Chapter 39
The motives
Kinabukasan ay nagkaayos na ng tuluyan ang kambal at bumalik na ang pakikitungo nila sa isa’t-isa. Balik sa dati na walang hiyaan at pag-aalinlangan sa pagitan nilang dalawa.
Nagpapasalamat talaga si Lorie dahil napakamaunawain ng kambal niya. Pinagpala ito sa pagkakaroon ng malawak na pang-intindi at pang unawa.
Masaya si Lorie dahil sa kabila ng mga nagawa niya ay tinanggap at hindis siya hinusgahan ng kambal niya bagkus ay inalam muna nito ang side niya bago ito nagdesisyon.
Alam niyang likas na mabait at maunawain ang kapatid pero ayaw niya naman abusuhin iyon.
Nasa sala ngayon si Lorie at nanunood ng palabas sa telebisyon. Nagkakape rin siya habang ang kambal niya ay nagbibihis pa sa kwarto nito. Mukhang may lakad kasi ata ang kapatid niya pero hindi niya na ito tatanungin kung saan.
Nagitla si Lorie ng may bumusina sa labas ng bahay niya habang umiinom siya ng kape kaya tumilapon ang iilan sa damit niya at sa dibdib na parte pa.
“Baka!”(Stupid!) Singhal ni Lorie dahil sa init na naramdaman mula sa tumilapon na kape sa dibdib niya.
Sinilip ni Lorie kung sino ang bumusina sa labas at nakita niya ang lalaki na sa pagkakatanda niya ay Chris ang pangalan.
Tinakip muli ni Lorie ang kurtina at pinuntahan ang kapatid niya.
“Rovie, nasa labas na sundo mo.”Pagbibigay alam ni Lorie sa kambal na abala pa rin sa paghahanda.
Lumingon si Rovie kay Lorie at namangha naman ang huli sa ganda ng kambal.
“So, may date ka pala ngayon? Humm?”ani Lorie at minamasahe ang baba niya gamit ang isang daliri niya.
“Hihi.”
Ang tanging reaksyon ni Rovie sa sinabi ni Lorie. Natatawang napailing nalang si Lorie sa kakulitan ng kapatid niya.
“Bilisan mo na diyan. Pinaghihintay mo ang masugid mong manliligaw.”Pang-aasar ni Lorie sa kambal na kinasimangot nito
Umalis si Lorie sa kwarto ni Rovie at pumunta sa kwarto niya para magbihis ng pang itaas na damit.
Pagkatapos magbihis ay nauna pa rin siya sa kapatid niyang lumabas at ito’y nag aayos pa rin. Sa kanilang dalawa talaga mas kikay at marunong sa pampaarte ang kapatid. Siya kasi ay simple lang at walang arte sa katawan.
Bumalik sa pag upo si Lorie sa sofa nila sa sala at tinuloy ang panunood at pag inom ng kape.
‘Di kalaunan ay lumabas na rin sa wakas si Rovie mula sa kwarto nito. Nakasuot ito ng mabulaklak na bestida at nakamake-up ng light lang.
Maganda na ang kapatid pero mas gumanda pa ito ngayon dahil sa pag-aayos. Nakalugay rin ang mahaba at kulot nitong buhok na mas nagpa-enhance lalo sa ganda nito.
“Pupunta ka ba sa trabaho ngayon, sis? Doon sa coffee shop?”tanong ni Rovie habang sinusuot ang step-in sandals niya.
“Mamaya pa ako papasok doon. Dadaan muna ako sa alam mo na kung saan.”tugon ni Lorie na tinanguan naman ng kaniyang kambal.
“Oo nga pala. Mag-iingat ka roon, sis ha? Maging mapamatyag at alerto palagi okay sis?”paalala ni Rovie kay Lorie na siyang ikinangiti at ikinatango ng huli.
Lumabas ni Rovie pagkatapos niyon at sinundan ito ni Lorie para tingnan ang dalawa.
Nakasandal ang lalaki sa unahan ng kotse nito at nakapamulsang hinihintay ang kapatid niya. Mabilis itong ngumiti ng makalapit ang kapatid at tumindig ng tuwid.
Nakita ni Lorie na nakipagbeso ang kapatid sa lalaking si Chris at pinagbuksan ito ng pintuan. Lumingon muna muli si Rovie at kinaway ang mga kamay sa kaniya na animo’y alam nito na nakatingin siya.
Napangiti nalang si Lorie sa ginawa ni Rovie at masaya siya na makitang seryoso at maayos ang pakikitungo ng lalaki sa kapatid niya. Masaya dahil sa magkakaroon na ng katuwang ang kapatid kung sakaling maging seryoso na ang mga ito.
-----
Nang makaramdam na ng pagkabagot si Lorie sa bahay nila ay nagpasya na siyang umalis at pumunta sa headquarter nila.
Nakamaong na pantalon, puting t-shirt at leather jacket ang suot ni Lorie pagkatapos maligo at nagsuot din siya ng mask para matakpan ang mukha niya.
Kinuha niya ang helmet at pumunta sa grahe nila kung saan naroon ang isang sasakyan at motor nila magkapatid.
Kinuha ni Lorie ang susi ng motor bike niya at iyon ang ginamit papuntang head quarter. Sinarado niya ng maigi ang bahay nila tyaka siya lumapit sa motor niya.
Pinaandar niya ang motor at sumakay dito tyaka siya umalis ng bahay. Mabilis ang ginawang pagpapatakbo ni Lorie sa motor niya dahil wala naman gaanong sasakyan sa high way.
Mas binilisan pa ni Lorie ang pagpapatakbo at hindi rin nagtagal ay nakarating siya kaagad sa head quarter nila.
Hininto ni Lorie ang motor sa parking space ng organisasyon at bumaba ng motor niya. Tinanggal niya ang helmet na suot at pumasok sa loob ng establishment na pag mamay-ari ng grupo.
Sumalubong kay Lorie si Aliyah na nakangiti at tinapik ang balikan niya ng makalapit.
“Bilis mo magpatakbo ha. Kahit sa may gate hindi ka nagmiminor. Angas ng datingan.”ani Aliyah na animo’y namamangha sa kaniya.
Ngumisi at tinanguan lang ni Lorie ang babae dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumportable sa presensya nito. Hindi pa rin siya sigurado kung totoo ba ang mga pinapakita noo o kinukuha lang ang loob niya.
Unfair man maituturing pero iyon ang totoo niyang nararamdaman. Nagpapasalamat siya rito dahil sa naitulong nito sa kaniya sa Japan pero hindi pa rin mawawala sa isipan niya na isa sila sa mga nagpahirap sa mga magulang nila ni Rovie. Na kasapi pa rin sila sa pumatay sa mga magulang niya.
Kung ano man ang motibo ni Aliyah sa pagiging mabait at malapit nito sa kaniya at sasakyan nalang ito ni Lorie. Aminin niya man o hindi ay magiging malaking parte si Aliyah sa mga plano ni Lorie. Ito ang magiging daan niya para mapabagsak ang mga sindikatong pumaslang at nagpahirap sa mga magulang nila ni Rovie. Ipaghihiganti niya ang pagkamatay ng mama at papa nila. Hinding-hindi nila sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanila ng magulang upang mabuhay silang dalawa.
Bibigyan nila ng hustiya ang mama at papa nila at sisikapin nilang pabagsakin lahat ng mga sindikatong sangkot sa pagkamatay nila.