Chapter 16 Pregnant

1868 Words
Haider * * " Tatlong buwan na ako naghihintay na muling dumalaw ang Bampira pero hindi na siya nagpakita. Hindi ko narin siya nararamdaman na nakasunod saakin. " Mace kilala mo ba ang Bampira na laging nakasunod saakin ng mga nakaraan buwan?" Tanong ko " Hindi eh. Napapadaan naman talaga dito ang mga Bampira. Remember tapos na ang alitan sa pagitan ng mga Lobo at Bampira. Ikaw lang ang galit sakanila ." Tugon ni Mace " Hindi mo ako masisisi kung bakit abot langit ang galit ko sakanila." Mariing tugon ko " Kasalukuyang ko na pala pinapahanap ang mga natitirang wolf hunter. " Pag-iiba ni Mace sa usapan " Naalala ko sino nga pala ang batang inalagaan natin? may tumawag kasi saakin sa School daw sila ni Stella hindi na daw pumapasok.." Tanong ko Napaubo si Mace tumikhim bago sumagot " Isang Scholar lang yon! Sa dami ng tinulongan natin hindi ko na sila maalala isa-isa. Hayaan mo na baka may dahilan." Tugon nito " Parang narinig ko na ang pangalan na yon! Hindi ko lang maalala." Wika ko " Ngayon gabi dapat tayo ikakasal. Paalam Mahal hanggang sa muli. " " Sino siya? Bakit sinabi niyang ikakasal dapat kami? Kilan pa ako nagkaroon ng relasyon sa isang Bampira?" Wala sa sarili na sambit ko " Dahil sa putanginang galit mo sa mga Bampira kaya nawala ang kaisa-isang babae minahal mo! Ang tagal mong hinintay na dumating siya sa buhay mo, Binalik niya ang buhay mo, Dapat patay kana ngayon pero dahil sakanya kaya ka humihinga. Pinagtangkaan mo kitilan ng buhay ng nag iisang babaeng minahal mo. Kung alam mo lang kung gaano siya kaganda. Isa siyang totoong prinsesa." Puno ng galit na Sumbat saakin ni Mace Ubod ng lakas ko siya binatukan ' Siraulo ka pala eh. Tigilan mo ang kakanood mo ng Korean drama. Baliw nagdradrama ka naman." Inis na wika ko " Pero hindi drama yon." Pangangatwiran ni Mace Naglakad ako papasok sa kwarto ko nakatitig ako sa labas ng balcony nakatitig sa bituin " Hanggat may bituin na nagninining sa kalangitan ang pagmamahal ko sayo ay hindi maglalaho. Kahit paghiwalayin tayo ng Tadhana Mananatiling magkarugtong ang ating puso. Walang hanggang pagmamahal ko sayo ay hindi maglalaho. " Sino ang babae na nagsabi non saakin? Sino ang babaeng gabi-gabi sa panaginip ko? Bakit pakiramdam ko nasasaktan ako? Nakausap ko si Filbert sabi niya binura ang alaala namin. Maaaring nagsasabi ng totoo si Mace. Narinig ko na tinawag niya ang pangalan na Stella. " kausap ko sa sarili ko " Hindi kaya may gusto si Mace sa Stella na yon? Kung totoong binura ang alaala natin ibig sabihin si Mace lang ang nakakaalam ng katutuhanan. Kaya ba gabi-gabi umiiyak siya dahil sa pagkawala ni Stella? Naku baka napatay natin ang mate ni Mace." Tugon ng wolf ko " Hayst! Huwag na natin problemahin ang mga bagay na hindi natin maalala. Bukas na bukas babalik tayo sa Pinas. Maayos na ang lahat ng Nasasakupan ng wolf pack natin. Hindi sila paghinalaan na mga Lobo dahil nakikibagay sila sa pankaraniwang tao. Nagkalat din sila sa iba't ibang bahagi ng Mundo. Hindi ko nga alam kung bakit ko naisip yan. Palayain ang mga Nasasakupan natin." Kausap ko sa inner wolf ko " Pero mas masaya sila. Bawat isa sa kanila may sariling pangarap. Puno sila ng pangarap. Sa pilipinas nalang tayo mamalagi sa lupain na Regalo ni Filbert saatin dati. Gusto ko matulog sa kubo malapit sa batis. At yong Malaking puno parang special ang lugar na yon? Bakit kaya?" Tugon ng wolf ko " Alphaaaaaaaaa lumabas ka d'yan suntokan tayo." Lasing na sigaw ni Mace Naiinis na lumabas ako ng mansion paglabas ko binigyan ko ng isang suntok si Mace bumagsak siya na wala nang malay hinawakan ko ang isang paa niya hinila ko paakyat sa hagdan wala akong pakialam kung magkabukol siya. Naiinis ako sa pasaway na Beta ko. Binuksan ko ang Kwarto ni Mace hinagis ko siya sa kama napadaing pa siya. Kinabukasan " Alpha bakit kaya parang ang sakit ng katawan ko? may bukol pa ako noo para bang kinaladkad ako." Kausap saakin ni Mace habang nasa byahe kami Natawa ako tumingin ako sa bintana ng kotse " Mas maganda sa pilipinas mas malawak ang kagubatan. Mas sariwa ang hangin." Pag-iiba ko sa usapan " Alpha kinaladkad mo ba ako?" Tanong ni Mace napatingin ako dito " Bakit? Wala akong alam diyan sa pinagsasabi mo. Tumalon ka sa balcony sumigaw ka ng Darna." Tugon ko Natawa ako sa naging sagot ko kasama ko na si Mace sa paglaki ko bata pa kami siya na ang beta ko dalawa sana ang beta ko si Filbert ang isa pero kinuha ni Ezekiel kaya si Mace nalang ang natira " Alpha sigurado kaba na sa pinas na tayo maninirahan?" Nakangiti na wika nito unti-unti na nawawala ang bukol niya sa noo " Yup! Pupuntahan natin ang magagandang pasyalan. Sexy ladies, Just enjoy our lives. Sobrang tagal na tayo nakikipag laban sa kaligtasan natin. Ngayon panahon na para magsaya naman tayo. " Nakangiti na wika ko " Makikipag talik ka sa ibang babae? Diba dapat sagrado ang bagay na yan? Isa pa pwede mamatay ang babae katalik mo." Nakakunot noo na wika ni Mace " Gago! 2024 na ngayon may Condoms na. May internet na nga eh computer's wala na tayo sa pahanon na ang ilaw ay gawa sa langis." Natatawa na wika ko " Bahala ka nga! Magpakasaya ka! Wala ka bang plano mag-asawa?" Inis na tanong nito " Iwan! Gusto ko lang magpakasaya. Pakiramdam ko kasi kahit na anong gawin ko may kulang. Parang hindi buo ang pagkatao ko." Wala sa sarili na tugon ko " Alpha! Tama ka, Siguro kailangan natin mag enjoy sa buhay hayaan natin na ang Tadhana mismo ang magdikta sa mga mangyayari sa hinaharap. Ganito nalang bakit hindi tayo pumunta sa palasyo, Tanungin natin si King Ezekiel sa nawawalang kaharian ng mga Lycan. Hanapin natin malay mo nandoon pala ang hinahanap mo.' Nakangiti na tugon ni Mace " The lost kingdom of Lycan wolf. Narinig ko na dati yan kay uncle, Huwag na natin pakialaman ang mga bagay na nabaon na sa limot baka magkaroon ng pangalawang digmaan pag pinakialaman natin ang Lycan. May mga witch at sinaunang Bampira doon. Mapanganib sila kaya hayaan nalang natin sila mamuhay ng tahimik." Tugon ko Napamura si Mace hindi ko talaga maintindihan ang kinikilos ng isang to. malapit ko na ipatapon ang gago to sa kaharian ng mga Bampira. * * Stella * * " Nagugutom ako kuya painum ng dugo mo." Nakangiti na wika ko nanlaki ang mga ni Kuya napaatras siya " Princess! Magsabi ka ng totoo! Bakit hindi kana bumalik sa dating wangis mo? May binalik kabang pumanaw na?" Tanong ni Kuya Ngumiti ako pero bakas ang lungkot sa aking mga mata. Naupo ako sa ilalim ng puno ng saging nandito kami ni kuya naglalakbay mahigit sampong lawa na ang napuntahan namin pero hindi namin mahanap ang tamang lagusan papunta sa kaharian namin. " Makikinig ako." Mahinahon na wika ni Kuya inabot saakin ang kamay niya Kinagat ko siya sa pulso sabay sipsip sa dugo nito umiiyak ako habang sinipsip ang dugo ng Kapatid ko. Pagkatapos ko uminum ng dugo ni Kuya agad ko pinagaling ang sugat niya. Nakatanaw ako sa malayo nag umpisa ako magkwento. " Katulad ng nangyari sa mga magulang natin. Ang nangyari sayo! Sana dumagan ang araw na muli kayong pagtagpuin ng tadhana. Sana magbunga ang pagmamahalan nyo " Malungkot na wika ni Kuya Niyakap niya ako ng mahigpit umiiyak ako sa dibdib ng Kapatid ko pagsapit ng gabi nag-huli ako ng ligaw na baboy ramo. Inihaw namin ni kuya nagtayo din kami ng Tent, nilabas ni kuya ang beer sa dala niyang ice box cooler. " Kulang kanin. Pero okay na to! Sa tingin mo ilang araw bago natin malaman kung yan bang lawa na yan ang natatagong portal papunta saatin." Wika ni Kuya " Sa kabilugan ng buwan kuya sa susunod na araw pa yon eh. Pero okay lang maganda naman ang tanawin dito." Nakangiti na tugon ko " Bakit nga pala matakaw ka ngayon?" Tanong ni Kuya ngumiti ako ng ubod tamis " Tatlong buwan na ang baby sa sinapupunan ko." Nakangiti na tugon ko napatayo si kuya sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang luha sabay yakap saakin " Huhu magkakaroon na din ako ng pamangkin. Kahit na hindi tayo makabalik dito sa mundo ng mga tao may tagapagnama ng trono. " Umiiyak na bulalas nito " Hindi ako makahinga. Ano kaba." Natatawa na wika ko Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin ngumiti ako bago nagsalita " May plano ako kuya! Kaya ko gumawa ng Portal diba? Gagamitin ko ang kapangyarihan ko para Muling makasabay sa pag-ikot ng Mundo ang ating kaharian. Gagawa tayo ng Isang Tirahan. Tulad ng Village mamumuhay tayo ng tulad ng pangalawang tao. Hanggat maaari hindi tayo gagamit ng ating mga kapangyarihan. Sa Ganon paraan walang magtatangka sa buhay natin." Nakangiti na Paliwanag ko " Tama naisip ko din yan! Panahon na para makisabay tayo sa pagbabago ng ikot ng mundo. Pero hindi ka pwede gumamit ng kapangyarihan hanggat may bata sa sinapupunan mo baka mapahamak ang baby mo." Tugon ni Kuya " Pagnabuksan natin ang lagusan muli ko ito itatago hanggang sa maging handa na ang ating makibagay sa mga tao. " Nakangiti na wika ko " Muli mong balikan ang mate mo. Malay mo magkaroon kayo ng pangalawang pagkakataon " Nakangiti na wika ni Kuya " Sa muling pagtatagpo namin! Hindi ko na itatago ang pagkatao ko. Magpapakilala ako sakanya bilang Bampira." Nakangiti na wika ko " Princess masaya siguro yon! exciting yon pagtatangkaan ka niyang patayin pero hindi niya kaya dahil mahal ka niya." Nakangiti na wika ni Kuya " Para ka talagang bata kuya! paano ka naging Hari?" Natatawa na tanong ko " Simula ng ipanganak ako, Ako na ang Hari eh. iwan ko ba 20 lang naman ako. " Napapakamot sa Ulo na tugon ni Kuya " Kuya! Sinubukan ko balikan si Haider wala nang nakatira sa lugar nila. Abandon village nalang ang dating kinaroroonan ng Buong wolf pack nila." Malungkot na wika ko Nahiga si kuya sa damohan nakatitig sa kalangitan " Nakakalongkot! Hindi talaga lahat ng gusto natin makukuha natin. Lahat ng nilalang may pagsubok na kailangan harapin. Pagsubok na susubukan ang katatagan mo, Pagsubok na huhubog sa buong pagkatao mo. " Malungkot na wika ni Kuya " Kailangan na natin makabalik Kuya! bago pa ako tuloyan maging Bampira. Si Ina lang ang makakabalik sa dating Ako. Namimiss ko na ang malaginto na buhok ko. " Naiiyak na wika ko Tumawa si kuya bago nagsalita " Alam mo kung mahal ka talaga ni Haider kahit ano kapa buong puso ka niya tatanggapin. Huwag mong ibabalik ang dating ikaw na minsan nang naglaho dahil sa pagligtas mo sa buhay ng kaisa isang lalaking minahal mo. Huwag mo sisihin ang sarili mo. Bagkos ipagmalaki mo ito dahil naligtas mo ang mahal mo. " Nakangiti na wika ni Kuya " Pagnakabalik na tayo! Maghihintay ako ng limang taon o kaya sampong taon pagmalaki na ang anak namin muli ko siya hahanapin kasama ang anak namin." Nakangiti na wika ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD