Onse

1326 Words
"MAG-ingat ka sa biyahe Nate." Hinimas niya ang balbas nito bago hinalikan ang baba. Niyakap siya ng lalaki. "Are you okay being alone?" Tumango siya. "Andito naman si Aileen." Inamoy ng lalaki ang buhok niya. "Ayaw mo talagang sumama?" Umiling siya. Tiningnan siya ng lalaki sa mga mata na tila ba marami itong sasabihin. Pero parang may nagpipigil dito at sa halip ay hinalikan siya sa noo. Hindi rin alam ni Samara kung bakit ba may konting lungkot siyang nadarama sa mga sandaling 'yon. "Aalis na 'ko baka lumakas pa ang ulan." Kumalas ito sa pagkayakap sa kaniya. Kinuha nito ang bag sa sofa at dumiretso sa pintuan. Na check niya sa weather forecast na ma paparating na bagyo pero hindi nagpapigil si Nathanil. Kaya sa poker face lang siyang tiningnan ang lalaking umalis. Nilimot niya ang dinaramang pagkabahala sa pagdating ng mga bagong stocks sa bookshop. Busy siya sa inventory habang si Aileen ang naka toka sa check out. Masaya siya kasi most of all the orders ay nahatid except sa ipina reserve ni Nate. Nalimutan niyang sabihin sa lalaki na hindi dumating ang order nito. Tatawagan na lang niya ito mamaya. Lumipas ang mga oras sa pagtatrabaho kaya hindi nila namalayan na also otso na pala ng gabi. "Ate, ako nalang ang magasasara sa store, wala naman akong night out ngayon eh," nakangiting sabi ni Aileen. "Sige, mag-ingat ka ha see you sa Monday. Oy pag hindi pa huhupa ang ulan doon ka na sa taas matulog," alok niya. "Sige Ate," sagot ng assistant. "Good night." Umakyat na siya sa pad niya at naghapunan. She tried to contact Nate pero out of reach ang binata kaya nag text nalang siya para kamustahin kung nakarating na ba ito sa destination nito. Nang hindi nag reply ay nag desisyon siyang maghanda na para matulog. May kumatok bandang alas nuebe. Baka rito matutulog si Aileen lalo na't masyadong malakas ang ulan. Maraming beses din naman itong nag sleep over sa lugar niya kaya hindi na siya nagtataka. Mas kampante nga siya na dito matulog ang dalaga kapag ganito ang panahon. "Oh Aileen, naghapunan ka na ba?" tanong niya pagbukas ng pinto. Muntik nang lumipad ang espirito niya sa nakita. Dahil hindi si Aileen ang nasa harapan niya ng mga sandaling 'to. "Lance?" nabiyak ang boses niya. Kumukulog at kumikidlat sa labas. Malakas ang hangin dala rin ang malakas na ulan. Napakurap si Samara ng makailang beses baka kasi namamalik-mata lang siya sa nakita. "Lance?" Malakas ang boses na tanong niya. Alam niyang natatabunan ang boses niya sa lakas ng kulog pero hindi maiwasang tila naririnig niya ang lakas ng tambol ng kaniyang dibdib. At parang hinihiwa ang kaniyang pagkatao sa talim ng mga titig nito. "Pasok ka..." Natagpuan niya ang sarili na binuksan ang pintuan para makapasok ang lalaking parang basang sisiw. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito nang tiningnan siya. Medyo maputla na rin ang kulay at nanginginig ang mga labi. Nahahabag ang puso niyang tingnan ang kaawa-awang anyo nito. She tried to reach out but refrained herself from doing so. Sa halip ay pumasok siya kuwarto at kumuha ng tuwalya at inabot sal lalaki. "Magkape ka muna." Dali-dali siyang nagtimpla ng kape. Nakita sa gilid ng mga mata niya na umupo ito sa sofa habang nagpupunas. Ang puso niya ay tila lalabas mula sa katawan niya nang tingnan niya ang kabuoang anyo nito. Maraming ipinagbago ni Lance sa loob ng limang taon. Nagkalaman ito mula sa payatot nitong anyo noong kabataan nila. Medyo mataas na rin ang buhok nito. Wala na ang bagitong minahal niya simula noong first year high school siya. Umupo siya sa harapan nito habang ibinigay ang kape. "Kamusta ka na?" Kumakabog ang puso niya at parang ang espiritu niya ay gustong humiwalay sa katawan niya sa sobrang tense. Gusto niyang lumundag sa tuwa, lumuhod at umiyak pero hindi pwede. Kaya kinagat niya ang labi para i-control ang emosyon. "Heto trying hard to move on," tipid na sagot nito habang nagpupunas pa rin ng buhok. "Masaya akong nakita kang okay Lance," sabi niya. "Last time kasi wala kang malay." Biglang nag-iba ang anyo ng lalaki. Inilapag nito ang tuwalya sa mesa at dilim na pagmumukhang tinitigan siya. "Sammie nag promise ka na hindi tatanggapin ang alok ni Sir Nathanil na pag-aralin ka. Pero pagising ko sumama ka na pala sa kaniya." Napalunok siya ngunit tahimik pa rin kahit na nasasaktan siya sa sinabi nito. "Alam mo ba ang nakakatawa? Kasi nung hapong nadisgrasya ako, dala-dala ko ang sorpresa para sayo," galit na sabi nito. Napakunot-noo siya. "Nakakuha ako ng slot para sa scholarship mo Sammie. 'Yong isa sa mga kaibigan kong maykaya ay may connection sa isang politician na nagpapa-aral ng mga estudyante," malungkot na sabi nito. Napasinghap siya sa ibinalita nito. Pinangunahan ba niya ang pagkakataon? Nagkamali ba siya ng desisyon? Lance face turned red in anger. "All this time, may porsyento sa 'kin na naniniwalang hinding-hindi mo kayang ipagpalit ang sarili mo sa pera. Until I saw you yesterday with him. Nag sink in sa 'kin na you were f*****g your way to success!" Isang malutong na sampal ang pinakawalan ni Samara. Nanginigig ang kamay na binawi niya ito ngunit hinila ito ni Lance. Hindi napigilan ni Samara na humagulgol sa harap ng dating katipan. "Sabihin mo sa 'kin Sammie, magaling ba siya sa kama ha?" galit na tanong nito. Kagat-labing umiling si Samara dahil hindi niya kayang sagutin ito. He grabbed her and shook her shoulders. "Ginago mo ako ng limang taon! Bakit? Ano ba ang naging pagkukulang ko?" Mariin na kinagat ni Samara ang kaniyang mga labi hanggang sa malasahan niya ang dugo. Pero hindi pa rin siya tumitinag. Hinayaan niya ang mga malalaking mga luha niya ang sumigaw sa mga sandaling 'yon. Lance looked at her hand and he roughly asked, "Ako pa rin ba Sammie? Ako pa rin 'diba kasi suot mo pa ang singsing." Nanlaki ang kaniyang mga mata sa mga sinabi ng binata. Ang singsing na sagisag ng pagmamahalan nilang dalawa. Ang singsing na isinuot niya kaninang umaga nang umalis si Nate. Bakit ko isinuot 'to? Tanong niya sa sarili. Bakit nakita niya pa kanina 'to sa lalagyan niya ng alahas? Hindi na niya makuhang sagutin ang sariling katanungan ng hilahin siya ni Lance at siniil ng halik. Five years. Limang taon. Lima ka tuig. Umasam siya ng limang taon para matikman ang mga labi ng lalaking pinakamamahal niya. "Lance..." she breathed his name as she pulled his head and kissed him back. She tasted her tears on his lips but he didn't seem to mind. Niyakap siya nito ng buong higpit na tila ba takot ang binata na mawala siya sa piling nito. Bumabagyo sa labas at naging repleksyon ito sa mga damdamin nila ng mga sandaling 'yon. Naririnig nila ang malakas na kulog at kidlat ngunit hindi nila inalintana ang panahon dahil ang nakatuon ang atensyon nila sa isa't-isa. Simbilis ng malakas na hangin sa labas ang mga sumusunod na mga pangyayari. Sa isang iglap ay parehong natagpuan nila na napunit na ang kanilang mga damit. "Sammie..." singhap ni Lance nang bumaba ang mga halik nito sa kaniyang leeg. Labi sa labi. Balat sa balat. Nagtatagpong mga hininga. Hanggang sa ma outbalance sila at nahulog sa sofa. "Lance..." maluha-luhang tawag ni Samara sa lalaki habang ang mga kamay niya ay lumalakbay sa likod nito. She screamed when he pushed into her. Medyo mahapdi pero okay lang. Basta madama niya ang init ng pagmamahal ni Lance ay okay lang na walang foreplay. Samara welcomed Lance into her body and heart. He gave and she received. When they had their release, Samara tearfully smiled and thought that the feeling was right. *** Woahhh....! Did you expect it mga dae? hahaha.... :-) Kanino ka? Kay team Nate okay team Lance? Ano na ang mangyayari sa takbo ng buhay nila ngayong nagkatagpo na si Lance at Samara? Paano si Nathanil? Abangan sa susunod na kabanata! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD