Trishia Cecilia’s POV
"Panoodin mong maigi ang gagawin ko, miss madam" ngayong araw tuturuan ako ni Jack na magluto. Ewan ko kung anong naisip niya pero nandito kami ngayon sa kitchen para daw ituro niya ang basic kemekeme.
Pinanood ko siya kung paano niya niluto ang itlog ng walang kahirap hirap. "Madali lang pala" kayang kaya ko 'to.
"Sige, ikaw naman" pinatay niya ang stove at inalis ang oil na nakalagay sa pan.
"Dapat hindi mo na pintay ang stove" natatakot kasi akong buksan yun baka bigla na lang sumabog sa mukha ko. Kung ano-anong imagination yung pumapasok sa isip ko kapag susubukan kong buksan ang stove.
"Dapat matutunan mo rin ang pagbukas ng kalan. Paano ka makakapag luto kung simpleng pag bukas ng kalan lang hindi mo kayang buksan" parang teacher naman ngayon si Jack. Bakit hindi siya maging teacher.
"Uutusan ko ang katulong" taas noong sagot ko sa kanya.
"Gawin mo na nga lang, miss madam" sabi ni Jack na parang mauubos na ang pasensya sa akin.
"Inuutusan mo ba ko?" nakapamewang na tanong ko sa kanya. Akala mo kung sino makapag-utos hindi ko nga siya boss dahil ako ang boss niya ay si daddy nga pala ang boss niya.
"Para rin sayo 'to, miss madam" aniya na nagtitimpi lang sa akin. Bibigay din 'to at bigla na lang aalis tulad ng iba.
"So inuutusan mo nga ko?" napakamot naman siya sa makapal niyang kilay.
"Akala ko ba gusto mong matuto na mag luto?" tsk ikaw lang naman ang gusto na matuto akong magluto.
"Oo na" inis na sabi ko at dahan-dahan na binuksan ang stove. Nang makita ko na may apoy ng lumalabas maingat kong nilagyan ng oil ang pan. Kinuha ko naman ang egg at hinati ko sa gitna pero napalakas kaya natapon lang 'to. Akala ko maayos na.
"Try mo ulit, miss madam" inabutan niya ko ng isa pang itlog. Binasag ko ulit ang isa pang itlog pero tulad kanina palpak nanaman. "Isa pa, miss madam" nag-abot ulit siya sa akin ng itlog pero napapalakas pa rin ang pagpalo ko ng shell kaya natapon lang. "Ito swerte na, gaanan mo lang ng konti yung pag palo sa itlog. Marupok yan"
Tulad ng sabi ni Jack ginaanan ko lang ang pag palo at binuksan ko ito para mahulog sa pan. "Oh My Gosh!" nagsitalsikan ang oil nang ilagay ko ang egg sa pan dali-dali akong nagtago sa likod ni Jack na tumatawa lang.
"HAHAHAHA miss madam, natagalan siguro kaya ganyan" si Jack na ang tumapos ng pagluluto sa egg.
"Gosh! I thought it will be easy" sabi ko at uminom ng malamig na tubig. Mainit pala talaga kapag magluluto ka sa kitchen.
"Subukan mo ulit, miss madam" aniya pero umiling lang ako. "Ayaw mo na agad?"
"Mukhang wala talaga kong future sa pagluluto" sagot ko sa kanya. Natatakot ako baka tumalsik sa mukha ko ang oil at masira pa ang clear skin kong mukha. Sayang naman ang ganda ko isa pa naman 'to sa mga nagugustuhan ng mga boys.
"Suko agad?" napatingin naman ako ng masama kay Jack pero agad rin naman akong napaiwas. Hindi ko naman talaga gustong matuto na magluto siya lang 'tong namimilit.
"Ayoko nga" I answered him without looking at him. I can't breath properly when I'm looking to his brown eyes.
"Ang galing mong maglayas pero hindi ko naman pala marunong magluto o ng kahit anong gawaing bahay" I stared at him for what he had said. Para kong nasapul sa sinabi niya. Ang galing kong mag plano na lumayas pero wala nga pala kong alam sa kahit anong gawain.
"Nandiyan ka naman" agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa sinagot ko sa kanya.
"Paano kung hindi ako sumama sayo? Mag-isa ka lang sa bahay na 'to. Paano ka mabubuhay ng mag-isa?" seryosong tanong niya sa akin na parang nasa isang Q and A kami.
"Pwede akong kumain sa restaurant" simpleng sagot ko.
"Restaurant nanaman? wala ka na ba talagang ibang choice? Paano naman ang paglilinis ng bahay? Kapag hindi ka nakapaglinis baka makakuha ka ng sakit. Paglalaba ng mga damit mo? Eh kahit isa sa mga yun wala kang alam na gawin" nainsulto naman ako sa sinabi niya. Wala talaga kong alam sa mga ganun dahil nga lumaki ako ng maraming katulong ang nakapalibot sa akin. Lumaki ako ng hindi tinuturuan ng kahit na sino ng gawaing bahay.
"I will hire a maid" kalmadong sagot ko habang siya ay nagtitimpi. Ewan ko kung bakit siya ganyan wala naman akong ginagawang masama.
"Maid? magtitiwala ka na lang basta-basta sa isang katulong para sa sarili mo. Kaya ka mabilis maloko kasi ang bilis mo rin magtiwala sa kung kanino lang!" tinignan ko siya ng masama dahil sa sinabi niya. Pagluluto lang ang usapan namin tapos napunta dito? Para bang ngayon niya lang nalabas ang lahat ng sama ng loob niya.
"Ano bang pakielam mo?! Hindi naman kita pinilit na sumama sa 'kin dito!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko na pagtaasan siya ng boses.
"Alam mo kung ano yung nakikita ko sayo?" kalmadong tanong niya "Hindi mo kayang mabuhay mag-isa" tama siya, nasapul nanaman ako ng isang Jack Danworth. Buong buhay ko umaasa ako sa lahat ng taong nakapaligid sa akin.
"Ganito na ko, Jack" mahinang sagot ko sa kanya. Para kong nawalan ng boses para sa sarili ko.
"Alam ko. Kaya nga tinutulungan kita na tumayo sa sarili mong paa kaya tulungan mo rin ang sarili mo" lumapit sa akin si Jack at sinapo ang magkabilang pisngi ko. Hindi nanaman ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit nanaman niya sa 'kin.
"Jack.." parang nawala lahat ng katigasan ng ulo ko at kasungitan.
"Patunayan mo sa daddy mo na kaya mong tumayo sa sarili mong paa" tama nanaman siya. Dapat ko rin patunayan kay daddy na kaya kong mabuhay mag-isa nakapagtapos ako ng pag-aaral ko kaya dapat nag tra-trabaho ako pero ayaw ni daddy dahil tingin niya sa akin ay isang mahinang babae lang.
"Thank you, Jack" for the first time nagawa kong makapag thank you sa kanya.
"So ituloy na natin ang pagluluto. Sampung tray pa ng itlog ang meron tayo" nakangiting sabi niya na kinangiti ko rin. Hindi ko akalain na makakatulong sa akin si Jack tulad ng ganito.
"Sige" inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa magkabilang pisngi ko at nagpunta sa harap ng stove. Binuksan ko ang stove at kumuha ng panibagong egg at tinidor na pang basag sa shell ng itlog.
Nagulat naman ako ng biglang maramdaman ko si Jack sa likuran ko. Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na itlog at tinidor. Hindi nanaman ako makahinga ng maayos.
"Dahan-dahan lang sa pag basag sa itlog" naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. Inalalayan niya ko sa pagbasag ng itlog hanggang sa ilagay ito sa pan. Inilapag ko ang tinidor at tinapon ang shell ng itlog. Kinuha ko naman ang spatula. Tulad kanina hawak niya pa rin ang kamay ko.
Nang matapos maluto ang itlog nilagay ko 'to sa isang plate at pinatay ang stove. Napaharap ako kay Jack na mukhang dapat hindi ko ginawa. Sobrang lapit naming sa isa't isa kaya parang mas lalo akong hindi makahinga ng maayos. Titig na titig nanaman ang mga mata niya sa akin na parang ayaw akong pakawalan nun.
"Na-naluto ko ng maayos ang itlog" hindi ko alam kung bakit bigla kong nautal sa kanya. Gosh! Ano bang nangyayari sa akin?
"Very Good, miss madam" he said. Kinuha niya sa akin ang plate na hawak ko at naupo sa isa sa mga island chair. Nakahinga naman ako ng maluwag na makalayo siya sa akin. Para kong mauubusan ng hininga. Gosh! Baka naninibago lang ako kasi wala na ko sa mansyon ngayon.
Nag ring naman ang cellphone ko kaya agad ko 'tong kinuha sa ibabaw ng island counter. Hindi ko na tinignan kung sino ang tumawag basta ko na lang sinagot at naglakad papunta sa sala para mas makalayo kay Jack.
[Hello, bessy] bakas ang pagkataranta sa boses ni Angela.
"Hmm?"
[Ang daddy mo hinahanap ka na]
"Alam ba ng buong bansa?" sarcastic kong tanong sa kanya.
[Hindi naman bessy patago lang silang naghahanap sayo para hindi malaman ng media] kaya pala sabi ni Jack na may mga tauhan daw si daddy sa mall pero nagpapanggap na mga customer.
"Update mo na lang ako sa nangyayari diyan"
[Huwag kang lalayo kay Jack, bessy] napataas naman ako ng kilay kahit na alam kong hindi naman niya kong makikita. [Sure ako na ligtas ka sa kanya.]
"Ok, byee" binaba ko na agad ang tawag dahil ayokong pag-usapan pa namin si Jack. Hindi ko alam kung ilang araw pa ang itatagal ko dito sa Apayao. Gusto ko kapag nakita ko si daddy kaya ko ng tumayo sa sarili kong paa. Pag nagkita kami ni daddy ang gusto ko yung hindi na niya ko minamaliit.
"Miss madam"
"My gosh! bigla bigla ka na lang sumusulpot" napahawak ako sa dibdib ko sa gulat kay Jack.
"Kakakape mo yan, miss madam" nakangiting sabi nito na kina kunot noo ko.
"What?"
"Wala, miss madam. Itatanong ko sana kung may gusto kang puntahan?" napaupo ako sa sofa at sinandal ang ulo ko.
"Tumawag si Angela ang sabi niya patago akong hinahanap ni daddy" naupo siya sa tabi ko kaya naman umusog ako para makalayo sa kanya baka kasi hindi nanaman ako makahinga ng maayos.
"Ano naman?" napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Seryoso ba siya? o baka hindi niya ma gets ang pino-point out ko.
"Hindi muna ko pwedeng lumabas dahil baka pakalat kalat ang mga tauhan ni dad" I said and lean back again.
"Diba mahilig ka sa mga thrill" hindi tanong yun kundi sinasabi niya talaga kung ano ang gusto ko. Hindi ko alam kung gaano ba ko kakilala ni Jack kasi ako ang alam ko lang sa kanya ay pangalan niya at isa siyang makulit at mapang-asar na tauhan ni dad.
"Ano naman connect ng thrill sa paghahanap sa akin ni daddy?" tanong ko sa kanya. mukhang may bago nanamang naiisip ang lalaking 'to
"Kapag nakita tayo ng tauhan ng daddy mo tumakbo agad tayo oh diba may thrill" napa-angat ako ng ulo at hinampas siya sa braso niya.
"Tanga ka ba? Alam mo ba pag nakita ng mga tauhan ni daddy na ikaw ang kasama ko sigurado ako na malilintikan ka na" kahit naman palagi ako iniinis ni Jack tinulungan niya pa rin ako na makarating dito ng mas ligtas. Close rin kami ni Jack kaya ayoko na masira siya sa daddy ko kahit na minsan nakakainis siya.
"Nag-aalala ka ba sa akin miss madam?" napaiwas naman ako ng tingin dahil para nanaman akong hinahatak at kinukulong ng mga mata niya.
"Baka ikamatay mo 'yang pagiging assuming mo" I eye roll. Kapal rin kasi ng mukha.
"Huwag ka ng mag-alala sa 'kin, miss madam kasi hindi naman ako natatakot sa daddy mo" hindi daw takot baka kapag nagharap sila ni daddy mapaluhod na lang siya bigla. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Jack yung lakas ng loob niya na sabihin na hindi siya natatakot kay daddy. Halos lahat ng tauhan ni daddy takot sa kanya kaya imposibleng hindi takot si Jack kay daddy.
"Hindi ako nag-aalala sayo kapag dumating ang araw na pinapahirapan ka na ng daddy ko tatawanan kita. Tandaan mo yan Mr. Jack Danworth" may isang salita ako kaya kung anong sinabi ko sure ako na gagawin ko.
"Kapag naman hindi ka tumawa tutuparin mo ang gusto ko" ito yata ang mukhang pera hindi ang mga naging boyfriend ko.
"Magkano ba gusto mo?" sarcastic kong tanong sa kanya. Hindi ko siya nililingon dahil sigurado akong nakatingin siya sa akin ngayon. Kinakabahan ako kapag makipagtitigan sa kanya. Gosh! ngayon lang ako kinabahan kapag makikipagtitigan. Dati lang sila ang unang umiiwas pero ngayon ako na mismo ang umiiwas ng tingin ng isang Jack Danworth.
"Ms. Trishia Cecilia Yu.." parang tinaasan ako ng balahibo sa batok ko dahil sa boses niya at pag banggit ng buong pangalan ko. "Hindi pera ang gusto ko antayin mo na lang kapag dumating na ang tamang araw" tsk nahihiya pang aminin.
"Kapag dumating yung araw na yun hindi mo naman masasabi sa 'kin dahil sure ako na tatawanan kita HAHAHAHA" gusto kong makita kung paano pahirapan ni daddy si Jack tulad ng pagpapahirap ni Jack sa mga naging boyfriend ko. Sabi nga nila babalik at babalik sa 'tin ang ginawa natin sa kapwa natin pero syempre exempted na ko.
"Huwag kang magsalita ng tapos, miss madam" he said. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Mag-aayos na ko kaya mag-ayos ka na rin" kesa naman mabulok ako dito at least kapag lumabas ako may thrill nga naman. Gusto ko rin makipag habulan sa mga tauhan ni daddy dahil hindo ko pa na try-try yun.
"Sabay tayong maliligo?" napakunot noo naman ako sa tinanong niya. Bastos rin 'to si Jack hindi ko alam na may pagnanasa siya sa 'kin. Gosh! nag-iinit yung mukha ko.
"What?"
"Sabi ko sabay tayong maliligo doon ka sa banyo sa kwarto ako sa banyo dito sa baba. Anong iniisip mo, miss madam?"
________________________________________________________________________________________________________