Trishia’s POV
"Ano ba 'tong mga pinagbibili mo, Trishia. Chichirya, softdrinks tapos chocolate sa field trip ba ang punta mo?" iritang tanong niya sa akin ni Jack habang tulak-tulak ang cart.
"Pakielam mo ba?" patuloy lang ako sa pag kuha ng iba't ibang chocolate.
"Breakfast, lunch, dinner gusto mo ayan ang kainin mo?" syempre hindi snack ko lang yan.
"Kakain tayo sa restaurant" yun lang ang naiisip ko para makakain ng maayos.
"Restaurant? iba ka talaga miss madam. Sana binili mo na rin yung restaurant" pwede rin. Kapag bumili ako ng restaurant at least hindi ko na pro-problemahin ang pagkain ko. Hindi ko na kailangan matuto na magluto kasi may restaurant ako na magluluto para sa akin.
"May tama ka rin palang sasabihin" nakangiting sabi ko kay Jack. Akala ko iinisin niya lang ako buong araw.
"Ay putangina"
"Minumura mo ba ko, Jack?"
"Hindi miss madam. Pwede naman na hindi ka na bumili ng restaurant mag luto na lang tayo sa bahay" hindi nga ko marunong mag luto. Kahit itlog nga hindi ko kaya.
"Anong alam ko sa pagluluto?" mataray na tanong ko sa kanya. Kanina lang ang talino niya ngayon ang bobo na.
"Wala ka nga palang alam sa kahit anong gawaing bahay" pang iinsulto sa akin ng Jack na 'to.
"Wow edi ikaw na ang may alam. Ikaw ang magluluto, ikaw ang maglalaba, ikaw ang maghuhugas, tapos ikaw na rin ang mag linis ng bahay" masyadong epal si Jack kaya bagay lang sa kanya maging tagaluto, tagahugas, tagalinis ng bahay, tagalaba in short katulong. May alam pala siya edi siya ang gumawa.
"Palala ka na ng palala, miss madam. Hindi mo nga ko driver o body guard pero ginawa mo naman akong katulong. Baka gusto mo na rin akong gawing aso mo" aso ng daddy ko na magiging aso ko. Sa susunod na lang.
"Bilhin mo na lang ang mga kailangan sa paglilinis at pagluluto then ako dito lang sa mga chocolates" nakangiting utos ko sa kanya para mairita pero wala man lang sa kanya.
"Huwag kang aalis dito" aniya.
"Akin na yang cart kumuha ka na lang ng bago" I said.
"Pag may problema sigaw ka lang" natatawang sabi nito bago umalis. Pag sumigaw kasi ako baka mabasag ang salamin sa tinis ng boses ko.
Kumuha lang ulit ako ng kumuha ng chocolate at hindi na tinignan kung anong klaseng chocolate pa yun.
"Trishia?" napalingon naman ako sa tumawag sa akin.
"Hi Denmark, ikaw pala" ani ko.
"Mag-isa ka lang?" tanong niya sa akin.
"Hindi" maikling sagot ko at nagpatuloy na ulit sa pagkuha ng chocolate.
"Mahilig ka pala sa sweet, sweet rin ako baka gusto mo" bumabanat pa baka mabanatan pa ng daddy ko 'to. Hinampas ko naman siya sa braso niya at palihim na kinikilig.
"Corny ka pala" pero mukhang enjoy naman kausap si Denmark. Buti na lang at kapit bahay ko lang siya. Kapag naiinis ako kay Jack may makaka-usap naman pala 'ko.
"Hindi ako nagbibiro seryoso ako. Seryoso sayo" ay bumabanat nga. Ganyang ganyan rin yung mga naging boyfriend ko pero sa huli iniwan rin ako dahil sa takot kay daddy. Teka bakit ba ang bitter ko? Puro chocolate na nga 'to para naman mawala ang kabitteran.
"Tumigil ka nga diyan" mahinhin na sabi ko na parang nagdadalaga pero naka halos 100 boyfriend na talaga ako. Nagpipiling lang ako na ngayon palang mag kakaboyfriend. Oh my Demon! bakit iniisip ko agad na magiging boyfriend ko ang isang 'to.
"Pwede bang makipag kaibigan?" kaibigan? pakipot pa baka gusto mo na nga ko maging girlfriend charot! Pero sa pakikipag kaibigan naman talaga nag-uumpisa ang lahat tapos mag wawakas sa pambubogbog ni daddy.
"Oo naman" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Pwede ka ba mag dinner mamaya sa bahay? Gusto ka na rin makilala nila mama" ay lord! Dinner date agad with fam. Iba din pala mga galawan ni Denmark. Kaibigan muna tapos dinner date agad with fam. Ang ganda ko talaga.
"Sige" mahinhin pa rin na sagot ko.
"Sunduin na lang kita mamaya" may pasundo pa siya eh mag kapit bahay nga lang kami. Totoo pala na sweet siya ehe.
"O--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may bumangga sa cart ko.
"Tara na, miss madam" singit ni Jack. Napatingin naman ako sa cart na tulak niya. May mga detergent doon at body wash pati na rin ibang panlinis pero walang pagkain.
"Nasaan ang mga ingredients?" mataray na tanong ko sa kanya. Kitang nag-uusap kami ni Denmark tapos bigla siyang e-epal.
"May alam akong lugar na mas magandang bilhan ng ingredients" kaya pala ang bilis niya kasi hindi bumili ng ingredients.
"Bakit hindi pa dito?" para naman makapag-usap pa kami ni Denmark. Malapit na kami sa level ng getting to know each other kaya lang umepal pa. Lumapit sa akin si Jack at bumulong.
"May nakita akong tauhan ng daddy mo" kinabahan naman ako sa sinabi ni Jack.
"Seryoso? oh my devil! Excuse us Denmart" pagpapaalam ko at tinulak na ang cart papunta sa cashier.
Habang nakapila kami hindi ko maiwasan na mapalingon sa paligid para tignan ang mga tauhan ni daddy pero parang wala naman. Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jack at mas nilapit sa kanya.
"Huwag ka ng lumingon nandiyan na sila" aniya.
"Wala naman akong nakita na tauhan ni dad kaya bitawan mo na ko" pinipilit ko na kumalas sa kanya pero masyado siyang malakas kumpara sa akin na maliit lang at hanggang dibdib niya lang ako. Alam ko ang mga uniform ng mga tauhan ni daddy.
"Nagpapangap sila na mga customer para hindi mag kagulo" nawindang naman ako sa sinabi ni Jack. Ayoko pang mahuli ni daddy. Wala pa ngang isang Linggo tapos mahahanap na niya agad ako. Oh no!
"Matagal pa ba yan?" iritang tanong ko na kinakabahan na rin. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng gawin sa aking ng daddy ko kapag nahanap na niya ko.
"Malapit na, ang dami mo kasing chocolates" nagulat ako ng bigla akong paharapit ni Jack sa kanya at sinapo ang magkabilang pisngi ko.
"Bitawan mo nga ko!" inis na sambit ko pero pabulong lang.
"Nasa likod sila" nanlaki naman ang mata ko kaya agad akong napayakap kay Jack at tinago ko ang mukha ko sa dibdib niya. Ayoko pang makita si daddy kaya please sana hindi kami mahuli.
"Dito pa talaga nag landian" rinig kong sabi ng cashier na babae. Kung iba lang ang sitwasyon siguro sinampal ko na 'tong babaeng 'to. Palibhasa wala siyang alam. "Ms. tama na kakayakap sa jowa mo akin na ang bayad" masungit na sabi niya.
Humiwalay ako kay Jack at kumuha ng pera sa bag ko. Pag ka-abot ko ng pera umangat agad ang tingin ko kay Jack na nakangiti lang sa akin na parang walang mga tauhan na naghahanap sa akin.
"Jack, let's go na" sinuot ko ang hood ko at sunglasses para maitago ang mukha ko. Kinuha ni Jack ang mga pinamili namin at naglakad na palabas ng mall. Nang makarating kami sa parking lot tsaka lang ako nakahinga ng maluwag at dali daling sumakay ng kotse. Si Jack naman ay inayos sa likod ang mga pinamili namin.
Pagsakay ni Jack sa kotse agad niya 'tong pinaandar. "Sa palengke tayo mamimili ng mga gagamitin sa pagluluto" palengke? parang narinig ko na yun pero ewan ko kung saan.
"Anong palengke?" takang tanong ko sa kanya. Matagal na kong nakatira sa Pilipinas pero wala pa kong napupuntahan na palengke.
"Wet market, miss madam" sagot niya pero hindi ko pa rin naman alam kung ano ba talaga itsura nun baka katulad lang ng mga super market sa mall.
"Baka makita tayo ng mga tauhan ni daddy" gusto ko munang makapag aliw ng hindi pinipigilan ni daddy or ng kahit na sinong mga tauhan niya.
"Hindi nila iisipin na pupunta ka sa palengke kaya sigurado ako na walang tauhan ang daddy mo doon" ayan nanaman siya sa walang tauhan si daddy doon pero meron naman talaga tulad ng nangyarin kanina sa mall.
"Ayan ka nanaman sa sigurado kemekemerut pero in the end may tauhan si daddy na naghahanap sa akin" tapos yayakap nanaman ako sa kanya para magtago tapos yung cashier sa wet market sasabihan na naglalandian pa kayo kemekeme.
"Kemekemerut saan mo ba natutunan ang mga salitang yan?" natatawang tanong niya sa akin.
"Syempre sa nag-iisang kaibigan ko" kilala rin ni Jack si Angela dahil minsan sabay kaming umuuwi ni Angela gamit ang kotse namin.
"Ang babaeng yun ang kulit rin" napatingin naman ako sa kanya ng may ngiti siya sa kanyang maninipis na labi.
"Close kayo ni Angela?" tanong ko sa kanya.
"Medyo" sagot niya. Maganda ang kaibigan kong si Angela kaya marami rin naman siyang manliligaw.
"Siguro may gusto ka sa kaibigan ko" maluwag ang pamilya ni Angela sa kanya. Hinahayaan siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. Malaya siyang nakaka pag boyfriend at nakakapili ng gusto niyang course. Mabait rin ang mom and dad niya. Minsan hindi ko maiwasan maikumpara ang mga magulang ni Angela sa magulang ko lalo na kay daddy.
"Mabait siya at maganda" nakangiti pa rin na sagot niya. Mukhang may gusto nga siya sa kaibigan ko.
"Bagay kayo" sambit ko pero iba ang tono ng boses ko parang napipilitan. Ano bang iniisip ko?
"Wala akong gusto kay Angela" para namang sumaya ang puso ko sa sinabi ni Jack na wala siyang gusto sa kaibigan ko. Ewan ko kung bakit pero parang nawalan ng tinik ang dibdib ko.
"Siguro marami ka ng naging babae?" gwapo siya kaya imposible na wala siyang naging babae.
"Tinulad mo pa ko sayo na maraming naging lalaki" seryosong sabi niya.
"Marami nga kong naging lalaki pero hindi naman sabay-sabay" bakit ko pa itatanggi eh kilala niya nga lahat ng naging boyfriend ko.
"Wala naman mga t**i ang mga naging lalaki mo" what the hell!
"Ang bastos ng bunganga mo, Jack!" inis na sabi ko sa kanya at hinampas siya sa braso niya.
"Bakit? totoo naman na walang mga t**i ang mga naging lalaki mo. Tinitignan pa lang namin sila parang maiihi na sa pantalon sa takot. Hindi ka man lang kayang ipaglaban" para naman akong nasapul sa sinabi niya. Totoo naman wala talagang nagtangkang lumaban man lang kay daddy para sa akin. Masakit pala talaga kapag totoo.
"Bakit kayong mga lalaki sa una lang matapang? Pagdating sa daddy ko ang bibilis niyong umatras. Hindi pa nga nag-uumpisang magsalita ang daddy ko naiisip agad nilang umatras" ang sabi ko hindi ko na iisipin ang daddy ko pero ito nanaman kami ngayon at nag-uusap tungkol sa daddy ko. Hindi na yata talaga ko makakawala sa daddy ko. Habang buhay na yata siyang tatatak sa utak ko.
"Ibahin mo ko dahil hindi ako natatakot sa daddy mo. Simula umpisa hanggang dulo."
"HAHAHAHA nasasabi mo lang yan kasi wala si daddy tsaka diba tauhan ka ng dad ko" hindi ko pa yata nakikilala ang matapang na lalaki na haharap kay daddy para sa akin.
"Nandito na tayo" napatingin ako sa labas at maraming tao. Ito ba yung palengke na sinasabi niya? Binuksan ni Jack ang pinto sa side ko.
"Wala kang balak bumaba?" oh dito nga kami mamimili.
"Ito ba yung sinasabi mo?" tumango naman siya "Ikaw na lang ang mamili" mukhang hindi ko kayang pumasok sa loob niyan. Sa labas pa nga lang rinig na rinig ko na ang ingay nila paano pa kaya sa loob?
"Sumama ka na. Huwag ka ng mag-inarte" napilitan naman akong lumabas ng sasakyan. Sabay kaming naglakad papasok sa wet market. Tama nga ko na mas maingay sa loob. Tinignan ko ang mga paninda nila na malalansa.
"Jack, are you sure na malinis dito? Baka naman mag kasakit tayo" tanong ko sa kanya.
"Dadalhin ba kita dito kung madumi?" he said using sarcastic tone. Kukutusan ko talaga 'to pag nagkasakit ako sa kinain ko.
Napahinto naman siya sa tapat ng isang stall kaya huminto rin ako. Napatingin ako sa nagtitinda na malaki ang tyan at may suot na apron. May hawak rin siyang itak, mukha naman nakakatakot ang isang 'to.
"Ano sa inyo?" tanong niya sa amin pero sa akin naman nakatingin. Iba yung tingin niya para bang may pagnanasa. Yaaak ang tanda na niya pero mukhang- never mind.
"Sampung kilong manok, sampung kilong baboy" malamig na sagot ni Jack na parang galit pa.
"Por-to lahat" aniya. Hindi ko naman ma gets ang sinasabi niya na four two.
Lumingon sa akin si Jack "Bayaran mo na"
"Huh? magkano ba?" hindi ko talaga alam kung magkano kasi hindi nga maintindihan ang sinasabi ni manong.
"four thousand two hundred" ah ayun siguro ang ibigsabihin ng four two pinaikli lang. Kinuha ko ang credit card sa bag ko at iaabot ko sana sa kamay ni manong ng makita ko na mukhang malansa yun. Yaaak.
"Hindi kami tumatangap niyan" sabi ni manong kaya agad kong nilagay sa bag ko ang credit card. Kadiri hindi ba uso mag hugas ng kamay sa kanya?
"Trishia, cash lang ang tinatanggap dito" napatango naman. Naglabas ako ng five thousand pesos at nag-aalangan nanaman na iabot kay manong. Pero nagulat ako ng bigla nitong hatakin ang kamay ko at hinawakan.
"Ang lambot ineng" hinatak naman ako ni Jack kaya nabitawan ni manong ang kamay ko.
"Oh my! Jack super kadiri" histerikal na sabi ko baka may kumapit sakin na virus uso pa naman virus ngayon. Pakiramdam ko kumapit sa akin lahat ng lansa ng kamay niya. Binuksan naman ni Jack ang bag ko at kinuha ang alcohol ko. Binuhos niya ang alcohol sa kamay ko para mawala ang lansa.
"Wala na" kalmadong sabi ni Jack at pinunasan ang kamay ko gamit ang suot niyang t-shirt.
"Napaka arte mo naman ineng" sabi nung manong.
"Eh tangina mo naman pala!" Galit na sigaw ni Jack.
_________