namin lalo pa nga at yung mga boylet na inupahan nila ang nakakasama nila. Ngiwi at tawa ang naging reaksyon ko. Uminom na lang ako kaysa makisali sa kanila. Part daw iyon ng entertainment ko. Mga sira-ulo talaga.. "May napili ka na bang ite-take out Madam Maria?" Maya-maya'y tanong ni Migz sa akin. Sunod-sunod akong umiling. "Huh? Take out? Huwag na sa inyo na lang ang mga yan, ang dami ko ng nakain." Nakangiting tugon ko. Nagulat pa ako sa naging reaksyon ni Migz, natapik niya ang sariling noo at tila nagkaroon ng mabigat ng problema. Napailing-iling siya kasabay ang malakas na tawanan ng mga kasama namin. Kahit kailan talaga palagi nilang ginagawa ang bagay na iyon. Kaya minsan tuloy nahihiya na akong sumama sa kanila, pakiramdam ko taga-ibang planeta ako. Tinawag ni Migz ang mga lalaki at pinahelera sa harapan ko. "Ayan ha, kahit bet na bet ko itong si Tutoy, e isasama ko na rin sa putahe baka sakaling matipuhan mo. Huwag kang mag-alala, ako ang sasagot sa one night stand mo, girl!" Malanding saad nito. Doon ko lang tuluyang naintindihan ang tinutukoy niyang take-out. "O, kayo. Magsimula na kayong dumiga kay Madam Maria kung bakit kayo ang karapat-dapat na makauna sa kanya," dagdag pa ni Migz. Nanlaki ang mga mata ko. Pero hindi ko lang alam kung literal na lumaki iyon dahil ang alam ko, naniningkit na ang mga iyon dulot ng tama ng alak sa akin. Natanaw ko ang pag-usad ng unang lalaki. Tumikhim siya bago nagpakita ng mga muscle at biceps. "Sigurado akong sa laki ng mga muscle ko, mag-e-enjoy kang pisil-pisilin ang mga ito. Ito pa lang sapat na para sa akin ka bumigay, Madam Maria," anito. May pagkamahangin ang isang yun. Sumunod naman ang isa pang lalaki. "Nakikita mo ba ito, Madam Maria?" Tanong niya saka itinapat yung hinaharap niya sa akin. Ito yung nagtu-twerk kanina. "Alam kong masyado itong malaki at mahaba para sa makipot mong.." "Hep, hep." Mabilis kong pigil sa kanya saka iwinagayway ang kamay ko. Nabababuyan talaga ako sa sinasabi nila! "Alam mo, Migz. Pag-anuhin mo na lang sila. Yung ano.. Maiba taya?" Patanong na sambit ko. "Ha? Ano yung maiba taya?" takang tanong ni Migz sa akin. Ako naman ang natawa. "Yung mag-iiba taya sila. Yung sa kamay, kung sino naiiba, dun ako sasama." Pilit na paliwanag ko. Nahihilo na kasi talaga ako. "Ah- O, iyon na lang daw ang gawin niyo. Hindi ba't mas madali?" Rinig kong saad ni Migz sa mga lalaki. Kita ko pa ang pagsunod ng mga lalaki sa sinabi ni Migz. Ilang segundo pa ay napa-yes ang isa sa kanila. Malakas iyon kaya napa-angat ako ng tingin. Si Mr. Twerk?! Napangiwi ako at bahagyang kinabahan. Noon ay mahalaga ang puri ko sa akin, naniniwala kasi ako na ito lang ang tanging maipagkakaloob ko sa magiging asawa ko. Gusto ko rin na maibigay lamang iyon sa unang gabi ng aming kasal. Pero nasira ang lahat ng iyon dahil sa natuklasan ko sa unang lalaking tanging minahal. Matagal akong nawalan ng gana sa mga kalahi ni Adan at nagpokus lang sa career ko. Bagay na gusto kong pagsisihan ngayon. Ngayon nga ay parang ipinamimigay ko na lang kalinisan ko sa estrangherong kung saan lang pinulot ng mga kaibigan ko magkaroon lang ng karanasan at huwag mahuli sa biyahe. At ang masakit pa roon, babayaran ito para lang makipagtalik sa akin?! Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari, tuluyan na kasing bumigat ang mga mata ko at tuluyan na akong nilamon ng kanina pa pinipigilang antok. ................................ Malalakas na katok sa pintuan ang gumising sa nahihimbing kong diwa. Noong una akala ko ay nasa malaking bahay ako ni Lola Calixta kaya mabilis akong tumayo at nagbukas ng pintuan. Pero sa gulat ko ay nakakunot na noo ni Migz ang sumilay sa akin. Nakapamaywang siya sa tapat ng pintuan habang nakasuot ng roba. Napakunot din ang noo ko. Doon ko lang napagtanto na iba ang kwartong kinaroroonan ko. "M-migz?!" Gulat na bulalas ko. "Mabuti naman gising ka na!" Ramdam ko ang inis sa tinig niya ng dere-deretso siyang pumasok sa kwarto ko. "Yang bra mo ayusin mo!" Sigaw niya pa sa akin. Noon ko lang rin napagmasdan ng husto ang suot ko. Nakalilis ang dress ko at labas ang bra ko. Kinabahan ako habang pilit na inaalala ang nangyari kagabi. Ng maayos ang suot na dress ay sinilip ko ang pang-ilalim kong suot, wala ang cycling ko at nakapanty na lang ako! Ng tapunan ko ng tingin ang pinanggalingan kong higaan ay nakita ko doon ang manipis na cycling, nakakalat! Mabilis kong tinungo ang kama at kinuha ang cycling. Masakit ang ulo ko at wala akong maalala. Pinakiramdaman ko ang katawan, wala namang bago maliban sa masakit ang likuran ko. May naaamoy din akong kakaiba, hindi ko lang alam kung saan nanggagaling. Inamoy ko ang sarili, hindi naman sa'kin. Napahawak ako sa dibdib at napayuko pero nagulat ako nang bigla akong sapukin ni Migz. "Aray! Ang aga naman Migz," angil ko sa kanya. Deretso pa rin ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Ano ba, ang weird mo! Naiwala ko na nga ang virginity ko galit ka pa!Nasaan ba ako at anong oras na?" Tanong ko sa kanya. "Hah! Naiwala?" Ngumisi siya ng mapakla. "O-oo, b-bakit hindi ba? E, bakit gano'n ang hitsura ko kanina?" Kinakabahang tanong ko. "Sira! Sukat ba namang sukahan mo yung tao, sino pang gaganahan sayo, ha? Nadoble pa tuloy yung bayad ko sa tao dahil nakalunok daw ng suka mo." Nakangiwing paliwanag niya sa akin. "Nakalunok? Paano naman niya malulunok?" Gusto kong maduwal sa narinig. "Talaga bang hindi mo naaalala?" May pagdududa sa mga mata ni Migz. Sinubukan kong alalahanin ulit. May kaunting nagpa-flashback kaya sinubukan ko ulit mag-concentrate sa pagbabalik-tanaw. Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ko at napahawak ako sa bibig. Oo, tama! Pilit niya akong pinapatong sa kanya dahil naitulak ko siya sa higaan. Tapos sinusubukan niya akong halikan pero dahil naaasiwa ako sa amoy ng pinaghalong alak at sigarilyo niyang hininga ay tuluyang bumaliktad ang sikmura ko, walang sabi-sabing naduwal ako sa mukha niya habang pilit niyang nilalapit yung labi niya sa bibig ko. Ang alam ko ay napamura pa siya bago ako itinulak ng malakas palayo sa kanya, bumagsak ako sa kama ng patihaya. Kaya pala masakit ang likod ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD