Trishia Cecilia’s POV
"I will never ever come back to that wet market" padabog akong naupo sa island chair. Tapos na kami makapamili sa wet market at inikot talaga namin ang buong wet market para mabili lahat ng kailangan. Sumakit pa ang paa ko dahil paulit-ulit akong natapilok kakaiwas sa putik pero natalsikan pa rin ako.
"Hindi na talaga kita dadalhin doon. Nakalimutan ko na hindi ka nga pala sanay sa mga ganung lugar" ani Jack at naglapag ng isang baso ng tubig sa harapan ko. Ininom ko agad ang binigay niyang tubig. Im so thirsty and tired.
"Ang sakit ng paa ko" lumapit naman sa akin si Jack at naupo sa katabi kong islang chair. Pagka-upo niya pinatong niya ang paa ko sa lap niya at tinangal niya ang sapatos ko. Marahan niyang hinihilot ang paa ko. Ang sarap sa pakiramdam.
"Saan banda ang masakit?" tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa mata niya na parang may gustong sabihin. Para kong sinasakal ng mga mata niya. Pakiramdam ko ikukulong niya ko sa kanya. "Huminga ka naman"
Mabilis kong hinatak ang mga paa ko sa kanya at tumayo. "Aakyat na ko" hindi ko na siya inantay na sumagot agad akong tumakbo sa taas at pumasok sa kwarto. Oh My Devil! anong nangyari sa akin? Hindi ko alam na nagpipigil na ko ng hininga ko kanina. Para akong nalulunod sa mga tingin niya.
Napailing na lang ako at pumasok sa bath room para makaligo na. Pakiramdam ko sobrang lagkit ko na. Ngayon lang yata ako naging ganito kalagkit dahil sa pagpunta namin sa wet market.
Pagtapos kong maligo nag suot lang ako ako ng simpleng dress at slippers. Masakit pa rin kasi ang paa ko kaya nag slippers na lang muna ako. Pinatuyo ko ang buhok ko bago suklayan. Hindi na ako nag lagay ng make-up dahil maganda naman na ko.
Napatingin ako sa wrist watch ko. 6:45 P.M na kaya naman bumaba na ako. Pagkababa ko na amoy ko agad ang masarap na sinigang. Dumiretso ako sa kitchen at nakita ko si Jack na nakatalikod sa akin habang nagluluto.
"Miss madam malapit nang maluto 'tong sinigang" humarap siya sa akin at tinignan ang suot ko. "Porket first time natin mag di-dinner nag dress ka pa" inirapan ko naman siya sa sinabi niya.
"What are you saying?" ang hangin talaga ng Jack na 'to sarap kutusan akala niya para sa kanya ang pagsuot ko ng dress.
"Wala, miss madam. Sige maupo ka na diyan" nag-ayos siya ng plates para sa aming dalawa.
"No need" dahil susunduin ako ngayon dito ni Denmark para sa family dinner nila.
"Bakit? paborito mo ang sinigang tapos ayaw mo?" kunot noong tanong niya. Paborito ko nga ang sinigang.
"Ikaw na lang ang kumain niyan" sabi ko at naglakad papunta sa sala at naupo sa sofa para mag-antay kay Denmark. Sumunod naman sa akin si Jack.
"Tikman mo na muna, miss madam" aniya pero inirapan ko lang siya. Nakarinig naman ako ng katok sa pinto kaya agad kong binuksan yun at nakita ko si Denmark na ang gwapo sa suot niyang polo.
"Let's go?" nakangiting tanong niya sa akin. Nginitian ko naman siya at hinawakan niya ang kamay ko para pakapitin niya sa braso niya. Naglakad kami papunta sa bahay nila na katabi lang ng bahay nila Angela. Nakita ko naman ang isang babae't lalaki na nakatayo sa may pintuan ng bahay nila Denmark. Mukhang ito ang mga parents niya.
"Good evening po. I am Trishia" bati ko sa mga magulang ni Denmark pag kalapit namin sa kanila.
"Kaya naman pala gustong gusto ng anak ko na yayain ka na mag dinner sa bahay dahil ang ganda mo naman pala iha" napangiti naman ako sa sinabi ng mother yata ni Denmark. Dahil totoo naman na maganda ako ehe.
"Mom!" napatawa naman ang lalaki na mukang daddy ni Denmark.
"Tawagin mo na lang kaming tito' tita. Kami ang parents ni Denmark" nakangiting sabi ng daddy ni Denmark.
"Ok po, tito" marami na kong nakilalang pamilya dahil sa mga naging boyfriend ko noon. Pinakilala nila ako sa mga parents nila kaya ang akala ko magtatagal kasi pinakilala na nila ko. Ni legal kung baga pero dahil kay daddy kaya nawala ang akala ko.
"Tara pasok na tayo" anyaya ni tita. Pumasok kami sa loob ng bahay nila at dumiretso kami sa dinning room nila. Pinaghila ako ng upuan ni Denmark kaya nginitian ko siya.
