KABANATA 7: LAST NIGHT

1143 Words
Naging normal naman ang mga sumunod na oras, kalaunan ay nakalimutan ko na rin ang inis na nararamdaman ko para kay Chad lalo na at hindi ko na rin naman nakita ang pagmumukha niya sa buong maghapon. Alas nuebe ng gabi ng matapos ako sa lahat ng dapat gawin. Maayos na rin si Lola Calixta sa kanyang kuwarto. Kasalukuyan na akong nasa kuwarto ko at nagpapahinga. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng init, maalinsangan ang paligid at nanlalagkit na rin ako. Hinubad ko ang uniporme at kinuha ang tuwalya, ibinalot ko iyon sa hubad na katawan at pumasok sa loob ng CR. Pero nanlaki ang mga mata ko ng sa paghawi ko ng shower curtain ay nabungaran ko si Chad sa paliguan. Palibhasa patay ang shower kaya hindi ko namalayan na may ibang tao pala doon. Nakatalikod siya sa akin kaya malinaw kong nakita ang kabuoan ng kanyang matikas na likuran at pang-upo. Parang sandaling huminto ang oras ko, hindi nakikisama ang katawan ko sa ibinubulong ng isip ko na dapat umalis na ako doon at mag-iwas ng tingin. Tila balewala rin siyang humarap sa akin, may hawak siyang sepilyo sa kanyang kamay habang nakasuksok iyon sa kanyang bibig. "Yes?" Medyo bulol na tanong niya sa akin. Walang mababakas na pagkabigla sa mukha niya at hindi rin nag-abalang takpan man lang ang kanyang katawan. Ang totoo ay mukhang proud pa nga itong humarap sa akin. Nanatili ang mata ko sa mukha niya, hanggang dibdib lang ang ibinaba noon sa takot na kung ano pa ang makita ko kung ibababa ko pa ang paningin ko. "Uhm-" kasabay noon ay ang paglunok ko ng sariling laway. "A-ano, sorry." Sa wakas ay nagawa ko ring talikuran siya. "You wanna join me?" Rinig kong usal niya. Napahinto ako sa paglalakad at sunod-sunod na umiling. Kung bakit naman kasi nawala sa isip ko na may ka-share na nga pala ako sa banyo? "S-sa ibaba na lang ako maliligo, pasensiya na." Tugon ko ng hindi pa rin lumilingon sa kanya. "Seriously? Bababa kang nakaganyan lang? Nako, tapos na rin naman ako, Miss. Dito ka na maligo, baka mamaya madulas ka pa paakyat, kasalanan ko pa." Bigla ay parang naging mas makatotohanan na ang tinig nito ngayon. Hindi gaya kanina na akala mo ay nang-aakit. "H-hindi, okey na 'ko sa baba." Pagmamatigas ko saka nagsimulang humakbang ulit. "I insist!" Buo at maotoridad na wika niya. Napabuntong-hininga ako at marahang umikot paharap sa gawi niya. Siniguro kong sa itaas ako nakatingin. "Okey," tugon ko upang matapos na rin ang pag-uusap na iyon. Pagod na ako at gustong-gusto ko na matulog. "Good." Sinabayan pa nito iyon ng ngisi habang nagpupunas ng towel sa kanyang balat. Umirap na lang ako at matiyagang naghintay hanggang sa makaalis na ito sa loob ng CR. Ng tuluyan ko ng masolo ang lugar ay ini-lock ko na rin mula sa loob ang pintuan patungo sa kuwarto ni Chad bago tuluyang naligo. Pagkalapat pa lang ng likuran ko sa higaan ay kaagad na akong iginupo ng matinding antok. Siguro dahil pa rin iyon sa epekto ng hang-over at nainom kong alak kagabi. Malalim na ang tulog ko, ramdam ko iyon dahil alam kong nakanganga rin ako at sarap na sarap sa pakiramdam na nakakapagpahinga na ako ng maayos. Subalit napabalikwas ako dahil sa malalakas na katok mula sa labas ng pintuan, wala iyong ibang tunog kahit pagtawag man lang sa pangalan ko kaya kahit pupungas-pungas pa ay marahan kong nilapitan ang pinto at inilapat ang tainga ko sa pisngi noon. "Who is this?" Mahinang bulong ko mula sa kinaroroonan. "Just open the goddamn door!" Halos pabulong na usal ng tao sa labas ngunit naroon ang pagmamadali at tila inis nito. "C-Chad ikaw ba yan?" Parang nabosesan ko kasi siya. "Oh, crap! Just open the door, please!"sinundan niya pa iyon ng katok ulit. Binuksan ko naman, sa pagkabigla ko ay mabilis siyang pumasok sa kwarto ko at dali-daling dumeretso sa banyo ng walang pasabi. Ng sipatin ko ang orasan ay pasado ala una ng madaling araw. "Ahh.." rinig ko pa ang may kalakasang ungol niya na iyon. Akala mo ay nakaraos sa bagay na kanina niya pa tinitimpi. Hindi na ako umalis sa tabi ng pintuan at hinintay siyang lumabas mula sa banyo. "Next time, huwag na huwag mong ila-lock mula dito sa banyo ang pintuan papunta sa kwarto ko, do you understand?" Tanong niya habang nakasilip sa pintuan ng banyo. Hindi niya na ako hinintay sumagot, muli niyang ibinalandra pasara ang pintuan at hindi na muling lumabas. Hindi ko nga ba nai-unlock ang pintuan doon kanina bago ako lumabas? Mariin akong napapikit, marahil hindi nga. Sa sobrang antok ko na rin siguro.. Muli akong pasuray-suray na bumalik sa higaan, itutuloy ko na ang naudlot na pagtulog. Nang-istorbo lang pala yung lalaking iyon para makiihi. Sabi ko naman sa kanya sa baba na ako gagamit ng banyo, e. Siya naman ang may ayaw kaya pasensiya siya. 3 am ay nag-alarm ang phone ko, oras na para sa gamot ni Lola. Itinuturok ko lang naman yun sa dextrose niya kaya hindi naman ganoon kahirap. Pagpasok ko sa kwarto ni Lola ay nagulat pa ako ng makita si Chad sa gilid ng higaan nito. Mukhang tulog na ang binata habang nakayukyok doon at hawak ang kamay ng kanyang Lola. Napangiti ako ng totoo. Tila mahal na mahal nito ang matanda. Sinilip ko muna si Lola kung kumportable pa ba ito sa pwesto niya bago maingat na kumilos upang maiturok na dito ang gamot niya. Ng masigurong okey na lahat ay tangka na sana akong lalabas ng muling mapabaling kay Chad, nakasando lang ito at hindi lingid sa akin na medyo malamig sa kwartong iyon. Dahil doon kaya kinuha ko ang makapal na blangket sa cabinet ni Lola at marahang ipinatong iyon sa likod ni Chad paikot sa kabuoan ng katawan nito. Baka kainin kasi ako ng guilt ko kapag biglang nagkasakit ang lalaking 'to! Kinabukasan ay balik ako sa nakasanayan, gigisingin si Lola, lilinisan at ibaba upang makapag-almusal at makainom ng maintenance niya at vitamins. Pero pagbaba namin ay naroon na si Chad at nagkakape, nakataas pa ang paa nito sa sofa. Mabilis naman itong tumayo at sumalubong sa amin. "Oh, there you are, Lola. Good morning!" Masayang bati nito sa alaga ko saka muling humalik sa noo ng matanda. Nagtaka pa ako ng sa akin naman siya bumaling pagkatapos noon. "Uh, about last night, thank you." May kalakasang wika niya sa akin. Awtomatikong kumunot ang noo ko at napagala ang mata sa paligid, medyo kulob ang bahay kaya alam kong sa lakas ng pagsasalita ni Chad ay maririnig iyon ng malapit lang sa amin. At tama nga ako, naroon ang dalawang katulong, isang taga-linis at labandera, kakaiba ang mga tinging ipinukol nila sa akin matapos magsalita ni Chad. Sh*t! Siguradong laman nanaman ako ng usapan ng mga tsismosang iyon mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD