Carl Maclaine Falcon
"Wow!!!" sigaw ni Letty nang makarating kami sa Masasa Beach. Napakalaki ng ngiti niya at agad nagtampisaw sa alon.
Para bang nanalo na siya sa lotto.
"Salamat Carl!!! Isa ito sa pangarap ko eh! Wala lang ako budget para makapagtravel travel!" sabi niya at nagtatatalon pa. Para talaga siyang bata.
"Baka gusto mo munang magpalit ng swimwear mo?" sabi ko at pinakita ang bitbit kong paper bag.
"Oo nga pala. Wait mo ko ah." sabi niya at pumasok na sa transient house na inupahan namin.
Ako naman ay inayos na ang mga biniling gamit at pagkain. Overnight lang naman ang plano ko pero kung gusto ni Letty na magstay ng ilang araw ay wala namang problema sa akin.
Malakas kaya si Letty sa akin hihihi.
"Panes! Ang seksi ko!" napatingin ako kay Letty na lumabas at halos mahulog ang panga ko sa suot niya. Nakatwo peice siyang kulay itim.
Kitang kita ko ang malulusog niyang dibdib. Kahit mataba si Letty ay ubod naman ito ng ganda tapos maputi siya. Parang labanos ang kutis ng balat niya.
Shet. Mukhang tinitigasan ang etits ko. Letty naman kasi eh.
Nagpalit na din ako ng board shorts at sabay kaming nagtampisaw sa dagat. Para bang musika ang nga halakhak ni Letty sa pandinig ko.
Kahit ngayon lang, masolo ko siya.
Kahit ngayon lang, makasama ko siya.
Kahit hindi niya ako kilala.
"Ikaw naman magkwento. May girlfriend ka ba?" tanong niya habang nakaupo kami sa buhangin.
"Wala. Ikaw, ituloy mo ang kwento mo. Pang-apat na pagkabigo na." sabi ko at pilit nililihis ang kagustuhan niyang magkwento ako.
"Nakwento ko na yun di ba? Yung nilayasan ko sa Sogo. Ikaw naman. Kanina pa ako daldal ng daldal. Lahat na ng kalandian ko alam mo na. Sige na bilis."
Napakamot ako ng ulo at napabuntong hininga.
I guess wala ng atrasan ito.
"Okay sige. Alam mo kasi Letty, iisa lang namang babae ang minahal ko talaga at patuloy na minamahal." umpisa ko.
"Talaga? Jowa mo?" umiling ako.
"Hindi." sagot ko.
"O paano yun?"
"Ganito kasi yun, itago na lang natin siya sa pangalan Ruby. "
"Bakit need mo pa baguhin ang name niya?"
"Wala kang pake ako na magkukuwento."
First year highschool
S.Y. 2009-2010
FPA
Kabadong kabado ako noong mga panahong iyong. First year student ako sa FPA at syempre kinakabahan dahil bagong mundo na ang aking gagalawan.
Nakapila na kami para sa flag ceremony ng may bigla akong narinig na ingay sa kabilang pila.
Mukhang nga second year ang mga nandoon sa pila.
There is one girl na nakakuha ng atensyon ko. Yung mukha niya parang tamad na tamad. Para bang labag sa kalooban niya ang pumasok.
Kanina pa siyang kinakausap ng friend niya pero iniignore lang niya.
Angelica yata ang name ng friend niya.
Then pinakilala kaming mga freshmen sa buong school. Tapos mga transferees. Napansin kong nakatulala siya sa isang transferee student na matangkad at moreno. Jose yata ang pangalan nung lalaki.
Hanggang sa araw- araw ko na siyang pinagmamasdan. Madalas siyang tumambay sa comshop na tabi mismo ng school.
Minsan kasama niya ang mga barkada niya. Minsan naman siya lang mag-isa.
August, 2009
Isang araw naisipan kong makipagkilala sa kanya. Nakita ko siyang nakatambay sa comshop at may hawak na mp4. Lalapitan ko na sana siya kaso biglang may sumulpot na dalawang lalaki.
Yung isa alam ko taga-sectionB din 'yun, at 'yung isa si Jose.
Pakiramdam ko nabahag ang buntot ko ng makitang nag-uusap sila ni Jose kaya hindi na ako tumuloy.
Bigla akong naduwag.
"Oy Carl, sinong crush mo dito sa klase natin?" napatingin ako kay Joshua na nakangiti ng nakakaloko.
"Wala. Wala naman dito ang crush ko." sagot ko at bumalik ako sa pagbabasa.
"Ah ganoon? Pero nay crush ka?" tanong niya ulit.
"Oo. Ibang year." sagot ko.
"Ay wow! Anong year? Second? Third? o fourth? Di ko alam na type mo pala mga matanda sayo ah."
"Secret kung anong year na siya. Teka nga bakit ba tinatanong mo?"
"Wala naman. Hahaha!! Curious lang."
"Bakit nga?" tanong ko ulit.
"Well, kasi itong kaklase nating ni Jean, crush ka. Bakit di mo ligawan?"
"Bakit ko liligawan? Eh hindi ko naman siya gusto."
Lumipas ang school year na hanggang tingin lang ako sa kanya. Kay Ruby.
Sa buong buhay ko sa FPA ay hanggang tingin lang ako. Maraming beses kong tinangkang magpakilala sa kanya pero nababahag agad ako.
Oo na. Torpe na ako.
Hanggang sa isang araw, nakita ko siya sa isang basketball court kasama ang mga kaibigan niya at nakita kong may kaholding hands siya.
Magkahawak-kamay sila ni Jose.
Pakiramdam ko parang baso na nabasag ang puso ko.
Kasalanan ko din naman ito. Lagi akong naduduwag. Lalapit ako pero umuurong ang dila ko.
Sana noon pa pinormahan ko na siya.
Pero, wala akong lakas ng loob.
Pinipilit kong itago ang selos ko kapag nakikita ko silang magkasama sa school. Inis na inis ako kapag nakikita ko si Jose.
Isang araw nagkayayaan magdota ang barkada ko. Tapos nagkataon na kalaban namin ang tropa ng fourth year at tamang tama andoon si Jose.
Nang maglaro kami ay agad kong binira ng binira ang character ni Jose. Kahit man lang dito sa Dota ay matalo ko siya.
Hindi man ako nanalo kay Ruby at least natalo ko siya sa Dota.
Ha! Weak pala ang gago eh!!
March, 2012 ay nakita ko silang nag-uusap ni Jose sa may gilid ng c.r. Mukhang nagtatalo sila at narinig ko siyang minura si Jose. Tapos pailing-iling na umalis si Jose at iniwan siya doon.
"Hoy! Anong tinitingnan mo diyan?" napatingin ako kay Joshua na bigla-bigla na lang sumusulpot.
"Wala. Nakita ko lang na nag-aaway si Jose at yung syota niya." sagot ko.
"Si Jose? Break na sila ng syota niyang mataba last month pa. Si taba yung nakipagbreak."
Nang marinig ko yun ay halong magdiwang ang puso ko. Para bang nakakita ako ng confetti!
Sa wakas!! Magkakaroon na ako ng chance!
Pero hanggang sa graduation nila ay hindi ko nagawang magpakilala man lang.
Hanggang salita lang ako tangina.
---
"O bakit parang natahimik ka?" tanong ko habang pinagmamasdan siyang nakayuko at sumusulat ng kung anu-ano sa buhangin.
"Bakit pakiramdam ko ako yung tinutukoy mo? Nagiging asyumera ako. Tapos sa FPA ka din nag-aral. Yung totoo? Ako ba yung Ruby?" sunod-sunod niyang tanong.
Dinaluhong ako ng sobrang kaba. Parang di ako makahinga sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
"Ano sa tingin mo?" balik kong tanong.
Pumunta ako sa harapan niya at inutusang ituwid ang mga binti niya.
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"Ilulubog kita sa buhangin. Para kunwari isa kang balyena na napadpad sa dalampasigan!"