2: OPPORTUNITY YARN?

1166 Words
"PASENSYA na po kayo ah, ginutom po ako bigla sa paghabol sa lalaking 'yon. Saka, masarap po talaga 'tong Jolly Wee grabe! Kaya okay na po 'to sa'kin," sabi ni Yana sa pagitan ng pagnguya. Food is life but Jolly Wee is lifer! Binibigyan kasi si Yana kanina ng kaniyang tinulungan ng reward na pera. Nang hindi niya tinanggap ay inaya na lang niya mismo ito sa Jollibee. Gasgas man, sinabi niya pa rin dito na ang pagtulong sa kapwa ay walang katumbas na kapalit at binibigay nang kusa. Marahan na natawa ang pustoryosang ale na ngayon ay kaharap ni Yana sa Jolly Wee. Nagpakilala ito na tawagin na lang daw niyang Mrs. Claire Villaruel. Maganda si Mamsh Claire. Sa tingin ni Yana ay nasa early 50's pa lang 'to. Maputi, kutis- yayamanin. Halatang de- aircon ang tinutulugan at bahay. Simple kung manamit pero angat sa ilan, hindi maikakaila. "Naku, Yana, kumain ka lang. Wala 'yan, huwag ka rin mahiya sa akin." "Hindi naman po uso ang hiya rin sa'kin at ang grasya po ay hindi tinatanggihan, sabi ng tatay ko." The old lady chuckled. "Nakakatuwa ka talaga." "Marami nga po ang nagsasabi," biro pa niya na mas lalo lang ikinatawa ni Mrs. Claire. "Siya nga pala, salamat ulit sa pagtulong mo sa'kin kanina ah. Kausap ko pa naman ang pamangkin ko kanina nang agawin ng lalaking 'yon ang aparato ko." Nginitian ni Yana si Mrs. Claire Villaruel bilang tugon kahit na siksik ang mga kinakain niya sa bibig niya. Inabot niya ang softdrinks upang makainom muna siya. "Wala po 'yon, tsamba lang din po. Saka, bakit nga po pala kayo nag- iisa? Delikado po talaga ang mga ganyang kamahal na cellphone sa kalsada, Mamsh." Totoo naman na mamahalin. Y-phone chuchu yata ang tawag sa ganoon na cellphone. Hindi siya pamilyar. Vivimo android lang ang gamit niya na nabili niya pa mula sa Credits Mo Na 'Yan! Hulugan. 8k. At sa totoo lang din naman, ngayon lang nakahawak si Yana ng ganoon na cellphone. Nahawakan niya kasi 'yon kanina nang kunin niya nga sa kamay ng snatcher. Buti na rin lang talaga at hindi pa naipasa sa iba ng snatcher 'yon kaya nabawi pa nila. Sakto lang ang pagkakahabol nila rito. Wala pa kasing napagpasahan ang snatcher. "Naku e, may pinaroon lang ako sa DB Company. Hindi na ako nagpahatid sa driver papunta ro'n at minsan ay hinahanap ko rin naman ang commute." "Hala, bongga! Mayaman kayo, Mamsh? Baka kilala niyo pa po ang mga bosses ko ro'n ah. Ay, dating bosses na pala." Nilalantakan naman ni Yana ngayon ang fries na sinasawsaw niya sa chocolate sundae. Talagang hiniling niya ang ice cream kay Mrs. Claire at nang ma- comfort naman siya kahit kaunti sa kasawian na dinanas sa pagkakatanggal sa trabaho. Comfort food niya rin talaga ang foods sa pamosong bubuyog na akala niya noon ay tutubi dahil sa bee. Okay, waley! Char. "Oo, kilala ko ang mga boss do'n sa DB Company. Ang Sandoval at Villaruel ay naging magkaibigan na at nagsanib na sa iilan na mga negosyo nila." Mulagat si Yana sa narinig. "Hala, talaga po?" Fascinated talaga siya sa mga galawan ng mayayaman. 'Yong may mga sanib na kayamanan. Pinakasal kasi kailangan, ganoon na istorya. Mas lalo na ang binayaran na babaeng mahirap para lumayo sa anak ng bilyonaryo. Isa rin siya sa humiling niyon. Mataas din kasi ang kompiyansa niya sa sarili at may mga mata siya kaya alam niya ang lebel ng ganda niya, sa true lang. At 'pag nagkataon na mangyari sa kaniya ang mala- teleserye na eksenang 'yon ay talaga kasing kukunin niya ang pera. Praktikal na lang at marami pa namang lalaki r'yan, sus. Tumango si Mrs. Claire saka ngumiti. "Naku, huwag mo nang initindihin ang bagay na 'yon. Siya, bakit nga pala dati mo na silang boss? Tama ba ang narinig kong sinabi mo kanina, so, dati kang nagtatrabaho ro'n? "Opo, Mamsh. Sa totoo lang po ay kakatanggal ko lang kasi sa work ko ro'n kanina nang masagi ako no'ng snatcher ng phone mo at hinabol ko na nga siya." "Oh." "Okay lang naman po ako, huwag kayong maawa sa'kin." Dahil ayaw sa lahat ni Yana ay ang kinakaawaan siya. Masyado siyang madiskarte para sa awa. Periodt! "Hmn..." "Mamsh, don't look at me like that ah, wala akong ginawang kalokohan sa DB. Nabigyan lang po ako ng memo dahil sa late ako palagi. One week straight akong late." Napakamot sa kilay niya si Yana habang nagkukuwento siya tungkol sa sariling kapalpakan. "Breadwinner po kasi ako at hindi uubra na iisa ang trabaho. Kaya 'yon, triple ang work, plus sa DB. Sayang nga po. Pangarap ko talaga ang ganoong klase ng trabaho na napapalibutan ng kumikinang. Sa gano'n na karangya. Tsk, sayang talaga." "Memo? You mean, wala na agad chance 'yon na makapasok ulit?" "Opo, I mean, ahm, meron po. Sana. Kaya lang ay gumawa po kasi ng eksena ang nanay ko sa DB Company. Nakakahiya man na ikuwento, pero opo e, nasampal ni Nanay ko-- ang CEO pa, kaloka! Kaya 'yon, naglaho ang pag- asa na muli akong makaawra sa DB," pakuwelang paglalahad ni Yana sa nangyari. Ayaw naman niyang seryosohin ang mga sentiments niya sa about do'n. Sa mga pagsubok sa buhay na dinanas niya ay maituturing niyang mild na lang ang pagkakatanggal niya sa DB, sa rason niyon to be exact. Pabor na nga rin sa kaniya na hindi kinasuhan ang nanay niya ng CEO ng kompanya. Kilala pa naman na sa hindi magandang pag- uugali ang taong 'yon. Ang CEO ng DB Company ang patunay na hindi lahat ng may maamong mukha ay mabait. Ika nga e, don't judge the book by it's cover. Angkop naman na kasabihan sa CEO ng DB ang: Don't judge the CEO because the CEO is the judge.Char! Kidding aside, natutunan ni Yana na sa buhay ay iiyak mo lang ang kabiguan ng isang beses dahil at the end of the day, mahalaga pa rin na makabangon ka at muling sumaya dahil hindi ka tatagal sa sistema sa mundo kung hindi mo sisimulan ang pagbangon at pagiging masaya. Hindi ka makakasabay. "Bakit, bukod ba sa DB ay saan ka pa nagpa- part time job? Anong trabaho?" "On call housekeeper po ako. Labandera, plantsadora, etc. Name it, I'll do it. Inisiip ko na nga lang po na pasasaan ba at makakatagpo rin ako ng panibagong trabaho. Hindi naman siguro maaapektuhan ang records ko sa DB sa mga future na mapapasukan ko pa." Mananatiling positibo, gano'n dapat! Susuka pero hindi susu... ko! "Actually, may job offer nga ako sa'yo But I'm not sure lang kung okay sa'yo..." "Talaga po? Naku, wala pa man ay okay na okay po ako!" Napangiti si Mrs. Claire. "Pero 'Nak, ang trabahong ito kasi ay full time. So, hindi ka na talaga makakapasok sa iba mo pang trabaho for sure. But guaranteed, sure naman ako na ang triple ng sinasahod mo sa mga kung ano-anong part time job mo ay kayang tumbasan ng trabahong 'to."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD