Stella
*
*
" Nanay tama na po masakit po. Masakit po. " Pagmamakaawa ko patuloy sa paghampas sa likod ko si Nanay Camille. Gamit ang walis tambo
" Lumayas ka sa pamamahay ko. Malas ka. Hindi ko alam kung bakit kita pinulot sana hinayaan nalang kita masagasaan para hindi na ako nagkamalas-malas. Layass bago pa kita mapatay." galit na sigaw ni Nanay Camille
" Mama! Baka mapatay mo ang salot na yan ikaw din makulong ka." wika ng anak ni Nanay Camille
Nakadapa ako sa sahig habang patuloy sa paghampas sa likod ko si Nanay Camille
Nang tumigil siya agad ako bumangon tumakbo ako palabas ng bahay habang umiiyak
" Bakit ba kasi wala akong maalala. Stella lang ang alam ko na pangalan ko dalawang taon na ako naninirahan kay Nanay Camille araw-araw niya ako sinasaktan. Hindi ko kasi napaubos ang kakanin na nilako ko kanina.
Napatigil ako sa harapan ng katayan ng baboy napatitig ako sa umaagos na dugo nito. Nakaramdam ako ng pagkauhaw.
Wala sa sarili na naglakad ako palapit habang nakatitig sa dugo na nilalagay sa plastic para ibinta sa palingke.
Dinukot ko ang tinago ko na 50 pesos sa bulsa ng shorts ko
" Pwede na po ba ako makabili ng dugo sa halagang 50 pesos po." Magalang na tanong ko
" Oo naman iha! bakit ka umiiyak? Ito libre ko na sayo to. Wala pa naman ang amo ko. Magluluto ba ang nanay mo ng diguan?" Magiliw na wika ng ginang
" O-Opo. Magluluto po ng dinuguan! Natapon ko po ang binili ni nanay na dugo." Kinakabahan na tugon ko
Nanginginig pa ang kamay ko habang tinatanggap ang dugo
Pagkakuha ko nagpasalamat ako at tumakbo na palayo. Wala akong alam kung saan ako pupunta. Tanghali palang ngayon.
" Mas ligtas ako sa kagubatan? paano ba ako makarating sa gubat? " Tanong ko sa sarili ko
Gustong-gusto ko inumin ang dala kong dugo pero natatakot ako baka makita ako ng mga tao. Napanood ko sa palabas ang vampires lang ang umiinum ng dugo. Pero bakit umiinum ako ng dugo? Hindi naman ako bampira hindi ako nasasaktan sa sikat ng araw. Dugo ang nakakagamot sa mga sugat sa katawan ko.
" Kailangan ko itago ang pagiging halimaw ko. Dapat walang makaalam! Baka patayin nila ako. Sino ako? Bakit wala akong maalala? " Mga katanungan sa isipan ko
Kahit Anong gawin ko para bang hindi sapat at hindi abot ng murang isipan ko ang mga kasagutan sa katanungan ko. Sampong taong gulang lamang ako Hindi ako marunong magbasa at magsulat. Bukod sa nakakaintindi ako ng iba't ibang salita wala nang special saakin.
Napagod ako sa kakatakbo naghanap ako ng tagong lugar may nakita akong lumang Sasakyan sa gilid ng kalsada, nagkubli ako. Sabik na ininum ko ang dugo ng baboy matamis ang panlasa ko hindi ko alam kung bakit. Naubos ko ang dugo nawala din ang sakit sa likod ko naramdaman ko ang unti-unting paghilom ng mga sugat ko. Pinunasan ko ang bibig ko gamit ang nakita kong lumang damit sa sasakyan.
Napatingin ako sa mga sakayan ng bus
Naglakad ako papunta doon. Nakipag siksikan ako tumabi ako sa matandang lalaki sa dulo ng bus.
" Aalis na bilisan nyo bago pa tayo mahuli. " Sigaw ng lalaki
" Mama masaya ba sa probinsya? " tanong ng batang lalaki sa kanyang ina Dahan-dahan ko dinukot ang isang libong piso sa bulsa ng pantalon ng lalaki
" Ito po bayad ko mag-isa lang po ako. Sa terminal po sa probinsya ang baba ko. Kasya na po ba yan? " Mahal na Tano ko
" Naku ineng wala ka bang kasama?" Tanong ng lalaki nangunglikta ng bayad
" Kaya ko naman po mag-isa. Susuduin ako ng Lolo ko sa terminal." Nakangiti na tugon ko
" Ito limangdaan nalang! Ilan taon kanaba bata?" Tanong ng lalaki
" Sampo." Tipid na tugon ko Hindi ko alam kung bakit alam ko sampo na ako taon-taon iniisip ko nalang na dumagdag na ang edad ko
" Maghahanap ako ng gubat. Maghahanap ako ng mga hayop sa gubat para maging pagkain ko. napanood ko sa TV maraming ligaw na hayop sa kagubatan. Ang katulad kong halimaw Hindi nababagay sa syudad.
Halos bumaliktad ang sikmura ko dahil siguro sa haba ng byahe. Gabi na ng huminto ang bus bumaba ang mga pasahero. Bumaba din ako napangisi ako naglakad ako papunta sa kabilang bus Pasemple ko kinuha ang bag ng batang kasing edad ko na may lamang mga damit.
Saka ako bumalik sa bus na sinakyan ko Ilang minuto lang umalis na ulit ang bus sa tingin ko sampong oras ang byahe masakit na pwet ko sa kakaupo.
Paghinto sa terminal agad na ako bumaba akmang kakausapin pa sana ako ng lalaki na katabi ko pero tumakbo na ako
Napapangiti ako habang naglalakad sa tabing kalsada, Sariwa ang simoy ng hangin. Para bang ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan.
" Tika saan naman ang gubat dito? " Tanong ko Puro kasi kabahayan ang nakikita ko may puno naman sa mga bakuran ng kabahayan.
Kahit na madaling araw na nagpatuloy lang ako sa paglalakad, Hindi ako nakaramdam ng pagod at gutom. Kakaibang tuwa ang nararamdaman ko. Wala naman akong pamilya bakit ako magpapakahirap sa pamilya na yon. Dalawang taon ako nagtiis sa pang-aabuso nila.
Minsan gusto-gusto ko sipsipin ang dugo nila pero may kung anong pinipigil saakin. Sa tuwing nagagalit ako nauuhaw ako sa dugo minsan hindi ko kayang pigilan kaya sa palingke ang punta ko.
" Anong klasing nilalang ako? Tao ba ako? Wala naman ako kapangyarihan tulad ng napanood ko sa TV. Halimaw ba ako o baka sinumpa ako?" Kausap ko sa sarili ko
Nakaramdam ako ng pagod naupo ako sa tabing kalsada habang nakaupo ako may natanaw ako na mataas na bundok.
Tumayo ako sabay takbo hinababol pa ako ng mga aso ang dami nila pero napapangiti pa ako Napagtanto ko na malinaw ang paningin ko kahit na madilim.
" Ituturin ko na biyaya ang sumpa saakin. Dapat matuto ako sa maraming bagay sa bundok magsasanay ako sa kakayahan ng sumpa na nanalaytay sa dugo ko. Baka sakaling maalala ko ang nakaraan ko.
Isang oras ako tumakbo Nakarating ako sa ibaba ng bundok magpahinga ako sa ilalim ng puno.
Nakarinig ako ng malakas na alolong nakaramdam ako ng takot parang kakaiba ang alolong na yon parang hindi Aso.
" Baka ligaw na Aso. Grabe ang ganda! " Nakangiti na sambit ko habang pinapanood ang unti-unting pagsikat ng araw.
" Stella! Wala nang mananakit sayo! Wala nang mang-aapi sayo? Huhu Sino ba kasi ako? Inaaaaaaaa! Amaaaaa! Bakit mag-isa ako? Sino ako? Bakit mag-isa ako?" Umiiyak na sambit ko
" Balatan ko kaya ng buhay ang buong pamilya ni Nanay Camille?" Biglang sambit ko natigil ako sa pag-iyak
" Diyos ko Stella! Bakit naiisip ko ang ganon kasama, Hindi ako dapat manakit ng tao. Hindi naman lahat masama, Masama din naman ako halimaw ako. " Kausap ko sa sarili ko
" AAAAAAAAHhh! Huhu Halimaw...." malakas na sigaw ko may biglang nalaglag na Ahas sa harapan ko
Napangiti ako hinuli ko ang Ahas tinapon ko sa malayo muli ako naupo sa ilalim ng puno hanggang sa hindi ko na malayan nakatulog na ako.
*
*
Haider
*
*
" Sinabi ko na diba? Pinalayas ko na kahapon pa umalis. Baka patay na ang malas na batang yon." Mataray na wika ng Ginang
Tumalikod ako walang imik na naglakad palayo pilit ko inaamoy ang naiwan na amoy ni Stella Nakarating ako sa palingke at terminal ng bus. napamura ako napatingala ako sa CCTV. Kakaiba ang amoy ni Stella para siyang Rosas.
Nakiusap ako kung pwede makita ang CCTV footage Kahapon pinagbigyan naman ako ng Sabihin ko nawawala ang anak ko. Pambihira kailangan ko pa magsinungaling para lang mahanap ang batang soulmate ko.
Ilan sandali lang nasa byahe na ako papunta sa probinsya kung saan ako dinala ni Filbert nakakatuwa dahil iisang lugar lang ang pinuntahan niya, Pag-aari ko ang kabuohan ng bundok sa lugar nayon. Billion ang ginastos ni Filbert para sa lugar na yon.
" Nakakainis ang babaeng yon! Kung kumakain lang ako ng tao uubusin ko kainin pati buto ng gagong yon. " Galit na sambit ng Inner Wolf ko
" Kasalanan natin! Dapat nang nakaraan buwan pa natin siya kinuha sana hindi na siya nahirapan. Sabi ng mga kapitbahay ng babae binugbog daw ang bata bago nagpinalayas. Nakakaawa ang mate natin. Nag imbistaga narin si Mace pero walang nakakaalam kung sino ang mga magulang ng bata. Basta isang araw nakita nalang nila na sumusunod na sa babaeng pangit na yon si Stella tinatawag daw na Ina. Dahil sa lulong sa pinagbabawal na gamot ang babae at kanyang Asawa kaya ang bata ang naghahanap buhay para sakanila. Tapos sinasaktan pa. Iuuwi natin siya sa bahay tapos pag-aaralin." Mahabang paliwanag ko sa wolf ko
" Iisa lang naman tayo. Baliw kaba alam ko na yan." Inis na tugon ng wolf ko
*
*
Stella pow
*
*
Nakatitig ang bata sa Ahas Nagdadalawang isip kung paano niya kakainin ang ahas. Napatingin siya sa ligaw na manok napangiti ng nakakaloko ang bata tumakbo ito pero lumipad ang manaok sinundan niya ang manok hanggang sa makarating sa gitna ng gubat may nakitang dalawang palapag na bahay. Ilang araw na siya sa bundok mga prutas ang naging pagkain niya.
" May bahay! Sayang ang manok tika walang tao. Pwede siguro ako kumuha ng apoy ano ba tawag sa bagay na yon? Lighter. Oo nga lighter tapos huhulihin ko ang manok. Maraming manok dito Hindi naman siguro mahahalata ng may ari kung babawasan ko ng isa. nagugutom na ako." Kausap ng bata sa kanyang sarili
Matigaya na sinira ang pinto ng kusina ng makapasok naghanap siya ng Lighter nakakuha naman ito dinampot din niya ang kawali. Paglabas ng bata sa kusina binato niya ang manok gamit ang kawali.
" Patawarin mo ako manok nagugutom na ako. Huwag kayo mag-alala isang manok lang nanakawin ko sa isang araw." Kausap ko sa manok na wala nang buhay
Akmang dadampotin ko na ang manok ng may nagsalita
" Tigil." Sigaw ng isang lalaki
Natigil ako sa akmang pagdampot ng manok napatayo ako sa nagsalita nakatayo sa pinto ng kusina.
Nagkatitigan kami matangkad na lalaki banyaga ang itchura. Itim na itim ang kanyang mga mata
Napatayo ako ng tuwid napaawang ang labi ko nanginig ang tuhod ko sa sobrang takot, Nanlalaki ang mga mata ko napaatras ako.
" P-pasensya na ginoo. Hindi na mauulit." Pautal-utal na pakiusap ko
Tumalikod ako sabay takbo
" Tika! Stella." Bulalas ng Lalaki natigil ako sa pagtakbo
" Kilala ako ng ginoo." Bulalas ko