ALAS singko singkwenta nang mag park si Samara. Tumingin muna sya sa rearview mirror at inayos ang sarili bago lumabas sa sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang venue ng seminar ni Nate so nagdesisyon siyang i-explore lang muna siya ang paligid.
Naramdaman niyang sumakit ang paa kaya kinuha niya ang sapatos at hinanap ang maliit na bato na nakapasok sa loob. "Ikaw pala ha," napangiwing bulong niya ng makuha ang bato.
Ibabalik sana niya ang sapatos nang medyo na outbalance siya. Buing! Buti nalang at may nakahila sa siko niya kaya hindi siya tuluyang natumba. Napakapit siya sa kamay ng taong tumulong.
"Salamat kasi - " Naumid ang dila niya nang tumingala siya at nakita ang mukha ng taong tumulong sa kaniya. Sa gulat ay nabitawan niya ang lalaki at tuluyan na siyang napatumba.
"Lance!" hindi maiwasang singhap niya.
Totoo nga na andito si Lance sa Cagayan de Oro.
Masyadong malakas ang kabog ng dibdib niya at parang naririnig na niya ito. Medyo nanghina siya at gusto niyang himatayin pero pinigilan niya ang sarili. Ito ang pagkakataong makita niya ang lalaki sa malapitan.
Hinagod niya ng tingin ang kabuoang anyo ng dating katipan. May namumuong mga luha sa mga mata niya ngunit kinbuli niya ang kahit anumang emosyon.
Walang imik na inilahad ng lalaki ang kamay nito para tulungan siya. Hindi siya nagpaligoy-ligoy na hawakan ito para hilahin siyang makatayo.
'Mga kamay niyang minsan ay humahaplos sa'kin,' isip niya.
Parang sasabog ang dibdib niya sa tindi ng emosyon. Gusto niyang sugurin ito ng yakap at halik pero pinigilan niya ang sarili. Kaya tumingala siya at ngumiti ng mapakla. "Salamat."
Napansin niyang may peklat ito sa noo at automatic na inabot ng kaniyang kamay at hinaplos ang ito. Pero parang napasong lumayo ang lalaki at galit na tumingin sa kaniya. "Mag-ingat ka Miss."
"Lance," tanging nasabi niya, "andito ka rin pala sa CDO?"
Dumilim ang mukha nito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Gusto niyang manliit sa intensity ng pagkatitig nito sa kaniya. Mga tinging hatid ay suklam. Mga tinging ayaw niyang makita mula sa lalaki.
Wala na siyang karapatang tawagin ito. Wala na siyang karapatang lumapit rito o kausapin ito. Nagdesisyon siya na sumama kay Nate para mapagaling ito at ngayong nakita niya si Lance na fully recovered na ay kuntento na siya.
Kahit na nagdurugo ang puso niya.
Si Nate...
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang maalala si Nathanil Alegria. Siguro tapos na ang seminar nito at baka hanapin siya.
Nagkukumahog siyang umalis sa kinatatayuan at pumasok sa loob ng venue. At napakamot siya ng ulo nang malaman na sa kabilang building pala ang seminar para sa Agri-business at ang lugar na napuntahan niya ay conference para sa mga Civil Engineers.
Pagkalabas niya sa building ay wala na ang lalaki. Tumingin-tingin muna siya sa paligid bago dumiretso sa location ni Nate. Timing naman at palabas na din ito sa building.
"Ara!" Kaway ng binata sa kaniya.
"Sorry, Nate, nagkamali ako ng pasok." Ngiti niya.
Tumawa ang lalaki. "Wala ka talagang sense of direction Ara."
Pabirong hinampas niya ang dibdib nito. "Hindi mo naman sinabi sa akin kung saan ang exact venue eh."
Niyakap siya ng lalaki at hinalikan sa ilong. "Sorry na." Napansin nito ang sasakyan ng babae. "Pagong ang dala mo?"
"May problema ba?" nakangiting tanong niya ng tiningnan ang Volkwagen.
Pinipigilan ng lalaki ang ngumiti, "Alam mo namang hindi maka stretch ang paa ko diyan."
"Huwag kang mag reklamo," saway niya rito, "ako ang driver."
"Ahh, basta imasahe mo ako mamaya," mala senswal na sabi ng binata at kinindatan siya bago pumasok ito sa sasakyan. Napailing nalang siya.
Ang hindi nila alintana nila ay may nakatayo pala sa likod ng isa sa mga kahoy. Nakatingin ito sa kanila habang nagsisigarilyo. He gritted his jaw and clenched his fist while he saw his former girlfriend with Nathanil Alegria - ang dating manliligaw nito.
Dumiretso silang dalawa sa pad ni Samara galing Marco Hotel. Nag take out nalang sila at nagdesisyon na sa bahay na lang kakain.
"Si Aileen?" tukoy ni Nate sa assistant ni Samara. "Baka 'di pa nakapag snacks ang batang 'yon. Napagalitan ko nga noong isang buwan kasi buong araw na hindi kumakain."
Inayos niya ang kubyertos at natigilan sa sinabi ng lalaki. "Hindi ko alam 'yan."
"Sabi niya diet daw siya." Umiling si Nate habang kinuha sa plastic ang mga nabiling pagkain. "Duda ko nagtitipid masyado ang batang 'yan. Pinagsabihan ko na rin na lalapit sa'yo o sa'kin kung gipit talaga."
Kinuha niya ang phone at tinawagan ang assistant habang si Nate ay patuloy sa pag-ayos ng hapunan. Umupo na ang lalaki sa hapag-kainan nang matapos ang tawag ni Samara.
"Anong sabi?" tanong nito.
"Nilibre raw ni Miguel," sagot niya sabay upo.
"Miguel?" Nakataas ang kilay ni Nate habang nagsimulang kumain. "Kilala ko ba?"
"Bestfriend niya," sagot niya. "Minsan tumutulong 'yan sa shop."
"Baka ano 'yan ha," seryoso pa ring batid ni Nate.
Tinapik niya ang kamay nito. "Mas strikto ka pa sa Papa mo. Naku, kawawa ang babae mong anak niyan."
Natigilan si Nathanil sa turan niya. At napipi rin siya sa kaniyang sinabi. Uminit ang mukha niya at gusto niyang sapakin ang sarili kasi hindi niya alam kung saan nagmula ang mga katagang 'yon.
"Uuwi ka ba sa Sandayong?" kapagkuwa'y tanong ng lalaki.
Lumuwag ang dibdib niya sa biglang pag-iba nito ng topic. Hindi kasi niya alam kung paano babawi mula sa sinabi.
Lumagok muna siya ng tubig bago sumagot. "Hindi na muna siguro.
"Baka makalimutan mong death anniversary ng mama mo," mahinang paalala nito.
Napalunok siya sa sinabi ng binata. Apat na taon ng patay si Nanay Nimfa. Inatake ito sa puso habang nagtitinda sa palengke. Hindi niya alam kung paano siya babangon nang mga sandaling 'yon pero inakay siya ni Nate para suungin ang kalungkutang nadama. Ang huling bisita niya sa Sandayong ay dalawang taon na ang nakakaraan.
Hindi naman sa ayaw niyang bumisita roon pero hindi pa niya kayang magtagal ng higit sa dalawang araw. Hindi niya alam kung saan galing ang hiyang nadarama niya kapag pumupunta siya sa sariling lugar.
Mabuti na lang talaga at nakakaintindi si Joseph at hindi siya pinipilit na dalawin ang puntod ng ina. Since nag-aaral ito sa Iligan ay ipina-arkila na lang nila sa kakilala ang puwesto nila sa palengke. Umuuwi rin si Joseph sa bahay nila kahit twice or thrice a month para may tao rin kahit papaano.
"Siya nga pala tumawag sa'kin si Joseph kahapon at pasabihan ka raw na pupunta siya ng Cebu sa makalawa," balita ng binata.
Nagtataka siya. "Bakit hindi tumawag sa'kin?"
Ngumisi ang lalaki. "Baka hindi ka pumayag."
"Palagi ba kayong nag-uusap ng kapatid ko?" Isa rin 'to sa mga sorpresang nabalitaan niya. Hindi niya alam kung ano ang alam ni Joseph sa estado nilang dalawa ni Nathanil pero alam nito na nagkahiwalay sila ni Lance.
"Secret na 'yon." Kibit balikat nito. "Boys' talk lang naman."
Namilog ang mga mata niya. "Baka kung anong mga kabulastugan ang mga itinuturo mo sa kaniya Nate ha."
Kinindatan siya nito.
"Anong ipupunta niya sa Cebu?" tanong niya.
"Aakyat ng ligaw."
"Ano?" Napalakas ang boses niya. "Sinasabi ko na nga bang ikaw - " Tinuro niya ang lalaki.
Kinuha ng lalaki ang hintuturo niya at hinalikan ito. "Oo, ako na."
"Nate! Hindi nakakatuwa 'to," inis niyang sabi.
Tumawa ang lalaki at tumayo at niyakap siya. "Hindi ka talaga mabiro. Actually mag-aaply siya sa firm nina Henry."
Kumawala siya sa yakap nito. "'Yong pinsan mo sa Zamboanga del Sur?"
Tumango ito at bumalik sa puwesto. "At least he'll learn something from the firm. Besides, alam kong kampante ka kasi okay ang pagtatrabahuan niya."
"Akala ko ba application lang. Bakit sa pananalita mo ay parang natanggap na? Bakit sa Cebu? Bakit hindi sa Monte Abante?"
Ngumisi lang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.
Umiling si Samara habang tinitingnan ang lalaki. Ito talagang si Nathanil ang hilig tumulong ng kahit sino. Kung hindi lang ito focused sa family business nila ay baka tumakbo na ito sa politika.
"Salamat," tanging sagot niya.
Nginitian lang siya ng lalaki.
Doon sa hapag-kainan ay napagtanto ni Samara na infairness kay Nathanil ay supportive ito hindi lang sa kaniya kundi pati na sa iba. Napansin niya na kahit palpak ang mga desisyon niya ay hindi ito judgmental bagkus ay hinahayaan siya nitong matuto sa mga pagkakamali.
Nang tapos na silang kumain ay ang lalaki mismo ang naghugas ng mga pinggan at siya naman ang naglinis sa mesa. Para talaga silang mag-asawa na nagshare sa mga gawaing bahay.
Mag-asawa...
Biglang nahindik si Samara nang maisip ang salitan 'yon. Sa totoo lang, gusto niyang isuka ang salitan 'yan. Dahil alam niya na hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyan. Walang kasalangang magaganap hanggang sa magunaw ang mundo.
Umiling siya at pilit na kalimutan ang mga naiisip habang naghahanda para sa film showing nila.
"Uy, huwag slasher films," sabi niya habang inihanda ang popcorn at softdrinks.
"Action, gusto mo?" tanong nito habang inaayos ang TV.
Nag thumbs up siya.
Umupo silang dalawa sa sofa habang nanonood ng palabas nang bigla siyang kabigin ni Nate at hinalikan sa leeg. He was gently caressing his whole face on the sensitive area of her neck.
"Nate, huwag ngayon please," bulong niya. Nakikiliti siya pero wala siya sa mood.
"Hmmm...sige na Ara," bulong nito na hatid ay kiliti sa may tenga niya.
She squirmed against him but he licked the spot that connected her shoulder and neck. It made her gasp in surprise. "Nate...."
He gently nipped at her shoulder and looked at her while licking the pain away. She felt that his breathing became harder. Aroused na talaga ang lalaki.
She gently caressed his face and she liked the sensation of his facial hair on her palms. "Nate, huwag ngayon please..."
Bumuntong hininga ito at umatras. He pinched the bridge of his nose and murmured, "Hindi talaga ako maka tiempo sa'yo dito sa pad mo. Balik ka nalang doon sa lugar ko Ara."
"Nate, napag-usapan na natin ito two years ago." Nagsimula na siyang mainis.
"Hindi ko ma gets kung bakit kailangan mo pang umalis. Malaki naman 'yong space ko kumapara rito. Hindi pa maganda ang lightings mo tapos laging barado ang lababo mo. Maliit pa ang room mo," reklamo ng lalaki.
"Nate, I need to spread my wings," giit niya. "I need to be independent."
"Pwede ka namang maging independent na andon ka sa pad ko nakatira eh." Halatang naiinis na rin ang lalaki.
"Nate, paulit-ulit nalang bang pag-awayan natin ang issue na 'to?" maktol niya. Tumayo siya at kumuha ng tubig sa ref at uminom.
Nakita sa gilid ng mga mata niya na nagdadabog na tumayo si Nate. Inayos nito ang sofa at walang sabing umalis sa pad.
Sexually frustrated talaga si Nathanil pero wala siya sa mood. Hindi rin naman isang beses 'to nangyari. Pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-walk out si Nate sa galit.
'Huwag kang magkunwari pa Samara!' sigaw ng utak niya.
May mga luhang namumuo sa mga mata niya. Gusto niyang pigilin ang damdamin pero siya rin lang ang andito kaya ipapalaya na niya ang emosyon.
Umupo siya sa sofa at pinanood ang action movie na pinili ni Nate pero ang atensyon niya ay wala rito. Kung hindi nasa nangyari kaninang hapon sa Marco Hotel.
"Lance, nakokonsensya akong makasiping si Nate ngayong gabi," tanging sabi niya sa hangin.
***
Halaka! Ano na ang mangyayari kay Samara ngayong nagkita na ang dating magkasinatahan? Paano si Nathanil?
Abangan ang mga ka echosang eksena...SUSUNOOOODDD...!!
Again, may pahintulot kayong awayin ang mga karakter dito. Huwag mahiya i-bash sila (huwag lang ako hahahahahaha!!!!).