Carl: Pangatlong Tagpo

1023 Words
Pinagmamasdan ko lang si Letty na nagluluto ng seafood kare-kare. Andito kami ngayon sa inupahan naming transient house. Mukhang sanay na sanay si Letty sa pagluluto. Sabagay, halata naman sa katawan niya. Narinig kong tinaktak niya ang sandok na ginagamit bago tinakpan ang ulit kaserola. "So? what happened next?" tanong niya at umupo sa tapat ko. "Ito, magkasama na tayo. " simpleng sagot ko. "Dali na magkwento ka na! Paano mo nalamang nasa Cubao ako?" tanong ulit niya. "Siyempre nakita kita." pinaningkitan niya ako ng kanyang mata. "Yung totoo?" napabuntong hininga ako. --- Nandoon ako. Nandoon ako habang lumalakad siya sa entablado at tinanggap ang diploma niya. Nandoon ako habang niyayakap niya ang papa niya. Nandoon ako habang nagpipicture silang magtropa. Nandoon ako. Pero wala siyang kaalam alam. Masaya ako sa mga narating niya. Masaya akong unti-unting natutupad ang mga pangarap niya. Ako, nananatiling pangarap siya. Nang makagraduate siya ay nagfocus muna ako sa studies ko dahil nga graduating na din ako. Focus sa thesis. Focus muna sa sarili ko. Sa buong taon na iyon, ay pinigilan kong makita siya. Kasi sa totoo lang, gusto ko ng maalis siya sa sistema ko. Pakiramdam ko kasi hindi na healthy. Buong buhay ko sa kanya lang ako umiikot. Mula highschool hanggang college. Pakiramdam ko, wala ng patutunguhan itong nararamdaman ko. Hindi ko maamin sa kanya eh. Tangina. Napakaduwag ko. Masulyapan lang niya ako saglit, nanginginig na ang katawan ko. Nayayanig na ang mundo ko. Lumipas ang taon ng hindi ko siya nakikita. Sa f*******: ko na lang siya nasusubaybayan. Gumawa ako dati ng dummy account at inadd siya. Dito na lang ako nakikibalita sa buhay niya. Sumunod pa ang taon ng hindi ko siya nakikita at nasundan pa ng isa pang taon, hanggang umabot sa apat na taon. Naging busy ako sa paghahanap ng trabaho at sa kabutihang palad, nakahanap ako ng trabaho sa Makati at doon muna sa lungsod nanirahan. Nasaktan na naman ako ng makitang may bago siyang boyfriend. Para bang nabigyan ako ng dahilan na kalimutan na siya at patayin na ang nararamdaman ko sa kanya. Feeling ko may plano ang tadhana. Noong minsang umuwi ako ng Bulacan ay nakita ko siyang nagmamadaling sumakay ng tricycle papasok sa trabaho niya. After four years ay muli ko siyang nasilayan. Muli kong nakita ang kagandahan niya. Damang dama ko ang pagkabog ng dibdib ko. Hindi pa din nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Imbes mawala ay lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya. After four years, nakita ko na ulit siya. Wala pa ring nagbago sa loob ng apat na  taon. Duwag pa din ako. Ngayong araw naman, muli ko siyang nakita. Pasakay siya ng tricycle kaya nagpasya akong sundan siya. Sinundan ko siya hanggang sa nakarating kami ng SM Fairview. Doon, nakita kong kinatagpo niya ang boyfriend niya. Masakit pero anong magagawa ko? Duwag ako eh. Nagdurugo man pero sinundan ko pa rin sila. Hanggang sa nakita ko silang pumasok sa hotel sa may Cubao. Napakapait naman ng araw na ito. Lumipas ang may isang oras ay nakita ko siyang lumabas mag-isa. Tila wala sa sarili. At ito na naman ako muli siyang sinundan. Tangina Carl. Stalker ka na talag ni Letty. Ano Carl? Hanggang sunod ka na lang ba? Sunod ka ng sunod na parang aso? Kailan ka ba tutubuan ng backbone? Hahayaan mo na lang ba itago ang nararamdaman mo sa kanya? Huminga ng malalim. Tama na siguro ang pagtatago Carl. Kahit minsan man lang, maging matapang ka. Nag-order muna ako ng pagkain ko bago ang lumapit sa kanya. Sa bawat hakbang ko ay ang pagtambol ng malakas ng puso ko. Please Carl, kahit ngayon lang maging matapang ka. Wala ng patutunguhan ang pagiging torpe mo. Its now or never. --- "Tara kain na tayo!" sigaw niya ng maluto ang seafood kare-kare. Ako naman ay kumuha na ng mga plato at kubyertos. Nang makaupo na kami ay agad niyang kinuha ang sandok ng kanin. Akmang lalagyan na niya ang plato ko ng pigilan ko siya. "Letty, ako na." sabi ko. "Hindi. Ako na Carl." "Letty, kahit ngayon lang mapagsilbihan kita. " ngumiti na lamang siya sa akin at binigay na niya sa akin ang sandok. Kahit ngayong araw lang, maging akin ka masaya na ako. Sinimulan ko na siyang hainan ng pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain. "Husgahan mo na ang kare-kare ko!" sabi niya. Nakangiti kong tinikman ang luto niya. "So? Ano? Pasado ba?" tanong niya. Tumango tango ako. "Masarap. Singsarap mo." "Gago! Di mo pa nga ako natitikman eh hahaha! At saka mas masarap pa ako sa kare-kare!" "Eh di patikim ako sayo." "Tangina nito. Malibog ka din eh. Kumakain tayo puro kalibugan pinag-uusapan natin." Sana pala, noon pa ko gumawa ng hakbang. Eh di sana hindi ngayong araw lang kami magkasama. Eh di sana hindi ako nagnanakaw ng oras makasama lang siya. Hindi ko alam kung pagbalik namin ng Maynila ay ganito na ba kami o babalik kami sa pagiging estranghero. Eh di sana, walang nasayang na panahon. Napakaduwag ko kasi. "Carl." napatingin ako sa kanya. Tinitigan ang mukhang dati sa malayo ko lang nakikita. "Bakit?" ngumiti siya sa akin. "Thank you." sabi niya. Kumunot ang noo ko. "Para saan?" tanong ko. "For this day. Akala ko bad day na, buti na lang bigla kang sumulpot. You save my day." "Wala iyon. Buti nga nagkaroon ako ng lakas ng loob ngayong araw eh." "Hehe. Basta salamat." After namin kumain ay ako na ang nagpresintang magligpit ng kinainan namin. Nakita ko naman siyang lumabas ng inuupahan namin at nagtungo sa dagat. Damn those t**s and thighs, kanina pa gustong lumabas ni general. Napailing ako. Tangina Carl. Ang libog mo. Kay Letty lang naman ako nalilibugan. She turns me on. "Hoy Letty!" sigaw ko at lumingon naman siya.  Sumasayaw ang buhok niya sa ihip ng hangin. "Bakit?!" "Ingat ka! Baka mapagkamalan kang balyena diyan!!" "Pakyu!!" sigaw niya at itinaas ang middle finger. Natatawa akong pinagmasdan siyang tumatakbo sa dalampasigan. Kung puwede lang habambuhay na sa akin siya pero alam kong hindi maaari. Kailangan ng sulitin ang mga oras na nasa akin siya. Dahil bukas, hindi ko na alam ang mangyayari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD