NAMILOG ang mga mata ni Samara sa sinabi ng lalaki. "S-Sir salamat po sa offer pero alam niyo naman pong may boyfriend ako."
Nang makita niyang hindi kumibo ang lalaki ay napalunok siya. Kumabog ang dibdib niya nang hindi man lang ito natinag sa pahayag niya. Tumikhim siya bago nagsalita ulit ng, "Ikakasal po kami pagkatapos ng graduation niya."
Mas lalong kumabog ang puso niya nang ngumisi ang lalaki na tila ba aliw na aliw ito sa ibinalita niya. Nanginginig man ang kaniyang kalamnan ay nakuha pa niyang magpaalam at mabalis pa sa alas kwatrong lumabas ng opisina nito.
"s**t," napamura siya nang masapo niya ang dibdib at pilit na pinatahan ang malakas na kabog nito. "Mas matindi pa 'yong histura niya kaysa mga killer sa mga horror movies na napanood ko."
Halos patakbo siyang pumunta ng gate nang marinig niyang may tumawag sa kaniya. Pero hindi niya ito nilingon.
"Hoy Samara Ragas!" isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid.
Huminto siya at nilingon ang babaeng tumawag sa kaniya. "Ikaw talaga Lili ang may dahilan nito." Inirapan niya ang kaibigan sa inis.
Tumawa ang babae. "Anong ginawa ko sa 'yo, Inday Samara, aber?"
Humakbang siya palayo rito pero hinatak ni Lili ang mga kamay niya. "Si Sir Nathanil ba?" Nagtatrabaho si Lili as part time sa resort alam din nito kung ano ang ginagawang pagpapansin ng amo nitong lalaki sa kaniya.
Sa pagbanggit ng kaibigan sa pangalan ng lalaki ay napatingala siya sa direksyon ng main hall kung saan andon ang opisina nito. Napasinghap siya nang makita ang lalaking palabas na may kausap na isang guest.
Ramdam ni Samara na ang kaluluwa niya ay parang lumalayo sa katawan niya lalo na't napansin siya ng lalaki at kinindatan pa. Hinila niya ang kaibigan palabas ng gate sa resort at bumulong, "Bakit sinabi mo sa kaniya na andito si Lance?"
Kumunot ang noo ng kaibigan. "Well, hindi ko naman alam na bawal palang sagutin ang tungkol kay Lance."
"Alam mo namang ayokong may alam si Sir Nathanil ukol sa 'ming dalawa ni Lance." Napahigpit niya ang pagkakahawak sa braso ng kaibigan.
Umatras si Lili ng konti. "Ha? Hindi ko naiintindihan. Inano ka ba ni Sir Nathanil?"
"Wala." Binitawan niya ang babaeng kausap. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang tungkol sa sinabi ng amo nito kanina.
"Pero infairness Inday Samara ha," sabi ng kaibigan na pagkalapad-lapad ng ngiti, "bilib talaga ako sa kamandag mo. Nakakabingwit ka talaga ng mga may hitsura. Una si Lance ang campus crush sa high school years natin at ngayon si Sir Nathanil naman."
"Ano ka ba?" Siniko niya ang kaibigan. "Kung gusto mo sa'yo nalang. May Lance na ako."
Umiling si Lili. "Gwapo si Sir Nathanil at saka mabait, matipuno, mayaman pero hindi ko siya type. Ayoko ko kasi sa may lalaking may balbas."
"Pareho tayo." Tumawa siya. "Parang manyakis tingnan."
"Ganon ba, Ara?" isang baritonong boses ang biglang sumulpot sa kanilang likuran.
Parang estatuwa ang dalawang babae nang mapagtanto kung sino ang may ari ng boses. Nanindig ang mga balahibo ni Samara ng maramdaman niyang papalapit si Sir Nathanil. Kaya hindi siya lumingon sa lalaki at napapikit na lang sa sobrang hiya.
"Ah, Sir Nathanil joke lang po 'yon," bumawi si Lili. "Huwag niyo hong dibdibin."
"Hmmm..." sagot ng lalaki. "Lili, heto nga pala 'yong designs ng T-shirt para sa uniform ng staff. Ihatid mo na 'to sa Florites Print Station para magawan na nila."
Kinuha ng babae ang isang envelope mula sa amo. "Ang bayad po para rito Sir?"
"Andiyan na sa loob," sagot ng lalaki, "at may extrang isang libo riyan para sa snacks niyo ni Ara. Huwag niyo nang isauli ang sukli."
"Wow!" Malapad na ngiti ang ibinigay ni Lili sa amo. "Salamat po talaga Sir."
Siniko siya ng kaibigan pero hindi pa rin siya kumikibo. Nahihindikan pa rin siya sa asta nito sa loob ng opisina. Lakad-takbo ang ginawa niya papalayo sa dalawa. Hindi niya kaya ang magtagal na nasa isang metrong distansya mula sa lalaki.
"Hoy, Samara," hinihingal na tawag ni Lili sa kaniya nang maabutan siya nito. "Bakit binastos mo ng ganoon si Sir Nathanil?"
Inirapan niya ang kaibigan. "Siya ang bastos."
Hinampas siya nito sa kamay. "Huwag mo namang ganunin si Sir. Mabait 'yon kahit mukhang manyakis. Ni minsan hindi ako nakakarinig ng reklamo mula sa mga trabahante niya sa resort at sa farm."
"Kilala mo ba talaga ang amo mo Lili?" tanong niya sa kaibigan.
"Part time assistant niya ako sa resort at sa farm Samara," sagot ng kaibigan. "Parang Kuya ko na ang turing kay Sir Nathanil. Alam ko rin na type ka niya pero tao namang nakikipaghalubilo si Sir sa 'yo ah? Huwag mo namang ituring siyang parang animal."
"Ah basta hindi mo kasi ako naiintindihan," inis na sabi niya.
"Bakit hindi mo sa'kin sabihin lahat?" tanong ulit ni Lili.
Si Lili ay kaibigan niya na mula pagkabata at palagi silang nagkukuwentuhan ng mga sikreto. Pero itong tungkol kay Sir Nathanil ay hindi niya masabi-sabi. Nagtataka rin siya kung bakit.
"Oh change topic kasi ayokong mag-away tayo sa issue na 'to." Ngumiti si Lili. "Kamusta nga pala si Lance?"
"Hindi pa kami nagkikita," sagot niya. "Busy sa thesis niya."
"So pag nagkita kayo ay EUT is life na naman, ano?" Pang-aasar ng kaibigan.
"Anong EUT?" nagtatakang tanong niya.
"Alam mo na 'yong ano," tumikhim pa ito, "sex."
Namilog ang mga mata niya at hinampas niya ang braso nito. "Buing! Ano ka ba, baka may makarinig sa'yo."
"Ay sus! Nahiya pa siya." Naluluhang tawa nito. "Alam ko nga kung ano ang favorite posi-"
Tinakpan niya ang bibig nito. "Bibig mo Lili Kimbo!"
Ang mga tsinitang mata ng kaibigan ay sumisingkit lalo sa pagtawa nito kahit natatakpan ang bibig. Dahil mas maliit ang kaibigan sa kaniya, nasa 4'9 ang height nito, ay madali niyang inabot ang kamay at kinurot ang tenga nito hanggang sa mapaaray ang kaibigan.
"Abusada ka ngayong araw ah," nang aasar na ngiti pa rin ang ibinigay ng babae. "Sam, magpabuntis ka kaya kay Lance para sure ball na sa'yo ang lalaki."
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad at hindi sinagot ang kaibigan.
Napatingin si Lili sa kaniya at seryosong nagtanong, "Don't tell me, 'yan ang plano mo?"
Napalunok siya pero nakuha niyang tuumango.
"Ataya, Samara Ragas! Joke lang 'yong mga sinasabi ko. Dise otso ka pa lang oy. Marami pang mangyayari sa buhay mo," saway nito.
"Sa tingin ko 'yan lang ang paraan talaga para tumigil na si Nanay," sagot niya, "pati na rin si Sir Nathanil."
"Hoy Inday Samara, huwag kang padalos dalos ng desisyon. Hindi madali ang maging ina. Nanay ko single mother alam mo yan," giit ni Lili.
Hindi na siya sumagot kaya kinuha ng kaibigan ang mga kamay niya at hinarap siya. "Mangako ka sa akin Sam na hindi ka gagawa ng anumang bagay na ipapahamak mo."
Tumango lang siya bago nagpaalam sa amiga nang makita ang isang makipot na daan papunta sa bahay-kubo nila ni Lance.
"Samara babalik ka ba mamaya sa resort?" pahabol na sigaw ni Lili.
"Hindi na," sigaw niya, "bakit?"
"Ibibigay ko sana ang kalahati sa ibinigay ni Sir Nathanil na pang snacks."
"Sa 'yo na 'yan!" with feelings na sigaw niya. "Ayokong tanggapin ang pera niya."
"Akin na 'to ha!" tili ng kaibigan. "Iniwan mo ang dalang basket oy!"
Napamura siya nang maalala ang dalawang basket na bitbit kanina.