"Bagong lipat ka lang daw dito, iha?" tanong sa akin ni tito habang nag-uumpisa na kaming kumain.
"Yes, kanina lang po" mahinhin na sabi ko. Mahinhin naman talaga ko kaya lang kapag nagalit ako nawawala ang pag kamahinhin ko.
"For good ka na ba dito?" tanong ni tito sa akin. Malamang hindi ako makakapag stay dito ng matagal dahil sure ako na pag nahanap ako ni daddy papauwiin agad ako sa mansyon.
"I'm not sure" sooner or later matutunton ako ng daddy ko sa pinagtataguan ko. Maliit lang ang Pilipinas at kayang kaya niya kong hanapin.
"Sayang naman" sabi ni tito at tumingin kay Denmark na kumakain sa tabi ko.
"Kanina ka lang pala lumipat tapos niyaya ka agad ng anak ko" bakas sa boses ni tita na may panunukso.
"Baka naman na love at first sight" ani tito. Napatingin naman ako kay Denmark na namumula ang mga tenga. Sabi na nga ba at nabighani agad 'to sa akin ehe.
"Mom, dad please stop. Nakakahiya kay Trishia" ramdam ko na nahihiya nga si Denmark kaya napangiti ako. Sa lahat kasi ng family dinner ng mga naging boyfriend ko hindi sila nahihiya pero ang isang 'to ibang iba.
"Ok lang" I said to make his feel less ashamed.
"Gusto na agad kita para sa anak ko" she said happily. Gusto ko naman umuwi sa Manila para sabihin sa daddy ko na may nakilala akong pamilya na nagustuhan ako hindi dahil sa mayaman ako o dahil sa anak niya ko. Gusto kong patunayan kay daddy na hindi lahat ng tao ay kagaya ng iniisip niya.
"Mom, kinikilala pa po namin ni Trishia ang isa't isa" Denmark said to his mom. Ang mga naging boyfriend ko noon kilala na agad ako pero hindi ang ugali ko kundi kung sino ako. Kilala nila ko bilang anak ng mayaman. Kaya naman pag nalalaman nila ang ugali ko na hindi nila gusto agad nila 'kong iniiwan. Siguro yung mga nakakatagal lang sa akin is yung mga sinasabi ni daddy na pera lang ang habol sa akin.
"Baka naman may kasintahan si Trishia. Sa gandang bata imposibleng wala" sabi ni tito. Napatingin naman silang lahat sa akin at inaantay ang magiging sagot ko.
"Wala pa po" sagot ko na kinangiti nila.
"Wala rin nobya ang anak ko, Trishia baka pwede mo siyang pag bigyan" Iba din 'to si tita siya na mismo ang naglalakad sa anak niya.
"Nasarapan ka ba sa pagkain?" pag-iiba ni Denmark ng usapan. Napatawa naman ang mag asawa sa sinabi ni Denmark.
"Oo" masarap ang pagkain na hinanda nila at nagustuhan ko.
"Naku iha kinulit pa niya ang mommy niya para magluto ng masasarap dahil dadalhin ka daw kasi niya dito" iba talaga galawan ni Denmark. Kanina ang sabi niya inimbita daw ako ng mommy niya.
"Thank for the effort mom" ang sweet pala ni Denmark sa mommy niya. Na miss ko tuloy si mommy. Nakapag dinner na kaya siya? or baka nag-aalala siya sa akin? "I appreciate it"
"Nawala ang pagod ko sa pagluluto" nakangiting sambit ni tita. Bigla naman pumasok sa isip ko si Jack. Pinagluto niya rin ako at ang niluto niya pa sa akin ay yung paborito ko. Pero hindi man lang ako naka pag thank sa kanya nag effort rin siya. Pero bakit naman ako kailangan mag thank you kay Jack? Gawain niya yun. Pero parang mali pa rin kasi hindi niya nga pala talaga gawain yun dapat ngayon nag babakasyon siya ang nagpapakasa-- Wait bakit ko ba iniisip yun?
"Ok ka lang, Trishia?" tanong sa akin ni Denmark hindi ko alam na nakatayo na pala ako at nagtataka sila na nakatingin sa akin.
"Thank you po sa dinner pero kailangan ko na pong umuwi" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun at kung bakit bigla kong naging ganito.
"Maaga pa naman" tumingin pa si tito sa wrist watch niya. Hindi ko alam kung anong pwedeng idahilan basta gustong gusto kong bumalik sa bahay.
"Sorry po talaga, sana maintindihan niyo po" magalang na sabi ko sa kanila.
"Ok lang, iha. Marami pa naman sigurong chance" nakangiting sabi ni tita.
"Thank you po, sige uuwi na po ako" pagpapa-alam ko sa kanila. Napatayo naman si Denmark kaya napa angat ang tingin ko sa kanya. Matangkad siya at hanggang balikat niya lang ako.
"Hatid na kita" akala mo naman sobrang layo ng inuuwian ko eh ilang hakbang nga lang.
"Huwag na, Demark. Samahan mo na lang sila tito at tita dito kaya ko naman" hindi ko na siya inantay sumagot at dali daling naglakad palabas. Paglabas ko napatakbo ako sa bahay ewan ko kung bakit basta pag pasok ko hinanap ko agad si Jack.
Tahimik ang loob ng bahay at walang kahit anong ingay kang maririnig "Jack!" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot. "Jack!" naglakad ako papunta sa kitchen at nakita ko siya na tahimik na kumakain sa islang counter. Dalawang pingan ang nakalagay sa Islang counter ang isa ay sana'y sa akin. "Jack..."
"Bakit ka bumalik?" bakas sa tono niya na galit siya. I saw his perfect jaw tightened. "Syempre babalik ka nga dito kasi dito ka nakatira" dagdag pa niya. Naglakad ako papalapit sa kanya at naupo sa island chair na katabi niya.
"May nakalimutan ako" pakiramdam ko na konsensya ako dahil hindi ko man lang napansin yung effort niya na mag luto para sa akin kahit na hindi naman talaga niya gawain. Maraming bagay na ang ginawa ni Jack para sa akin pero kahit isa doon wala akong na appreciate dahil ang tingin ko sa kanya ay isang body guard ko at gawain niya yun. Pero ngayon hindi ko na siya body guard o ano pa man.
"Ano naman yun?" ramdam ko ang kalamigan ng boses niya. Mas gusto ko ang makulit at mapang-asar na si Jack kesa yung ganito siya. Ngayon lang ako naging ganito sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Dapat ngayon ay nag di-dinner kami ni Denmark kasama ang pamilya niya pero mas pinili ko ang umuwi dito.
"Nakalimutan ko na kumain" napataas naman ang makapal na kilay niya sa akin.
"Akala ko ba ayaw mo?" sarcastic na sabi niya at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
"Nagbago isip ko. Kaya ipagsandok mo na ko" napangisi naman ako ng pagsandukan niya ko. Tinikman ko ang niluto niyang sinigang at masarap yun. Hindi ko akalain na masarap pala siyang magluto.
"Masarap ba?" tanong niya sa akin at wala na ang lamig sa boses niya.
"Sakto lang" baka kasi lumaki pa ang ulo nito kapag pinuri ko.
"Kumain ka ng kumain mukha kang tingting" nainis naman ako sa sinabi niya kaya hinampas ko siya ng malakas sa braso niya.
"Sinong tingting? Sexy kaya ko!" I said with irritated voice. Maraming nag-aalok sa 'kin na model agency hindi ko lang tinatangap tapos sasabihan ako ng lalaking 'to na tingting.
"Asan?" tinignan niya ang katawan ko na halatang nang-aasar nanaman. Dapat talaga hindi na ako bumalik dito kasi iniinis lang ako ng lalaking 'to.
"Excuse me, Mr. Jack Danworth 'tong sinasabihan mong tingting may invitation galing sa victoria secret. Inaalok nila ko na maging angel kaya lang tinang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng ipasok ni Jack ang spoon niya na may laman na pagkain sa bunganga ko.
"HAHAHAHA ting ting ka pa rin" kanina lang parang hindi na maipinta ang mukha niya pero ngayon tuwang tuwa sa pang-aasar sa 'kin.
"Yak, Jack. Ginamit mo na tapos isusubo mo sa akin. Gross" maarteng sabi ko sa kanya at uminom ng juice.
"Malinis kaya 'to at mabango pa" linapit niya sa akin ang bunganga niya at pinaamoy. Tama siya at ang bango nga ng bunganga niya halatang bagong toothbrush.
Tinulak ko naman siya at tinakpan ang ilong ko na kunyaring nababahuan. "Ang baho, Jack. Huwag ka ngang lumapit sa akin" naiilang kasi ako pag sobrang lapit niya parang hindi ako makahinga ng maayos.
"Hindi kaya" nakangiting sabi niya at inalis ang kamay ko na nakatakip sa ilong ko at lumapit pa sa akin para maamoy ko ang mabango niyang hininga. Napaatras naman ako at akala ko mahuhulog ako sa island chair ng alalayan niya ang likod ko. My Devil! Gracious! hindi ako makahinga ng maayos sa sobrang lapit niya!.
Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya naman malakas ko siyang tinulak. Nang makalayo siya sa akin umayos ako ng upo at nakahinga ng maayos.
"Ang baho talaga, Jack. Kailan ka ba huling nag toothbrush?" iritang tanong ko sa kanya para mawala ang pag ka ilang ko sa ginawa niya. Ngayon lang kami nag kalapit ng ganun simula ng maging driver ko siya.
"Huwag ka ng mahiya, miss madam. Halata naman na nagustuhan mo. Tignan mo yung mukha mo pulang pula na"
To Be Continue...