SIMULA II:

1417 Words
ISA sa talaga sa masasabi niyang expensive niyang pag- aari si Perry. Hindi niya pa nakakalimutan ang saya niya noong mabili niya ang motor na 'yon galing sa sarili niyang pera at hindi nagmula sa pera ng parents niya. Lalo na nang ma- test niyang i- drive si Perry. 'Yong feeling na eto na, siya na. Tulad nang unang araw niyang makilala noon si Leya. Noong aksidente silang nagkabungguan sa CR ng isa sa mga gasolinahan sa QC. Gano'n ang feeling kay Stefano talaga. May haplos sa puso. May warmth. "Tumawa ka lang, Stefano Villaruel, mamaya ka talaga!" "Teka nga, saan ba ang una nating destinasyon sa Rizal?" "May tattoo shop kasi akong gustong puntahan do'n--" "What?!" Gulat na sambit ni Stefano. "Uhm, tattoo?" Tama ba ang narinig ni Stefano? "Yes, at hindi lang ako ang magpapa- tattoo, tayo." "No, no, alam mong takot ako sa needle..." "ANG GANDA!" Buong kagalakan na pinagdikit ni Leya ang mga thumb finger nila ni Stefano upang mabuo ang hugis na puso na pina- tattoo nila kanina. "Masakit pa rin," reklamo ni Stefano. "Tsk." "Hindi naman ah. Ang likot mo kasi kanina kaya imbes na maliit lang ang ita- tattoo, lumaki tuloy. Saka kumalat tuloy ang tinta niyang sa'yo. Para tuloy may drop ng blood na." Sipat ni Leya sa daliri ng boyfriend. Maganda pa rin ang tattoo ni Stefano naman kahit ganoon. Magaling ang artist, sinadya na nga yata talaga na magmistulang patak ng dugo ang nasirang disenyo-- na dahil sa likot ng boyfriend niya ay lumihis ang needle-- na kalahating biyak ng puso na nasa thumb finger ni Stefano. Ang kalahating kabiyak at kukumpleto ng puso ay s'yempre, nasa thumb finger naman ni Leya. Maliit lang talaga ang dapat na ipapa- tattoo ni Leya sana para cute lang. Kaya lang ay naglumikot si Stefano kaya ginawan na lang ng paraan ng tattoo artist ang disenyo para maganda pa rin ang kalabasan ng tattoo. "Ay, hayaan mo na at narito na. Happy ka naman, so, dapat lang na happy rin ako." "Thank you! Ang suwerte ko talaga sa'yo kasi ang supportive mo, Baby!" Stefano rolled his eyes. "Pasalamat ka lang at magbi- birthday ka." "Let's go! Gagabihin na tayo sa daan. Almost 6 PM na." Bungisngis na tugon ni Leya sa kaniya habang sumasampa na 'to kay Perry. Inunahan pa si Stefano na sakyan 'yon, samantalang kanina ay umaayaw 'to kay Perry. Magulo at may pagka- off topic talaga ang takbo ng utak ng girlfriend niya madalas. Iiling- iling na lang na lang din na sumampa na kay Perry si Stefano. "Baby, ang cute talaga ng tattoo natin, kinikilig ako!" Yeah, right, sarkastikong tugon ni Stefano sa isip. To be honest, wala siyang nararamdaman sa tattoo na 'yon kung hindi, pain. Hindi nga ba at sabi nga nila, ang tattoo ay ginugusto ng ilan for self-expressions. Kaya 'yon na lang din siguro ang iisipin niya kaya ginusto ng girlfriend niya na magpa- tattoo sila. Kahit pa nababaduyan siya. Actually, sa toe niya nga pinalalagay ang tattoo na 'yon. Ayaw lang ni Leya pumayag kaya napilitan na lang siya na sumang- ayon sa gusto nito. Birthday gift na rin daw. Minsan lang daw na hihiling ito ng gano'n. Gusto nga sana ni Stefano na magtanong kanina nang: Gaano kadalas ang minsan? Kung hindi lang mas baduy. Ah, baduy rin talaga kung maglaro ang utak niya ng kung ano- anong thoughts. Ang sakit naman kasi talaga ng sugat na binigay sa kaniya ng tattoo. Ang baba talaga ng pain tolerance niya. Konting kibot sa balat at loob man, ganito na siya kahit pa lalaki siyang tao. "Slow down, Stefan," ang pagsaway na 'yon ni Leya sa kaniya ang pumutol sa kung ano- anong nilalaro niya sa isipan. Hindi namalayan ni Stefano na napaharurot niya na pala ang pagpapatakbo niya sa motor at tinatakot na niyon si Leya. "I'm sorry." "That's okay. Pagdating d'yan, kanan ka na," pagbigay ni Leya ng intruction sa susunod na pupuntahan nila. "Masakit pa rin ba? Cold compress natin ang tattoo mo para mabilis siyang mag- heal." 'Sakto naman na pagkatanong ni Leya niyon sa kaniya ay parang biro na kumirot ang thumb finger ni Stefano. Kung bakit ba sa kaliwa isinusuot ang singsing ng lalaki sa tuwing ikinakasal, doon din tuloy pina-tattoo-an ni Leya ang kaniya. Kaliwete pa naman siya. "Sige," aniya na lang sa girlfriend at guilty rin naman si Stefano na pinag- aalala niya 'to sa maliit na tattoo na malayo naman sa bituka para ikamatay niya. "I love you, Stefano." At naglambing pa nga para pambawi ang cute na girlfriend niya. Napangiti na lang si Stefano na sinilip si Leya sa side mirror ng motor. Nakayakap si Leya sa kaniya at nakapikit. "I love you too." Kahit praning ka, nais pa sanang idagdag ni Stefano, hindi na lang niya isinatinig at minabuting itinuon na niyang muli ang atensyon sa kalsada. "Wtf! Ba't broken heart? SRSLY, Intense emotional pain or losing a loved one, 'daw' ang meaning niyan e!" Napasulyap pa muna si Stefano sa phone niya na nasa cellphone holder ng motor niya, sa nag- popped up na chat message na 'yon ng matalik na kaibigan niyang si Calix. Malinaw na napasadahan ng mga mata at nabasa ni Stefano ang mensaheng 'yon kaya lihim na lang na tinawanan niya ang kaibigan. Pulos talaga 'to kalokohan, aniya sa isip. Nang ibalik ni Stefano ang atensyon sa kalsadang nilikuan, natigilan siya sa sumalubong sa kanilang ingay ng tila gulong na kumakaskas sa kalsada. "Oh, my... Ste--fano..." "s**t!" Walang hindi mapapausal ng s**t dahil nagkamali si Stefano ng tantya sa sitwasyon. Dahil ang inakala niyang tunog kanina na nagmumula sa papasalubong na sasakyan sa nilikuan nila ay akala lang pala niya talaga. Sa pagtapik ni Leya sa kaniya kanina para kunin ang atensyon niya, napagtanto ni Stefano na galing pala ang tunog ng pagkiskisan ng mga gulong na 'yon sa gawing likuran nila. Galing sa L300 van na ngayo'y bumibusina nang sunod-sunod at nagpi- flicker ang mga ilaw sa harapan bilang senyales. Mabilis na lumingon si Stefano sa harapan niya. Ang mga sasakyan na nalingunan niya ay mabilis nang umaatras. It's a no brainer-- kaniya- kaniya nang isip at pamamaraan sa pagtakas ang nagaganap sa mga sandaling 'yon sa nakaambang na kapupuntahan nila pare- pareho. Hindi niya mapapayagan na masaktan si Leya. Hindi niya mapapatawad ang sarili 'pag nagkataon. Dangan lang at kung bakit ganoong paraan pa umupo si Leya. Mas madali sanang humarurot kung naka- open ang legs ni Leya at susuporta pakapit sa legs niya upang mas siguradong hindi siya mahulog sana. Ah, bahala na... Marahas ang pinawalan na hininga ni Stefano bago nagdesisyon siyang iharurot si Perry paharap at subukan na iwasan ang L300 van na maaaring sumurong sa kanila. Sabi nila, nakakaramdam daw ng slow motion ang isang tao kapag nakakaranas tayo ng extreme na kaguluhan sa paligid at maging sa kalooban natin. Pero wala naman daw patunay roon. Mas madali raw na paniwalaan na panlilinlang lang 'yon ng utak natin. Na nasa isip lang natin na unti- unting naglalaho ang lahat at bumabagal ang pagkilos ng paligid. Alam ni Stefano na kaya niya pinaharurot ang motor ay upang makaligtas. Kahit naninigas siya sa takot para sa sariling kaligtasan at mas lalo sa kaligtasan ng babaeng minamahal. Kahit sumasakit ang kamay at daliri niya na nilagyan ng tattoo kanina lang ay ginamit niya pa nga ang kaliwa niya upang mas mapabilis ang pagharurot niya. Dahil alam niyang kailangan niya 'yong gawin. Ngunit sa anong biro ng tadhana ay nag- fade at bumagal ang lahat sa kaniya kung kailan buo ang loob niyang gawin ang isang bagay na alam niyang may tsansa na makakapagligtas sa nakaambang na panganib sa kanila ni Leya. Kasunod niyon, parang nakakaloko ang lahat dahil bumilis naman ang pangyayari. Naramdaman ni Stefano na pagkahulog ni Leya sa likod niya, kasunod nang pagtilapon niya kay Perry at ang pagkalabog ng katawan niya sa semento. Gustong sumigaw ni Stefano sa sakit ngunit dama niyang wala siyang lakas at tinig para gawin 'yon. Dama rin niya na hindi pa siya tinatakasan ng sariling diwa dahil malinaw niyang nararamdaman ang p*******t ng buo niyang katawan. Partikular sa bandang binti niya at mukha. Sinubukan ni Stefano na tumagilid ng higa at hinanap ng kaniyang mga mata si Leya. Na nang makita niya ay nakadapa habang may umaagos na dugo sa ulo nito. Hirap man ay pinilit niyang gumapang papalapit kay Leya. Hindi na napigilan ni Stefano na mapaluha sa sitwasyon na kinasadlakan ng girlfriend. "Le...ya..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD