SIMULA I:

592 Words
"BAKIT 'YAN?" Hindi itinago ni Leya ang inis sa tono niya nang makita niyang hindi naka- kotse ang boyfriend niyang si Stefano nang sunduin siya nito ngayon. Mamamasyal pa naman sila nito ngayon. Dalawang linggo na rin kasi nang huli silang magkasama at magkita ni Stefano. Pareho na kasi silang busy sa mga career nila. Hindi naman sila lalayo at sa Tanay, Rizal lang ang punta nila dahil 'yon ang lugar na convenient sa kanila pareho. Malapit lang kasi. Sakto naman at tila nananadya na motor ang dinala ni Stefano ngayon at hindi ang kotse niya. Nalalapit na rin kasi ang 22nd birthday ni Leya kaya inaya niya si Stefano na mamasyal. Matagal na niyang gusto na magkasama sila sa isang lugar na titignan lang nila nang magkasama ang ganda ng kalikasan. Isa sa couple goals ni Leya. Stefano chuckled. Inaasahan naman niya ang reaksyon na 'yon mula sa girlfriend. Dahil ayaw na ayaw nito talaga na nagmo- motor siya. Huwag daw siyang mag- motor na parang mauubusan siya ng kotse na magagamit. Natawa na lang siya sa pagkaalala sa palagian na sinasabi nito sa kaniya. Kaya nga niya mahal ang girlfriend e, unique kasi 'tong mag- alaga. Unique magmahal. Unique rin ang kaniyang kapraningan. Praning si Leya. Once na isipin na niya ang isang bagay, hindi na siya matatahimik sa pag- o-overthink. Kung hindi ba naman kasi atakehin ng pag- overthink, napakahilig nito sa mga crime movies at crime fic books. Saka mga palabas sa Netflix about accidents. Hilig na niyang talaga. "Baby, nakakasawa naman na ang kotse. Let's try something new naman. Promise, ma-e-enjoy mo naman ang ride na 'to with Perry." Pangungumbinsi ko kay Leya, himas ko pa ang matikas kong motor na si Perry. S'yempre pa ay g'wapo at matikas ang owner, kaya ganoon din dapat ang mga babies niya. "At talagang may pangalan pa 'yan ah!" Malawak na napangiti si Stefano. "Of course!" Saka niya sinubukan kung kukunin ni Leya ang helmet na para rito, inabot niya 'yon dito. "Naku ha, don't tell me na may gender pa 'yan!" Mukha rin naman na nagbago na ang mood ni Leya at nakangiti na siyang binubuska. Napahalakhak si Stefano. Wala na ngang topak ang girlfriend niya. Nagbibiro na e. Kasalukuyan pa na sinusuot na ni Leya ang helmet na inabot niya rito. Tinulungan na niya 'to na isuot ang helmet. "So, can you guess why I named him Perry, Baby?" "Him! At talagang may gender!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Leya. She handed her hand to her boyfriend. Natatawa na lang na kinuha ni Stefano ang malambot na palad ng girlfriend niya't inalalayan niya 'to pasakay sa likurang bahagi ng motor niya. Hindi na siya bumaba ng motor. Kilala niya si Leya kaya alam niyang hindi ito pupuwesto sa likuran niya sa upong 'mag- asawa' na sinasabi nila. Kahit isang taon na rin niyang girlfriend si Leya ay hindi niya nakikinita na uupo ito 'pag sakay niya sa kaniyang motor sa posisyon na naka- open ang legs. Medyo conservative rin kasi ang girlfriend niya. "That is short for Peregrine." "Hmn...?" "Perry name is short for Peregrine. You named this Perry because of it's speed, am I right, Mr. Villaruel?" "You are, as always, Miss." Tatawa- tawa na turan ni Stefano kay Leya. "Kaya kumapit ka. Alam mo na, matagal na kitang nasalo. Huwag mo 'kong pagpulitin sa kalsada." "You! Ang sama mo!" Nagkatawanan na lang silang dalawa sa mga biro nila sa isa't-isa habang matulin na pinaharurot ni Stefano si Perry. Na- miss niya rin naman na patakbuhin si Perry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD