Tres

1368 Words
MEDYO napawi ang inis ni Samara sa mga nangyari kanina sa resort nang makita ang bahay-kubo sa 'di kalayuan. Napangiti siya sa alaala na pinaghirapan nilang itayo 'to ni Lance noong isang taon. Nasa lupain ng mga Rumbaoa ang bahay-kubo at ang private property ay napapaligiran ng gate kaya walang makakapasok na kung sino-sino rito. "Nasaan na kaya ang lalaking 'yon?" Pumasok siya at nakita na walang tao sa loob Gawa sa kawayan at niyog ang bahay-bahayan nilang dalawa. May kusina at malaking kama sa gitna nito. Hindi gaanong malaki ang ginawa nilang bahay-kubo. Sakto lang para sa dalawang magkasintahang nagnanakaw ng maiinit na sandali. Simula nang maitayo nila ito ay itinuring ito ni Samara na pugad ng kanilang pagmamahalan. Pumunta siya sa bandang kusina at nakita na may pagkain na nakahanda sa mesa. Ibig sabihin ay nandito na si Lance kanina pa. Lumabas siya at tiningnan ang dagat. Pumikit si Samara at sinamyo ang malamig na simoy ng hangin. Gusto niya na dito sa lugar na 'to mabubuo ang kanilang pamilya. "Kanina ka pa ba?" Lumingon si Samara at napatingin sa lalaking inaasam-asam niyang makapiling. "Lance!" Tumakbo siya at niyakap ang nobyo. "Naligo ka na sa dagat?" Suminghot siya sa itim na sando nito. "Kailangan eh kasi para hindi mandiri ang nobya ko," bulong nito. Nanginig si Samara sa ginawa ng lalaki. Buwan din siyang tigang kaya hindi niya mapigilan na magnasa sa mahal niya. Tumingala siya at napaiyak habang hinagod ng tingin ang kabuoan nito. Hindi gaano katangkad si Lance, nasa 5'7 siguro ang height. Pero hindi naman mataas si Samara sa 5'1 kaya okay lang talaga sa kaniya ang balanse ng height nilang dalawa. Medyo mahaba ang mukha ng lalaki, matangos ang ilong at pouty ang lips. Maputi ang kulay nito kahit na nagbibilad sa araw at maalaga rin sa katawan. Hindi talaga nagtataka si Samara kung bakit sikat si Lance sa kanilang bayan kasi bukod sa guwapo at mabait ay matalino pa ito. "Ba't ka umiiyak diyan?" Natatawa ang lalaki habang pinapahid ang luha niya. "Na miss kita." Sinok niya. "Sobra sobra." Niyakap siya ng nobyo ng napakahigpit. Hinimas nito ang ulo niya at pinaglaruan ang mahaba niyang buhok. "I miss you too Sammie." Napapikit si Samara nang hinagkan nito ang noo niya. Ang balahibo sa katawa niya ay nagsitayuan lahat nang maramdamang lumapat ang labi nito sa balat niya. Tumingala siya at inilagay ang mga kamay sa batok nito. Yumuko ang lalakit at tumiyad naman siya. Nagsalubong ang kanilang mga labi. Dahan-dahan hanggang sa naging marupok na nag espadahan ang kanilang mga bibig. Napatili si Samara nang buhatin siya ni Lance papasok sa bahay-kubo at inilapag sa kama. Namangha siya nang magsimulang maghubad si Lance ng saplot. At dahil sabik na rin siyang makapiling ang nobyo ay dali-dali niyang inalis ang sariling damit. Si Samara ang naging agresibo sa mga sandaling 'yon at hinayaan siya ni Lance. Matapos ang ilang mga minuto ay napatili na naman si Samara nang hatakin siya ng lalaki at dinala siya sa langit. 'Lord sana mabuntis ako.' Hindi mapigilan ni Samara na isipin ang mga katagang 'yon pagkatapos ng mga maiinit na yakapan at halikan. "Lance?" bulong niya sa katabi. "Hmmm..." Hinaplos ng lalaki ang buhok niya at hinalik-halikan ang balikat niya. "Kaya mo pa ang round two?" "Pakakasalan mo ba ako kung mabubuntis ako?" mahinahong tanong niya. Biglang napigilan ang lalaki at tiningnan siya ng mataimtim. "Oo Sammie pero hindi muna ngayon." Nagitla siya. "Ha? Akala ko ba mahal mo ako." Napabuntong hininga si Lance. "Sammie, mahal kita alam mo 'yan pero nag-aaral pa ako. Hindi matatapos sa graduation ang lahat. May review pa para sa board exam." "Lance..." "Gusto kong ituon ang atensyon ko sa pagpasa ng exam para naman makahanap ako ng magandang trabaho." "Pero..." "Sammie, gusto kong ibigay sa'yo ang magandang buhay pagdating ng panahon," sabi nito. Napangiti siya. "Eh, kahit na saging lang ipakain mo sa akin Lance ay okay na ako roon." Bumuntong hininga ulit ang lalaki. "Bakit ba apurado ka masyadong magpakasal? Bata pa tayo Sammie at gusto ko ring makapag-aral ka." Binitawan niya ang lalaki sa inis. "Ah ganon? Ikinahihiya mo ako dahil hindi ako nakatuntong ng kolehiyo? May iba ka na siguro sa university mo ano?" Namumula si Lance at halatang nagtitimpi lang ito. Padabog na tumayo ang lalaki at nagbihis. "Bakit napunta sa akin ang usapan? May sinabi ba akong ikinahihiya kita? Ang gusto ko lang naman ay huwag ako ang gawin mong mundo Sammie. May sarili ka ring buhay...." Tumayo na rin siya at dali-daling nagbihis. "Ikaw ang mundo ko simula noong first year palang ako Lance. Alam ko ring sa akin naka ikot ang buhay mo simula nang maging tayo. Anong nagbago? May iba ka na ba?" Napahilamos ang lalaki sa mukha nito at hinarap siya. "Bakit ba pinipilit mo na may iba ako? Ang punto ko ay gusto kong makalabas ka rin sa kuwebang tinataguan mo. 'Yong may ambisyon ka na maging successful sa kung ano ang maging gusto mo sa buhay." "Gusto kong maging asawa mo at maging ina ng mga anak mo," sigaw niya. Hindi nakapagsalita si Lance sa binitiwan ni Samara. Bagkus ay napaupo ito sa kama at napayuko habang hawak ng mga kamay nito ang ulo.  Nabigla si Samara sa ginawa ng lalaki at pumiyok ang boses niya nang tanungin ito, "Ayaw mo?" Tumingala si Lance. "Sammie, malaki ang mundo at maraming oportunidad ang mararanasan mo. Bilang isang babae ay marami kang mararating alam mo ba yon? Hindi lang sa pagiging asawa at ina ang rooms for growth..." Parang tinusok ang puso ni Samara nang marinig ang mga pahayag ng nobyo. Feeling niya napakaliit niyang babae dahil hindi siya amibsyosa. "Lance ibig sabihin ayaw mo na sa akin dahil masyado akong tradisyonal?" Umiling ang lalaki. "Maraming successful Filipinas na traditional pa rin ang values. Tutulungan kita Sammie." "Paano?" "Maghahanap ako ng scholarship grants para sa'yo. Sayang ang talino at talento mo kung hindi mo magagamit." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Ayokong pagdating ng araw ay sisisihin mo ako dahil hindi mo na nakuha ang mga ambisyon mo." Sa inis ay hindi niya maiwasang isumbat, "Sana tinanggap ko na lang ang offer ni Sir Nathanil." Tumayo si Lance na madilim ang mukha. "Anong ibig mong sabihin? Bakit napunta si Sir Nathanil sa usapang 'to?" Hindi siya umimik. Nagsusumbong din naman siya sa nobyo na nagpapapansin ang may-ari ng Alegria Beach Resort sa kaniya. "Hindi ba sabi ko sa'yo na umiwas ka sa kaniya?" Nangungunot na talaga ang noo nito sa galit. Napakagat-labi si Samara. Hinawakan ni Lance ang magkabilang balikat niya. "Ano 'yong sinasabi mo na sana tinanggap mo ang alok niya?" Napatungo siya. "Scholarship." Bumuntong hininga ang lalaki at ipinatong ang baba nito sa ulo ng dalaga. Wala silang imikan ng ilang mga sandali. Hinayaan ang kanilang rumaragasang emosyon na kumalma muna. "Gagawa ako ng ibang paraan para makakuha ka ng scholarship," pahayag nito. "Huwag ka lang makikipag-usap sa lalaking 'yon." "Eh inuutusan ako ni Nanay Nimfa na maghatid ng bibingka sa resort paminsan-minsan," sabi niya. "Aside sa business ay walang personal na topics sa pag-uusap niyong dalawa," utos ng nobyo. "Kuha mo?" Napakagat-labi si Samara na tumango ng malakas. "Aray!" Napaatras ang lalaki na sapo ang baba. Tumawa si Samara at hinila ang nobyo at tumiyad para halikan ang baba nito. "Sorry." Napangisi na rin si Lance at niyakap siya at binigyan ng matamis na halik sa mga labi. Pumikit si Samara at ninamnam ang masarap na sensasyon na hatid ng ginawa ng nobyo. "Galit ka pa ba?" bulong niya sa lalaki. Tiningnan nito ang mga labi niya. "Hindi." "Mabuti naman." Hinalikan niya ulit ang baba nito. Kinuha ni Lance kaniyang kaliwang kamay. "Huwag mong kalimutan ang singsing na binili natin Sammie." Muntik ng mapaluha ni Samara nang mapagmasdan ang kulay asul na singsing. Binili nila ito sa perya isang taon na ang nakalipas. Nagkasal-kasalan pa nga sila ni Lance dito sa bahay-kubo. "Simbolo ng pangako natin sa isa't-isa na kahit anong mangyari ay hindi tayo maghihiwalay," pahayag ng nobyo. "Samara Ragas mangako ka sa akin." Nangingislap ang mga matang tiningnan niya ang nobyo. "Nangangako ako Lance Rumbaoa." At sinelyuhan nila ang pangako nila ng isang matamis na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD