1: JOBLESS BUT BLESSED

1081 Words
LULUGO-LUGO at bagsak ang mga balikat na tumalikod na at umalis sa marangya at matayog na DB Company si Yana. Dama niya ang mga mata ng mga 'Marites' niyang dating mga katrabaho sa gusaling 'yon kahit nakatalikod na siya. Sayang naman, sambit niya sa sarili bago niya muling sinulyapan ang mataas na gusaling 'yon. Saka siya yumuko para alisin sa mga paa niya ang mataas na sapatos niyang sinusuot lang niya 'pag naroon siya. Two months ago ay nakapasok siya sa malaking kompanya na 'yon. Two months ago ay hindi siya makapaniwala na sa wakas ay nakapagtrabaho rin siya sa ganoong ka- panoso at sinasabi nilang primera klase na kompanya. 'Yong ma- hired ka lang sa company na 'yon, jackpot na. Pero ang lahat ng 'yon ay kaagad na naglaho dahil lang sa kasipagan niya. Dahil sa mga raket niya. Daig pa niya ang na- evict sa Bahay Ni Kuya. "Hoy, Yana Fojas! Bakit napakatagal mong sagutin ang tawag ko?" Bungad sa kaniya ng kaibigan niyang si Reva nang sagutin niya ang tawag nito. "Wala na 'kong trabaho, Reva... huhu," maarte niyang sumbong sa kaibigan. Sinadya niya na kunwari ay tumutunog talaga ang kaniyang luha. Para effective. "Sus!" Tumawa si Reva sa kabilang linya. "Hindi ba nga at inaasahan mo na 'yan? So, ano pa ang inaarte mo r'yan?" "Tse! Wala ka talagang pagdamay." "O, siya nasaan ka na ba? Saglitin mo na 'ko dito sa bahay, dito ka na mag- lunch at alam ko naman kung gaano ka- kunatchi!" Napangiti si Yana. "Naman!" "Yana Fojas, ayusin mo ang sarili mo. Alam kong sa mga oras na 'to ay naglalakad ka sa kawalan na parang wala kang nakikitang tao sa paligid mo, nag- alis ka ng sapatos, gulo- gulo ang buhok mo at sabog na ang mascara mo sa mga mata mo." Biglaan ang pag- iinit ng sulok ng mga mata ni Yana sa sinabi ng matalik niyang kaibigan. "Gaga." "Naku, sabi ko na e! Uy, umayos ka na r'yan at paano na lang kung may masalubong kang jowable sa daan? Ang ganda natin ay hindi nauubos, pero ang chance na makakasalubong ka ng jowable ay kaunti lang, Yana. Always remember that!" Natawa si Yana. Natatawa siyang nagpahid na lang ng luha at suminghot. "Sira!" "Hmmm... okay ka lang ba?" May himig pag- aalala sa tonong tanong ni Reva. Matalik na niyang kaibigan si Reva Ramos simula pa noong sila ay uhugin pa lamang. Kaya ganoon na lang siya kakilala nito. Sa dami ng utang niya rito, loob at labas, papasa na talagang kapatid niya 'to sa ibang tatay o nanay. "Siyempre. Dapat e," tipid niyang sagot sa kaibigan. "Yes! Fighting lang, Friend! Ikaw pa ba, ang strong-strong mo kaya. Ikaw lang ang nakilala kong strong na, maganda pa." "Naku, kaibigan nga kita Rev--" Hindi na natuloy ni Yana ang sinasabi dahil may bumunggo sa kaniyang balikat. "Hello? Yana? Hello?!" Hindi na nagawang magpaalam ni Yana kay Reva. In- off na niya kaagad ang personal niyang telepono saka niya hinabol ang lalaking bumangga sa balikat niya. "Snatcher!" Sigaw niya habang habol ang lalaki. Hindi sigurado si Yana sa sinigaw niya sa totoo lang, pero nang mabunggo kasi siya ng lalaking kasalukuyan na niyang hinahabol--- at hinahabol na ng mga taong nadaanan niya-- ay namataan niya na hinahabol ito ng isang pustoryosang may edad nang babae. Kaya hindi na mahirap hulaan na may ginawang hindi maganda ang lalaking kaniyang hingal-kabayo nang hinahabol. Sumigaw siya ng sumigaw para maka- attract siya ng atensyon at may tumulong sa kaniya na habulin 'to. Dahil ang mga tulad nito ay hindi nag- iisa. Sigurado siya dahil hindi lalakas ang loob ng isang tao kung walang magpapalakas niyon at kasama na makakasangga sa lahat ng oras. Naku, ano ba naman ang mga pinagsasasabi niya sa sarili. Kaloka! May kasama ang mga tulad nito dahil hindi sila lalakad ng walang kasama na pinagpapasahan ng mga na- snatch nila. At ang isang 'yon ay nagsisilbing look out sa kanilang operasyon. Oo, may pag- operasyon pa ang mga 'to. Ganyan ang kalakaran ng mga snatcher sa lugar na kinalakihan niya. Nila ni Reva. Kaya alam niya. Nagpapasalamat na nga lang si Yana at nang nakapangasawa ng big time si Reva ay tinangay siya nito sa kaperahan. Kinuha siya nito ng bahay na inabonohan muna at saka pinahulugan sa kaniya. Yayamanin na si Reva, at sa totoo lang, parati nitong sinasabi sa kaniya na magtrabaho na lang siya sa business ng asawa nito. Ayaw lang niya at para sa kaniya ay sobra na ang naitulong sa kaniya ni Reva. Isa pa ay ayaw niya nang ganoon na special treatment na ang kalalabasan niya sa mag- asawa. Kaya kahit paano ay nauunawaan naman niya ang boss niya sa sentimyento nito sa pagiging always late niya. Lately rin kasi ay napupuyat siya sa kalagayan ng tatay niya kasabay ng kabilaan na mga raket niya. At isa pang naku, wala lang yata siyang magawa at naghahanap lang siya ng mapagbabalingan ngayon kaya niya hinabol 'to e. Pahamak na kalungkutan, 'pag inatake ka na ay gagawin mo ang lahat para ma- divert ang emosyon na 'yon. Malala nga lang ang pinasok niya ngayon at adrenaline rush naman ang emosyon na namamayani sa kaniya dulot ng mala- aksyon na eksenang pinasok niya basta na lang. "Snatcher 'yan! Tulong!" Sa sumunod na sigaw ni Yana ay sigurado na siyang snatcher nga ang lalaki. Dahil namataan na niya ang hawak nitong cellphone! Nang halos ilang hakbang na lang sa kaniya ang layo ng snatcher ay huminto si Yana saglit. Huminto siya at naalala kasi niyang hawak niya ang mga sapatos niya. Minsan na niyang nakita ang naiisip niyang gagawin sa sapatos niya sa mga oras na 'yon sa dati niyang boss na si Ms. Elice Sandoval. Wala naman sigurong masama kung susubukan din niya. Tutal din naman ay isa 'yon sa ikinamamangha niya na skill ng herederang dati niyang boss. Hawak ang toe part ng sapatos niya ay pinorma ni Yana pa- asinta ang isa sa sapatos na hawak niya. Pinikit pa niya ang kaliwa niyang mata para maniguro na tatamaan niya ang target niya sa gagawin. Saka niya s'yempre sinamahan ng dasal ang gagawin. At finally, nasapul niya sa batok ang snatcher-- naasinta niya ang takong ng sapatos niya patusok sa batok nito, dahilan para mapaigik ang lalaki at nasapo ang sariling batok na nasaktan. Napangiwi si Yana nang ang lahat ng mga tao sa paligid ay lumingon sa kaniya nang sabay- sabay. Maging ang snatcher... "Peace!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD