Trishia Cecilia's POV "Seriously dito?" nasa loob pa kami ng kotse ni Jack. Tinanong niya pa ko kung saan kami pupunta tapos dadalhin niya lang pala ko dito. "Hindi ka pa nakakapasok dito diba" aba malamang. "Tanga ka ba? syempre hindi pa ko nakakapasok diyan 20 pa lang ako" nandito kami sa tapat ng isang casino at hindi ko alam kung anong binabalak ng lalaking 'to. Baka nga wala siyang pera na panglaro diyan. Kaya naman pala naka tuxedo siya. Nag suot tuloy ako ng blue fitted dress na long sleeve tapos backless. "Akala ko naman pupunta tayo sa party. Gosh!" "Alam kong 20 ka palang pero hindi naman mahahalata yan kung kasama mo ko" Palibhasa 28 years old na. Inirapan ko na lang siya at bumaba na ng kotse. Bumaba na rin siya at sabay kaming naglakad. Nagulat ako ng maramdaman ang malaki