CHAPTER 1: KAARAWAN

1176 Words
LORRYN's POINT OF VIEW Marahan kong ipinarada ang aking kotse sa may kadilimang parte ng parking area ng bar. Dito namin naisipang i-celebrate ng mga kapwa ko nurse ang birthday ko. Hindi ko na sila madalas makasama dahil na rin sa na-stay na ako sa malaking mansiyon nina Lola Calixta- ang matandang inaalagaan ko. Ang gabing ito ay ang pinaka-relaxation ko na rin. Ite-treat raw nila ako at bibigyan ng mga lalaki! Nangiti ako sa alalahaning iyon. Sinipat ko ang orasan sa aking braso, pasado alas syete na. Huli lang ako ng ilang minuto. Ang tagal kasi dumating noong isang nurse na naka-oncall at pumapalit sa trabaho ko kapag may mahalaga akong lakad. Mabuti na lang at libre din siya ngayong araw. Ng makababa ay inayos ko ang suot na formal dress at maliit na handbag. Importanteng mga gamit lang naman ang naroon. Nagsimula na akong maglakad patungo sa main door ng bar. May kalayuan iyon sa pinaglagyan ko ng sasakyan. Palibhasa weekend ngayon kaya maraming guest at dahil medyo late na ako kaya sa sulok na napunta ang sasakyan ko. Ilang sandali pa ay nakapasok na rin ako sa loob. Sumalubong sa akin ang malakas na tugtog at patay sinding ilaw. Ang sakit sa tainga at mata! Slow rock iyon na sinasabayan nang magaslaw na sayawan ng mga guest sa loob. Pilit akong sumingit sa nagkakasiyahang mga tao at tinungo ang pina-reserve kong room para sa amin ng mga kaibigan ko. Doon ay hindi rinig ang malakas na tugtog at may sarili pa kaming karaoke for entertainment. Kaagad kong binuksan ang pintuan pero nakabibinging katahimikan at kadiliman ang sumalubong sa akin. Napa-irap ako. "Wala pa sila?" Tanong ko sa sarili. Ang buong akala ko pa naman ay late na ako. "Hindi kaya inindiyan nila ako?" Malungkot na bulong ko ulit sa sarili. Hindi na 'ko nag-abalang buksan ang ilaw at tumalikod na. Isinara ko na rin ang pinto pero nakarinig ako ng kalabog sa loob kaya mabilis kong binuksan ulit iyon at binuksan na rin ang switch ng ilaw. Isang malakas na tampal sa noo ang bumungad sa akin kasabay ang hiyawan nila at pagbati. "Surprise! Happy Birthday Birheng Maria!" Sabay-sabay na sigaw nila. Napahawak ako sa noong masakit pa rin. Pakiramdam ko nahilo ako. Gayunpaman ay nagawa ko pa ring ngitian ang mga kaibigan kong nasa kabilang gilid ng mahabang lamesa. Nasa harapan ko si Migz at hindi ko alam kung nakangiti ba o nakasimagot. "Alam mo, hindi ka lang dakilang maria klara, ubod ka pa ng ignorante!" Nakairap na sambit niya. "O, heto ang cake. Mag-wish ka na,” maya maya'y nakangiti na ring saad niya sa akin. Naguguluhan man ako sa sinabi niya ay dali-dali na rin akong pumikit at saka umusal ng wish at hinipan ang napakaraming kandila sa cake. "Thank you," puno ng sinseridad at tuwang saad ko sa kanila. "Akala ko talaga hindi niyo na ako sisiputin, e." Muli, isang tampal sa noo ang naramdaman ko mula kay Migz. "Ano ba! Kanina ka pa, Migz ha?" Inis na sambit ko. "E, pano. Imbis na buksan mo yung ilaw kanina, talagang aalis ka na lang na parang wala lang?" Nanlalaki ang matang bulyaw niya sa akin. "Teka, birthday ko ba talaga? Ba't ka nagagalit?" "E kase.." umakbay siya sa akin saka ako iginiya sa naghihintay na upuan. "Hay nako ewan ko sayo Maria Lorryn." Naiiling na saad niya saka ako parang puppet na pinaupo sa naiibang monoblock na nababalutan ng puting tela. Doon ko lang rin napansin ang magandang ayos ng nirentahan kong kwarto. Maraming pagkain ang nasa mahabang mesa kasama ang ilang wine at beers. Maganda rin ang dekorasyon pero nakakapagtakang