Hidden tribe's of Lycan
" Inaaaaaaaa Amaaaaa! Ayako! Ayuko malayo sainyo! Inaaaa Amaaaa! " Sigaw ng batang babae
Lumuhod ang ina ng bata hinalikan sa noo ang anak pinunasan ng luha gamit ang kanyang kamay bago nagsalita
" Anak! Stella! Pumunta sa mundo ng mga tao, Ikaw lang ang tanging makakatanggal ng sumpa na bumalot sa bayan natin. Sa iyong paglayo makakalimutan mo kung saan ka ng mula. Subalit huwag kang mag-alala pagdating ng iyong ikalabing walong kaarawan babalik ang lahat ng iyong alala. Subalit kapalit nito ang paglimot sayo ng mga nilalang na lubos na nagmamahal sayo. Kamumuhian ka nila pagtatangkaan kitilin ang iyong buhay. Pagpakatatag ka hanapin mo kami at palayain sa bilangguan na to. Tatlong makapangyarihan dugo ang nanalaytay sa dugo mo, Lagi mong pairalin ang kabutihan sa iyong puso. " Mahabang sabi ng ginang
" Ina bakit ano ba ang sumpa na bumabalot sa bayan natin? Bakit ako lang ang pupunta sa mundo ng mga tao?" Umiiyak na tanong ng paslit
" Dahil ikaw lang ang nag-iisang may dugo ng witch ikaw lang makakalabas sa makapangyarihan harang na ginawa ng namayapa natin pinuno. Bago siya binawian ng buhay nagawa niyang isumpa ang lugar na to. Para maitago ng panghabang panahon. Nawala sa tamang pag-iisip ang Ating Hari kaya ito nangyari. Sanhi ng labis na Pagkabigo at poot sa kanyang puso. " Mahabang paliwanag ng ginang
" Ina! ano ba ang poot at pagkabigo? Paano naging mapanganib ang pagkabigo?" Inosente na tanong ng bata
" Stella! Ang poot ay galit isang damdamin na dulot ng maraming bagay. Kahit Anong mangyari huwag mo hayaan lamumin ng poot ang iyong puso. Kabutihan ang lagi mong pairalin. " Nakangiti na Paliwanag ng ginang
Hinawakan nito ang Ulo ng bata nagbigkas ng mga mahiwagang salita na magkukubli sa kapangyarihan ng bata.
" Stella Sampong taon mula ngayon babalik ang iyong alala kasabay ng pagbabalik ng iyong kapangyarihan. Gawin mo ang lahat upang mapanatiling ang kabutihan sa iyong puso. Sa Oras na lamumin ka ng galit mananaig ang pagiging bampira mo. Magiging uhaw ka sa dugo wala kang pipiliin, Magiging dahilan ng iyong kapahamakan. " Mahinahon na wika ng ginang
" Alalahanin mo ang lahi na iyong pinagmulan.." Wika ng ginoo
" Apo ama! Halahating Vampire at Witch aking ina. Isang Alpha wolf naman ang aking ama. Tatlong makapangyarihan dugo ang nanalaytay sa aking katawan. Ang dugo ko ay isang lason at Lunas. Lunas para sa mga nilalang na may kabutihan sa kanilang puso at lason naman para sa mga nilalang na wala nang natitirang kabutihan sa kanilang puso. " Tugon ng paslit
"Mahalaga ang iyong dugo! May kakahayan ito ibalik ang buhay ng mga nilalang na pumanay na sumabit Kapalit nito ang pananaig ng dugo ng bampira sa iyong katawan. Kaya hanggat maaari huwag mo gagamitin ang kapangyarihan na iyon. Paalam Stella hanggang sa muli." Mahabang wika ng ama ng bata
" Ina! Ayaw ko. Gusto ko dito." umiiyak na wika ng bata
" Anak nakikita mo ba unti-unti kami nagiging bato, Wagas na pagmamahal ang Lunas saamin." Wika ng ginang
Bumukas ang isang lagusan tinulak ng ginang ang bata papasok sa nagliliwanag na lagusan
Lumabas sa lagusan ang batang walong taong gulang Malaginto ang buhok nito kulay Lila ang mga mata nito.
" Bata! " Tawag ng isang babae
" Stella! Stella ang aking pangalan! Nagmula ako sa angkan n---
Natigilan ang bata sa pagsasalita wala siyang maalala bukod sa kanyang pangalan
Naglakad ang bata na parang wala sa sarili. Muntikan na siyang mahagip ng sasakyan mabuti nalang nahila siya ng ginang na naglalako ng kakanin
" Ikaw magpapakamatay kaba? Saan ka nakatira? ". Galit na tanong ng ginang
" Stella ang pangalan ko! Wala akong maalala masakit ito." Wika ng bata sabay turo sa kanyang tiyan
" Nagugutom ka? hay naku sumama ka nalang saakin baka mamaya masagasaan kapa dito. Bukas na bukas dadalhin kita sa baranggay para mahanap ang iyong magulang." Masungit na wika ng babae
" Magulang? Ikaw ba ang pinagmulan ko?" Inosente na tanong ng bata
" Aba Siraulo ata ang batang to. " Naiinis na sabi ng ginang