"NATE, I'll be there in twenty minutes ha. May binili muna ako rito sa Limketkai," pahayag ni Samara nang mag text ito.
"Take your time Ara, hanggang alas sais kami ngayon kasi last day of seminar na," reply niya.
Napangiting hinaplos ni Nate ang baba at nilaro-laro ang kaniyang balbas. Pupunta muna siya sa CR mamaya para mag trim ng facial hair. Mabuti na lang talaga at may bitbit siyang trimmer sa bag. Ayaw kasi ni Ara na masyadong mahaba ang balbas niya.
Nangingislap ang mga mata niyang isipin ang katagang 'As the lady wished, he complied.'
Kahit nasa gitna pa siya ng lecture ay hindi maiwasan ni Nathanil ang haplusin ang dibdib para patahanin ang lumulundag na puso. Sa limang taong magkasama silang dalawa ay mabibilang lang sa mga daliri niya sa kamay at paa ang mga panahong si Ara mismo ang naghahanap sa kaniya.
"She's really independent now," bulong niya sa sarili.
Hindi naman sa ayaw niya na maging malaya ang babae, sa katunayan ay proud sya sa narating nito in just five years. Hindi naman kasi maiwasang umasa siya paminsan-minsan na tawagin siya nito kung may kailangan nito.
Pero alam niya ang totoo. Hinding hindi siya nito hahanapin nang dahil siya si Nathanil Alegria - isang lalaking nandiyan lang sa tabi ni Samara. Ayaw man niyang aminin pero nararamdaman niya na kahit limang taon silang magkasama ng dalaga ay may reservations pa rin ito. At natatakot siya na baka isang araw aalis ito.
'Huwag naman sana kasi hindi ko alam kung saan ako pupulitin.' He mentally shook his head with the sudden thought. Saan nanggaling 'to? Despite the ongoing lecture about agri-business, he opened his phone and discretely scrolled at the pictures of the two of them.
Maraming nagbago sa limang taon. Kung masyado itong payat sa edad na dise-otso ay nalagyan ng laman ang katawan nito makalipas ng ilang taon. Ang malaking mga mata nito na minsan ay may galit kung nakatingin sa kaniya. Ang oval face ni Samara na makinis kung hinahaplos niya, ang maliit na ilong na minsan hinahalikan niya at ang full lips na kinakagat nito pag na tetense ang babae. At pag ngumiti ito ay maganda ang set ng ngipin na hindi minsan nakapunta sa dentista para magpalagay man lang ng braces or retainers.
At dahil siya mismo ay very health conscious, sa palagay niya ay naipasa niya sa dalaga ang katangiang ito. Minsan hinahatid at sinusundo niya ito sa yoga classes at nagpa enroll rin sila sa boxing three years ago. He discreetly traced her figure and he sighed deeply.
"Nate, okay ka lang?" tanong ng katabi niya.
Dali-dali niyang itinago ang phone at tumango siya. "Okay lang. May iniisip lang."
"Siguro babae 'yan," napatawa ito ng mahina.
Ngumiti lang siya bilang sagot at itinuon ang atensyon sa lecture. Magkikita rin naman sila ni Samara mamaya.