hindi iyon mukhang pang-birthday. Mas mukhang pang valentines dahil puro pula ang designs. Takaw pansin din ang maliit at tila stage sa gitna. "Para saan yun?" takang tanong ko sa kanila habang nakanguso sa mini-stage na parang pinasadya pa. Isa-isa ko silang tiningnan pero nakakalokong ngiti at palitan ng tingin lang ang isinagot nila sa akin. "O, kantahan na ba muna natin ang birthday girl bago natin ibigay ang pinakamalaki nating gift sa kanya?" Tanong ni Migz sa iba. "Oo, Yiiee, Yehey!" Samut-saring sigawan nila. Ang alam ko ay hindi naman kami aabot sa sampu pero yung ingay nila, daig pa ang bente katao! "Alright, 1,2,3 sing!" "Maligayang kaarawan, Maligayang kaarawan, maligaya, maligaya, maligayang kaarawan," Mahaba at malamyos na kanta nila. Parang pang-patay. Nanlalaki ang mata ko ng tingnan ko sila. Yung energy kasi nila kanina parang biglang nawala. "Wow, salamat ha? Mukha nga kayong masayang-masaya," sarkastikong saad ko. "Ay, oo nga pala. Nahawa kasi kami sa s*x life mo, boring," patatching na pahayag ni Roan. Ang pinaka-sexy at pinaka-wild sa amin. "Seriously? Aasarin niyo lang ba 'ko?" nakalabi kong sambit. "Maligayang bati sa iyong kaarawan, Happy happy happy birthday... Sana'y ma-virgin ka naaa!" malakas na sigawan nila kasunod ang halakhakan. Napayuko ako ng ulo at hindi ko napigilang matawa nang mahina. "Mga bwiset talaga!" naiiling na bulong ko sa sarili. "Nako, birheng Maria, talo ka pa ng ilang kabataan diyan sa labas. Sila hindi na mabilang sa daliri ang karanasan. 32 ka na, aba!" ani Makoy habang nauupo sa tapat ko. Sabay-sabay na rin silang nagsi-upo. Nasa akin ang mga mata nila. Nakaramdam ako ng pagka-asiwa, iisa ang ibig sabihin ng mga tingin nila. basang-basa ko doon ang pambubuyo. "What's with that look, guys? You creep the hell out of me," inis na sambit ko. Sa pagkagulat ko ay sininghot-singhot ako ni Migz na noo'y nasa kabilang gilid ko. "Amoy gamot ka na, Maria Lorryn. Wala ka bang plano magkajowa?" malanding tanong niya. Napakunot ang noo ko. "Saan naman ako hahanap ng jowa? Ayoko naman sa mga manliligaw ko no, hindi pa ko gano'n kadesperada!" "Paano kung offeran kita ng boylet? aba, hindi ka na bumabata. Baka mamaya mangulubot na yang kepyas mo at matres e, hindi man lang napapakinabangan," dere-deretsong pahayag niya. Nanlaki ang mga mata ko. Naghagikgikan ang mga kasama ko. Pinaghalo kaming babae, lalaki, tomboy, at bakla sa grupo. Magkakasama na kami simula pa noong collage days hanggang makapagtapos at makapasa sa board exam, naiwan man ang iba dahil hindi agad pinalad na makapasa pero sa iisang hospital pa rin naman kami nagkita-kita. "Bueno. Ilabas na ang regalo!" pumalakpak si Oswald, ang kasama naming tomboy saka dali-daling natungo sina Makoy at Daniel sa likod ng mini-stage. Dahil curious ako sa regalong sinasabi nila ay kaagad na napako ang tingin ko kung saan sila lahat nakaabang. Sa likod ng mini stage ay may inilabas ang dalawang lalaking kasama namin. Isa iyong malaking cake! Namangha ako lalo na ng itayo ako ni Migz at ilapit doon. Ng hawakan ko ang tila bulaklak naroon ay doon ko lang napagtanto na gawa lang pala iyon sa kahoy at dinisenyuhan lang ng hitsurang cake. Bahagya pa akong napapitlag ng pumailanlang ang isang malamyos na awitin. Instrumental at mula sa saxophone ang tugtog, kasunod noon ay bumuka ang pinaka-ikatlong layer ng cake at lumabas mula sa loob ang isang lalaki, hubad ito at tanging brief lamang ang saplot sa katawan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD