"Hoy! Grabe ka sa akin! Ganoon na ba ako kalaki sa paningin mo?! Alam kong plus size ako pero hindi naman ako kasing laki ng balyena!!" sigaw niya sa akin habang nilalagyan ko ng buhangin ang makinis at mapuputi niyang binti.
"Ito naman hindi mabiro. " sabi ko.
"Carl, ituloy mo na ang kwento mo kay Ruby." utos niya.
"Wag na nakakahiya." agad kong sagot. Nagulat ako ng bigla niya akong hinampas sa ulo.
"Aray ko!" sabi ko at himimas-himas ang ulo ko. Grabe, brutal pala itong si Letty. Sa kama kaya brutal din kaya siya?
"Bilis magkwento ka na!!"
"Oo na ito na. Nagmamadali. Ibaon kita ng buhay dito eh!"
---
Nang makagraduate sila ay wala na akong masyadong balita kay Ruby. Basta ang alam ko lang ay kumukuha siya ng course na Office Administration.
Minsan kapag pumapasok ako ay nakikita ko siyang sumasakay sa terminal ng tricycle. Bagay na bagay sa kanya ang uniform ng CSC. Longsleeve na brown at itim na pencil cut skirt. Ang hot niya sa paningin ko.
Napabuntong hininga ako.
Hanggang ngayon kasi siya pa rin ang gusto ko.
Sa buong buhay ko sa FPA ay hindi ako tumingin sa babae maliban lang sa kanya. Kung tutuusin, mas maganda ang mga classmate kong sila Trisha or kaya si Nicole pero si Ruby lamang ang tanging nakakuha ng puso ko.
Maaga akong umaalis sa bahay para makakasalubong ko siyang papuntang terminal. At sa araw- araw na nangyari iyon ay never niya akong napansin.
Bopols ka Carl. Paano ka mapapansin eh palagi kang nagtatago sa poste? Para kang stalker.
"Carl, anong course ang gusto mong kunin next year? And saan mo balak mag-aral?" napatigil ako sa pagkain ng magtanong si mama sa akin.
"Balak ko sana ma mag-IT. Balak kong magtake ng entrance exam sa CSC." sagot ko.
"CSC? Dito sa Caloocan?" tanong ulit ni mama at tumango ako bilang sagot.
March, 2013 ay kumuha ako ng entrance exam sa CSC. Habang naghihintay ng oras ay tumambay muna ako sa 7/11 na nasa tapat mismo ng school.
Muntik ko ng mabitawan ang binili kong slurpee nang makita ko si Ruby na tumatawid papunta dito sa 7/11.
Napatulala ako sa ganda niya. Nakasuot kasi siya ng isang kulay pulang bestida. Angat na angat ang kaputian niya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nakapasok siya. Napansin ko ng may kasama pala siyang dalawang babae.
"Des! Magsiopao na lang tayo." sabi niya. Malapit lang siya sa kinauupuan ko.
Ang dibdib ko sobrang bilis ng t***k. Para bang kumakawala ito sa loob ng ribs ko.
"Ayoko ng siopao. Mag hotdog na lang tayo."
"Nyeta! Ang hilig mo sa hotdog."
"Ay wow parang siya hindi."
"Hoy bilisan niyo! Mamaya andoon na si Sir Gagara. Hindi na naman tayo makapasok niyan." sabi ng kasama nila na parang tomboy.
Halos malagutan ako ng hininga ng biglang bumaling sa akin si Ruby. Nasamid pa nga ako sa slurpee ko at pinigilan hindi umubo.
Agad akong napatalikod ng tumingin siya sa akin.
Pucha! Hindi ako kinakabahan sa exam eh! God! Bakit ganito epekto mo sa akin?
Maya-maya'y nakita ko na silang tumatawid pabalik sa school. May bitbit na pagkain at mga slurpee.
Sa kabutihang palad ay nakapasa at nakapasok ako sa CSC. Sabihin niyo ng stalker ako pero talagang pinareha ko ang mga sched ko sa sched ni Ruby.
Minsan nagkakasabay kami sumakay sa tricycle at jeep. Kapag nagkakataong sabay kami sa tricycle palagi siyang nasa loob at ako naman ay sa backride.
Kung sa jeep naman ay pinipili kong malayo ang agwat namin. Habang bumabyahe ay lihim ko siyang pinagmamasdan.
Kapag nasa eskwelahan naman kami ay palagi akong dumadaan sa classroom nila. Kahit sa ganito lang ay masaya na ako.
Hanggang kailan Carl?
Hanggang kailan ka ganito ng dahil sa kanya?
Kailan ka gagawa ng hakbang?
Iyan ang laging tanong ng isipan ko.
Kailan nga ba?
Natatakot kasi ako eh.
"Carl, nagkagirlfriend ka na ba?" napatingin ako sa classmate kong si Ivan habang kumakain kami dito sa food court ng Puregold na nasa tabi lang mismo ng CSC.
"Hindi pa." sagot ko.
"Kahit kailan? Hindi ka nagtangkang manligaw?"
"Hindi nga. Bakit mo naitanong?" tanong ko sa kanya.
Uminom muna siya ng samalamig bago ako sinagot.
"Wala lang naman. Napansin kong wala kang interes sa mga babae." sagot niya.
"Pero nagkagusto ka na ba sa babae?" dugtong niya.
"Oo. Kaya nga ako nandito sa CSC." simpleng sagot ko.
"Woah! talaga? classmate natin?" umiling ako.
" Hindi. Taga Office Admin." sagot ko.
"O bakit di mo ligawan?" napatigil ako sa pagkain ng siomai ng magtanong ulit siya.
Inisang lagok ko ang samalamig bago ulit ako bumaling sa kanya.
"Alam mo kasi Ivan, natatakot ako. Natatakot na mabasted niya. Alam mo bang first year highschool palang ako ay baliw na baliw na ako sa kanya? Natotorpe ako kapag nasa paligid na siya. "
"Hahayaan mo na lang ba na ganito kayo? Susundan at susundan mo na lang ba siya without her knowledge?"
"Mas okay na ako sa ganito pre. As long na nakikita ko siya kuntento na ako."
"Alam mo pre." nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan.
"Have some betlogs pre! Wag mong ibaba ang pride nating mga lalaki. Sabi nga ni Takeshi Yamamoto sa Reborn You will never know if you don't give it a try. Rejections are always there. Hindi iyon mawawala. Baka dumating ang araw na hindi mo na masasabi iyang nararamdaman mo for her beacuse its too late. Baka mabalitaan ka na lang namin na baliw ka na pre. Give it a try pre! Its better to try and fail kaysa sa you failed because you didn't try."
"Ivan, i love you." biglang sagot ko sa kanya. Tawang tawa ako ng bigla niya akong itulak.
"Kadiri Carl!! Bakla ka ba? Tangina! Wala akong wampipti dito!"
"Luh? Gago pre di ako chumuchupa!"
---
"Sabi na eh, parang nakita na kita. " sabi niya habang nakaupo at natatabunan ng buhangin ang binti.
"Naalala mo pala iyon?" tanong ko.
"Hindi. Pero habang magkausap tayo ngayong araw, pamilyar ka sa akin. Ang laki naman ng FPA para di kita makita. Multo ka ba? Kasi never talaga kitang nakita sa FPA." sabi niya.
"Syempre, kapag nandyan ka eh nagtatago ako. Minsan nga nagtago ako sa canteen eh. Doon sa mga storage box ni Ate Tinay!"
"Tara na. Magluto na tayo. Nagugutom na ako." sabi niya. Kaya tinanggal ko na ang buhangin sa mga binti niya.
Nauna siyang naglakad pabalik sa transient house. Napasipol ako ng makita ang mga hita niya, puwet at balakang.
Tangina general, behave ka muna diyan.