Dise Otso

1360 Words
"LANCE, okay na ang listahan sa mga ninong at ninang, may ipapadagdag ka pa ba?" tanong sa kaniya ni Monique habang siya abala sa pag review sa mga plans para sa isang project. Kinuha niya ang listahan mula sa babae at tiningnan ito. "Okay na siguro 'to Nikkie." "Regarding sa venue – " "Ikaw na ang bahala," putol niya. "Baka may ano ka pa – " "Basta okay sa'yo ay okay na rin sa'kin," putol ulit iya. "Ibigay mo lang sa akin ang expenses." "Lance..." mahinang sabi nito. "Ano?" naiinis na siya. Tiningnan siya ng babae. "Do you really want to marry me?" "I proposed to you, didn't I?" bagot na tanong niya. "Lance!" inis na rin ang tono ng babae. "Look, you're the bride and it's your day so kahit ano pang gagawin mo ay okay lang sa akin," buntong hininga niya. She looked at him and sighed. Tumayo ito at umalis sa opisina ng walang salita. Yawa! The last thing he wanted to do was hurt his fiancé. When he was younger, he only envisioned one woman to be his wife: Samara. But destiny played a cruel joke on them. And when he felt that his world came to an end while rehabilitating in Cebu, Monique came into his life. Napahilamos siya sa tindi ng emosyon na nararamdaman. Isang babae na nagmahal sa kaniya pero iniwan siya dahil sa ambisyon. At isang babae na nagmamahal sa kaniya at inaya niya ng kasal bilang pasasalamat sa pagtulong nito sa kaniyang recovery years before. Yawa! Napapikit siya ng maalala ang mga sinabi niya kay Samara. Ngayon na hindi na siya galit ay napagtanto niya na mali ang kaniyang mga bintiwang salita. Paano ba mababago ang mga pagkakamali? Paano ba ipapatuloy ang daang tatahakin? Nahinto ang pag-iisip niya nang tumawag ang secretary niya at sinabing may Mr. Alegria ang naghahanap sa kaniya. Yawa! Wala siya sa mood na tumanggap ng bisita pero alam niya na may takdang oras pa rin na maghaharap ang landas nila ni Nathanil Alegria. And he needed to face this man. Huminga siya ng malalim bago sabihin sa secretary na papasukin ito. "Nathanil Alegria," walang emosyong bati niya rito nang makapasok ito sa office. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nilapitan ang lalaki. "What brings you here?" Tiim-bagang na sumulyap ito sa mesa niya. Mga samples ng wedding invitations at mga listahan na naiwan ni Monique ng lumabas ito. "I need to talk to you," seryosong sabi nito. Tumaas ang kilay niya. "About?" "Samara." One word – one name but so very powerful that it can bring him to the abyss anytime. "What about?" "Alam mo bang buntis siya?" He smirked. "Don't tell me na tumakbo siya sa'yo pagkatapos niyang magsumbong sa akin?" "She's devastated you know," Nate informed him. "Nag two time siya diba? Ano bang tinuro mo sa kaniya at okay lang siyang kantutin ng kahit sinong lalaki?" hindi mapigilan ang sariling kinutya niya ang kausap. Hindi siya nakahanda nang isang kamao ang lumipad sa mukha niya. Was he seeing stars? Yawa! Malakas sumuntok ang lalaki. May nalasahan rin siyang metallic taste – dugo niya. "Bakit? Totoo naman ang sinabi ko Nathanil Alegria," giit niya habang pinunasan ang kaniyang bibig. "Sana namatay ka na lang sa aksidente," humihingal sa galit na bulyaw nito. "Oo, sana hindi nalang ako nagising kasi walang kwenta ang mabuhay kung wala ang babaeng pinakamamahal ko," napatiim bagang siya. "Kung gusto mong magalit ay sa akin lang Lance dahil sa akin nagsimula ang lahat. Huwag mong idamay si Ara, inosente siya," malungkot na pahayag nito. "Inosente?" napatawa siya. "She's a certified slut." Nate grabbed him by his collar and angrily announced, "Do not ever call her that! Ginawa niya lahat para sa'yo at anong isinukli mo?" "Ako pa ngayon ang may utang sa kaniya? Siya ang umiwan sa akin," giit niya. "Tanga ka pala eh! Ako ang gumastos mula sa operation at full recovery mo. Alam mo ba ang kondisyon ko para tulungan ka?" galit na tanong ni Nate. Natameme siya bigla. Parang ang paligid niya ay dumilim. Malakas ang kabog ang dibdib niya pero ayaw niyang bigkasin ang hinala niya. The other man smiled at him. "Bakit kita tutulungan eh hindi tayo magkakakilala? Si Samara ang tanging koneksyon natin Lance. At kahit labag sa kalooban niya ay tinanggap niya ang alok ko." Namutla siya. Hindi totoo! Hindi - - "Oh ngayon nagulat ka? She did it for you." Bumitaw ito sa kwelyo niya. "She did it because she loved you very much. And for five years kaming magkasama akala ko pinatawad at minahal niya ako pero hindi." Anong nangyari? Bakit hindi niya kayang sagutin si Nathanil na nagsisinungaling ito? "I stepped on her spirit but Lance you crushed her heart," malungkot na sabi nito. Lumakad ang lalaki papuntang pinto pero bago ito lumabas ay nilingon siya nito. "I am sorry because I lusted after her even when she was with you. Sinabi niya sa akin noon na mahal na mahal ka niya pero kinuha ko pa rin siya. I started all of this. I came by to apologize and to tell you that Ara needs you badly right now." "Bakit, anong nangyari kay Sammie?" kumabog ang dibdib niya. "Nakunan siya," tipid na sagot nito bago lumabas. Eksaktong pagka sira ng pinto ay napaluhod si Lance. Gusto niyang i-reject ang mga sinabi ng lalaki. Hindi totoo na ito ang nagbayad sa bills niya. Hindi totoo na si Samara ang nag give in para mabuhay siya. But deep inside his heart he knew. "Ikaw ang mundo ko simula noong first year palang ako Lance at alam ko ring sa akin naka ikot ang buhay mo simula nang maging tayo. " "Gusto kong maging asawa mo at maging ina ng mga anak mo." He was still kneeling on the floor while he took his phone and called his mother. "Oh, Lance kamusta na? Handa na ba lahat ng preparasyon mo para sa kasal?" excited na tanong ng ina, "Tumawag sakin si Monique at 'yong -" "Ma, totoo po ba?" mahinang bigkas niya. "Ang alin?" "Na si Samara ang dahilan bakit na operahan at na rehab ako?" Hindi sumagot ang ina. Lalong lumakas ang t***k ng puso niya kasi alam niyang kumpirmasyon ito sa mga ibinalita ni Nathanil kanina. "Ma, totoo po ba?" giit niya. "Totoo bang si Nathanil Alegria ang nagbayad ng bills?" "Oo," tanging sabi nito. At sa isang salita ng ina ay hindi niya mapigilang umiyak, "Mama, bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Ang sabi niyo lang na may mga mabuting kalooban na gumastos. Nakinig din ako sa tsismis ng iba na sumama si Sammie kay Nathanil Alegria." Naririnig niyang napaiyak na rin ang ina. "Lance, mahal na mahal ka ni Samara..." "Mama, alam mo bang kinamumuhian ko siya kasi iniwan niya ako?" iyak niya. "Alam mo bang nakita ko ulit siya rito sa Cagayan de Oro? Alam mo bang sinaktan ko siya?" "Lance, sorry ha kasi hindi namin sinabi sayo. Nangako kami nung nabubuhay pa ang tatay mo na irerespeto namin ang kahilingan ni Samara." "Mama, buntis si Sammie," balita niya rito, "at duda ko ako ang ama pero tinakbuhan ko siya." "Lance..." pumiyok ang boses ng ina. "Pumunta si Nathanil Alegria rito at sinabing nakunan si Sammie," hagulgol niya. "Gusto niyang mabuntis noon. Sana binuntis ko siya noon...sana hindi ko siya tinakbuhan...sana..." "Lance, anak, marami tayong 'sana' sa buhay. Ang importante ngayon anak kung ano ba talaga ang gusto mo," maluha-luhang sabi nito. "Alam ba ni Monique ito?" Kahit hindi nakikita ang ina ay umiling siya. "I don't want to hurt her this way...she's too special..." "Anak, kahit ano ang desisyon mo, may masasaktan pa rin," paalala nito. Hindi na siya umimik at hinayaan niyang magsalita ang ina hanggang sa magpaalam sila sa isa't-isa. Naramadaman niya na namamahid ang mga paa niya at na realize niyang nakaluhod pa rin siya. Pero alam niya na kulang pa ang sakit sa mga pinagdaanan ni Samara. He gently stood up and sighed deeply. Maybe it's time to be man enough to face this chaotic music. But first he had to tell his fiancé everything. *** Man up Lance! Man up!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD