New misyon

1032 Words
Tahimik akong nagmamasid sa paligid nitong bar na pinuntahan ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mahanap ang pumatay sa Kuya Leo. Ilang taon na rin ang lumipas, marami na ang nagbago pero heto pa rin ako at wala pa rin nangyayari sa paghahanap ko sa mga taong iyong. Pero hindi ako susuko kuya hahanapin ko sila ipaghihiganti kita kahit anong mangyari. Sisiguraduhin ko na may paglalagyan sila oras na magkita kita-kita kamin. Malalim akong napabungtonghininga. Bigla rin akong napatingin sa aking relo at nakita kong alas-dose na pala ng umaga. Sabagay kahit anong oras akong umuwi ay walang mgahahanap, oh, mag-aalala sa akin. Tanggap kong galit pa rin sa akin ang pamilya ko dahil sa nangyari sa aking kuya Leo. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa silya. Agd akong lumbas ng bar para umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Nang may makita akong taxi ay agad akong nagpahatid. Mabilis lang naman akong nakarating sa bahay, tahimik ang buong paligid at sure akong natutulog na ang mga magulang ko. Walang ingay na umakyat ako sa aking silid, kailangan ko ng matulog dahil may pasok pa ako bukas. Kaya naman pabagsak akong nahiga sa kama dahil antok na talaga ako. Kinabukasan ay nagising akong tanghali na. Napatapik ako sa aking ulo nang hindi ko man lang narinig ang alarm ng orasan. Kaya ang labas ay para akong sinilihan ang puwet sa pagmamadali. Walang ilang minuto ay nakaligo na ako at nakapagbihis. Maliksi akong bumaba ng hagdan at naabutan ko sina mama na nagtatawanan at masayang nag-uusap. Hindi na ako na sanay lagi naman ganito ang nakikita ko tuwing umaga, iba ang tingin nila sa akin simula nang mawala si kuya Leo. Noong nasa hospital kami ay sinabi ni papa na hindi na niya ako ituturing na anak oras na mawala si kuya. Kaya naman heto ako ngayon isang sampid lang sa bahay na ito, ni-kausapin ako, oh, hindi ng pamilya ko. Kung baga lampasan lang ang tingin nila sa akin. Mabuti nga at hindi pa ako pinalayas dito sa bahay ni papa pero ramdam kong parang malapit na iyong mangyari. "Pa, Ma, alis na po ako," paalam ko sa kanila pero ni isang salita sa kanila ay wala akong narinig na sagot parang hangin lamang ako sa paningin nila. Walang salitang tumalikod na ako at lumabas ng bahay. Isa akong casher sa isang Mall. Ngunit hindi lang iyon ang aking trabaho. Noong mga panahong wala akong masandalan ay mayroong dalawang tao ang tumulong sa akin. Ngunit may kapalit ang pagtulong nito, paabor naman sa akin ang pag-alok nito para sa aking kuya leo na nawala. Simula kasi ng mawal si kuya ay hindi na ako pinag-aral ni papa. Bahala na raw ako sa buhay ko. Sa malalim kung pag-iisipa ay 'di ko namalayang nakarating na ako sa Mall. Dalawang taon na rin ako rito sa Mall bilang casher. Mas maganda kung alam ng lahat na ito ang trahabo. Mahirap ibulgar ang totoong trabaho ko at delikado rin. "Kara, 'di ba mga kapatid mo 'yun?" tanong sa akin ni Bea. At sabay turo sa entrace ng Mall. Sinundan ko ang tinuturo nito. At nakita ko nga mga kapatid ko. "Oo," maikli kong sagot dito. Sabay tingin ulit sa aking ginagawa. Kahit na sabihin pa na pumupunta sila rito sa Mall ay hindi naman nila ako tinuturing na kapatid para ngang diring-diri sila ka pagnakikita ako rito. Mabilis lang ang oras at pagtingin ko sa aking relo ay pagabi na pala. Oras na para ako'y umuwi. Papalabas na ako ng Sky Mall ng tumunog ang cellphone. Napakunot ang noo ng mapag sino ko kung sino ang tumatawag sa akin. "Boss," bungad ko agad. "Agent Kara, sa head quarters tayo may bago akong misyon para sa inyo," saad agad nito sa kabiling linya. "Okay, boss," agad na sagot. Hindi naman kami matagal nag-usap at nagpaalam din sa akin. Isa ito sa mga taong tumulong sa akin. Naalala ko pa kung paano ko ito nakilala. Galing ako noon sa simbahan nang mabangga ang katawan ko ng malaking katawan nito. Gutom na gutom akong noong mga panahong iyon dahil halos hindi ako pakainin ng pamilya. At doon nga nagsimulang mabago ang bubay ko. Masinsinan akong kinausap na tutulungan ngunit may kapalit. Walang iba kundi ang maging Agent ng bansa. Kaya naman sobrang laki ng aking pasasalamat kay Zach Fuentebella. At hindi ko iyon malilimutan kahit kaylan man. Napapangiti na lang ako at umiiling sa lahat ng mga nangyari sa akin. Bago pumunta sa aming usapan ni boss, ay pumunta muna ako sa isang tagong lugar para puntahan ang aking baby ducati, matagal ko rin hindi ito nagagamit. At nang makuha ko ang aking motor ay mabilis akong sumakay rito at pinatakbo ko ito patungo sa head quarters. Pagdating ko ay nandito na rin ang dalawang kaibigang kong agent. Walang iba kundi si Sky at Shy. "Anong bago?!" bungad na tanong ko sa kanila, bigla silang tumingin sa akin na nakataas ang kilay. "You're late," pamang-asar na sabi ni Sky. Ngunit isang ngisi lamang ang ibinigay ko. Mamaya pa'y inabot na sa akin ang isang folder ni Agent Sky. Agad ko itong tiningnan at napakunot ang noo ko, mga pangalan ng mga babaeng nawawala sa rito sa Manila may mga picture rin itong kamasa at halos mgaa kabataan ang nasa picture. Edad, 16 -years old at mga 20-years old ang mga nandito. Mayroon ulit na inabot na folder sa akin si agent Sky, kaya muli ko iyong tiningnan. At picture ng isang matandang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 45 to 50 years na ito. "Siya si Don Daniel Falcon, isang business tycon karamihan sa mga negosyo nito ay ilegal. At nitong nakaraan buwan siya ang tinuturo na suspek sa pagkuha sa mga babae at binibenta sa ibang bansa. Ang kataas-taasan na ang nagbigay sa atin ng kautusan na alamin at hulihin ito sa dami ng kasong sinampa sa kaniya. Huwag kayong mag-alala, babayaran tayo mas malaki rito," nakangising wika ni Sky. "Hmmm! Lumalabas ang pagiging mukhang pera ninyo mga Agent," wika ko sa mga kaibigan ko. Ngunit nagtawanan lamang sila sa mga sinabi ko. Hindi nama ako nagtagal dito at agad na nagpaalam sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD