3: SON OF A BIL--LIONAIRE!

1263 Words
SABI ni Mamsh Claire, ang day off raw niya ay every Saturdays. Ayaw raw kasi nito na ma- feel ni Yana na maid siya, kahit 'yon naman yata ang sa tingin niya ay papasukin niyang trabaho. Kaya ang dalahin niyang bag ay maliit lang naman. Mahahalagang bagay lang like charger, sabon, toothbrush at toothpaste. Saka damit, undies s'yempre, na maaaring tumagal ng isang linggo. Kahit gano'n naman ang papasukin niyang trabaho ay nagpapasalamat na lang siya at may talent siya sa paglalaba, pagluluto, plantsa, at may trabaho siyang natisod pagkatapos niyang masibak sa DB Company. Dahil hindi niya afford na mawalan ng trabaho. Kapag breadwinner ka, hindi puwedeng maarte ka. Oo, breadwinner siya ng pamilya niya. Though, may kuya naman siya na tumutulong sa gastusin nila kahit paano, nag-asawa naman 'to kaagad kaya hayun, hindi kakasya ang kakarampot nitong inaabot. Pero okay lang, at least, hindi nakakalimutan ng kuya niya na tumulong sa gastusin nila. Nakadaragdag pambayad sa bills nila rin 'yon monthly. Maliit na tulong pero puwede na kaysa wala. Doble kayod talaga ang kailangan ni Yana para maka- survive sila. Triple pa nga. Kaya nalungkot siya talaga nang natanggal siya sa trabaho na jackpot na sana para sa kaniya-- Jackpot for her dahil stepping stone na sana niya 'yon para makakilala ng maperang boylet na maaari niyang jowain. Pero puwede na rin, sabi naman ni Mamsh Claire ay bilyonaryo ang magiging amo niya. Anak ng bilyonaryo, to be precised. So, feeling niya talaga ay para talaga siya sa mayaman. Nakatakda siya na makapangasawa ng mayaman dahil heto at inadya ng Diyos na makalapit siya sa another bilyonaryo pagkatapos ng DB Company. Hay, pasasaan ba at makakatagpo rin ako ng lalaking mag-aahon sa'kin sa lusak. Sa putik. Pasasaan ba at magiging tahanan din ng pamilya ko ang isa sa mga magagarang bahay na 'to. O kahit lima pa! Naku e, madalas niya ngang mapanaginipan na kinakasal siya sa isang mayaman na lalaking walang mukha. Pero mayaman. Grandiyoso ang kasal sa panaginip niya e. Yayamanin ang mga bisita. Yayamanin ang lahat ng bagay maging ang kaniyang suot na gown. Kaya matindi ang vibes niya na para siya talaga sa mayaman na lalaki na bonus na lang na tall, dark and handsome na siyang tipo niya. Blessing in disguise ang pagtulong sa kapwa, legit. Pero hindi lang sure ni Yana kung blessing in disguise pa rin ba na tila siya naliligaw na yata ngayon. "Ngiii! Pare-pareho ang bahay, bakit?" Napabuga siya ng hangin bago huminto siya sa namataan na tindahan sa loob ng subdivision na tinatahak niya sa katirikan ng araw. Magtatanong siya ro'n kung saan ang bahay ng mga Villaruel. May kalye naman ang loob ng subdivision, engot lang talaga siya sa lugar. Olats talaga siya sa direksyon. Lalo pa at hayun nga, pare-pareho ang itsura ng mga bahay ro'n. Gano'n ba talaga 'pag mayayaman? Bukod sa alam na niya s'yempre na isa lang ang mga bahay na nakikita niya ngayon sa mga bahay ng mayayaman. Anyway, nasa Tagaytay siya. Subdivision somewhere in Tagaytay. Sosyal. Doon kasi ang location ng magiging amo niya. Ang sabi ni Mamsh Claire, sa bahay raw kasi na 'yon ng pamangkin nito--na siyang magiging boss niya, 'to napirmi buhat nang-- saka na lang daw sasabihin nito sa kaniya. Oo, may gano'n na pa-supense pa si Mamsh Claire. Though, may heads up naman 'tong binigay sa kaniya na ang kailangan daw nito sa trabahong 'yon ay bukod sa marunong sa house chores, determinado rin daw at hindi madaling sumuko. Can work under pressure too pa raw. Kems, sisiw naman sa kaniya 'yon at pressure na pressure na nga siya noon kay Jan Sandoval na CEO ng DB Company. Para kasing pressure cooker ang CEO, habang pinapalambot mo, mas nag-iinit. Literal na hot. Char. Balewala rin kay Yana ang dagdag na heads up ni Mamsh Claire na may kasungitan daw ang pamangkin nito na siyang magiging boss niya. Quota na siya sa kasungitan ng dati niyang boss. Immune na siya, kumbaga. At mataas ang confidence niya na mas masasanay siya lalo na at 'pag nakayanan daw niya ang isang buwan sa trabahong 'yon, may advance payment daw si Mamsh Claire sa kaniya. Bongga 'di ba? Anyway, 'yon na nga, si Mamsh Claire na kahit anong kontak niya ay cannot be reach kanina pa. Anyare na kaya ro'n? E, kasi naman, Yana, nagmagaling ka na kaya mo nang mag-isa. Heto ka ngayon, naliligaw sa kalagitnaan ng naglalakihan na kabahayan... "Pabili nga po ng Kowk." Oo, makapag- softdrinks na nga muna siya at makikitambay sa tindahan. May upuan naman sa tapat niyon. Susubukan niya ulit na kontakin si Mamsh Claire. Well, at least, narito na 'ko naman sa loob ng subdivision. Ang mahirap ay maging ang subdivision, hindi ko pa napuntahan. Kakahiya 'pag nagkataon at nagmarunong ako na huwag nang magpasundo... "Mismo?" Pukaw sa kaniya ng tindera sa tindahan. "Opo, miss na miss mo," pabirong tugon niya sa tindera na napuna niyang nakabusangot ang pagmumukha. "Baliw!" Dinig niyang bulong naman nito. Napahagikgik na lang si Yana. Kung ayaw nitong tumawa o ngumiti man lang ng tindera sa biro niya, aba e, problema na nito 'yon. Hindi yata nito alam ang kasabihan na nakakapangit ang pangsimangot. "Salamat." S'yempre, dapat na magpasalamat siya kahit sambakol ang mukha ng tindera na wala rin pala siyang mapapala. Hindi niya 'to mapagtatanungan 'pag gano'n ang hilatsa nito kahit maganda naman ang approach niya rito. So, sinimulan na ni Yana ang pagpindot ulit sa cellphone niya. Nang mag-ring ang number ni Mamsh Claire, napa- hallelujah na siya. Praise the Lord, nang sagutin nito ang tawag pagkatapos ng limang ring. "Hello?" Er, bakit lalaki ang nasa kabilang linya? "Hello?!" Another er, ba't ang sungit, wala pa naman siyang sinasabi, kyah? "Ahm, hello...?" "Auntie Claire is in the bathroom right now. 'Call later." "Ah---" Napatalon si Yana sa gulat, hindi makapaniwala na minasdan ang tangan niyang cellphone-- binabaan siya ng phone ng kuya mo! "Aba't! Son of a bi--llionaire!" Alangan sabihin niyang beeech? Dahil siya ang beeech! Makikita ng lalaking 'yon! Napa-straight sa iniinom niyang Coke si Yana nang 'di oras sa inis. Inis na hindi naman nagtagal dahil makalipas ang pitong minuto siguro ay nag-ring ang cellphone niya at nag- return call si Mamsh Claire. "Hello, Mamsh?" Testing lang, baka ang masungit na kuya mo na naman ang nasa kabilang linya. "Hey, Yana? Yana, 'Nak, pasensya ka na at nasa banyo ako kanina. Where are you?" Nabunutan ng tinik si Yana nang si Mamsh Claire na nga ang nasa kabilang linya. Tinik na saglit lang din na nabunot, dahil tila mas lumalim ang baon niyon sa lalamunan niya nang marinig sa background habang kausap niya si Mamsh Claire ang sinabi ng son of a billionaire... "Walang sense of direction ang kinuha mong personal maid, Auntie Claire? I can't believe that maid! Malamang wala ring sense 'yan sa lahat ng bagay!" Ay, mapanghusga. "Hindi rin 'yan tatagal dito, I'm telling you." Ay, ang advance mag-isip ng koya mo. "Stefano, shut up, will you?" Buti na lang may mabait na tita... At buti na lang, pinalaki si Yana ng mga magulang niya na ang iniinom niya para sa lagnat ay Biogesic na may kapares na Royal at Skyflakes. Sabi kasi nila, 'pag daw gano'n ay may tibay na ang sikmura sa mga taong tulad ng Stefano Villaruel na 'to na may asido ang bunganga. Kasabihan ng mga poor na walang pambayad sa hospital bills, s'yempre pa. Pero kahit na, naniniwala si Yana na true 'yon! Hmn, makikita mo talaga mamaya, Stefano. Narito na ang katapat mong son of a billionaire ka!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD