Trishia’s POV
"Trishia, let's break up" hindi na ako nagulat sa sinabi ni Kenneth. Alam ko naman naman na iiwan niya rin ako because I'm pretty sure na kinausap na rin siya ng daddy ko na iwanan ako.
"Sobrang natakot ka ba sa daddy ko?" nagulat naman siya sa sinabi ko. Sabi na nga ba, tinakot nanaman ng daddy ko ang isang 'to. Sino ba naman ang hindi matatakot sa daddy ko isang five-star general sa U.S at isang businessman.
"Makapangyarihan ang daddy mo, Trishia" aniya na halata mong takot. Akala ko pa naman kaya niya kong ipaglaban sa daddy ko pero katulad rin siya ng iba kong naging boyfriend.
Lahat ng naging boyfriend ko tinatakot ni daddy. Either pagbabantaan ang pamilya nito or pababagsakin ang negosyo. Hindi ko alam kung bakit palagi itong ginagawa ni daddy pero sa totoo lang nasasaktan ako. Pakiramdam ko lahat ng lalaki ayaw sa akin maliban sa kapatid kong lalaki.
Tumayo ako sa inuupuan ko at sinuot ang Chopard Sunglasses ko. "f**k you" at naglakad na ko palabas ng restaurant. Nakakasawa rin pala ang iwanan. Wala man lang lalaki ang tumapat sa daddy ko. Wala man lang gustong ipaglaban ako. Mabaog sana sila! Ang tapang mag alok ng s*x pero nakatayo pa lang si daddy sa harapan nila takot na takot na agad.
Paglabas ko ng restaurant agad akong sinalubong ng apat kong body guard at pinagbuksan ng pinto sa backseat ng kotse.
"Break up ulit?" I saw smirk on his lips. Bakit ba naging driver/bodyguard ko pa ito ng 7 years? sarap sakalin nangaasar pa.
"Mall" tamad na sabi ko at tumingin na lang sa labas ng bintana. Kailan ba ko hahayaan ng daddy ko sa gusto kong gawin? The hell! I am 20years old now! hindi na ako isang 5 years old or 10 years old na anak niya na dapat mag desisyon sa buhay ko. Hindi nga ko kinukulong sa loob ng maganda naming mansyon pero pakiramdam ko nakakulong naman ako. Nakakulong sa gusto ni daddy para sa akin.
"Iniiyakan mo yung pangit na yun?" Jack said using sarcastic tone. Pinunasan ko naman ang pisngi ko. Umiiyak na pala ko hindi ko man lang naramdaman.
"Shut up Jack Danworth!" ang sarap talagang patayin ng lalaking ito. Palibhasa isa sa mga aso ng daddy ko.
"Wawaldasin mo nanaman ang pera ng daddy mo"
Tuwing makikipag hiwalay sa akin ang boyfriend ko ng dahil kay daddy nagpupunta ko sa mall at namimili gamit ang pera ng daddy ko para man lang maalis ang galit ko kay daddy pero parang wala lang naman sa kanya yun sa dami ba naman ng pera niya. Hindi ko na lang pinansin si Jack at nilabas ang cellphone ko para tawagan ang kaibigan ko.
"Hello, Angela"
[bessy?]
"Naayos mo na ba?"
[Nalipat ko na sa bagong credit card ang pera then malinis na rin ang bahay ko sa Apayao. Ikaw na lang ang kulang]
"Ok thank you"
Binaba ko na ang tawag. Si Angela ay nag-iisang kaibigan ko. Siya lang ang pinayagan ni daddy na maging kaibigan ko. Pati sa pag ka-kaibigan ko si daddy pa rin ang namimili kulang na lang pati isusuot ko siya na rin ang mamili. Mamayang gabi napagdesisyonan ko na aalis na ko sa bahay. Gusto ko magpakalayo layo kay daddy para naman makahinga ako ng maluwag. Napaka toxic kasi nakakasawa na rin.
"Miss madam, nandito na tayo" ani Jack. Simula ng maging driver ko siya tinatawag na niya kong miss madam at siya lang ang tumawag sa akin ng ganun.
"Sumama ka sa loob dahil tutulungan mo kong magwaldas ng pera ng matandang yun" mas gusto kong iwaldas ang pera ni daddy sa mga tauhan niya kesa sa mga luho ko na sobra sobra na.
Pinagbuksan ako ng body guard ko na nakasakay sa isang kotse na nakasunod lang sa amin. Lumabas ako ng sasakyan at taas noong naglakad papasok sa loob. Agaw pansin ako dahil sa mga kasama kong guard para bang isa akong mahalagang bagay na dapat protektahan ayon sa iniisip ng iba pero para sa akin iba. Kilala rin ako dahil isa akong anak ng Yu. Sikat ang pamilya naming dahil na rin sa negosyo ni papa at beauty quenn ang mommy ko noon.
Pumasok kami sa expensive men's boutique. Agad kong kinuha ang mga expensive ng tuxedo para sa mga body guard ko at hinagis sa kanila. Halos ubusin ko ang loob ng boutique para sa mga body guard ko. Hindi naman nila ko pinipigilan dahil ayokong tinatangihan nila ang mga bigay ko.
"Ang tapang kumuha, may pambayad ka ba?" napatingin naman ako sa babaeng mukhang p********e.
"What do you think of me I'm poor" hindi yata ko kilala ng babaeng 'to. Tinangal ko ang mamahaling sunglasses ko na binili ko pa sa France. Nagulat naman ang babae ng makita ang maganda kong mukha. b***h.
"So-sorry po" maglalakad na sana paalis ang babae ng harangan ito ni Jack.
"Hindi ako tumatangap ng sorry lang sa mga nang iinsulto sa akin" akala yata niya tapos na ako sa kanya oh no! maling mali ka. Mainit na nga ang ulo ko kay daddy dinagdagan pa.
"So-sorry po talaga Ms. Yu" ayoko ng sorry lang kapag iniinsilto ako. Tumingin ako kay Jack para bigyan siya ng signal.
"Gusto niyan lumuluhod" napangiti naman ako kay Jack kasi alam na alam niya talaga ang mga gusto ko. Lumuhod naman ang babae na mas kinangiti ko pa.
"Bayaran niyo na 'yan" utos ko sa kanila at sinuot ulit ang salamin ko. Naupo muna ko sa isang sofa sa loob ng boutique habang inaantay na ibalot lahat ng binili namin. Naramdaman ko naman na naupo si Jack sa tabi ko. Sa lahat ng guard ko siya ang pinaka close sa akin.
"Baka may gusto ka pang bilhin" napaikot naman ang tingin ko sa buong boutique na kalahati ng laman ay binili ko na.
"Bilhin mo na lahat 'to" tamad na sabi ko at tumayo na at naglakad palabas ng botique nakasunod naman si Jack sa akin.
Maraming naiingit sa akin. Ang alam nila prinsesa ako ng mga Yu pero hindi nila alam na kontrolado nila daddy ang buhay ko. Maraming may gusto na maging ako pero hindi nila alam kung gaano ko kaayaw ang ganitong buhay. Binibigay nga nila ang lahat lahat ng mga luho ko pero hindi naman nila ako hinayaan na mamili kung sino ang gusto kong maging kaibigan o hayaan man lang na mag boyfriend.
"May gusto ka pa bang bilhin, Miss madam?"
"Umuwi na tayo"
Naglakad kami palabas ng mall pagdating namin sa parking lot agad niya kong pinagbuksan ng pintuan sa back seat. Pagsakay ko sumakay na rin siya at nagmaneho na. Uuwi nanaman ako sa bahay namin kung saan nakatira ang matandang yun.
Pagdating namin sa mansyon agad akong bumaba ng kotse at dirediretso na pumasok sa loob. Nakita ko naman si dad na mukhang inaantay ako.
"My Princess" yayakapin sana ako ni daddy ng umiwas ako.
"Ano nanaman ba dad?" here we go again.
"Binili mo nanaman ang buong boutique baka sa susunod bilhin mo na kay Mr. Peterson ang mall" nakangiting sabi ni daddy na parang inaasar pa ko. Minsang gusto ko na lang tutukan ng baril si daddy.
"Ikaw, kinausap mo nanaman ang boyfriend ko baka sa susunod ipapatay mo na ko" bigla naman nagalit ang mukha ni daddy.
"Hindi siya ang para sayo" tumalikod sa akin si daddy kaya naman naglakad ako papunta sa harapan niya.
"So sino? pang isang daan ko na yata na boyfriend yun dad! Tapos lahat tinatakot niyo! Minsan halos patayin niyo na. Sino ba dad? nag boyfriend ako ng mayaman ayaw mo. Nag boyfriend ako ng mahirap ayaw mo rin. Nag boyfriend ako ng gwapo ayaw mo! Nag boyfriend ako ng pangit ayaw mo pa rin. Nag boyfriend ako ng matalino ayaw mo then nag boyfriend ako ng bobo ayaw mo pa rin! So ano dad? Naglolokohan ba tayo dito. Gaguhan lang?"
"Pera lang ang habol sayo ng mga yun!" galit na sabi ni daddy pero hindi ako natatakot.
"Judgemental mo rin dad. Bakit hindi ka na lang nag judge tutal diyan ka naman magaling" nagulat naman ako ng biglang may sumampal sa akin.
"Huwag na huwag mong babastusin ang daddy mo!" galit na sabi ni mommy. Napaiyak naman ako dahil ngayon lang ako nagawang sampalin ni mommy.
"Mo-mommy" nagulat naman si mommy sa ginawa niya hahawakan sana niya ko ng tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Pumasok ako sa walk in closet ko at hinanda ang dalawang maleta ko. Mamaya aalis na ako sa bahay na ito. Hindi ko na kaya. Kung sana nandito lang si kuya na palagi kong kakampi kaya lang iniwan niya rin ako at mas pinili na pumunta sa New york.
Pagtapos kong mag-ayos ng gamit lumabas ako ng walk in closet ko at nahiga sa kama ko. Mamayang madaling araw ako aalis para konti na lang ang bantay sa labas. Pinagmasdan ko ang buong kwarto ko. Lahat nandito na. Malambot na kama at mamahali tapos may magaganda nga kong damit, magagandang sapatos, bag, alahas pero kulang pa rin.
Ilang oras rin akong nakatulog at paggising ko 2 A.M na. Sumilip ako sa bintana ko at konti na nga lang ang bantay at madilim na sa labas. Pumasok ako sa bathroom ko at naligo. Pagtapos kong maligo nagsuot ako ng sando at short. Pinatong ko naman ang oversize kong hoodie jacket. Kinuha ko ang dalawa kong maleta pati na rin ang shoulder bag ko.
Dahan dahan akong naglakad para makisugarado na hindi makakagawa ng ingay. Sa likod ng bahay ako dumaan. Habang naglalakad ako nakatingin ako sa likod ko kung may bantay ba.
"Aray" nauntog ako.
"Saan ang punta mo?" nagulat naman ako ng makita ko si Jack sa harapan ko.
"Bakit nandito ka pa?" ang alam ko kasi ay leave ni Jack at dapat kanina pa siya nakaalis.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" s**t!
"Hoy! boss mo ko baka nakakalimutan mo!" galit na sabi ko sa kanya pero mahina lang.
"Baka rin nakakalimutan mo naka leave na ako kaya hindi na kita boss" iba din 'to. "Balak mong lumayas" napatingin naman ako sa likod ng may marinig akong paparating kaya agad kong hinatak si Jack para magtago.
"Shh"
"Baka naman may balak ka sa akin" nakangising aniya sinuntok ko naman siya sa matigas niyang tyan.
"Tama na pag a-assume"
"Ah assume sandali sabihan ko lang ang daddy mo na balak mong lumayas" napahawak naman ako sa braso niya para pigilan siya.
"Please naman Jack huwag mo kong isumbong" binaba ko na ng konti ang pride ko para naman makaalis na ako dito.
"Ok."
"Hindi ka talaga magsusumbong? Diba super loyal ka kay dad?"
"Ayaw mo yata" aniya at aalis na sana ng pigilan ko ulit siya.
"Gusto ko" napangisi naman siya at humawak sa labi niya na parang may-iniisip.
"Pero dapat kasama ako" hindi pwede.
"Sira ka ba edi nadamay ka pa" kunyaring concern ako.
"Ang alam ng daddy mo bakasyon ko" hindi ko alam kung tama ba na isama ko itong lalaki na ito na tuta ni daddy.
"Sige sumama ka na. Bitbitin mo yung maleta ko" napatingin naman siya sa dalawang maleta na katabi ko.
"Iba ka talaga miss madam" binuhat niya ang maleta ko at lumabas kami ng mansyon. May kotse na bugatti chiron doon. Nilagay niya ang mga maleta ko sa likod at sumakay na ako sa front seat sumakay na rin siya sa driver seat at pinaandar ang kotse.
"Kanino 'to?" takang tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi nakita ang kotse na 'to.
"Bigay ng kuya mo" aniya.
"Really? hindi ko alam na bibigyan ka ni kuya ng ganito. Close pala kayo" mahalaga kasi ang mga kotse kay kuya. Mahilig siyang mangolekta ng iba't ibang mamahaling kotse.
"Saan nga pala ang punta natin?" tanong niya sa akin habang nagmamaneho siya.
"Dito" inabot ko sa kanya ang address nila Angela.
"Mukhang planadong planado mo ang pag layas"
Matagal ko ng sinabi kay Angela na tulungan akong maka-alis ng manyson kaya naman naisipan niya ang bahay nila sa Apayao. Siya na rin ang nag-ayos ng mga credit card ko para malipat sa ibang credit card dahil sigurado akong ipapaputol ni dad ang card ko kapag nalaman na niya na umalis ako ng bahay.
"Shut up, Jack" ewan ko ba dito kay Jack at mas pinili na maging driver ko pwede naman siyang mag hanap ng mas magandang trabaho kasi nakapagtapos naman siya pero ang lagi niyang sinasabi sa akin dahil sa utang na loob kay dad.
"Gusto mo yata bumalik tayo sa mansyon" napalingon naman ako kay Jack na nakangisi lang habang nag dri-drive.
"Pag bumalik tayo doon magpapakamatay ako" matagal na kaming magkakilala ni Jack kaya naman nakita niya na rin mismo kung paano harap harapan kausapin ni daddy ang mga naging boyfriend ko para layuan ako. Hindi pa naman ako umabot sa punto na mahal na mahal ko ang lalaki dahil alam ko na sa huli iiwan niya rin ako dahil hindi niya ko kayang ipaglaban sa daddy ko. Pero masakit pa rin talaga kapag dumating na mismo doon. Ang gusto ko lang hayaan ako ni daddy sa mga gusto ko. Hayaan niya ko kung sino ang mamahalin ko pero hindi. Kahit kailan hindi niya ko hinayaan.
"Sayo yata ako loyal hindi sa daddy mo."