Dise Nuebe

1374 Words
NATHANIL drove around the city for a while before he went back to Samara's pad. Biglang kumabog ang dibdib niya nang walang taong nadatnan. Tinawagan niya si Aileen and he sighed in relief when the woman told him na nag-malling pala ang dalawa. He was slightly happy kasi lumabas na ang dalaga mula sa lungga nito. Umupo siya sa sa sofa at napahilamos sa mukha nang maisip ang nangyari kanina. Sumandal siya at wala sa sariling hinimas ang balbas habang nakatining sa kawalan. "Saan tayo patungo nito Ara?" bulong niya sa hangin. May nadarama siyang kaba at ayaw niyang isipin ang resulta nang pagpunta niya kay Lance. Ang mas mainam siguro ay ihanda na niya ang sarili pagkatapos ngayong gabi. Tumayo si Nathanil at pilit na limutin ang kirot sa dibdib sa pamamagitan ng paglinis ng buong pad ng dalaga. Nilabhan niya ang mga bedsheets, nilinisan niya ang bintana pati na ang banyo nito. Napagod din naman siya sa ginawa pero hindi pa rin nawala ang bigat ng naramdaman kaya nag desisyon siyang magluto ng hapunan. Mga alas siete na ng gabi at nagtitiklop siya ng mga nilabhan nang dumating si Samara. "Si Aileen?" tanong niya. "Umuwi na," sagot nito bago pumasok sa sariling kuwarto. Lumabas ito dala-dala ang isang unan. "Nasaan 'yong itim na punda Nate?" "Andito, nalabhan ko na." Inabot niya ito sa babae. "Kamusta na pala ang lakad niyo?" "Okay lang," tipid na sagot nito. "Kumain ka na? Nagluto ako ng tinolang isda," sabi niya. "Tapos na," anito. Tumayo siya dala-dala ang mga natiklop na damit at bedsheets at pumasok sa kwarto ni Samara. Sumunod ang dalaga sa kaniya. "Nate, hindi mo kailangang gawin ang mga ito." "Ma bo-bored lang ako pag wala akong ginagawa Ara," sagot niya. "Parang isang buwan ka na palaging nandito. May mga negosyo ka rin," anito. "Time management," maliit na ngiting sagot niya. Tiningan lang siya nito ngunit hindi sumagot. Mag-isang kumain si Nathanil habang pasulyap-sulyap sa kuwarto ng babae. "Bakit mo 'to ginagawa Nathanil?" naitanong din niya sa sarili habang humihigop ng sabaw. "Martyr ka ba? Bakit ipinagsiksikan mo ang sarili mo sa taong walang pagtingin sa'yo?" Nanginginig ang mga kamay na napaso siya sa kaniyang dibdib. Huminga siya ng malalim at pilit na alisin sa isipan ang takot. Narinig niyang nilalaro ni Samara ang gitara at may kumirot na naman sa puso ni Nathanil. Noong sa Bukidnon pa niya narinig ang pagpapatugtog nito sa instrumento. Tumayo siya at niligpit ang mga gamit. Nalilito siya sa susunod na gagawin ngunit hindi niya namalayang dinala siya ng mga paa sa pintuan ng kuwarto ni Samara. She sang James Taylor's Fire and Rain and Nathanil wanted to break down in front of her. But he did not. He could not. Kasi alam niyang ang kantang 'to ay hindi para sa kaniya. Mahigpit ang pagkakapit niya sa pintuan habang tinitingan ang dalagang kumakanta. Tumingala ito sa kaniya at gusto niyang yakapin ito. Tumutulo ag mga luha nito na tila ba ito ang magdurugtong sa melodiya ng kanta. Malungkot na mukhang tumalikod si Nathanil at inihanda ang mahihigaan. He took his laptop and watched some movies para ma divert ang atensyon niya. Natapos bandang alas onse ang pinanood niya at humiga siya sa kama nang namalayang lumabas si Samara mula sa kuwarto nito at pumunta sa lugar niya. 'Heto na naman tayo' naisip niya. Dahil naka on ang ilaw sa labas ay may reflection pa rin sa pwesto niya kaya kitang kita niya na hinubad ni Ara ang suot nitong nightie. Nathanil tried to record each line and curve into his memory. "Why won't you f**k me?" mahinang tanong nito. Hinipo niya ang balbas niya bago sumagot, "I haven't received any clearance from your doctor Ara na pwede ka na sa penetration." Dahan-dahan itong tumabi sa kaniya. "Nate alam mo bang I hate myself tuwing nagsisiping tayo? Kasi I'm enjoying it. Anong klaseng babae ako? Iba ang mahal ko at iba rin ang gusto kong maka s*x?" Samu't-sari ang kaniyang mga emosyon ngunit pinilit niya ang sarili na huwag bumigay. "Ara, don't blame yourself okay? Blame me... I am also blaming me..." Nagulat siya ng hinawakan nito ang kamay niya at pinisil. "Ara, you are free from your obligations to me. Wala ka namang utang na dapat bayaran," sabi niya. Narinig niyang napasinghot ang dalaga. "Salamat Nate." She leaned over him and kissed him on the lips. "Gusto mo bang ma angkin ako ngayong gabi? Actually, pumunta rin ako ng OB-gyne kanina at may clearance na pwede na ang sex." Kahit medyo madilim ang paligid ay binaling niya ang mukha sa direksyon ng babe at tiningnan niya ito. "Ara gusto mo ba ito kasi gusto mo or gusto mo ito kasi feel mo na dapat may ibibigay kang kapalit ng pagpapalaya ko sa'yo?" Napaatras ang babae. Sa totoo lang, gusto niya ang offer nito. He wanted to kiss her and f**k her and make love to her. Pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya na magsisisi ang babae sa huli. Hindi sumagot ang babae. Masakit man ay napangiti siya ng mapakla kasi alam niya ang desisyon ni Samara. "Good night Ara," bulong niya bago tumalikod sa babae. Narinig niyang tumayo ito at bumalik sa kuwarto. Nang lumipas ang ilang sandali ay naramdaman niya ang mga butil ng luha na dumaloy mula sa mga mata niya. Feeling niya naririnig niya ang pagka wasak sa puso niya. Kahit hindi man niya aminin ay ang alok niya rito noon at ang estado ng kanilang relasyon lang ang pinanghahawakan niya. Akala niya mamahalin siya nito pagkalipas ng limang taon. Atay! Nagkamali siya ng binangga. Hindi kayang buwagin ng maraming taon ang pagmamahalan ng dalawang tao. Kaya parang tiniris-tiris ng ilang libong beses ang puso niya sa katotohanang malaya na talaga si Samara. Kasi alam niyang hindi siya nito pipiliin kahit kailanman. Maagang gumising si Nathanil Kinabukasan at naghanda ng almusal para sa kanilang dalawa ni Samara. Nang kumain sila ay napasulyap si Samara sa mga bag niya sa sala. "Aalis ka?" tanong nito. "Oo,kasi tinawagan ako ni papa kagabi na may problema sa isang farm sa Bukidnon," sagot niya. "Babalik ka pa ba?" mahinang tanong nito. Kahit na magdamag umiyak si Nate dahi sa katotohanang hindi siya mahal I Samara ay may konting lundag sa puso niya sa tanong nito. Ngumiti siya sa babae. "Gusto mo bang bumalik ako Ara?" Nagkibit-balikat ito. Tumayo siya at lalapitan sana si Samara nang may kumatok sa pinto. Kahit na nag expect siya ay hindi pa rin naiwasang magulat siya nang makita ang bisita. Si Lance. Sumulyap siya sa babae at nakitang lumiwanag ang mukha nito. "Sammie," mahinang sabi ni Lance. Napatingin ito sa kaniya at tumango lang siya. Napansin niya na ang babae na halos lumundag mula sa kinauupan at patakbong pumunta sa pintuan. Nakita niyang umiyak si Samara at gusto niya itong lapitan pero na unahan siya ni Lance. Nang makitang nagyakapan ang dalawa ay hindi niya maiwasang hindi masaktan. He couldn't beat that special bond that Lance and Samara had. They were childhood friends, childhood sweethearts, they first loved each other, and they shared their first kiss and first lovemaking with each other. Maybe they'd even get marry and have dozens of children if he hadn't come in the picture. He coveted what was not his. Kaya pala mas masakit ang balik kasi inagaw niya ang babae na kahit alam niya sa simula pa lang ay hindi siya nito mahal. Nakita niyang nag-iyakan ang dalawa sa sala. Ayaw rin naman niyang maki usyoso at ayaw rin naman niyang maging third-wheeler kaya kinuha niya ang mga gamit niya at dahan-dahang umalis ng pad. Absorbed masyado ang dalawa sa sarili nitong mundo kaya hindi nito napansin na umalis siya. Hindi alam ng mga ito na sa bawat tapak niya sa lupa ay ito rin ang bilang ng luha na tumutulo sa mata niya. Kahit masakit ay kailangang pakawalan niya ang taong mahal niya. She was never his in the first place. And claiming Samara to be his was bullshit – and his greatest mistake. *** Sooooo ano na ang mangyayari sa susunod? Dito na ba talaga matatapos ang relasyon ni Nathanil kay Samara? At anong mangyayari kay Samara at Lance? Paano ang kasal ni Lance? ABANGAN...!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD