4: B & B

1753 Words
KATIRIKAN ng araw pero maginhawa ang pakiramdam ni Yana habang nakatingala siya sa bahay na pakay-- pagkatapos ng ilang oras na pagkaligaw dahil intrimida siya-- finally ay naroon na siya sa tapat niyon! Nang marating niya ang pakay na bahay sa lugar, napagtanto ni Yana na 'yon lang pala ang nag-iisang kakaiba ang bahay sa loob ng subdivision na 'yon. At medyo may katangahan lang talaga siya, hindi lang sa direksyon. Hindi niya kasi rin inintindi ang sinabi ni Mamsh Claire na nasa dulo ang bahay ng pamangkin nito. Nasa dulo at ituktok pala. Matayog na nakatayo ro'n mag-isa sa ituktok, tila sinasabi sa mga katabing bahay na bawal 'yon dikitan at nakakamatay. Char. Dami mong kuda, Yana. Galingan mo na lang na mag-doorbell nga! Pakiramdam ni Yana ay isa siyang prinsesa na nasa kalagitnaan ng namumulaklak na kaharian nang papasukin siya ng guard sa loob nang matapos ang halos limang minuto rin na pag-doorbell niya. Paano ay nang makatapak na siya sa loob, nagkalat ang naggagandahan at iba't-ibang kulay na rosas at bulaklak ng chrysanthemums. Wow... Nginitian ni Yana kaagad ang sumalubong sa kaniya na guard-- naka-uniform for guard e. Na sa tantya niya ay nasa around 50's na ang edad. Alam niyang dito sa Pilipinas ay nahihinto ang mga tao sa pagtatrabaho dahil sa edad at hindi sa abilidad, kung kinuha ng magiging amo niya ang guard bilang tila company guard nito, aba, nakakabilib naman 'yon at iilan lang ba ang gano'n. Maliwanag na tulong na nito sa may edad nang nagsisilbi rito 'yon. "Halina po kayo, guide ko kayo papasok sa loob," magiliw na sabi ng may edad nang guard sa kaniya. "Ah, sige, sige po." Kaagad naman na sinundan ni Yana ang daan na tinatahak ng guard. "Kanina ka pa hinihintay ni Madam Claire. Miss?" "Yana-- Yana na lang po. E, oo nga po e, nagkandaligaw po kasi ako." Tanga sa direksyon e. "Sabagay ay wala namang nagpunta rito na hindi naligaw. Suwerte na ang hindi. Suwerte na rin na nagtatagal dito ang isang katulong." "May sinasabi po ka kayo?" Pag- discourage ang huling kailangan ni Yana sa mga sandaling 'yon. Lalo at mula pa ang mga salitang 'yon sa magiging katrabaho niya. Hay, kung ano-ano kaagad ang pinag-iisip mo, Yana Fojas. Hindi mo na lang muna ipagpasalamat ang may makakasama ka sa malungkot na malaking bahay na 'to. Lihim na napabuga na lang ng hangin si Yana sa naglaro sa isipan niya. Oo, kahit gaano pa man kaganda ang namumulaklak na makukulay na halata namang well maintained na mga bulaklak na napuna niya kanina, na- vibes ni Yana ang lungkot sa atmosphere sa labas ng bahay pa rin. Parang... malungkot ang daratnan niyang tao na nakatira ro'n at naalala niya ang kasabihan na aanhin ang malaking bahay kung panay kuwago naman ang mga nakatira. "Delfin nga pala, Yana," pukaw ng guard sa sandaling paglakbay ng diwa niya, "tawagin mo na lang akong Mang Delfin. Matagal na akong naninilbihan bilang guard ng bahay na 'to. Kasing edad na rin ni Sir Stefano," paglihis ng kausap niyang guard sa sinabi nito kanina na hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Yana. "Ah, okay po, Mang Delfin, salamat po ng marami sa paghatid," aniya kay Mang Delfin, napuna naman na kasi ni Yana na nakahinto sila sa isang pintuan nito. "Hala, sige, maiwan na kita rito, Yana. Sana'y mawilian mo naman na magtrabaho sa bahay na 'to," ang lumang kasabihan na 'yon lang ulit about sa nga kuwago ang dumaan sa isip ni Yana, sa huling winika ni Mang Delfin sa kaniya bago 'to kumatok ng dalawang beses sa pintong hinintuan nila. "Salamat po ulit," nakangiti niyang pasasalamat muli kay Mang Delfin. Bago tumalikod si Mang Delfin ay narinig niya na ang nagsalitang si Auntie Claire ng 'come in' sa loob ng kuwarto na 'yon. Kaagad naman tumalima si Yana at wala sa loob na napalunok pa siya habang pinipihit na niya pabukas ang seradura ng pinto. Malawak na kuwarto ang bumungad kay Yana nang mabuksan na niya ang pintong 'yon. Kaya pala sa likod sila ng bahay pumunta ni Mang Delfin, obviously, kuwarto pala agad ang ibubungad sa kaniya ro'n. Unlike sa inaasahan niyang sala muna s'yempre, tapos may introducing segment muna. Na-skip na sila sa part na 'yon na kahit magtaka pa si Yana kung bakit ay wala naman siyang magagawa at hindi naman siya ang amo ro'n. Anyway, 'yon nga, malawak ang kuwartong bumungad sa kaniya-- ngunit nakakapagtaka na madilim. Sobrang dilim na para sa mga mata na nanggaling sa liwanag, kailangan pa niya ng ilang minuto upang makapag-adjust sa dilim. Brown out ba? O naputulan sila ng kuryente dahil hindi sila nagbayad? Chariz. Imposible naman na hindi nagbayad ng kuryente ang mga 'to, kalaki ng bahay at hindi pa nakakalimutan ni Yana ang son of a billionaire na amo, hah! Alangang may anak ng bilyonaryo na walang pambayad ng bills, hello? "Yana, hija, mabuti naman at nakarating ka na rito." Kumurap-kurap muna si Yana at umasang maka-adjust ang mga mata niya kaagad sa dilim, bago niya tinugon si Mamsh Claire. "Hello po, Mamsh. Bakit po ang dilim?" "Pasensya ka na, wait lang." 'Yon ang huling narinig ni Yana from Mamsh Claire, saka niya narinig ang tila papalayo sa kaniyang yabag ng mga paa nito. Nasundan din ng paningin niya ang kilos nito. Mga mata niyang sa wakas ay medyo naka- adjust na sa dilim. "Huwag lahat, Auntie Claire." "Alright," dinig niyang tipid na tugon ni Mamsh Claire sa biglang nagsalitang 'yon na hindi halos mahulaan ni Yana kung nasaan banda sa kuwarto 'to nakapuwesto. Wala sa loob na napalunok na naman si Yana pagkarinig niya ng boses ng kaniyang magiging amo na son of a billionaire nga na si Stefano Villaruel. Ilang saglit pa ay napagtanto ni Yana na walang bills na hindi bayad sa bahay na 'yon dahil hayun at nagsindi na ang ilaw nang i-on ni Mamsh Claire-- narinig niya ang pag-click nito sa mga button ng ilaw bago lumiwanag ang kuwarto-- lumiwanag nang kaunti. Oo, kakarampot ang ilaw na nasindihan kahit malinaw naman na nakikita ni Yana ang malaking chandelier sa ulunan niya banda. Pero sino ba siya para magtanong? Sampid lang siya ro'n. Char! Uy, nang masindihan na ang kakarampot na ilaw na trip ni Stefano Villaruel-- narinig niyang sinabi nito kanina sa tita nito na huwag all ang sindihan-- kahit paano ay nagkaroon na siya ng idea sa kung ano ang partikular na magiging trabaho niya sa bahay na 'yon. "Ahm, hello, Yana, as you can see, ah, here's my nephew, Stefano Villaruel," intro ni Mamsh Claire, "Stefano, siya si Yana Fojas, siya ang napili kong magiging bago mong personal maid. Dala mo naman ang mga pinabitbit ko sa'yo sa pagpunta mo rito, Yana?" "Ah-- opo-- yes po, Mamsh." Kaagad na iniharap ni Yana ang bag niya sa kaniya upang makuha niya ro'n ang brown envelope na naglalaman ng mga pinabitbit ni Mamsh Claire sa kaniya. "Heto po, kumpleto po ang requirements ko na nariyan. Resumé, NBI, Brgy. Clearance, SSS, wala lang pong pag-ibig at wala po talaga ako niyon." Yana heard Stefano chuckled. "Funny," puno ng pang-uuyam nitong saad. Dinedma lang naman 'to ni Yana at nagpatuloy na lang siya na ibigay kay Mamsh Claire ang mga hinahanap nito. "Salamat, Yana, ito kasi ang unang hahanapin ni Stefano sa'yo--" "Lahat ng employer ay hahanapin 'yan, Auntie Claire. Kaya hindi ko malaman sa inyo kung bakit pinatapak niyo siya sa bahay na 'to nang wala siyang ipinasa na requirements at hihingin lang niyo 'yon sa kaniya for formality. Hah! What if may record sa NBI 'yan?" Ano nga ang sabi ni Yana kanina? May asido ang bunganga ng Stefano na 'to! At ngayon lang niya napagtantong hindi lang basta asido ang kayang ibuga niyon. Dahil tila nasa inilalabas na ng bibig nito ang mas matinding substance pa kaysa sa asido. Kung ano 'yon, bahala na si Einstein na mag-isip! At ang bastos talaga nito dahil hanggang sa naroon na siya at taong nakaharap na rito habang kung ano-ano na ang sinasabi nito at naipakilala na siya at lahat ng tita nito rito ay ni hindi siya hinaharap nito! "Don't worry, 'cause I'm not. You can check my papers, here." English-in niya nga para magbago ang pagiging judgmental nito sa kaniya kanina pa! Sa Pilipinas pa naman ay akala mo kung sino nang mataas ang mga taong kayang magsalita ng salitang Ingles. Akala mo ay kung sino na sila kung sambahin ng mga kapwa Pilipino. Toxic-- oo, 'yon! Ang toxic ng mga taong nabanggit niya, kasing toxic nitong Stefano na 'to na kinuha ang inabot niyang papel dito without facing her, still! Nagkatitigan sila ni Mamsh Claire nang pasadahan ng tingin ni Stefano ang mga requirements niya. "Hmn, interesting... mukhang alam ko na kung bakit ka napili ni Aunt Claire, Yana Fojas..." Muli lang na nagkatitigan sina Claire at Yana sa tinuran na 'yon ni Stefano. Titigan na mas naging mariin pa nang unti-unting hinarap siya ni Stefano Villaruel-- pinaikit nito ang sariling wheelchair paharap na sa kaniya... Oo, pagsindi ng mga kapirasong ilaw kanina ay nakita niya sa isang sulok sa gawing kanan si Stefano na nakaupo sa wheelchair nito kaya halos nahulaan na ni Yana na personal maid ngang literal ang magiging trabaho niya roon. Aaminin ni Yana na nagulat siya at kung naka- wheelchair pala si Stefano, ano ang dapat na ikalihim ni Mamsh Claire ro'n, e, ang laki naman ng offer na sahod nito. Naisip niya rin kanina na baka papatulungan sa kaniya na makalakad si Stefano kaya gano'n na lang kataas ang offer na sahod sa kaniya pero imposible naman at wala naman siyang nabanggit kay Mamsh Claire na may kaalaman siya sa caregiving, kaya naisip niyang sa tabas ng dila ni Stefano kanina pa sa telepono ay baka dahil do'n naman kaya mataas ang offer. Kasi 'di ba, bugnutin na ang mga taong nasa wheelchair. Pero naisip din ni Yana na huwag na lang mag-isip kasi nakakapagod lang at kakausapin naman siya ni Mamsh Claire tungkol sa partikular na detalye ng magiging trabaho niya sa pamangkin nito "Nice meeting you, Leyana Fojas." Ewan ba ni Yana, sa kabila ng pang-uuyam na pagkakasabi niyon sa kaniya ni Stefano nang iharap na nito ang wheelchair sa kaniya, kung bakit wala sa sariling napaatras siya ng hakbang. Napaatras siya at napasapo sa sarili niyang dibdib na noon lang napagtanto ni Yana na malakas na palang kumakabog. Paanong hindi? May nakanti sa kaniya ang nakikitang itsura ni Stefano ngayon... "Beauty..." "A b--beast..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD