Chapter 1 The Beginning

1583 Words
Haider * * " Oh c'mon guy's! Matatapos din ang lahat ng ito makakabalik din tayo sa ating bansa. " Wika ko sa mga mandirigma na lobo " Hindi yon ang inaalala namin. Ngayon may tagapagnama na ng trono kailangan magkaroon ka na rin ng tagapagnama dapat mahanap mo na ang Luna." Wika ng Beta ko na si Mace " Nakita ko na ang Luna Sampong taong gulang pa lang siya. Kasalukuyang siyang nakatira sa pilipinas. Napaka ganda niya kulay ginto ang buhok at kulay Lila ang mga mata. Pero hindi pa ito ang tamang panahon para kunin siya. Kasalukuyang pa tayo nahaharap sa digmaan." Paliwanag ko habang nakangisi biglang nawala ang ngiti ko " Inay! Masakit po parang awa nyo na! Huwag po. Tama na po." Napamura ako bigla ng maalala ang kalagayan ng batang Mate ko. Nang huling bisita ko sakanya hinahampas siya ng kahoy sa iba't ibang bahagi ng katawan gusto ko sana lapitan pero hindi ko siya pwede kunin nalang basta-basta. Sa mundo ng mga tao may sinusunod din na batas kailangan maampon ko siya ng legal. " Mace! Pumunta ka pilipinas, Bilhin mo sa malaking halaga ang Mate ko. Dalhin mo siya sa pauwi sa bansa natin alagaan at huwag hahayaan saktan ng iba." Mahinahon na Utos ko " Matagal pa ang prosiso kung aamponin mo siya. Sabi ni Filbert special ang bata walang nakakaalam sa kanyang pinanggalingan. Sabi naman ni Luna Andrea special ang bata kahit siya hindi kayang basahin ang nakaraan at hinaharap ng bata. Isa lang ang nasisiguro niya hindi siya tao. Kailangan natin alagaan ang bata hanggang sa masiguro na hindi siya banta sa lahi natin." Seryoso na tugon ni Mace " Huwag naman sana Vampire! Kahit na siya ang Mate ko sa Oras na malaman ko may dugo siya ng Mortal na kalaban natin hinding-hindi ko siya matatanggap. " Tugon ko " Isang beses lang magkaroon ng Mate ang katulad natin. Kung mamatay ang mate mo Alpha maghihintay ka ng isang daang taon bago siya muling ipanganak. " Seryoso na wika ni Mace " Isa akong Alpha hindi ako papayag na magkaroon ng anak na may dugo ng kalaban. Dapat purong lobo lang para masiguro natin ang kinabukasan ng pack." Seryoso na wika ko Tumayo na ako naglakad papasok sa palasyo. Nagkakagulo na naman kompleto kasi nandito na ang Dating Hari at Luna ama ng Kasalukuyang hari namin na si King Ezekiel " Haider akala ko bumalik kana sainyo?" Tanong ni King Ezekiel " Dude! Gusto ko masiguro ang kaligtasan n--- " It's okay! Maraming salamat sa lahat ng ginawa nyo. Halika at nagpahanda ako ng kaunting salo-salo. " Putol ni King Ezekiel sa sasabihin ko, Halos hindi na makapag lakad ng maayos dahil sa kalasingan Ngumiti ako at tumango naglakad ako papasok nakipag kwentohan sa dating hari at luna " Uncle Clay parang hindi ka tumanda " Nakangiti na wika ko " Huhu Bakit bumalik sa pagkababy ang Luna ko." Umiiyak na sambit ni Ezekiel " Maghihintay ka ng 18 year's o mahigit para bumalik ang alala ni Luna. " pang-aasar ni Denzel " Haha! mag-aral kana manligaw baka hindi kana maalala." Sabat ni Ryxiel " Kahapon dumalaw kami ni Filbert tinawag niya akong Papa " Naiiyak na sumbong ni Ezekiel habang patuloy sa pag-inum ng alak. " Puno ng poot ang dibdib mo. Tapos na ang digmaan hindi na natin kaaway ang mga bampira. Alam ko hindi na maibabalik ang buhay ng mga magulang mo subalit hindi lahat ng Bampira masama. Tulad lang din natin sila may mabuti at masama. " mahinahon na Wika ni Uncle Clay Hindi ako umimik nagpatuloy ako sa pagtungga ng alak. Hindi mawawala ang galit ko sa mga bampira sila ang pumatay sa mga magulang ko. " Uncle Clay bakit nga pala biglang naglaho ang kaharian ng mga Lycan?" Biglang tanong ko, Para maiba ang usapan. " Ang pagkakaalam ko ayaw nila makipag halobilo sa kahit na Sinong nilalang. Kaya tinago nila ang kanilang kaharian. Kingdom of Lycan wolf. Hindi lang Lycan ang nakatira sa kaharian nila. May vampire, Wizard and Witch, Wolf. May tao pa nga. Malayang kaharian ang Kingdom of Lycan wolf." Paliwanag ni Uncle Clay " Posible ba na wala silang alam sa mga nangyayari ngayon? Hindi ba sila nakialam sa mga nakaraang digmaan?" tanong ko " Mapanganib din kasi ang Lycan lalo na kung ang dugo nila ay may dugo ng witch o kaya vampire maaaring maging mapaminsala sila sa Oras na makaramdam ng kabiguan kaya nga tinago nila ang kanilang kaharian. Para sa kaligtasan ng lahat." Tugon ni Uncle Clay " Makasarili pala sila? Wala silang pakialam sa mga nilalang na nasa panganib." Wika ko " Uncle Clay matagal akong hindi makakapunta dito. Bata pa ang Mate ko kailangan ko pa siya malayo sa kinilalang niyang mga magulang. Sinasaktan siya at hindi pa nag-aaral kahit na Sampong taong gulang na. Gusto ko siya bigyan ng magandang kinabukasan. " Seryoso na wika ko " Isang beses lang dumating ang soulmate mo. Kailangan mo siya mahalin ng higit pa sa buhay mo. Kamuhian mo na ang lahat wag lang ang mahal mo. Huwag na huwag mo hahayaan na masaktan siya. Huwag mong iparamdam na hindi siya karapat-dapat sayo. Ang labis na Pagkabigo nagdudulot ng labis na pagbabago sa kahit na anong nilalang. Maaaring sa isang pagkakamali mo hindi mo na siya makita pang muli. Alalahanin mo mahihina ang mga tao, Ang iba sakanila pagnasaktan dahil sa pag-ibig magpapakamatay ang iba nababaliw. Meron naman na Kakalimutan niya ang taong nanakit sakanya. " Mahinahon na Wika ni Uncle Clay Napahanga ako sa lawak ng pag-iisip ng dating Hari hindi kataka-taka na ginagalang siya ng kahit na Sinong nilalang. " Hindi ko sasaktan ang Mate ko. Mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko. Huwag lang siya magkaroon ng dugo ng kinamumuhian kong nilalang." Nakangiti na tugon ko " Sa Oras na may dugong bampira ang Luna mo ako mismo ang lalayo sakanya sainyo Alpha. " Wika ni Mace " Gawin mo! Hindi ako magagalit, Itago mo siya hanggang sa kusa ko siya hanapin. " Malungkot na tugon ko Pinipilit ko naman alisin ang galit sa dibdib ko, Hindi lang ako ang nawalan ng mahal sa buhay. Pero hindi ko talaga makalimutan ang pagkamatay ng mga magulang ko. Dahil sa naganap na digmaan sa iba't ibang Angkan kaya isa ang mga magulang ko sa nasawi. " Bakit parang nag-aalala ka na baka may dugong bampira ang mate mo?" tanong ni Mace " Hindi pa tayo sigurado pero isa lang ang sigurado ako hindi siya pankaraniwang tao. Kakaiba ang ganda niya." Sambit ng Inner Wolf ko " Kakaiba ang ganda nya. Hindi ko alam kung bakit natatakot ako. Baka dahil sa nakalaya na Ang bampira, Dahil sigurado sa wala nang gulo sa pagitan ng Lahi natin at vampire." Tugon ko sa inner wolf ko " Tara mabuti pa puntahan natin ang Luna natin. Si Mace nalang ang bahala sa Wolfpack natin. Maninirahan muna tayo sa pilipinas Mamuhay ng semple katulad ng pankaraniwang tao. Hindi pa natin masusubukan Mamuhay ng tulad ng pankaraniwang tao. " pangungulit ng inner wolf ko " Alpha Anong kalokohan ang nasa isipan mo?" Tanong ng Beta ko " Ama! Bumuli na ako ng Private property sa pilipinas nasa bukid, Malawak na kakahuyan may ilog din maganda ang lugar na yon. Tara ama puntahan natin." Magiliw na Paanyaya ng anak-anakan ko na si Filbert Bago pa ako makapag salita hinila na ako ng gago " WAAAAAAH....." Gulat na sigaw ko parang hinila ang kaluluwa ko. Para bang walang katapusan na pagkahulog ang nararamdaman ko hanggang sa bigla ako bumagsak sa Itataas ng bubong ng Two story house " Hehe! Ganda diba Ama. Makakapag laro si Ina Stella dito. Marami akong binili na mga gamit niya pati gamit sa eskwela. Ama ibigay mo sakanya ang Surname mo. " Masaya na bulalas ni Filbert nakatayo siya sa harapan ko Naiinis na sinipa ko siya sa mukha dahilan para gumulong siya pababa ng bubong narinig ko ang malakas na pagbagsak niya " Aaaarayyy! Amaaaa! Bahala ka nga d'yan. Kompleto naman gamit dito nakabalik na nga sa palasyo." Galit na sigaw ni Filbert " Sasama a---- Hindi ko na natapos ang sasabihin ko may kung anong liwanag ang lumipad agad din ng laho pambihira to. Wala akong kakayahan mag travel ng katulad ni Filbert mabilis lang sakanya gumawa ng Portal Tumalon nalang ako pababa binuksan ko ang pinto gamit ang kapangyarihan ko. " Hayst nasaan kasi ang susi ng bahay na to. Nalusaw na ang doorknob." Naiinis na kausap ko Alpha ako ng Death devil moon pack Apoy ang kapangyarihan ko. Isa sa problema ko maiksi ang pasensya ko mabilis ako magalit lagi din akong galit. Dahil siguro sa Apoy na makapangyarihan ko. Kulang na nga lang tawagin nila akong demonyo. " Arayyyy." Gulat na daing ko para bang may lumatigo sa likod ko " Mas malakas ang connection natin kay Stella nasasaktan tayo. Ibig sabihin kasalukuyang siyang sinasaktan ngayon." Sambit ng Inner Wolf ko " AAAAAAAAHhh...." Malakas na sigaw ko para bang may humahampas sa likod at ibang bahagi ng katawan ko Tumalon ako sabay palit bilang malaking Lobo magkahalong itim at brown ang kulay ko tumakbo ako ng tumakbo na walang deriksyon. " Nasaan ka Stella. Paano ako makakapunta sayo. Huwag kang mag-alala parating na ako. Hindi kana mahihirapan Simula ngayon. Bibigyan kita ng bagong buhay. Puno ng pagmamahal at kasiyahan. " Puno ng pag-asang Sambit ko habang tumatakbo " Mate! My Luna." Sambit ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD