5: SURPRISE AS IT'S FINEST

1235 Words
"HINDI mo sana siya tinakot nang gano'n, Stefano!" "Pch, hindi ko kasalanan kung ngayon lang siya nakakita ng mukhang ganito, Aunt Claire. And seriously, how many times do I need to tell you, hindi ko naman na kailangan ng makakasama rito. Nasanay na 'ko. Kaya kong kumilos na mag-isa. Bakit ayaw mong maniwala? Problema pa ang bago mong nakuha na maid at mahina ang loob," mahabang litanya ni Stefano, na malinaw na narinig ng kumukurap-kurap nang si Yana. Claire just stared intently at her nephew. Kung makikita siya ng kung sino ngayon, mababasa ang frustrations sa mukha niya at kilos. Tila kahit sanay na 'to sa pamangkin ay kumbaga, hindi pa rin talaga niya sinasanay ang sarili na makasanayan ang pag-uugali nitong 'yon. Na oo, umaasa pa 'to na mapapabago ang isip ng pamangkin. Slowly, lukot ang mga kilay na mula sa pagkurap ay iminulat ni Yana ang kaniyang mga mata. Nang maalala niya ang nangyari kanina ay napabalikwas siya ng bangon-- nawalan siya ng malay nang mapagmasdan ng mukha ni Stefano, the son of a billionaire! "I--I'm sorry po..." Hilamos ang sariling mukha niyang sabi sa mag- t'yahin na nakatunghay sa kaniya. "Pasensya na po kayo talaga," abot-abot na hinging paumanhin niya at nakakahiya naman ang naging reaksyon niyang 'yon. Ano na lang ang iisipin ng anak ng bilyonaryo? Ang anak ng bilyonaryo na nang sulyapan niya ay mataman na nakatitig sa kaniya kaya napapikit na lang si Yana ulit sa mariin na paraan. Labis man na sabihin, oo, hindi niya kayang salubungin ang tingin ni Stefano, mas lalong hindi niya kayang masdan na may katagalan ang mukha nito. At ang weird lang na mukhang ikinatutuwa pa 'yon ng son of a billionaire. Yana shake her head. Hindi na dapat niya ginagatungan ang mga nasa isipan. Gatong na alam niyang makakasama lang. Dapat niyang tandaan na kailangan niya ang trabahong 'yon para sa pamilya niya. "Water, drink this, Yana." Pukaw ni Mamsh Claire sa kaniya. The old lady handed her a one glass of water. Cold. Kaagad naman na tinanggap ni Yana ang iniabot ni Claire na tubig. "Salamat po, Mamsh." "Pinag-alala mo 'ko, Yana. Ano ba ang nagyari? One moment ang saya mo, then the next, nahimatay ka. Napagod ka ba masyado sa pagpunta rito?" "Ah--Ahm..." Papa'no niya ba sasabihin dito na hindi siya nahimatay dahil sa pagod kung hindi dahil sa mukha ng pamangkin nito? Maliit pa lang siya, least favorite na ni Yana sa lahat ng kuwentong pambata ang Beauty and the Beast, hindi dahil sa hindi niya bet ang story. Siguro, maaari nang sabihin na may hindi siya normal na takot na nararamdaman sa tuwing nakakakita ng kakaibang mukha. 'Yong hindi normal ba na buong sistema niya ay parang naninigas sa takot kahit alam naman niyang hindi gano'n ang dapat niyang i- react, out of respect to the subject. Pero sa pagtagal naman, natutunan na rin naman niyang pakibagayan ang gano'ng kakaibang takot na namumuo sa kaniya sa tuwing hindi magandang mukha ang humaharap sa kaniya dahil nang magkaisip siya ay nalinawan naman siyang may iba't-ibang kuwento ang lahat at hindi lahat ng tao ay maganda ang mga mukha. Na nobody is perfect. Tulad niya. Ang gano'n na pag-uugali o ang gano'n na reaction about sa bagay na 'yon ay siya lang ang nakakaalam at wala siyang lakas ng loob ipaalam sa iba. Kahit sa best friend niyang si Reva nga sana e. But Reva knew about it, accidentally, years ago. Besides, matagal na rin naman na, nang huli siyang atakehin ng gano'n. Kaya nakakagulat din binalikan siya ng kakaibang phobia kanina nang mamasdan niya si Stefano kanina. "Ano ang nangyari sa'yo, Yana? Naku, mukhang ang weak mo ah. Tatagal ka kaya rito niyan?" Nang-uuyam na naman na wika ni Stefano sa kaniya. Pinili na lang ni Yana na huwag pansinin ang pang-uuyam nito. "Stefano, be considerate naman kahit sandali," agap na saway ni Mamsh Claire sa pamangkin. The latter just shake his own head, saka siya pagmasdan nito sa nanghahamak na tingin at paandarin ang sariling wheelchair palayo sa kanila ni Mamsh Claire. "Are you okay, hija?" Tipid lang na tumango si Yana. "O--Okay na po ako Mamsh Claire. Siguro nga po ay dala lang 'to ng pagod. Salamat po sa pag-aalala." "Naku, wala 'yon. Ngayon na narito ka na sa bahay na 'to, sagutin ka na namin ni Stefano. Saka alam ko naman na nabigla ka lang sa kaniya. Pasensya ka na rin sa bata na 'to, Yana." Gusto sanang itanong ni Yana kay Mamsh Claire kung siya lang ba ang nahimatay na katulong do'n nang makita si Stefano, hindi lang niya maapuhap sa sarili na itanong ng maluwalhati rito 'yon. May gano'n din kasi siyang ganap sa mga taong nakakasalamuha niya. Hindi niya pinu-push 'pag napi- feel na ni Yana ang bad vibe kung tawagin. Don't get her wrong, hindi niya sinasabing masama ang vibe niya kay Mamsh Claire. Sa case nito lang for her ay bad vibe kasi ay dama naman ni Yana na hindi lahat ay kayang ipagtapat sa kaniya ng ginang na kaharap. Which is given naman at bago lang siya ro'n, pero basta. Iba pa rin ang sinasabi ng guts niya sa kaniya tungkol do'n. Tungkol sa mga bagay na nag-o-occur kay Stefano, to be exact. Guts niyang most of the time ay hindi siya pinapahamak kaya hindi rin niya masisisi ang iba sa mga salitang hindi katanggap-tanggap na nakukuha niya mula sa mga 'to rin talaga. Ginagawa niya rin kasi ang kung anong maipilit niya-- ng guts niya sa kaniya, on making decisions. "Wala na po sa akin 'yon, Mamsh. Na- sorpresa lang po talaga ako sa... sa itsura niya." Lapnos. 'Yon ang mas akmang term sa kaliwang bahagi ng pisngi ni Stefano. Nasunog 'yon sa lapnos na paraan na maging ang mga mata ay distorted na. Nakadagdag pa sa takot ni Yana ang pangingitim ng bahaging 'yon ng mukha nito. Hindi niya napaghandaan, oo. Pero wala namang kaso sa kaniya. Nagulat lang talaga siya at inatake ng weird phobia niya. Naupo si Mamsh Claire sa katapat niyang upuan sa mga seater sa sala ng bahay na 'yon, may hawak na siyang mga "Pasensya na rin at hindi ko nabanggit ang tungkol do'n sa'yo, Yana." "Nauunawaan ko po. Hindi naman kasi 'yon mahalaga." O, hindi nga ba, Yana? Kumusta na ang tall, dark and handsome na pangarap mo? "Alam kong mahalaga 'yon, hija. Sinadya ko rin na huwag sabihin sa'yo. Na ginusto kong makita mo muna siya sa personal, na nakapirmi siya sa de gulong na silyang 'yon. Na nakakulong siya rito sa malaking bahay na 'to at hinayaan ang kaniyang mukha na gano'n na lang..." "Ayaw ko po na manghimasok at magtanong, kung kayo po ay magkukuwento naman, okay lang din sa akin, Mamsh." Sa true lang, wala siyang pakialam naman. Hindi siya interesado sa mga ganap ni Stefano sa buhay at naroon siya para magtrabaho, tapos. Kapag naman sapat na ang sahod na nakuha niya mula sa pagsisilbi rito ay aalis na rin naman siya. 'Yon naman ang sabi niya kay Mamsh Claire. Nakasaad din 'yon sa pinirmahan niyang contract of agreement sa matandang babae. Na aalis siya sa trabahong 'yon pero magsasabi siya isang buwan muna bago. At hindi siya aalis na walang siguradong kapalit na magbabantay sa grumpy nitong pamangkin. "No, I can tell a little bit to you, at least. Dahil gusto kong magtagal ka rito, Yana."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD