bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

book_age18+
43.8K
FOLLOW
204.5K
READ
spy/agent
family
powerful
independent
confident
mafia
drama
twisted
lies
surrender
like
intro-logo
Blurb

Kara Flores, isang babaeng may taglay na angking kagandahan, ngunit nakapaloob sa kaniyang puso ang puot at paghihiganti.

 

Paano kung sa kaniyang paghahanap sa mga taong may kagagawan kung bakit siya nagdurusan, ay magtagpo ang landas nila ng lalaking gugulo sa tahimik niyang puso.

 

Makakaya ba niyang iwasan ang mala ninja moves na ataki nito? Oh, hahayan na lang niyang tuluyang mahulog kay Lex Lord.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Kuya Leo, saan ka pupunta?" tanong ko sa aking nakakatandang kapatid. "May pupuntahan lamang ako bunso hindi ka puwedeng sumama sa akin." "But, why, kuya? Nakakainip dito sa bahay pinagbabawal kasi nila Mama na lumabas ako," anas ko. Hindi kasi ako pinayagan sa birthday party ng kaklase ko. Kaya ngayon ay nagmamakaawa ako sa aking kapatid. Malungkot akong tumungin dito. "Hayyy! Please kuya, isama muna ako sa iyong pupuntahan. Hindi naman siguro magagalit si Mama kasi ikaw naman ang kasama ko 'di ba?" nakikiusap na wika ko sa aking kapatid. "Okay fine," wika ni kuya sa akin. Tuwang-tuwa kong niyakap ang aking kapatid. "Thank you so much, kuya!" bulalas ko. "Let's go, Kara," wika nito. "Saan ba tayo pupunta, kuya Leo?" Matagal muna nagsalita ang aking kapatid. Ramdam kong may dinadala ito sa kaniyang dibdib. "Sa bar taayo pupunta, Sis." anas nito. "W-what? Huwag mong sabihin na roon ka kukuha ng magiging date mo, kuya?!" tanong ko, medyo napalakas pa nga ang boses ko. "May mahalaga lang akong pupuntahan doon bunso," wika ni kuya. Tumingin ako sa mata ni kuya at pansin ko ang malungkot na awra ng mukha nito. Alam kung masama pa rin ang loob niya sa aming mga magulang. Kahit hindi ito magsalita ay ramdam ko ang pagtatampo nito sa aming magulang. Sa aking pagkakaalam ay gusto kasi ni kuya Leo maging NBI agent. Kaya lang ay ayaw ng parents namin. Ang katuwiran nila ay si kuya lamang daw ang pag-asa nila na magpapatuloy ng negosyo ni Papa. Wala kasing tiwala si Papa sa aming, lalo at babae raw kami. Mabilis raw kaming maloko. Kaya walang magawa si kuya Leo kundi sundin ang gusto ni Papa. "Bunso nandito na tayo," patawag sa akin ni kuya sa akin. Kaya napatingin ako rito at pagkatapos ay sa labas nakita kong medyo madilim na ang paligid. "Magpakabait ka sa loob bunso, ha," bilin sa akin nito." Parang bigla tuloy akong kinabahan, iwan ko ba kung bakit biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. "Ano bang gagawin natin dito kuya?" tanong ko. "May mission ako bunso," pabulong na sabi nito sa akin. Lumaki ang mga mata ko sa nagulat sa sinabi nito. "P-pero kuya," 'di ba ipinagbabawal nina Mama na humawak ka ng kaso, siguradaong magagalit sila sa 'yo." "Ngayon lang 'to bunso hindi naman kasi delikado, may aalamin lang ako sa loob bunso at sa monday ay ako na ang hahawak ng negosyo ni papa," ani nito sa akin. "Kinakabahan ako sa iyong gagawin kuya Lelo, kahit na hindi pa ito delikado," pahayag ko sa aking mahal na kapatid. "Dapat hindi ka na lamang sumama bunso ang kulit mo at ang ingay mo pa," wika nito. "Nag-aalala lamang kasi ako kuya Leo." Hindi na lamang nagsalita ang aking kapatid. Pumasok kami sa loob ng bar. Pagpasok pa lamang namin sa loob ay amoy na amoy ko na agad ang alak at sigarilyo. Pansin ko ring marami ng mga lasing sa loob ng bar. Pero hindi pa naman masyadong gabi. Umupo kami ni kuya Leo sa isang sulok. At tahimik lamang si kuya na nagmamasid sa buong paligid. Pero heto ako at hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko. Pakiwari ko'y may mangyayaring hindi maganda. Nagtataka rin nga ako kay kuya Leo, alam kong bawal ang mga katulad ko rito pero nakalusot ako. Ano kaya ang ginawa nito at nakapasok ko. "Bunso!" pagtawag sa akin ni kuya kaya napatingin ako sa kanya. Nababanaag ko ang lungkot sa mata nito. "Itago mo ito," utos niya sa akin. "Napatingin ako sa kamay nito na palihim na may ibinigay sa akin.Nakita ko agad ang susi. "A-Ano 'to Kuya?" tanong ko. "Basta kahit anong mangyari ay itago mo ang susi na iyan bunso," wika ni kuya sa akin at halos pabulong ang pagkakasabi. Kaya pasimple kong kinuha ang susi at inilagay sa bulsa ko. "Kuya anong oras---" Hindi ko na natapos ang sa aking sabihin sapagkat magkakasunod na putok ng baril ang narinig ko. Narinig ko rin ang malakas na sigaw ni Kuya. "Bunso dumapa ka!" narinig kung sigaw ni kuya Leo sa akin. Nakita ko siya na nakikipagpalitan ng putok ng baril sa mga kalaban niyo. Nagmamadali akong dumapa at nagtakip ng tainga ko. Nakita ko rin ang dawalang tao na ngayon ay kalaban ni kuya Leo. Nagulat ako nang bumagsak si kuya Leo sa tabi ko at bumulwak ang pulang dugo sa kanyang dibdib. Halos hindi ako makagalaw sa aking nakita. Para bang panaginip lang ang lahat ng ito. Tiningnan din ko sa mga kalaban ni kuya Leo, nakangisi pa nga ang mga ito bago umalis, tila ba tuwang-tuwa dahil natamaan nila ang aking kapatid. "Sapag talikod ng mga ito ay kitang- kita ng dalawang mata ko ang tattoo nilang tiger sa braso. Bumalik ang tingin ko kay kuya Leo. "Please, kuya! Lakasan mo ang loob mo!" pakiusap kong umiiyak rito. "Bunso!" pagtaawag nito sa akin kahit hirap na hirap na itong magsalita. "Iyong pinatatago ko sa iyo ay huwag mo basta ibibigay, kahit na kanino ilalabas mo lamang iyon sa tamang-pahanon, ikaw na ang bahala bunso, may tiwala si kuya Leo sa 'yo," anas nito at parang namamaalam na. "Kuya please! Huwag ka nang magsalita." May mga tumulong naman sa amin upang madala si Kuya sa hospital. Pagdating sa hospital ay agad kong tinawagan sila Mama. Iyak ako nang iyak habang hinihintay ko sila. Malayo pa lang ako'y nakikita ko na ang mga magulang ko na nagmamadali papatungo sa akin. Hinihintay ko rin kasi na labas ang doctor na gumamot kay Kuya. Saktong paglapit ni Mama sa akin ay isang malakas na sampal ang pinagkaloob niya sa akin. "Ma!" gulat na wika ko. "Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito Kara. Dahil sa 'yo ay nalagay sa panganib ang kapatid mo. Pinag sabihan na kita na huwag kang aalis ng bahay pero anong ginawa mo pumunta ka pa rin sa ng party, alam mo naman hindi ka pwede sa bar!" sigaw ni Mama sa akin. "Ma, hindi naman ako pu---" Isa pang sampal ulit ang ibinigay niya sa akin. Kaya tuluyan nang bumagsak ang masaganang luha ko sa aking mga mata. Pakiramdam ko'y wala akong kakampi sa mga sandaling ito. "Wala nang maniniwala sa 'yo kasi sinungaling ka!" masakit na sambit ni Mama sa akin. Parang hiniwa ang puso ko sa mga sinabi ng aking Ina. Sobrang sakit sa dibdib dahil hindi muna nila ako pinakinggan, kung ano ba ang totoong nangyari. At basta na lamang akong hinusgahan. "Oras na may mangyaring masama sa kuya mo ay itatakwil kitang bilang anak Kara!" bulalas ni Papa. Lumabas ang mga doctor na tumingin sa aking kapatid. Nagmamadaling lumapit sila Mama rito. "I'm sorry Mrs Flores, hindi na po kinaya ng pasyente," malungkot na saad ng doctor. Biglang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. Nagmamadali akong lumabas ng hospital. Kasabay nang pag-iyak ko ay ang pagpatak ng ulan sa kalangitan. Tila ba nakikisabay sa aking pagluluksa sa pagkawala ng mahal kong kapatid. Puno ng puot ang aking dibdib laban sa mga pumaslang sa aking kuya. "Ipaghihiganti kita kuya hindi ako papayag na hindi ko makuha ang hustisyang nararapat sayo, kahit ang pagpatay ay gagawin ko maibigay ko lamang ang nararapat para sa 'yo!" malakas na bigkas ko. Kasabay noon ang paglakas rin ng buhos ng ulan. At para bang sumasang-ayon sa balak ko. ( The Agent Series 1) Kara Flores...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
320.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.9K
bc

SILENCE

read
386.6K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
329.0K
bc

YOU'RE MINE

read
901.4K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
326.4K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
390.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook