Pauwi na ako ng bahay nang makita kong may mga sasakyan ang nakatigil sa harap ng bahay namin, mayaman siguro ang bisita ni papa?
Kaya naman mas pinili kong sa kusina na lang ako duman kisa sa sala namin. At nakita ko si manang Leyte na inaasikaso ang mga pagkain para sa mga bisita ni papa.
"Manang Leyte!" pagtawag ko rito tumingin agad ito sa akin.
"Ohhh! Kara nandito ka na pala huwag mong sabihin na riyan ka na naman dadaan sa likod at aakyat sa bintana, ha? Ikaw talagang bata ka pagpuna nito sa akin.
"No Choice ako manang ang daming tao sa loob ng bahay may bisita ata sina papa," wika ko.
"Ang pagkakaalam ko mga invest sa kompanyan ng papa mo ang mga bisita niya," saad ni Manang Leyte.
"Ooohh!" Iyun na lang ang naisagot ko kay Manang.
"Sige po, manang pasok na ako sa kuwarto ko," paalam ko rito.
Mag-iingat ka sa pag-akyat mo riyan sa bintana Kara," paalala ni Manang Leyte sa akin.
Ito lang ang bukod tanging hindi na galit sa akin, simula nang mawala Si kuya at ito ang tumulong sa akin noong mga panahon na gusto ko nang sumuko.
Dali-dali kong inayos ang mga damit ko at inilagay sa isang bag. Kinuha ko rin ang baril ko na nakatago sa aking kama na ako lang ang nakakaalam. Ganoon din
ang kutsilyo na magagamit ko sa oras nang kagipitan, dahil panibagong mission nanaman ang haharapin ko.
Hindi ko alam kung makakauwi ba ako nang ligtas sa pamilya ko, sabagay wala na nga pala akong pamilya.
"Kara, huwag ka mag ilusyo na may pamilya ka pa masasaktan ka lamang," baliw na sabi sa aking sarili.
"Kara bumaba ka na at kumain na!" mga katok at pagtawag manang Letye sa akin.
"Sige po manang susunod na ako," tugon ko rito. Agad akong bumaba para kumain dahil kanina pa ako nagugutom.
"Kara kumain kana, wika ni Manang Leyte..
Sige po, tugon ko.
Damihan mong kumain dahil ang payat-payat muna," pagpuno nito sa katawan ko.
"Sexy lang ako manang," sabay tawa ko.
Tahimik akong kumakain nang biglang pumasok si ate Lara sa kusina.
"May pinasasabi pala si Mama at Papa sa 'yo Kara kung puwede raw huwag ka muna lumabas ng kwarto mo. Kasi may paparty sila nextweek magpadala ka na lang ng pagkain sa mga katulong kapag nag-umpisa na ang party at huwag kang pakalat-kalat dito sa labas," iritang wika nito sa akin.
"Sige, Ate Lara," wika ko.
"Good!" sabi nito sa akin. "Opppss may sa sabihin papala ako. Alam mo bang guwapo ang nagpunta rito sa bahay kanina at isang business tycon super yaman sikat sa buong bansa. Sabagay kahit makita ka noon hindi ka rin naman mapapansin, yaks, ni hindi ka nga na kapag tapos ng pag aaral, tapos isa ka lang naman na hamak na casher," pagmamaliit sa akin ni Ate.
Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na kumakain kahit na may nagsasalita sa harap ko ay wala akong pake ko. Panay lang ang subo ko nang biglang humiyaw si ate Lara.
"Ahhhh! NAkikinig ka ba sa mga sinasabi ko Kara?!" sigaw nito sa akin.
Napatingin akong bigla kay ate Lara. "May sinasabi ka ba ate Lara? Akala ko kasi bubuyog "yung nagsasalita sa harapan ko," pang-iinis ko rito.
"Aahhhhhh! bwesit ka!" sigaw ni ate Lara sa akin.
Ha? Anong problema non? Iiling-iling na lang akong pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos ay nagmamadali akong umakya sa akin kuwarto dahil kailangan ko nang umalis.
Sumilip muna ako sa bintana para tingnan kong may tao baka may makakita sa akin, lalo na ang mga bodyguard ni papa.
Dating gawi para akong isang magnanakaw at mabilis akong nakababa sa bintana. Sumilip muna ako kung may tao sa daraanan ko, laking tuwa ko nang wala akong makitang tao.
Dali-dali akong tumakbo sa pader upang doon dumaan. Hindi ako puwedeng dumaan sa gate kaya, no choice ako.bAanhin ko ang pagiging agent ko kung 'di ko kayang akyatin ang pader sisiw lamang to sa aking.
Sumakay na agad ako sa aking ducati na nakatago sa isang lugar na hindi makikita ng kahit sino. Hindi nagtagal ay mabilis lang akong nakarating sa hide out namin.
"At sawakas dumating ka rin agent Kara. Kahit kailan talaga napakakupad mo," asar na sabi sa akin ni agent Sky.
"Pasensiya na trapik kasi," katuwiran ko sa mga ito.
Nakataas ang kilay na tumingin sila sa akin.
"Hindi uso sa 'yo ang trapik agent Kara, lalo na kapag na kasakay ka riyan sa ducati mo sabi ni agent Sky sa akin. Ngumisi na lamang ako sa mga ito.
"Okey Let's start," wika ni agent Sky.
May kinuha itong box sa ilalim ng mesa. At si agent Shy naman at inilabas isa-isa ang mga gagamitin namin para mission ngayon gabi.
"Ano 'yan?" tanong ko sa dalawang agent na kasama ko.
"Hindi ko rin alam, eh, ipinadala lang 'yan ni boss at iyan daw ang gagamitin natin," paliwagan ni Agent Sky.
Tiningnan kong maige 'yun mga gagamitin namin.
"Ano 'to bakit may uling na kasama?" tanong ko at tinaas ko pa ang plastick at pinakita sa dalawa kasama ko.
"Wait, tatawag lang ako kay boss," sabi sa amin ni Agent Sky.
"Hindi ba tayo pag-iihawin dito kasi may uling na kasama?" tanong ko.
"Nasaan kaya ang isda, non?" baliw na tanong sa akin ni Agent Shy. Bigla kaming tumawa ng malakas ni Agent Shy.
"Bobo rin kasi si boss Zach nagpadala ng uling pero walang kasama na isda or kahit karne sa na," sang-ayon naman ni agent Shy.
"Anong ginagawa niyo? Bakit kayo tumatawa?!" gulat na taong sa amin ni Sky.
"Nothing!" panabay na sagot namin ni Agent Shy.
"Ohhh! Anong sabi ni boss?" tanong ko kay agent SKy.
"Iyong uling daw ang gagamitin natin costume sa gagawin natin pag-iimbestiga kay Mr Falcon," pahayag ni Sky.
"What?" panabay na bigkas namin ni agent Shy.
"Are you sure?!" tanong ko nanlalaki ang mga mata.
"Yeah! Huwag daw mag-alala kasi hind naman ordinaryong uling 'yan sabi ni boss," turan ulit ni Sky.
Kaya naman sabay-sabay kaming nagpahitid ng uling sa mukha, leeg at braso. Sabay tingin sa salamin.
"Oohhh! My God! Para na akong inihawa na pusit nito!" palatak ko. Tuminging ako kina agent Sky at Agent Shy na puro nakasimangot ang mga pagmumukha ng mga ito.
"Hmmm! Bakit parang hindi maipinta ang mga mukha ninyo?" tanong ko sa mga ito.
"Sino naman matutuwa kung ganito ang itsura namin," wika ng dalawang agent.
"Mukha kasi kayong mga ulikba," wika ko pa.
"Mukha ka rin ulikba agent Kara," panabay wika ng dalawa.
"Hmmm! Sa ating tatlo ako ang pinakamagandang ulikba," pang- aasar na sabi ko sa dalawa.
Nakita kong sumama ang tingin ng mga ito sa akin, kulang na lang ay ibalibag ako palabas ng hide out.
Tumawa lang ako sa mga ito..
(The Agent Series 1)