"Ano ba? Kanina pa ko naghihintay na umalis kayo, hindi ako makausad. Nasa likuran ng sasakyan niyo ang van ko kaya pwede ba, sa motel niyo na ituloy kung ano man ang ginagawa niyo diyan sa loob." Galit na sigaw ng isang lalaki matapos ibaba nang kaunti ni Chad ang windshield ng kotse. Bastos pero may punto siya. Nakakapanting nga lang ng tainga ang boses niyang dinaig pa ang nagbubungangang babae. "Ah, sorry boss. Paalis na rin." Nakangiting usal ni Chad. Tumingin din siya sa akin at kumindat. Ang inaakala ko ay magagalit din siya pero hindi. Sa pagkakakilala ko sa kanya, siya yung tipo na hindi pwedeng basta na lang sigawan. Nagmaneho siya at tuluyan akong inilayo sa Hospital. "S-saan ba tayo p-pupunta?" Hindi magkamayaw na tanong ko. Nag-e-echo pa rin sa tainga ko ang sinabi nung l