Chapter 40

1144 Words
Chapter 40 Getting into an Accident Mula sa head quarter ay pumunta si Lorie sa coffee shop para pumasok sa trabaho. Lulan siya ng kaniyang motor at nagpapatakbo patungo nga sa coffee shop. Mabilis pa rin ang ginagawang pagpapatakbo ni Lorie at hindi niya namalayan ang papalikong kotse na mababangga niya. Huli na ng mapagtanto niya at huli na rin para magminor siya upang kumapit ang break. Sumalpok si Lorie sa kotse at tumilapon siya mula sa kaniyang motor. Tumama rin ang ulo niya na may helmet sa sementong daan na dahilan ng pagkahilo ni Lorie. Hinubad niya ang suot na helmet at nakahilata pa rin sa daan. Mas lalong umikot ang paningin ni Lorie dahil sa araw na tumatama sa mukha niya at biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Bigla siyang nakaramdam ng nerbyos hanggang sa panawan na nga siya ng malay. ----- Inis na inis na bumaba ng kotse niya si Alexis para tingnan at ang singhalan ang taong bumangga sa kotse niya. Mabuti nalang at hindi ‘yong paborito niyang kotse ang ginamit niya dahil kung iyon ay baka makapatay siya ng tao. Makikipag-away talaga siya sa nakabangga sa kaniya. Pagkalabas ng kotse ay tiningnan ni Alexis ang taong nakahilata sa daan at nilapitan ito. Nanlaki ang mata niya ng makita si Lorie na nakahandusay sa daan. May dugo ang noo nito at nakapikit ang mga mata. Napatingin din si Alexis sa helmet na basag na ngayon. Napapabuntong hininga na yumuko si Alexis para alamin kung may malay ba si Lorie o wala. Tinapik niya ang pisngi nito ngunit walang reaksyon. Dinilat niya rin ang mga mata ni Lorie gamit ang kaniyang kamay ngunit wala itong mga response. Ibig sabihin ay nawalan na nga ito ng malay. Napalingon si Alexis sa paligid ng may mga tao ng nagkukumpulan sa pwesto nilang dalawa ni Lorie. Binuhat nalang ni Alexis si Lorie at dinala sa kotse niya. Pinahiga niya ang dalaga sa likurang upuan ng sasakyan niya. Binalikan ni Alexis ang helmet ni Lorie at kinuha iyon tyaka inilagay sa likuran ng Hilux niya. Binuksan niya rin ang maliit na harang sa likod para isakay ang motor ng dalaga. Pagkatapos gawin iyon ay sinarado ni Alexis ang harang at kumuha ng tali para itali ang motor ni Lorie upang hindi ito umalog at mahulog. Pagkatapos ng lahat ng iyon ay sumakay na muli si Alexis at nagdrive patungo sa pinakamalapit na hospital. Pagkarating sa hospital ay binuhat muli ni Alexis si Lorie at ipinasok sa emeergency room. “Got into accident and hit her head. Check on her immediately.” Hindi na hinintay ni Alexis na magtanong ang nurse o emergency aide at sinabi na niya ang dahilan kung bakit siya naroon at ang sanhi kung bakit. Dahan-dahang inilapag ni Alexis si Lorie sa isang kama na naroon sa emergency room at aalis na sana ngunit pinigilan siya ng isang nurse. “Sandali lang po sir. Hindi ka po muna pwedeng umalis. Kailangan ka pa po naming tanungin tungkol sa nangyari para maassess namin ng maayos ang pasyente.”ani ng nurse na nagpakunot sa noo ni Alexis. “I told you, she got into an accident. Got blown away from her motor bike, hit her head in the ground then she passed out. What else should I be here for more than bringing her in Emergency Room and give you the details?”malamig at dominanteng tugon ni Alexis sa babaeng nurse. “Kailangan din po kasi may mag-assist sa pasyente since kayo po ang nandidito.”magalang na saad ng nurse na mukhang natakot sa sinabi niya kanina. “Tss. Fine. Attend her now and I’ll just be here.”walang gana na saad ni Alexis at tinalikuran ang babaeng nurse. “Sus! Gwapo sana kaso masungit at suplado.”Bulong ng nurse na rinig na rinig naman ni Alexis. “I know.”reaksyon ni Alexis sa sinabi ng babaeng nurse at lumabas ng emergency room. Tinawagan ni Alexis ang kaibigan na si Chris upang ipaalam dito ang nangyari dahil tinitiyak niyang magkasama ito at ang kambal ni Lorie ngayon. Nakailang attempt siyang tumawag bagamat hindi sumasagot ang kaibigan. Tinext niya nalang ang kaibigan niya nasa hospital siya at sinabi ang dahilan kung bakit siya naroon. ----- Tinitigan ni Alexis si Lorie na wala pa ring malay hanggang ngayon. Pinakatitigan niya ito ng maigi at unti-unti niyang nakikita ang pagkakaiba nilang dalawa ni Rovie. Kung titigan maigi mas maganda ang hugis ng ilong at labi ni Lorie kaysa kay Rovie. May mole rin si Lorie sa gilid ng kaniyang mga labi. Maputi rin ang complexion nito hindi katulad ng kay Rovie na medyo may pagkamorena. Para sa kaniya mas maganda si Lorie kaysa sa kambal nito. Biglang natauhan si Alexis sa mga pinag-iisip niya kaya iniling niya ang kaniyang ulo at inalis ang pagkakatitig niya kay Lorie. Naramdaman niya rin kasi na biglang bumilis ang t***k ng puso niya at hindi niya maipaliwanag kung bakit. Get a hold of yourself dimwit. Pangaral ni Alexis sa sarili at umiwas ng tingin kay Lorie. Hindi maganda ang nararamdaman niya. Hindi siya alam kung ano at mas lalong hindi siya sigurado. Maya-maya ay nagising na si Lorie at kinakapa pa ang kaniyang paningin. Nang maging malinaw ang paningin niya ay nakita ni Lorie na nasa puting kwarto siya. Ang huling natatandaan niya ay nabangga siya sa isang kotse at nawalan siya ng malay. Hinala ni Lorie ay nasa hospital siya ngayon lalo na ng makita niya ang hospital gown na suot at dextrose sa kamay niya. Napangiwi nalang si Lorie ng sumidhi ang sakit sa ulo niya dahilan para mapahiga siya ulit. “Don’t move just yet.”ani ng isang baritonong boses na nagpadilat muli kay Lorie. Nakita niya ang mayabang na lalaki na pinakilala sa kaniya noon ng kapatid niya. Anong ginagawa ng lalaking iyan dito? Tanong ni Lorie sa sarili at pinikit ang kaniyang mga mata ulit. Hindi niya gustong makita ang lalaki dahil naiinis pa rin siya rito hanggang ngayon. “You hit my car.”walang gana nitong saad na para bang alam nito kung ano ang iniisip niya. “Oh? I’m sorry then for your car.”sarkasmong saad ni Lorie at napaismid. Ewan niya ba. Nayayabangan talaga si Lorie sa lalaki at hindi niya gusto ang presensga at awra nito. Hindi niya alam kung bakit basta naiinis siya rito. “You’re unbelievable!”nakakunot ang noo na tugon ni Alexis sa sinabi ni Lorie. Nagtitimpi lang si Alexis pero sa kaloob-looba niya ay inis na inis na talaga siya. Pasalamat lang si Lorie dahil babae siya at naka-admit ito ngayon dahil kung hindi baka kung ano ang nagawa ni Alexis. Hindi nalang nagsalita si Alexis at lumabas sa kwarto ni Lorie na inis na inis. “Pambihirang babae!”maktol ni Alexis pagkalabas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD