Dies

1868 Words
"ALAM mo ba Inday Samara, nabubuweset ako sa amo ko? Mas grabe pa sa babae ang pabago-bago ng isip," sumbong sa kaniya ni Lili. Nakaugalian ni ng kaibigan na tawagan siya kapag frustrated ito sa trabaho. Ito kasi ang naging personal assistant/secretary ni Remus sa farm at resort sa Sandayong.  "Mabait naman si Remus ah," wika niya ng maalala ang nakababatang kapatid ni Nate. Namumula siya sa hiya nang mapag-isipan ang sagot. Hindi pa niya nabanggit sa kaibigan na kilala niya ang pamilya ni Nathanil. "Mabait kung tulog!" singhal ng kaibigan sa kabilang linya. Mahinang bumuga ng hangin si Samara nang hindi napansin ng kausap ang sinabi niya. Focus masyado ito sa frustrations kaya mabuti nalang talaga at siya nahalata. Patay-malisya siyang nagtanong, "Bakit mo alam? May hindi ka ba sinasabi sa akin Lili?" "Ginagawa niya akong alipin Sam so alam ko kung ano ang takbo ng isip niya," anghang na sabi nito. "Ako pinalalaba pati boxer shorts niya! Sino bang normal na tao na pati undies ay sa secretary pa ipapalaba?" 'Si Nate nga minsan nilalabhan 'yong undies ko,' muntik na niyang maisagot. Umiling siya at pilit na itinuon ang atensyon sa kausap. "Baka ma in-love ka sa amo mo ha," biro niya. "Over my dead body!" Nanginginig ang boses ng kaibigan na para bang nandidiri sa sabi niya. "Oy teka Sam, ano nga ba 'yong ibabalita sa akin? 'Yong itinext mo kagabi?" Hindi na siya nagpaligoy-ligoy. "Nakita ko si Lance dito sa CDO kahapon."  Napasinghap ang kaibigan. "Tapos?"  "Mukhang hindi niya ako kilala Lili," malungkot niyang sabi. "Pero galit na galit ang mga mata niyang nakatingin sa'kin." "Eh, sino ba namang hindi magagalit sa ginawa mo Inday, iniwan mo siya sa ere oy," prangkang sagot nito. "Hinanap ka pero ni anino walang Samara Ragas na dumating." Sumikip ang damdamin ni Samara sa mga binitawang salita ng kaibigan. Oo, iniwan niya sa ere ang dating nobyo. Iniwan niya ito at ipinagpalit sa pera. Hindi siya kinausap ni Lili ng tatlong buwan pagkatapos nitong malaman na umalis siya ng Sandayong na hindi man lang sinabihan ang kaibigan. "For five years Inday Samara, hindi ko pa rin alam kung bakit hiniwalayan mo si Lance," pahayag nito. "Sabihin mo sa'kin ang totoo, dahil ba kay Sir Nathanil?" "Lili, nag-aaway kami ni Lance noon dahil kay Nate diba?" neutral niyang sabi. "Nag-usap kami ni Nanay Nimfa at gusto niyang kunin ko ang tsansa na maging scholar ni Nate." Narinig niyang bumuntong-hininga ang kaibigan. "Sa tingin ng iba ay sumama ka kay Sir Nathanil at ipinagpalit si Lance habang nasa hospital pa siya." Parang mga punyal na tumtusok sa kaibuturan ang mga sinabi ni Lili. Gusto niyang magsumbong sa bestfriend niya ngunit hindi niya alam kung bakit sa tuwing may oportunidad ay nauumid ang dila niya. Nakokonsensya na rin sya kasi bestfriend niya ito. Pero sa tingin niya ay baka hindi nito mapigilan at masabihan si Lance kung ano ang totoong nangyari. "Andiyan ka pa? Sorry ha, " bulong ng kaibigan. "Mahal pa rin kita at tanggap ko ang mga desisyon mo kahit labag sa'kin. Andito lang ako." Tahimik na tumulo ang mga luha niya. "Salamat." "So anong plano mo ngayon?" mahinang tanong nito. Lumunok siya. "Wala." "Mahal mo pa rin ba sya?" Pinahid niya ang mga luha. "Alam mo ang sagot diyan Lili." "Limang taon na ang lumipas. Nagbabago ang damdamin ng tao," paliwanag ng kaibigan. "Kaya hindi ko alam." "Walang araw na hindi ko siya minahal," mahinang sagot niya. "Pano si Sir Nathanil?" biglang tanong nito. Sa mga sandaling 'yon ay hindi maiwasan ni Samara na makaramdam ng galit. Si Nathanil Alegria ang dahilan sa rehabilitasyon ni Lance pero ito rin ang dahil kung bakit nawala siya sa piling ng dating nobyo. Dahil naging sakim si Nate at gusto siyang maging posesyon nito. "Magiging prangka ako sa'yo," pahayag nito. "Nasabi ni Sir Remus sa'kin na ipinakilala ka raw sa pamilya nila bilang partner ni Sir Nathanil." Namilog ang mga mata niya. "Investor siya sa bookshop ko," defensive niyang sagot. "At nakita ka raw ni Sir Remus na natutulog sa pad ni Sir Nathanil," ani ng kaibigan. Biglang naumid ang dila niya. Papaano siya babawi nito?" "Ngayon at least alam mo nang may konting alam ako," sabi nito. "Kaya anytime makikinig ako sa'yo." "Salamat ulit." "At huwag kang gagawa ng desisyon na ikakapahamak mo," giit ng kaibigan. "Matigas pa naman ang ulo mo!" "Pero mahal mo ako," nakangiting sabi niya. "Para na kitang kapatid," sagot nito. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Samara sa mga sandaling 'yon. *_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_*_**_*_*_*_*_*_*_*_*_* "AILEEN, okay na ba ang orders natin para sa new stocks?" tanong niya sa assistant. "Ate Sam darating bukas ang sampung balik-bayan boxes of new items," nakangiting balita nito. "Ang order ni Mrs. Talaroc na cooking book, kasali ba? Tapos 'yong ipina-reserve ni Maggie na erotica i-ready mo na," utos niya rito at nag thumbs ang babae bilang acknowledgement. Hindi man kasinglaki ng national bookstores ang bookshop niya pero ginagawa niya ang lahat para ma cater sa mga customers ang requests nito. Ang "Book Hangover" ang pangalan ng store niya na pinagtawanan ni Nate nung una pero inisnab lang niya ang lalaki. Ito ang baby niya kasi nabuo ang concept na ito noong college years niya. At dahil nag invest ang binata rito kaya nag promise siya sa sarili na gagawin niya ang lahat para mapalago ito. Hindi naman ikinuwestyon ni Nate kung bakit books ang napili niyang i-negosyo. Alam kasi nito na parang fixated sya sa mga libro kasi hindi siya maka afford noon. Pero bilib ang lalaki sa kaniyang knack in business kasi naman kahit na huminto sya after high school ay naka kuha siya ng estante sa palengke. At for two years na siya ang nag-manage ng gulayan at prutasan doon ay okay naman ang pamamalakad niya. Siguro dahil maraming kakumpetensya at wala masyadong customers sa lugar nila kaya hindi niya na appreciate ang negosyo. "Ay Ate na check ko ulit sa system. Ang order ni Kuya Nate ay hindi pa dumating," balita ni Aileen. "Order?" nagulat siya.  "Regarding agriculture business in Souteheast Asia po," sagot nito. "Sige ako nalang magbabalita sa kaniya mamaya," aniya, "I-ready mo nalang ang space para sa delivery boxes tomorrow. Ayoko namang dito sa display area natin nakalagay ang mga 'yon." Tumango ang babae at pumunta sa likod ng shop, sa munting garage na ginawa niyang store room, habang siya naman ang nakatoka sa check out. Compared last year ay marami rami na rin ang customers niya. Siguro dahil malaki rin naman ang space at accessible din naman. Malapit sa grocery store mga three blocks away lang at malapit sa isang private school. Two story ang building na nirentahan niya, first floor ang bookshop at ang second floor ay ginawa niyang pad. Nag lagay rin siya ng kokonting kiosks para sa mga tao na gustong basahin ang mga libro. Hindi rin naman siya gaano ka strikto kung magbabasa lang ang mga ito at hindi bibili. She understood the feeling of wanting to read books but did not have enough money to buy them. Dahil Biyernes ay marami-rami rin ang pumapasok sa shop at nakikipagkuwentuhan rin siya sa mga ito. Marami rin ang nagpapa-reserve lalo na 'yong best sellers talaga. Busy ang shop kaya hindi niya namalayan na ang bilis ng oras at nag time out na si Aileen. "Hindi ka pa nag close?" ani ni Nathanil pagpasok nito sa tindahan. "Magsasara na ako," aniya. Tinulungan siya nitong maglinis at magsara ng shop. Umakyat sila sa pad at laking gulat niya kasi nakahanda na ang hapunan sa lamesa. May mga balloons at teddy bear pa sa sala. Kanina pa siguro ang lalaki dumating at dahil may spare key ito sa pad niya ay dumiretso na ito rito. Napalingon siya sa lalaki. "Ano 'to?" Nagkibit-balikat ito. "Sorry kagabi. I was rude..." Tumango lang siya. "Ako rin..." Pagkatapos nilang maghapunan ay napansin ni Samara na may bitbit na bag ang binata. "Dito ka matutulog ngayong gabi?" "Oo," sabi nito habang naghubad ng T-shirt. Hinagod niya ng tingin ang katawan ng lalaki. Talagang maalaga ito kasi hindi man grabe ka maskulado si Nate na parang mga body builders ay fit pa rin ang lalaki. At matangkad si Nate kaya medyo exciting ang s*x positions nilang dalawa. Uminit ang pisngi niya sa biglang inisip. "Ara, may sasabihin ako sayo," ani ng lalaki habang nakatapis ng tuwalya at pumunta ng banyo. Dahil hindi gaanong kalaki ang kwarto't kama niya ay nag-arrange nalang siya sa sala para mahigaan ng binata. Nakatuwad siya para lagyan ng bedsheet ang foam nang bigla siyang yakapin ng lalaki. "Buing! Nate, ano ba? Tingnan mo tuloy, hindi perfect ang pagkalagay sa bedsheet," natatawang sabi niya, "Tapos basa ka pa oh." He rolled her over and leaned over her. "Ma disarranged din 'yan mamaya." "Hindi pa ako nakapag half-bath oy," nandidiring bigkas niya. Itinulak niya ang lalaki at dali-daling pumunta ng banyo para mag freshen up. Paglabas niya, nakasuot na ng boxer shorts si Nate at nakahiga sa kama habang pinapanood siya. "Ara, pupunta ako ng Cebu bukas. Gusto mo bang sumama?" seryosong tanong nito. "Ilang araw?" Sinusuklayan niya ang mahabang buhok. Hinila siya ng binata at napa upo siya sa kandungan nito. Kinuha nito ang suklay at ito na mismo ang nagpatuloy ng pag brush sa buhok niya. "I don't know." Napalingon siya rito. "Ha?" "'Yong kamag anak ko si Kuya Saimon Halcon, 'yong president ng retail groups sa Davao City, nag request na puntahan ko siya at si Kuya Henry sa Cebu kasi may plano sila na mag open ng farm sa Negros area," anito. "And...?" "Kailangan ang kamandag ko roon," pabirong sabi nito habang patuloy pa rin sa pagsuklay. "Gusto mong sumama?" "Nate, okay lang sana if two days maximum pero more than that ay hindi ko kayang iwan ang shop tapos may reporting pa ako sa klase," nakangiwing sabi niya. Alam niyang medyo malungkot ang lalaki kaya nilingon niya ito at hinawakan niya ang baba nito. "Huwag mong kalimutang mag trim ng balbas mo ha. Ayokong matakot ang mga tao sa mukha mo." Natawa ang lalaki at ikiniskis pa ang baba nito sa kamay niya. "May ipapabaon ka ba sa akin Ara?" senswal na sabi nito habang hinahaplos ang dibdib niya. Kinindatan niya ito. "Oo." Taimtim siyang tiningnan ng binata at medyo nanginig siya. He gently tugged her hair and her neck was exposed to him. He kissed her throat lightly and she moaned. "Ara..." Mas mababa na ang tono ng boses nito kaysa normal. "Hmmm..." "Huwag mong putulan ang buhok mo ha," sabi nito. Napataas ang kilay niya. "Mainit na eh, hanggang puwet ko na." He gently scrubbed his face on her neck and she giggled. "Nate ano ba..." "I really like you with this long hair," he murmerd against her skin. She pulled his head up and looked into his eyes. "Okay." He kissed her tenderly on the tips on her nose and on her mouth. All the light kisses turned into wet ones. Skin against skin, hands caressing each other and body moving in sync to the rhythm they only knew. Something happened between them during their lovemaking, it was as if the message of each touch was a farewell. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD