Bente

829 Words
"LANCE." Naluluhang tumayo siya at niyakap ang lalaki. "Sammie sorry," humikbi na rin ang lalaki. Hinaplos nito ang kaniyang mukha at hinalikan ang kaniyang noo. "Sorry Lance ha," sabi niya. Umiling ang lalaki. "Sana gumawa ako ng paraan para hanapin ka nung time na okay na talaga ako. Sana hinabol kita at nag demand ng paliwanag mula sa'yo." Narinig niya ang pagsara ng pinto kaya napa bitaw siya sa pagkayakap kay Lance. Umalis na si Nate. "Nate..." hindi maiwasang bulong niya. Biglang kumabog ang dibdib niya. Parang may nawala na parte sa buhay niya noong nakitang sirado ang pintuan. Parang may panic na namumuo sa kaluluwa niya at pilit niyang kontrolin ang sarili. "Siya ang nagbalita sa akin kahapon Sammie," sabi nito. "Pinuntahan niya ako sa opisina." Namilog ang mga mata niya sa sinabi ng dating katipan. Nate. "He loves you very much..." mahinang sabi nito. Tahimik na umupo siya sa sofa at napatingin sa kaniyang mga kamay na tila ba nanginginig sa takot. Oo, galit siya kay Nathanil Alegria. Hindi lang galit kung hindi pagkasuklam and nadarama niya sa lalaki nitong limang taon. At sa tingin niya ay hinding-hindi niya mapapatawad ang lalaki kahit kailan man. Ito ang dahilan kung bakit hindi niya nakita si Lance ng limang taon. Ito ang dahilan kung bakit - "Sammie, where do we go from here?" paos ang boses ng lalaki. Umupo ito sa tabi niya at hinaplos ang kaniyang mukha. Naputol ang pagmumuni-muni niya sa tanong ng dating nobyo.Oo nga ba, saan ba sila papunta? Ano na ang mangyayari sa kanila? Handa nga ba siya kung sakaling sasabihin nito na babalikan siya nito? Hindi alam ni Samara ang sasabihin kasi nalilito rin siya sa mga pangyayari. Kaya simpleng "Hindi ko alam..." ang sinagot niya. Umupo ang lalaki ng matuwid at tiningnan siya nito. "I'm getting married in less than three months. As of now, I really want to be with you pero natatakot din akong saktan si Monique," totoo sa damdamin na sabi nito. Monique! Ang babeng pakakasalan ni Lance. Fair ba sa babae kung iiwan ito ni Lance para sa kaniya? Tama ba na kailangang may masaktan ulit para makamtan ang tunay na pag-ibig? Nagmamahalan sila ni Lance ng pumasok si Nathanil sa eksena. Nasaktan silang tatlo. Ngayong umalis si Nate ay hindi pa rin matiwasay ang daan nila ni Lance sa tunay na kaligayahan. Ang balakid ngayon ay ang commitment nito kay Monique. Ito rin ba ang magiging hadlang sa true love niya? O baka naman siya ang magiging hadlang sa pagsasamahang Monique at Lance? Papaano kung sa future ay hindi pala sila ni Lance ang magkakatuluyan? Masasayang ba ang efforts nila para makamtan ang true love? 'Ano ba Samara?' isip niya, 'Bakit ba nag-iisip ka pa ng ganyan? Grab whatever happiness you can! Diba ito ang gusto mo? Diba ito yung hiniling mo ng limang taon?' "Lance, siguro hahanapin ko muna ang sarili ko. Masyado kasing evolved ang mundo ko sa ibang tao - I need a break," sabi niya pagkuwan. Hindi niya mawari kung bakit iba ang lumabas sa bibig niya kontra sa inisip niya. Tiningnan siya ng lalaki at tumango lang ito. "Baka matagalan ako sa paghahanap ko sa sarili ko," bigkas niya. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero wala siyang lakas para ibahin ang mga salita. Napanganga ito. "Kailan ang balik mo?" "Hindi ko alam..." "Sammie..." "Lance, wala akong pangakong ibibigay sa'yo ngayon kasi ikakasal ka rin," malungkot na sabi niya. "Siguro kailangan nating pag-isipan ang mga bagay-bagay lalo na't may ibang taong involved dito ngayon. Malaking commitment ang pagpapakasal." Nakita niyang tumulo ang mga luha sa mata ng lalaki at pinahid niya ang mga ito. Nasaktan siya para sa kanilang dalawa. Hindi pala madali ang daan para makamit ang kaligayahan mula sa pag-ibig. "Sammie, I want to fight for you and for us." Napahilamos ito ng mukha. "It's just that Monique is a kind woman..." Napakagat-labi siyang tumango. Naiintindihan niya ang lalaki. Nag-iyakan silang dalawa sa sofa dahil hindi nila alam kung ano ang mangyayari kinabukasan. Iniyakan nila ang kanilang kabataan at mga pangakong binitiwan noon. Iniyakan nila ang mga taong hinanap nila ang isa't-isa. Nang humupa ang kanilang mga damdamin ay hinalikan ni Samara ang mga labi ni Lance. Hindi na siya nagsalita pa kasi hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin sa lalaki. Hinalikan siya ni Lance sa noo, sa ilong, sa mga lumuluha niyang mga mata, sa magkabilang pisngi. Ang tanging nasambit niya lang ay "Samara" bago nito halikan ang kaniyang mga labi. Makalipas ang ilang sandali ay tahimik na umalis si Lance sa pad niya. Nakatingin si Samara sa siradong pinto dala ang mabigat na damdamin. May mga haka-haka siya sa patutunguhan ng relasyon nila ni Lance pero ayaw niyang banggitin ito ng malakas. Kasi takot siya. Para siyang tangang pinakawalan ang pangarap niya sa loob ng higit limang taon. Nathanil Alegria set her free and yet she also let go of Lance Rumbaoa. At nakakalungkot pala ang mag-isa.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD