20: I DUNNO

1235 Words

INAKO na ni Yana ang pagdidilig ng mga bulaklak at d**o sa garden mula kay Mang Delfin nang umagang 'yon. Palibahasa ay maaga siyang nakatulog kagabi kaya ang aga niya rin na nagising ngayon. Wala lang. Gusto niya lang na magdilig. Wala naman na siyang gagawin sa loob ng bahay at tapos na siya sa mga gawain niya ro'n dahil nga maaga siyang nagising. Siguro dahil din sa natutuwa siya at kumakalma sa tuwing nakakakita ng mga bulaklak at halaman kaya niya inako ang pagdidilig. Inis pa rin kasi siya sa boss niya nang magising siya. Sino ba ang hindi maiinis kung gano'n na magiliw 'to kay Bebe samantalang sa kaniya-- Tama na sa pangungumbinsi sa sarili, Yana na parang alam mo ang rason kung bakit pumuputok ang butse mo at nagalit ka sa eksena kahapon! Oo, dahil kahit anong isip niya, wa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD