Trishia’s POV
"Miss madam, miss madam" naramdaman ko na may tumatapik sa mukha ko. Pagbukas ko ng mata ko nakita ko si Jack na sobrang lapit ng mukha sa akin kaya naman hinawakan ko ang noo niya at tinulak para makalayo siya.
"Ang lapit mo" tinangal ko ang seat belt ko at lumabas ako ng kotse. Napatitig ako sa bahay nila na sakto lang ang laki hindi tulad ng mansyon namin na sobrang laki talaga. Gusto ko ng ganitong bahay lang yung simple at payapa lang.
"Pumasok na tayo, miss madam" napatingin naman ako kay Jack na hila hila ang apat na maleta ang dalawa ay kanya. May maleta siyang dala dahil nga leave niya pero ito at kasama ko siya. Naglakad kami papasok ng bahay at walang katao tao, malinis na rin.
Naglakad ako papasok ng kitchen malinis rin at makintab ang mga tiles. Binuksan ko ang ref pero walang laman kahit isa mukhang kailangan na mag grocery. Hindi ko na tinignan ang dining room at umakyat na ako sa taas. May apat na kwarto dito at ang una kong binuksan ang unang kwarto malapit sa hagdan.
Malaki ang kwarto. May king size bed, at may sofa bed pa. Tinanggal ko ang shoulder bag ko at ang hoddie ko tsaka nahiga sa malambot na kama. Nakahiga rin ng maayos, halos 11 hours rin kasi ang byahe namin papunta dito. Narinig ko naman na nag ring ang cellphone ko kaya dinampot ko ang shoulder bag ko at kinuha roon ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot ng makita na si Angela ang tumatawag.
[Nandiyan ka na ba?]
"Yup, maganda ang bahay niyo at malinis"
[Pinaalis ko na muna ang mga katulong tsaka safe sa village namin]
"Miss madam" napa upo naman ako sa kama ko ng biglang pumasok si Jack bitbit ang maleta namin.
"Bakit ba? at nang gugulat ka pa" bigla bigla na lang papasok nakalimutan ko kasing isara ang kwarto.
"Naka lock ang ibang kwarto"
[hello, Trishia? kasama mo ang driver mo?!] sinenyasan ko naman si Jack na wag maingay at nag lakad ako papunta sa terrace.
"Long story. Nasaan nga pala ang mga susi ng ibang kwarto?"
[Dinala ni manang ang akala ko kasi mag-isa ka lang kaya isa lang ang pinabuksan ko]
"Sige thanks, bye na" pagbaba ko ng tawag napatingin ako sa baba may mga kalalakihan ng dumaan na mukhang maglalaro ng basket ball. Napaangat ang tingin sa akin ng isa sa kanila kaya agad akong pumasok sa loob. Gwapo at matcho sila pero baka hindi nila kayanin si daddy.
"Wala ang mga susi ng kwarto" sabi ko kay Jack na nakaupo sa sofa bed.
"Saan ako matutulog?" tanong niya.
"Sa sala"
"What? patutulugin mo ko sa sala?" bakit kasi sumama ka pa?! Tapos ngayon mag rereklamo. Gusto kong isumbat sa kanya.
"Diba body guard ka? magbantay ka doon. Tsaka ikaw itong sumama" pareklamo pa kutusan ko ito.
"Nakalimutan mo agad? naka leave nga ako kaya hindi ako body guard o driver mo lang" inirapan ko naman siya sa sinabi niya. Nakakagigil talaga itong si Jack sarap kutusan na malutong.
"So gusto mo ako sa sala?" sarcastic kong tanong sa kanya "No way!"
"Edi dito na lang ako sa sofa bed" aniya at nahiga sa sofa bed.
"Umalis ka nga diyan, Jack! lumabas ka na at mag hanap ng matutulugan mo! Huwag dito sa kwarto" inis na sabi ko at binato siya ng unan na parang wala lang sa kanya.
"Dito lang ako" aba't iba talaga itong si Jack. Naiinis ako bwisit!
"Punyeta!" galit na sabi ko at kinuha ang maleta ko tsaka pinasok sa walk in closet. Nilagay ko ang mga damit ko at lumabas na.
"Kumain na tayo miss madam ala una na rin" hindi ako nakapag dinner kagabi kaya gutom na talaga ko. Hindi ko na siya pinansin at bumaba na. Dirediretso ako sa kotse niya at sasakay na sana ako ng may tumawag sa akin.
"Hi miss" napatingin naman ako sa lalaking nakasuot ng pang basketball at may hawak na tupperware. Gwapo siya kaya dapat hindi mag taray charot.
"Bakit?" matangkad rin siya at may kaputian. Kasama siya sa mga dumaan kanina.
"Ngayon lang kita nakita dito sa village bago ka siguro" tumango naman ako. "Pinabibigay ng mom ko" iaabot na niya sana sa akin ng kunin ni Jack yun.
"Adobong pusit" binalik ni Jack sa lalaki yun "Ayaw na ayaw niya yan nandidiri siya tapos isusuka niya" sinamaan ko naman ng tingin si Jack pero totoo naman ang sinasabi niya na ayaw ko ng adobong posit at sinusuka ko lang.
"Ah ganun ba. Ok lang, Denmark. Yung katabi niyong bahay amin yun kaya kung may problema katok ka lang sa amin." nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya inabot ko naman ang kamay niya.
"Trishia" ngiti ko sa kanya mukha naman siyang mabait.
"Tama na yan diba kakain pa tayo tsaka nakalimutan mo yung hoddie mo na isuot tsaka yung bag mo sa kwarto natin" sabi ni Jack at pinandidiinan pa ang huling salita.
"Sige alis na kami ng driver ko" pagpapaalam ko kay Denmark at inirapan si Jack bago pumasok sa loob ng kotse. Pumasok na rin si Jack at nag-umpisang mag drive.
"Hindi mo nga ako driver" akala ko pag umalis ako sa mansyon matatahimik ako pero ito at naiirita ako kay Jack.
"Sino ba ang nag dri-drive ngayon? diba ikaw" oh naka leave daw kasi siya nyenyenye.
"Kotse ko ito kaya ako ang magmamaneho" lintek na Jack 'to ang hilig akong surain pero kay kuya naman talaga galing ang kotse na 'to
"Kwak kwak ka ng kwak ka" inis na sabi ko at nag cellphone na lang. Kumusta na kaya si mommy? Hinahanap na kaya nila ko? Nagsisisi na ba si daddy sa ginawa niya?
"Saan mo gustong kumain?" tanong sa akin ni Jack.
"Kahit saan na lang" tamad na sagot ko.
Umalis ako ng bahay ng hindi kami ok ni mommy pero hindi ko na rin kasi kaya ang pag control sa akin ni daddy. Gusto ko na munang lumayo kahit mga dalawang buwan lang o hanggang kailan basta't hindi pa ako nahahanap ni dad. Ipapa realize ko kay dad na maling kontrolin ang buhay ko.
"Nandito na tayo" lalabas na sana ako ng kotse ng naka lock yun.
"Jack, yung pinto" mahinahon na sambit ko.
"Baka gusto mong isuot muna ang jacket mo"
"Ayoko" sayang naman ang kutis ko kung itatago lang.
"Kitang kita na nga yang legs mo pati ba naman ang-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya na magsalita ako.
"Pakielam mo ba? Katawan ko 'to. Kaya ako ang mag de-decide kung ano ang susuotin ko. Lantad man o hindi" masyadong pakielamero utusan lang naman.
"Baka tignan ka nila at bastusin" tsk.
"So ano naman kung tignan nila ako? sanay na sanay na ako at for your information hindi kabastos basto ang suot ko. Disente 'to" may mga tao lang talaga na bastos kung tumingin.
"Ok, mag drive thru na lang tayo" what the-
"Punyeta ka talaga, Jack. Nandito na tayo tapos gusto mo pa na mag hanap ng drive thru. Nandito ka na sa sosyal tapos mas gusto mo pa sa low class"
"Mas ok ng low class kesa sa sosyal na masama ang ugali" teka iba na yata ang sinasabi nito. Pagkain ang pinag-uusapan tapos napunta sa masama ang ugali. Pinatatamaan yata ko ng tuta ni dad.
"May sinasabi ka?" sarcastic kong tanong sa kanya.
"Wala, ang sabi ko mas masarap ang pag kain sa drive thru" minsa pag tulog 'to bigla ko na lang siyang kukutusan o kaya kalbuhin.
"Dito na tayo" sinuot ko na ang hoddie ko para manahimik na siya inabot ko na rin ang shoulder bag ko at kinuha sa loob ang sunglasses ko tsaka sinuot. Narinig ko naman ang pag click na pinto kaya binuksan ko na yun at lumabas.
Naglakad ako papasok ng restaurant kaya agad na nag lingunan ang mga tao sa akin. Alam ko naman na maganda ko huwag na lang silang pahalata.
"Table for two" sabi ni Jack sa waiter.
"This way ma'am, sir" naglakad kami papunta sa table na pang dalawahan. Naupo kami ni Jack doon. Hindi ito ang una na nakasabay kong kumain si Jack minsan ay sinasama siya ni dad.
"Ikaw na ang mag order sa akin" utos ko kay Jack at tumingin na lang sa labas. Kita ko ang mga pulubi na namamalimos. Winawaldas ko ang pera ng daddy ko kung saan-saan pero may mga bata na namamalimos para sa pagkain nila. Ano kaya ang buhay ko kung pulubi ako? Hindi ko nakikita ang sarili ko na nagmamakaawa sa mga tao para sa barya.
"Trishia, naka order na ako. Bakit hindi mo alisin ang salamin mo?" napatingin naman ako kay Jack. Gwapo rin si Jack, his brown eyes, pointed nose. Malaki rin ang katawan niya. Pwede siyang mag model sure ako marami na siyang napaiyak na babae.
"Wala kang pake. Hindi ka ba nag sasawa?"
"Nagsasawa saan?" tanong niya.
"Sa ugali ko" ang iba kong boyfriend iniwan na lang ako basta dahil daw sa ugali ko.
"Ah sa pagiging mataray mo, masungit, matapobre, suwaing anak, ma pride, brat-"
"Huwag kang piling mabait baka akala mo hindi ko alam na kasama ka sa mga nananakit sa mga boyfriend ko noon" isa si Jack sa palaging kasama ni daddy kapag haharapin ang mga naging boyfriend ko para takutin or saktan.
"Matapang ka rin pero hindi naman nakakasawa" pwes ako sawang sawa na sa mukha mo. Hindi na ko nagsalita dahil dumating na ang order namin. Nag umpisa na kaming kumain. Tahimik lang kami habang kumain hanggang sa mabusog ako.
"I'm full, may pera sa bag bayaran mo" tumayo na ako at nagpunta sa rest room. Naghugas lang ako ng kamay at lumabas na. Pagbalik ko sa lamesa namin malinis na.
"Nabayaran ko na" inabot niya sa akin ang bag ko kaya naman kinuha ko yun sa kanya at sinuot na.
"Ito na po yung pinabalot niyo, sir" napalingon naman ako sa waiter na inabot ang apat na plastic na natira sa kinain namin.
"Bakit nagpabalot ka pa? mag gro-grocery tayo" huwag niyang sabihin na kakainin pa niya yan?
"Para sa mga bata 'to" mga bata? "Tara na" tumango ako sa kanya at lumabas kami. Pagkalabas namin iniwan niya yung mga pinabalot niya sa mga pulube na namamalimos. May kabaitan rin pala si Jack akala ko puro kalokohan lang ang alam. Kumuha naman ako ng five thousand pesos.
"Jack, bigay mo 'to sa kanila" inabot ko sa kanya ang pera pero hindi niya tinanggap.
"Bakit hindi ikaw ang mag bigay?" inabot ko ang kamay niya at binigay sa kanya ang pera tsaka sumakay sa kotse.
Tinignan ko si Jack na kinakausap ang mga bata. Kahit naman may kasamaan ang ugali ko naawa pa rin naman ako sa mga tao tulad nila. Bakit kaya sila hinayaan ng mga magulang nila? Si daddy hindi niya ko pinapabayaan kaya naman pati sarili kong buhay hindi ko mapag desisyunan.
"Diretso na tayo sa mall para sa grocery?" tanong sa akin ni Jack na kakasakay lang ng kotse.
"Oo, mag google map ka na lang" baka kasi kung saang mall kami mapunta baka ito nasa mall nga kami napunta pero mall naman ng Manila.
"Kawawa naman ang mga bata. Nakikita ko ang sarili ko sa kanila" napatingin ako kay Jack na nagmamaneho. Mukhang mag kwe-kwento siya ng buhay niya. MMK lang. "Tinulungan ako ng daddy mo noon kaya nakapag-aral ako at nakapagtapos ng pag do-doctor"
"Sayang tinapos mo kung mag magiging driver ka lang" nag-aral ka ng doctor tapos sa huli driver lang.
"Utang na loob ko na rin sa daddy mo" may utang na loob pa siyang nalalaman.
Si daddy hindi niya ko pinayagan makapagtapos sa course ng fashion design na gusto ko, siya ang pumili ng business administration na hindi ko naman gusto pero pumayag pa rin ako. Si kuya naman hinayaan niya lang sa kahit ano. Ang babae sa pamilya namin prinsesa nga pero kontrolado nila kasi mahina daw kami.
"Ganun ba kalaki ang utang na loob mo kay daddy kaya pumayag ka na maging driver ko lang?"
"Ako lang ang nag kusa" maling desisyon yun kung ako yun mas pipiliin ko na maging doctor kesa maging driver.
"Sayang ka. Buti ka nga pinag-aral ng daddy ko sa gusto mong course"
"Pero ma swerte ka pa rin kasi nakakapag-aral ka at may pamilya ka yung mga batang yun hindi sila makapag-aral tapos wala pa silang magulang. Namamalimos rin sila para sa kakainin nila" para naman kinokonsensya ako ni Jack. Para bang sinasabi na bumalik na ko sa mansyon.
"Pero ang tingin naman sa akin ng daddy ko isang mahinang babae" kahit kailan hindi nag tiwala si daddy sa mga naging choice ko sa buhay ko. Lahat yun palagi niyang kinokontra.
"Intindihin mo na lang ang daddy mo" palagi naman yun ang sinasabi nila pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan si daddy.
"Huwag na natin pag-usapan" palagi na lang ako stress sa mansyon kaya dapat ma relax naman ang ako habang hindi pa ko nahahanap ni daddy dahil sigurado ako nag uumpisa na yun mag hanap.
Pagdating namin sa mall hindi ako bumaba. "Nandito na tayo, Trishia"
"Ikaw na lang ang mag grocery" baka may makilala sa akin at mahanap agad ako ni daddy edi walang thrill.
"Ang galing talaga" pumapalakpak na sabi ni Jack. "Hindi mo na nga ko driver ginawa mo naman akong taga grocery iba ka talaga miss madam"
"Sure ako na may makakakilala sa akin diyan kaya ikaw na lang" inabot ko sa kanya ang wallet ko.
"Ang layo na natin sa Manila sigurado ako na wala ng nakakakilala sayo dito" napairap naman ako kay Jack.
"Hindi tayo sigurado" mas mabuting ng nandito na lang ako sa loob ng sasakyan.
"Ako bahala sayo, miss madam. Sagot kita"
____________
____________