Letty: Pangatlong Pagkabigo

1109 Words
"So anong nangyari sa pangatlong boyfriend mo?" napatingin ako kay Carl. Mahigit isang oras na kaming bumabyahe patungong Batangas. Medyo nahihilo na ako dahil sa byahe pero keribells lang. Ewan ko ba itong  sa lalaking ito. Sobrang curious siya sa buhay pag-ibig ko. Wala siyang ibang ginawa kung di makinig lang sa mga kwento ko. Habang tinititigan ko itong si Carl ay medyo pamilyar ang mukha niya. Para bang nakita ko na siya somewhere eh. "Tsismoso ka talaga noh? Curious na curious sa mga sawing pag-ibig ko." sabi ko sa kanya. "Syempre. Sige na ikwento mo na." "Alam mo, ikaw naman ang magkwento. Puro ako ang dumadaldal dito eh." reklamo ko. Ngumiti naman siya sa akin. Pucha ang cute niya ngumiti. "Mamaya na ako magkukuwento. Ikaw muna. Gusto ko malaman eh." sagot niya sa akin. "Kung alam mo lang matatawa ka sa pangatlo!" di ko mapigilang mapahalakhak nang maalala ko ang nakakadiring nakaraan ko. Kasi as in EEWWWWW ang nangyari sa akin. "Sige na. Magkwento ka na." pamimilit niya. "Okay sige. " SMC S.Y 2017-2018 Yes! After a year nagkawork din. Isa akong clerk sa isang school sa may Bulacan. Isang taon din akong natambay. Wala akong mahanap na work eh at sa awa ni Lord napagbigyan din. So nagkaroon ng meeting ang faculty and nakasama ako doon sa meeting nila. Nagpakilala ang mga teachers isa-isa. Bale mayroong twelve teachers at dalawa ay lalaki. Yung isang lalaking teacher si Sir Homer. Maputi at maliit. Yung isa naman si Sir Gary, maitim naman ito at cresent moon ang hugis ng mukha. Lumipas ang buwan ay naging magkakabarkada kami. Malapit ako sa mga elem teachers na nandoon. Yung dalawang teacher na lalaki ay kapwa elem teachers. Yung si Sir Gary ay grade 4 ang hawak at yung si Sir Homer naman ay grade 3 ang hawak. July, 2017 Nagtataka ako bakit panay ang chat at text sa akin ni Sir Gary. Tapos isa sa mga chat niya sa akin ay: Eöw! pwede pü bah manligaw? Nanlaki butas ng ilong ko. 2017 na jejemon pa din. So dahil wala akong magawa ay sumagot ako ng oo. Tapos kinabukasan nagsabi siya sa akin ng personal na kung pwede manliligaw siya. Natakot naman akong mapahiya siya kaya sabi ko oo. So nanligaw siya, pumunta siya sa bahay at nagpakilala sa magulang ko. Nakita ko ang pagngiwi ni mama at papa sa kanya. Alam ko namang di  nila bet itong si Gary. Lalo na ng papa ko. Nakikita ko ang pag-irap niya kay Gary. After niya bumisita sa bahay ay nagsimba pa kami. Makadiyos pala ire. "Sino ba yun? Teacher ba yun? Ang dugyot tingnan." bungad ni papa ng makauwi ako galing sa simba. "Ah eh oo Pa. Teacher." sagot ko. "Dugyot. Maitim. Hindi malinis sa katawan! Teacher pero may tali tali sa buhok. Hindi mukhang role model!" paghihimutok niya. After one month, August ay sinagot ko siya. Well, hindi naman natin tinitingnan ang pisikal na anyo. Doon tayo sa ugali. Kaso mukhang may itinatago itong Gary. Hindi ako ang tipo ng jowa na hihingiin lahat ng passowords. Kasi nga may tiwala ako sa mga nagiging jowa ko. Kaso one time, naiwan niya ang cellphone niya sa office. Kaya ginawa ko binuksan ko ang inbox niya at bumungad sa akin ang pangalang Felix. Binuksan ko ang isa sa mga message ng Felix at ito ang nabasa ko. Good evening mahal. Done na maligo. Mahal na mahal kita. Miss ka na ng butas ko. Miss ko na ang matigas mong b***t. Napataas ang kilay ko sa mga nabasa ko. P*tang*na, sa mukha niyang yun may gana pa siyang magcheat?! Kinompronta ko siya ng araw ding iyon at sinabi niya na nakigamit lang daw ng cellphone ang kapatid niya. Ulul. Lokohin niya bulbul niya. And I smell something fishy between him and Homer. Lagi silang magkasama. Lagi silang nagkikita. Umaalis siya ng hindi nagpapaalam sa akin. Hanggang dumating ang December at boom! Nalaman ko na ang tunay niyang kulay. Gary is color GREEEEEEENNNNNNN!!!! Putangina! Tirador pala ng puwet ang hayop! Puwet ng bakla!! Naku buti na lang di ako nalibugan sa kanya. Never may nangyari sa amin. Ugh! Hindi ko maatim kapag nangyari iyon. Kumantot na sa bakla tapos kakantot sa akin. As in Eeeeewwwww!! Putapete! Front lang niya aketch! Para di mahalatang rainbow siya. At ang kanyang favorite tirahin ay si Felix! My gosh! May video pa nga daw sila eh. Hindi naman ako against sa l***q community. Pero hindi naman tamang pinaglaruan ako ng kumag na iyon. Oh em buti na lang talaga magaling akong detective! Hahahahaha!! After ng break up namin, sumunod na buwan ay may nanligaw na sa akin. Aba ang baklang Gary, pinagkalat sa buong school na kaya kami nagbreak ay dahil may lalaki ako. Wow di ba? Just wow! Ako pa talaga binaligtad? Eh di pagkalat ko kung ano ang totoo. Na isa siyang sirenang shokoy!! Dugyot na nga sinungaling pa! Never ako nilibre niyan kahit lugaw oy! Sumunod na taon nagfly fly away na siya kasama ni Homer na kabaro din pala niya. Kaya pala. Tama yung kasabihang: Birds with the same feathers flock together! -- "Hahahaha!! Seryoso? Nadali ka ng bakla? Silahis? Amp*ta ang epic naman yun!" sabi ni Carl habang nagpupunas ng luha dahil kanina pa siya tawa ng tawa. Kanina pa din kaming pinagtitinginan ng mga ibang pasahero dito sa bus. "Buti nga di ako nakipag-s*x doon eh. Ayoko ng may bahid na rainbow." sagot ko sabay kain ng mani na binili ko kay manong ng umakyat dito sa bus kanina. "Dapat lang. Baka makakuha ka pa ng sakit sa gagong yun."  parang may binulong pa siya kaso hindi ko narinig. "Ano sabi mo?" tanong ko. "Wala. Wala iyon."  at umiling iling pa siya. "Buti na lang nagbreak kayo ng baklang iyon. Buti na lang hangga't maaga nalaman mo na ang tunay niyang kulay." "Nang malaman nga ng parents ko na hiwalay na kami kulang na lang magpaparty si Papa eh. Obvious na obvious na ayaw niya kay Rainbow." At tumawa na naman ang loko. "Kahit ano ako 'no,  baka magpa-lechon pa ako kung ako tatay mo. Hindi ko hahayaang mapunta ka sa ganoong tao. Doble kara. Tirador na, microphone pa! Hahahaha!" "Hahaha! Mahilig din palang bumirit!" Pagdating namin sa Batangas ay namili muna kami ng gamit. Binili niya ako ng swimwear. "Anong work mo pala? Mukhang marami kang pera ah." sabi ko sa kanya habang nakapila para bayaran na ang mga binili namin. "Isa akong IT specialist sa isang company." sagot niya. After namin magbayad ay nagbyahe pa ulit kami patungong Masasa Beach. Saan ko nga ba talaga nakita itong si Carl. Pamilyar talaga siya eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD